Home / Romance / Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman / Kabanata 801 - Kabanata 810

Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 801 - Kabanata 810

2479 Kabanata

Kabanata 801

Narinig niya ang boses ng lalaki, malalim at malamig pa rin ang boses niya gaya ng dati. Subalit nanlumo ang puso ni Madeline. Mrs. Whitman.Tinawag niya siyang ganun. Anong ibig niyang sabihin sa 'Mrs. Whitman'? Mahinahong tumingin si Madeline sa makisig niyang mukha. Lihim siyang napanatag nang makita niyang ligtas at maayos si Jeremy. Base sa suot niya, pumunta rin siya dito upang lumahok sa bidding ngayong gabi. Dahil maayos ang itsura niya, mukhang ayos lang naman siguro ang katawan niya. "Mrs. Whitman, ayos ka lang ba?" Nakangiting nagtanong si Jeremy.Umiling si Madeline. "Ayos lang ako." "Kung ayos ka lang, bibitawan na kita." Kasabay ng pagtatapos ng sinasabi niya, agad niyang binitawan ang bewang ni Madeline na para bang wala na siyang nararamdaman na kahit ano. Pagkatapos ay nakita ni Madeline na tumalikod at umalis si Jeremy. Biglang nanlamig ang kanyang puso. Alam niya na siguradong naniwala si Jeremy sa pagpapanggap niya na wala siyang kahit anong nara
Magbasa pa

Kabanata 802

Tumagos sa puso ni Madeline ang salitang ito na parang isang matalas na patalim. Pinagmasdan niyang umalis si Jeremy, hindi man lang lumingon sa kanya si Jeremy. 'Jeremy, talaga palang pinaniwalaan mo ang kasinungalingan ko noon.' "Mukhang wala na siyang nararamdaman para sayo di gaya ng inaasahan ko," Ang sabi ni Felipe ng nakangiti, "May importanteng customer na gustong makipag-usap sakin. Pwede ka munang kumain dito. Babalikan na lang kita mamaya." Tumalikod si Felipe at umalis, naiwang nakatulala sa kanyang kinatatayuan si Madeline. Naglakad siya papunta sa mahabang mesa, dinampot niya ang isang baso ng wine, at uminom siya ulit. Subalit, hindi na niya malasahan ang matamis at mabangong amoy ng red wine—tanging ang pait lamang ang umabot sa kanyang puso. "Hindi ba si Eveline Montgomery yun?" "Sa tingin mo, kaninong asawa siya ngayon? Di ba pinakasalan niya si Jeremy ilang buwan pa lang ang nakakalipas? Bakit kasama niya ang tito ni Jeremy na si Felipe ngayon?" "Ma
Magbasa pa

Kabanata 803

Ito ay si Jeremy. Hindi niya makakalimutan ang tunog ng mga yabag ni Jeremy. Nagmadali si Madeline na ayusin ang kanyang sarili. Dahan-dahan niyang hinaplos ang kanyang tiyan at nagpanggap siya na nagpapahangin siya habang nakasandal siya sa rehas ng terrace. Narinig niya na palapit ng palapit si Jeremy sa kanya. Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso habang palapit si Jeremy. "Mukhang maganda talaga ang buhay mo pagkatapos mong iwan ang isang bwisit na gaya mo, Mrs. Whitman." Sumama ang loob ni Madeline nang marinig niya ang mga sinabi ni Jeremy. Naglakad papunta sa likod niya si Jeremy. Naliliwanagan ng buwan ang malamig at maputi niyang balat. Sumasayaw sa ihip ng hangin ang suot niyang gown habang nakatingin si Jeremy sa kanya. Muling pinagpatuloy ni Madeline ang kanyang pagpapanggap bago siya humarap at tumingin sa mga mata ni Jeremy habang tumatawa. "Ikaw din, Mr. Whitman. Mukhang maganda rin ang naging buhay mo. Nakahanap ka agad ng bagong mamahalin." "Wala a
Magbasa pa

Kabanata 804

Di kalaunan, pagpasok nila sa venue ng bidding at noong nakaupo na sila, nakita ni Madeline na pumasok si Jeremy kasama si Yvette. Iniisip pa rin ni Madeline na mukhang pamilyar ang babaeng iyon, ngunit marahil dahil ito sa mukha siyang isang influencer kaya ganun na lang ang pakiramdam niya sa kanya. Ayaw niyang maupo sila Jeremy at Yvette sa likod nila. Isang upuan lang ang pagitan ng upuan ni Jeremy mula sa likod ni Madeline. Kapag tumingin siya sa gilid, masisilip niya ang makisig at gwapong mukha ni Jeremy. Napansin rin ni Felipe na nakaupo sa likod nila si Jeremy, kaya sinadya niya na hawakan ang kamay ni Madeline kasabay ng paglapit at pagbulong niya kay Madeline. "Napakaganda ng relasyon ni Ms. Montgomery at ng asawa niya," Ang sabi ni Yvette noong umupo siya sa tabi ni Jeremy. "Jeremy, gusto mo bang lumipat ng upuan? Nagkagusto ka noon kay Ms. Montgomery, magiging ayos ka lang ba kung nakikita mo siya?" "Syempre naman. Maganda ang relasyon ng tito at tita ko, kaya ma
Magbasa pa

Kabanata 805

Hindi komportable si Madeline nang maramdaman niya na palapit sa kanya si Jeremy. Noong malapit na siya, sinabi niya na, "Ang dinig ko balak ni Uncle Felipe na gamitin ang lupa na yun para magpatayo ng isang resort para sayo Mrs. Whitman, tama ba? Pasensya na talaga. Gusto kong gamitin ang lupang yun para magpatayo ng kastilyo para sa pinakamamahal kong babae." Sinadya niyang tumingin kay Madeline kahit na hindi nakatingin si Madeline sa kanya. "Sana balang-araw, makatira sa kastilyong yun ang pinakamamahal kong babae at maging isang prinsesa. Nakahanda akong protektahan siya, bantayan siya, at maging tagapagtanggol niya habambuhay." Pagkatapos niyang sabihin yun, lumapit si Yvette kay Jeremy at nagsalita siya, "Jeremy, napakabuti mo talaga sakin." Iniwas ni Madeline ang kanyang mukha dahil sumama ang loob niya. Nginitian niya si Felipe habang pinipigilan niya ang kanyang kalungkutan. "Nagugutom ako, Felipe. Pwede ba tayong kumain?" "Sige." Ngumiti si Felipe at tumayo, mahina
Magbasa pa

Kabanata 806

"Grabdpa, sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin." Kumunot ang noo niya sa inis nang biglang umalog ang cellphone niya. Isang di kilalang tao ang nagbigay sa knya ng friend request gamit ng kanyang phone number. Tinignan ni Madeline ang profile nito. Ang impormasyon na ipinapakita ay isa itong babar at sinabi nito: [Sawi ako at sadyang naglagay lang ng numero. Gusto ko lang makipag-usap sa di ko kilala.] Napagod nang sobra si Madeline at wala pang gana na damayan ang sawing tao. Di nagtagal nakatulog siya. Nitong susunod na umaga, nagsimulang sumakit ang tiyan ni Madeline pagbangon niya. Tumakbo siya sa banyo at sinubukang sumuka, pero walang lumabas. Nang maalala niya ang pagbubuntis kay Jackson, ganito rin ang sintomas na mayroon siya. Noong ipinagbubuntis niya si Lilian, talagang wala siyang emosyon at walang mga masasamang sintomas. Hinawakan niya ang tiyan niya at naalala ang gabi kasama si Jeremy noong nakaraang tatlong buwan. Sa mga oras na iyon, sina
Magbasa pa

Kabanata 807

Nabigla si Madeline sa bigla niyang pagsalita at napatalon ang tibok ng puso ni Madeine. Nanginig ang kamay niua nang malaglag ang psa sahig ang papel na dapat ibabato niya sa basurahan. Nagmamadali niya itong inabot pero nakuha ito ni Jeremy. Lumapit siya at ang makinis niyang mukha ay marahang dumampi sa pisngi niya. Nagsalubong ang paghinga nila saglit. Dinampot ni Jeremy ang bolang papel at itatapon na ito sa basurahan nang makita niyang kakaiba ang ikinikilos ni Madeline. Nang makita ni Madeline na bubuksan na ni Jeremy ang bolang papel, kaagad niyang inabot ito pero nahuli siya. Nang makita nang Jeremy ang laman ng examination report, nagdilim ang mga mata niya. Ang makinis at gwapong mukha niya ay kaagad na nanlamig. Napansin ni Madeline ang pagbabago sa mukha ni Jeremy kaya inabot niya ito ulit, hinablot ang examination report at inilagay ito sa basurahan. Nababahala siya. Di niya alam kung naunawaan ni Jeremy ang laman ng report. Nang pag-isipan niya kung aal
Magbasa pa

Kabanata 808

Sumimangot siya at nagmadaling lumayo. Pagsakay sa kotse, pinakiramdaman ni Madeline ang kanyang tiyan at naisip ang itsura ni Jeremy. 'Galit ba ito, selos, o sakit?' Di matukoy ni Madeline. Ang ayaw niyang malaman ni Felipe ay kaagad na nalaman nito sa mga tauhan niya. Mukhang napakasaya niya. "Eveline, talaga bang ipinagbubuntis mo ang anak ko?" Hindi ito itinanggi ni Madeline. Kapag itinanggi niya ito, ikinatatakot niya na gagawin ni Felipe ang kahit na anong paraan para mawala ang batang ito. Ayaw niyang kausapin si Felipe tungkol sa bata kaya iniba niya ang usapan. "Bukas ang death anniversary ng lolo ko. Pupunta ako sa sementeryo para bisitahin siya." Kaagad na pumayag dito si Felipe. "Dahil pumalpak ang bidding para sa lupa, may ibang bagay akong kailangang asikasuhin. Kukuha ako ng tao para dalhin ka doon bukas." Ngumiti siya ng bahagya. "Eveline, ito ang unang anak natin. Wag kang mag-alala, kahit pagkatapos lumabas ng batang ito, ituturing ko pa rin si Lilian
Magbasa pa

Kabanata 809

Pinanood niyang lumapit sa kanya ang lalaki at nagsimulang bumilis ang tibok ng puso niya. Buntis siya at natatakot siya na baka magpadalos-dalos si Jeremy kaya umatras siya. Nang makita ni Jeremy na umiiwas si Madeline, ngumiti siya at sarkastikong sinabi, "Mrs. Whitman, nag-aalala ka ba na baka may gawin ako sa'yo? Natatakot ka ba na sasaktan ko ang anak ni Felipe?" "..." Talagang nag-aalala siya na baka masaktan ang bata sa loob niya, kahit na anak ito ni Jeremy. Nilunok ni Madeline ang lihim at walang pakeng sinabi, "Tama ka. Ang bata sa loob ko ay napakahalaga para sa akin. Kaya Mr. Whitman, ayusin mo ang ugali mo." Sa sandaling sinabi niya ito, nakita niyang lumubog ang mata ni Jeremy habang naging mas malamig ito sa isang iglap. "Dahil masyado kang nag-aalala, kunin mo ang payong na ito para di ka magkasipon." Nang sabihin niya ito, iniabot niya ang payong sa kanyang kamay kay Madeline at inilabas ang isang bagay mula sa bulsa niya. Tinitigan ito nang maigi ni
Magbasa pa

Kabanata 810

Ang nakakapagpamanhid na sakit sa kanyang puso ay kumalat sa buong katawan niya ulit, at tumingala si Madeline para pigilan ang luha niya. Di na siya pwedeng umiyak ulit. Kailangan niyang maging matatag para sa anak niya. … Pagkatapos dalawin ni Madeline ang puntod ni Len, ihinatid siya sa villa ni Felipe. Nasa isang video conference sa study si Felipe nang malaman niyang nakauwi na si Madeline. Nang malaman niya, maaga niyang tinapos ang conference. Nang makita niyang medyo nabasa ng ulan ang jacket ni Madeline, medyo nag-alala siya. "Di mo ba ginamit ang payong mo? Bakit ka nabasa nang ganyan?" "Mahinang ambon lang yun. Di ako masasaktan nun." Wala siyang pake at nilagpasan niya si Felipe nang umakyat siya ng hagdan. Nasanay na si Felipe sa ugali ni Madeline. "Buntis ka na ngayon. Magkakasakit ka kapag nabasa ka ng ulan." 'Nabasa ng ulan.' Tinignan ni Madeline ang payong na hawak niya. Ibinigay ni Jeremy ang payong sa kanya sa sementeryo kanina lang, pero ang na
Magbasa pa
PREV
1
...
7980818283
...
248
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status