Ang oras na nakalagay sa CCTV footage ay ang araw bago niya mapansin si Cathy na papunta sa ospital para magpalaglag. Sa oras na iyon sa ospital, dinampot niya ang report card ng body check-up ni Cathy at nalaman na kaagad na nagpalaglag si Cathy matapos nitong malaman na ipinagbubuntis nito ang anak niya. Sa kasamaang palad, ang katotohanan ay di tulad ng inaakala niya. Noong araw na iyon, gusto niyang tapusin si Jeremy, ngunit biglang nagpakita si Madeline at sinalo ang bala para dito. Nagalit siya dahil dito at naging resulta nito ay ibinuhos niya ang lahat ng sama ng loob niya kay Cathy na dinadamayan siya sa study room. Tinanong niya pa si Cathy kung mahal na siya nito sa puntong ibibigay nito ang buhay nito sa kanya. Sa mga oras na iyon, nagdalawang-isip si Cathy. Akala niya na tumanggi si Cathy. Ngunit matapos panoorin ang CCTV footage na kusa nitong hinahawakan ang tiyan nito, naliwanagan na siya. Hindi sa hindi ito handang ibigay ang bujay niya para sa kanya,
"Eveline, di na kita mahal. "Ito ang finacée ko, si Yvette. "Ano? Nag-aalala ka ba na baka saktan ko ang anak ni Felipe, Mrs. Whitman?" Naramdaman ni Madeline na sumakit ang puso niya nang ilapag niya ang kamay niya sa sikmura niya. 'Jeremy, ito ang tunay mong anak. 'Sa buong buhay ko, wala akong ibang lalaki maliban sa'yo. 'Pero sa huli, di ka pa rin naniwala sa akin.' Malungkot na ngumiti si Madeline. Bigla niyang naalala na noong nakaraang dalawang araw, may isang di niya kilala na nagsabing di maganda ang kinahantungan ng relasyon niya na nag-add sa kanya sa social media. Sa ngayon, bukod sa di kilalang tao na iyon, wala siyang ibang malalapitan. Kaya tinanggap niya ang request ng estrangherong ito. Kung kailan iniisip niya kung paano babatiin ito, pinadalhan siya nito ng mensahe: [Hello miss, napakasaya ko na in-add mo ako bilang friend.] Sumagot si Madeline: [Ikinagagalak kong makilala ka, stranger.] [Miss, kakatapos lang ng relasyon ko at labis akong nalulu
Labis na natuliro si Jeremy nang kusa siyang yakapin ni Madeline. Sa gitna ng napakadilim na paligid, pinadaan niya ang daliri niya sa baywang ni Madeline nang kusa at sinabi nang mahina, "Bukod sa kontrata, ano pang dapat nating pag-usapan, Mrs. Whitman?" Di siya masisi ni Madeline na magsalita sa ganitong paraan dahil siya naman ang naunang nagsalita nang may ganitong panghahamak. "Jeremy, talagang may importanteng bagay akong kailangang sabihin sa'yo." Nang may mahinang liawanag, ibinaba ni Jeremy ang tingin niya sa taong hawak niya. "Magsalita ka." Huminga nang malalim si Madeline. Habang nag-iingat, tinignan niya ang pasukan ng conference room para masigurong walang ibang taong nakikinig. Hinawakan niya nang medyo mahigpit ang braso ni Jeremy. "Jeremy, sa totoo lang, ang ating一" Buzz, buzz. Kaunting salita pa lang ang nasasabi ni Madeline nang magsimulang umalog ang cellphone sa sahig. Lumaktaw ng tibok ang puso niya. Tumingin siya sa baba sa umiilaw na screen at
Narinig ang mahinang boses ni Felipe sa cellphone. "May nangyari kay Lillian." Biglang nagbago ang mukha ni Madeline. "May nangyari kay Lillian? Anong ibig-sabihin mo niyan?!" "Aksidenteng nadulas si Lillian at tumama ang ulo niya. Dumudugo siya nang husto. Ipinadala ko siya sa Royal Hospital para magamot siya," Kalmadong sinabi ni Felipe. Tapos tinanong niya, "Kasama mo ba si Jeremy?" "Di ko siya kasama. Bibili ako ng ticket para pumunta sa F Country ngayon na!" Lumabas si Jeremy ng conference room at nakita niya si Madeline na tumatakbo patungo sa elevator. Nagdilim ang mata niya nang magmukha siyang nagseselos. "Desperadong-desperado ka na makita siya matapos lang niyang tumawag. Eveline, ganyan ka din ba sa akin noon?" Nag-book di Madeline nang flight buong gabi para magmadaling bumalik sa F Country. Pagdating sa ospital, nasa ICU si Lillian para maobserbahan nang maigi. Sa bintana, tinignan ni Madeline ang maputlang mukhang parang manika. Nadurog ang puso niya sa nak
"Talagang ang lambing ng mga bagong kasal." Ang mga salita niya ay parang isang matalim na espada na tumagos sa puso ni Madeline. Pinigilan niya ang kanyang sarili habang nangangasim ang sikmura niya. Habang nakatitig kay Jeremy at Yvettr na magkahawak ang kamay, ngumiti siya. "Kayo din, Mr. Whitman. Ikaw at ang fiancée mo ay masyadong malambing sa isa't isa." "Malamang." Tumawa si Jeremy. Inilapag niya ang tingin niya sa mahinhin at nakangiting mukha ni Yvette bago sabihin, "Si Vetty ang liwanag sa pinakamadilim na sandali ng buhay ko. Lagi ko siyang papahalagahan matapos maging maswerte na makilala ang ganito kabuting babae na tulad ni Vetty sa buhay ko." "Jeremy, di ako kasingbait ng sinasabi mo." Mukhang nahihiya si Yvette habang nakasandal sa balikat ni Jeremy. "Oo nga pala, dalian mo at ibigay mo sa kanila ang invitation card." 'Invitation card?' Nagtaka si Madeline. Kasunod nito, nakita niya si Jeremy na inaabot sa kanya ang isang invitation card na nakahanda para sa
'Pero paano mo naman ito malalaman Jeremy? Noong oras na iyon, itinaboy kita para iligtas ka. 'Ngayon, iniisip mo na nagbago na ang isip ko at ginagawa kitang katatawanan.' Hinawakan niya ang pangalan sa card habang nakangiti nang namumula ang mata niya. "Jeremy, siguradong magiging masaya ka kapag nalaman mong buhay pa si Lilian." Matapos maisip ang masasakit na bagay na ito, dinampot ni Madeline ang kanyang lapis ulit at iginuhit ang nasa isip niya sa disenyo. Sa susunod na araw, ipinasa niya ang disenyo kay Jeremy. Matagal na oras na ang lumipas ngunut hindi pa rin ito sumagot. Parang ito noong mga araw na binabalewala siya nito. Nang malapit nang maggabi, natanggap na ni Madeline ang sagot ni Jeremy. Sa sagot nito, sinabi niya ang kanyang hindi pagkatuwa at nakiusap sa kanya na gumawa ng bagong disenyo. Habang sinusunod ang ideya ni Jeremy, gumawa ng bagong disenyo si Madeline. Ngunit kahit matapos itong i-edit nang ilang beses, di pa rin masaya di Jeremy. Idiniin n
Habang nakatitig sa nakasimangot niyang mukha, ngumiti si Jeremy. "Ganito ba ako katapang para paglaruan ang aunt ko?" Naglakad ito sa harapan niya. "Kanina pa ako tapos sa meeting ko. Sadyang nakita lang kitang natutulog kaya di magandang gisingin kita." "..." Pagkatapos marinig ang sinabi nito, naramdaman ni Madeline na siya ang may kasalanan. Nang makita si Madeline na tulala, tinitigan ni Jeremy ang kumot na hawak ni Madeline. "Aunty, pakiusap wag mong isipin na ako ang nagbalot sa'yo ng kumot. Ang babae sa front desk ang may gawa nito. Wala itong kinalaman sa akin." Itinanggi niya na may kinalaman sa kanya ang pangyayari. Di nagpakita ng kahit anong pag-aalala sa kanya o pangungulila sa kanya ang mga mata nito. Hinawakan ni Madeline nang mahigpit ang kumot at ngumiti. "Mukhang nagkamali nga talaga ako ng intindi. Kung ganon, pwede bang mag-book ka ng appointment Mr. Whitman? Ayaw kong magsayang ng maraming oras sa'yo." "Wala bang ibang mga jewelry designer sa Whitman
"Inaabangan mo ba ang halik ko, Mrs. Whitman?" "..." "Sayang naman. Ngayon, hinahalikan ko na lang ang babaeng mahal ko." Isang pang-aasar ang makikita sa kanyang ngiti habang kumikislap ang mga mata niya nang may panghahamak. Nalungkot si Madeline ngunit sumagot siya sa kalmadong paraan, "Tingin mo ba talaga inaabangan ko ang halik mo? Sumasakay lang ako sa palabas mo. Jeremy, ang gusto mo lang ay marinig ako na sabihing mahal kita at nangungulila ako sa'yo diba? Sa kasamaang palad, kung gaano kita kamahal noon ay ganon na kita kinamumuhian ngayon. Kuha mo?" Ngumiti siya, iniwasan ang titig nito at umalis sa lugar. Habang tulala, naiwan ni Jeremy na nakabitin sa ere ang kamay niya. Ang kislap sa ngiti niya at mata ay unti-unting kumupas. … Lumipas ang oras at araw na ng Sabado. Nagsuot si Madeline ng isang malinis na gown. Habang nakahawak sa braso ni Felipe, pareho silang dumating sa engagement ceremony ni Jeremy at Yvette. Akala niya marami ang dadalo sa engageme