"Ano? Buntis ka?" Tumingin si Karen kay Madeline sa gulat nang unti-unting nagkaroon ng poot ang tingin niya. "Wow, Ms. Montgomery, ang galing mo talaga. Pagkapanganak ng bata, ano kayang itatawag ko sa kanya." "Di mahalaga kung anong itawag mo dito. Ako ang nanay at tuturuan ko ito. Wala kang kinalaman dito." Kalmado si Madeline. Ngumisi si Karen at tumawa. "Eveline, talagang一" "Kainin mo ang pagkain mo," Sumingit si Jeremy nang may seryosong boses at tumingin kay Madeline. "Dahil nagdadalang-tao ka na Aunty Eveline, pakiusap alagaan mo ang katawan mo," Sinabi niya at inilapag niya ang isang pirasong ribs sa kanyang plato. "Naaalala ko dati na paborito mo ito." "Salamat Mr. Whitman, pero di ko na ito gusto. Ibigay mo na lang ito sa fiancée mo. Di mo kailangang mag-alala sa akin." Nanatiling malamig ang pakikitungo niya dito hanggang sa huli at di ginalaw ang pagkain na kinuha ni Jeremy para sa kanya. Lumingin lang siya para ngumiti kay Felipe. Nang panoorin ni Old Master W
Nakita ni Madeline ang isang bakas ng pagiging dominante at lakas sa mga mata ni Jeremy. Nababahala siya na baka magwala ito at may gawing masama sa bata sa kanyang tiyan. "Jeremy, sinabi mo na wala nang namamagitan sa ating dalawa. Dahil di mo na ako mahal, wag mo na akong gambalain." Ipinaalala ito ni Madeline at nagpumiglas na makawala sa pagkakahawak niya kasabay nito. Ngunit ngumiti nang malapad at gwapo ang lalaki. "Bakit ka natatakot sa akin? Natatakot ka ba na baka kainin kita?" Ang amoy ng wine na dala niya ay humihip sa kanyang pisngi na nagpainit sa tainga ni Madeline nang ilapag niya ang kanyang kamay sa dibdib niya. Medyo nabigla siya pero sinubukan niyang pakalmahin ang kanyang sarili para harapin ito nang nagpapanggap na walang pakialam. "Jeremy, pakiusap tandaan mo kung sino ka para sa akin. Ako ang asawa ng uncle mo, kaya ako ang aunt mo…" "Itikom mo ang bibig mo Eveline Montgomery." Bigla siyang sumingit nang may galit na tono nang tawagin siya nito sa
Nakitang pumapatak ang ulan mula sa langit sa labas ng bintana, pero para sa kanya, para itong isang malakas na ulan. "Kakarating ko lang dito at nakita ko siyang mukhang malungkot nang lumabas siya dito. May nangyari ba?" Pumasok si Yvette sa study room. Habang mukhang nag-aalala, lumapit siya kay Jeremy na di nagsasalita. "Ayos ka lang ba?" "Sinabi niya sa akin na kinamumuhian niya ako sa puntong hinihiling niya na mamatay ako." Itinaas ni Jeremy ang tingin niya na namumula. Ang mata niya ay puno ng inis at lungkot nang sabihin niya, "Ipinagbubuntis niya ang anak ni Felipe. Mukhang talagang hindi na niya ako mahal." "Siguro may pinagdadaanan siya na di niya masabi." Dinamayan siya ni Yvette. "Anong klaseng paghihirap ang mag-uudyok sa kanya na utusan ang napakaraming tao para ipapatay ako?" Ngumisi si Jeremy. Tapos tumalikod siya at idinagdag, "Noong araw na iyon sa F Country, kung hindi dahil sa'yo namatay na siguro ako." "Inililigtas ko ang sarili ko habang nililigtas kit
Ang oras na nakalagay sa CCTV footage ay ang araw bago niya mapansin si Cathy na papunta sa ospital para magpalaglag. Sa oras na iyon sa ospital, dinampot niya ang report card ng body check-up ni Cathy at nalaman na kaagad na nagpalaglag si Cathy matapos nitong malaman na ipinagbubuntis nito ang anak niya. Sa kasamaang palad, ang katotohanan ay di tulad ng inaakala niya. Noong araw na iyon, gusto niyang tapusin si Jeremy, ngunit biglang nagpakita si Madeline at sinalo ang bala para dito. Nagalit siya dahil dito at naging resulta nito ay ibinuhos niya ang lahat ng sama ng loob niya kay Cathy na dinadamayan siya sa study room. Tinanong niya pa si Cathy kung mahal na siya nito sa puntong ibibigay nito ang buhay nito sa kanya. Sa mga oras na iyon, nagdalawang-isip si Cathy. Akala niya na tumanggi si Cathy. Ngunit matapos panoorin ang CCTV footage na kusa nitong hinahawakan ang tiyan nito, naliwanagan na siya. Hindi sa hindi ito handang ibigay ang bujay niya para sa kanya,
"Eveline, di na kita mahal. "Ito ang finacée ko, si Yvette. "Ano? Nag-aalala ka ba na baka saktan ko ang anak ni Felipe, Mrs. Whitman?" Naramdaman ni Madeline na sumakit ang puso niya nang ilapag niya ang kamay niya sa sikmura niya. 'Jeremy, ito ang tunay mong anak. 'Sa buong buhay ko, wala akong ibang lalaki maliban sa'yo. 'Pero sa huli, di ka pa rin naniwala sa akin.' Malungkot na ngumiti si Madeline. Bigla niyang naalala na noong nakaraang dalawang araw, may isang di niya kilala na nagsabing di maganda ang kinahantungan ng relasyon niya na nag-add sa kanya sa social media. Sa ngayon, bukod sa di kilalang tao na iyon, wala siyang ibang malalapitan. Kaya tinanggap niya ang request ng estrangherong ito. Kung kailan iniisip niya kung paano babatiin ito, pinadalhan siya nito ng mensahe: [Hello miss, napakasaya ko na in-add mo ako bilang friend.] Sumagot si Madeline: [Ikinagagalak kong makilala ka, stranger.] [Miss, kakatapos lang ng relasyon ko at labis akong nalulu
Labis na natuliro si Jeremy nang kusa siyang yakapin ni Madeline. Sa gitna ng napakadilim na paligid, pinadaan niya ang daliri niya sa baywang ni Madeline nang kusa at sinabi nang mahina, "Bukod sa kontrata, ano pang dapat nating pag-usapan, Mrs. Whitman?" Di siya masisi ni Madeline na magsalita sa ganitong paraan dahil siya naman ang naunang nagsalita nang may ganitong panghahamak. "Jeremy, talagang may importanteng bagay akong kailangang sabihin sa'yo." Nang may mahinang liawanag, ibinaba ni Jeremy ang tingin niya sa taong hawak niya. "Magsalita ka." Huminga nang malalim si Madeline. Habang nag-iingat, tinignan niya ang pasukan ng conference room para masigurong walang ibang taong nakikinig. Hinawakan niya nang medyo mahigpit ang braso ni Jeremy. "Jeremy, sa totoo lang, ang ating一" Buzz, buzz. Kaunting salita pa lang ang nasasabi ni Madeline nang magsimulang umalog ang cellphone sa sahig. Lumaktaw ng tibok ang puso niya. Tumingin siya sa baba sa umiilaw na screen at
Narinig ang mahinang boses ni Felipe sa cellphone. "May nangyari kay Lillian." Biglang nagbago ang mukha ni Madeline. "May nangyari kay Lillian? Anong ibig-sabihin mo niyan?!" "Aksidenteng nadulas si Lillian at tumama ang ulo niya. Dumudugo siya nang husto. Ipinadala ko siya sa Royal Hospital para magamot siya," Kalmadong sinabi ni Felipe. Tapos tinanong niya, "Kasama mo ba si Jeremy?" "Di ko siya kasama. Bibili ako ng ticket para pumunta sa F Country ngayon na!" Lumabas si Jeremy ng conference room at nakita niya si Madeline na tumatakbo patungo sa elevator. Nagdilim ang mata niya nang magmukha siyang nagseselos. "Desperadong-desperado ka na makita siya matapos lang niyang tumawag. Eveline, ganyan ka din ba sa akin noon?" Nag-book di Madeline nang flight buong gabi para magmadaling bumalik sa F Country. Pagdating sa ospital, nasa ICU si Lillian para maobserbahan nang maigi. Sa bintana, tinignan ni Madeline ang maputlang mukhang parang manika. Nadurog ang puso niya sa nak
"Talagang ang lambing ng mga bagong kasal." Ang mga salita niya ay parang isang matalim na espada na tumagos sa puso ni Madeline. Pinigilan niya ang kanyang sarili habang nangangasim ang sikmura niya. Habang nakatitig kay Jeremy at Yvettr na magkahawak ang kamay, ngumiti siya. "Kayo din, Mr. Whitman. Ikaw at ang fiancée mo ay masyadong malambing sa isa't isa." "Malamang." Tumawa si Jeremy. Inilapag niya ang tingin niya sa mahinhin at nakangiting mukha ni Yvette bago sabihin, "Si Vetty ang liwanag sa pinakamadilim na sandali ng buhay ko. Lagi ko siyang papahalagahan matapos maging maswerte na makilala ang ganito kabuting babae na tulad ni Vetty sa buhay ko." "Jeremy, di ako kasingbait ng sinasabi mo." Mukhang nahihiya si Yvette habang nakasandal sa balikat ni Jeremy. "Oo nga pala, dalian mo at ibigay mo sa kanila ang invitation card." 'Invitation card?' Nagtaka si Madeline. Kasunod nito, nakita niya si Jeremy na inaabot sa kanya ang isang invitation card na nakahanda para sa
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si