Home / Romance / Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman / Kabanata 371 - Kabanata 380

Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 371 - Kabanata 380

2479 Kabanata

Kabanata 371

Pagkatapos mabigla nila Rose at Jon sa matalim na tingin ni Madeline ay suminghal sila. "Vera, ano pa ba ang sasabihin mo? Sa tingin mo ba tanga ang lahat ng tao rito at maloloko mo sila gamit ng ilang salita?" Pagkatapos itong marinig ni Madeline ay ngumiti siya. "Dahil lahat sila ay hindi tanga, sa tingin mo ba madidiin mo sa'kin lahat ng krimen base sa mga sinabi mo?" Napahinto si Rose. Bigla na lang, pakiramdam niya ay parang bumalik sa kanyang ang kanyang mga sinabi. "Vera, ikaw…" "Manahimik ka!" Malamig siyang pinutol ni Madeline. Nanginig si Rose. Nang makita niya ang malamig na tingin ni Madeline, hindi niya mapigilan na matakot. "Sabi ka ng sabi na gusto mong humingi ng hustisya para sa anak mong si Meredith, pero tanungin mo muna ang sarili mo, may karapatan ba si Meredith na magsalita tungkol sa hustisya?" "Ikaw…" "Paulit-ulit mong sinasabi na pinagbintangan at sinaktan ko si Meredith kaya siya nadungisan ng isang grupo ng mga lalaki. May pruweba ka ba? Wal
last updateHuling Na-update : 2021-07-29
Magbasa pa

Kabanata 372

Ngumiti siya. "Pasensya na at nagkaroon kayo ng masamang shopping experience. Bilang compensation, bibigyan ko kayo ng 20% discount sa lahat ng alahas sa shop." Natuwa ang lahat ng customer na naroon. Natural, mas magugustuhan nila si Madeline. Ngumiti si Madeline at inayos ang mga bagay sa kanyang mga customer. Pagkatapos, kinuha niya ang kanyang bag para pumunta sa parking lot. Bumiyahe siya nang malayo papunta sa lugar na pinakapamilyar para sa kanya. Naghintay siya ng sampung minuto bago makita sina Rose at Jon na naglalakad habang pabulong na nagmumura. Ngumisi si Madeline at humarurot papunta kina Jon at Rose. Nang marinig nina Jon at Rose ang tunog ng kotse ay tinaas nila ang kanilang tingin. Pagkatapos, nakakita sila ng isang puting kotse na humaharurot papunta sa kanila. Sobrang bilis ng pag-andar ng kotse at palapit ito nang palapit sa kanila. Parang hihiwalay ang kaluluwa nila Jon at Rose sa kanilang katawan. Wala na silang pakialam sa kahit na ano at gusto n
last updateHuling Na-update : 2021-07-29
Magbasa pa

Kabanata 373

Diretsong tumingin sina Jon at Rose kay Madeline nang nilapit niya ang tasa sa kanyang labi at titikman ang tsaa. Naghihintay sila na inumin ito ni Madeline. Dadampi na ang labi ni Madeline sa tasa, pero bigla na lang, tinaas niya ang kanyang tingin at mayroong matalim na kinang sa kanyang mga mata. Nabigla sina Jon at Rose. Nang hinuhulaan nila ang nasa isip ni Madeline, tinapon niya ang tsaa at tumalsik ito sa kanilang mga mukha. Kahit na hindi na kumukulo ang tubig, nasa 150 hanggang 160 Fahrenheit pa rin ito. Napasigaw sa sakit sina Jon at Rose habang ang kanilang mga mukha ay napaso. "Ikaw! Vera, anong ginagawa mo?" Kumuha si Rose ng tisyu at galit na pinunasan ang kanyang mukha. Ang kanyang mukha ngayon ay namumula at nakakatakot. "Sa tingin mo ba tanga ako? Iniisip niyo ba na di ko alam na may nilagay kayo sa tsaang to?" Tanong ni Madeline nang may malamig na tono. Pagkatapos, binato niya ang tasa sa paanan nina Jon at Rose. Sa isang bagsak ay nabasag ang tasa. Umi
last updateHuling Na-update : 2021-07-29
Magbasa pa

Kabanata 374

Yumuko si Madeline para tignan ang kanilang natatakot na mga mukha. Pagkatapos, naningkit ang kanyang mga mata, ang apoy ng poot sa mga ito ay walang humpay na tumutusok sa kanila. "Tinuring ko kayong sarili kong magulang. Kusa kong binigay ang Hematopoietic stem cells ko kay Madeline para iligtas ang buhay niya, pero anong ginawa niyong dalawa? Wala akong inasahang malaki at inisip ko na papasalamatan niyo ko sa nagawa ko para kay Meredith, pero hindi ko rin inaasahan na aatakihin niyo ko pagkatapos ko kayong tulungan!" "..." "..." "Wala akong pinagbintangan. Wala rin akong ginawa na makakasakit sa inyo, pero nagtulong-tulong kayong lahat para saktan at pahirapan ako nang paulit-ulit!"Sobrang sakit ng nararamdaman ko pero sinipa niyo pa rin ako sa dibdib. Nagbulagbulagan ka nang bumagsak ako sa lapag at sumuka ng dugo. Iniwan niyo lang ako na nag-aagaw buhay sa gitna ng ulan!" Nilista ni Madeline ang lahat ng kanilang kasalanan, ang kanyang mga mata ay puno ng sama ng loob
last updateHuling Na-update : 2021-07-29
Magbasa pa

Kabanata 375

"Jeremy, totoo ang sinasabi ko. Si Madeline ang p*tang yan!" Tinuro ni Rose si Madeline at sumigaw sa pagitan ng kanyang mga ngipin. Sumingit rin si Jon, "Jeremy, totoo ang sinasabi ng asawa ko. Si Vera Quinn ang p*tang pinakaaayawan mo, siya si Madeline Crawford!" "Manahimik kayo!" Malamig ang tono ni Jeremy at mayroong makapal na balot ng yelo sa kanyang mga mata. "Ang lakas ng loob niyo na atakihin si Vera para pagbuntunan siya sa nangyari kay Meredith! Pagbabayarin ko kayo nang malaki." Pagkatapos niyang sabihin ang mga nakakapangilabot na mga salitang iyon, nanlaki ang mga mata nina Jon at Rose. Para bang nabuhusan sila ng malamig na tubig sa kanilang ulo. Sa isang iglap ay bumaba ang temperatura ng kanilang katawan. "Vera, ihatid na kita pauwi." Nagbago ang boses ni Jeremy. Kahit ang kanyang mga mata ay malumanay at mainit na para bang hinaplos ito ng hangin ng tag-sibol. Sumandal si Madeline sa dibdib ni Jeremy sa gulat, kaakit-akit ang kanyang mga mata. "Jeremy, buti
last updateHuling Na-update : 2021-07-29
Magbasa pa

Kabanata 376

"Nasabi mo na ba kay Jeremy na si Madeline ang p*ta na yun?" "H-Hindi! At saka, mukhang hindi gusto ng p*ta na yun na malaman ni Jeremy na siya si Madeline." Tinanggi ito ni Rose nang mapagtanto niya na hindi dapat malaman ni Jeremy ang tungkol dito. Pagkatapos marinig iyon ni Meredith ay nakahinga siya ng maluwag. "Magkakaroon ng hearing sa makalawa. Kumuha na si Eloise ng pinakamagaling na abogado para sa'kin. Malapit na akong makalaya." Nagliwanag ang mga mata ni Rose. "Talaga?" "Syempre." Suminghal si Meredith. "Mukhang walang plano si Madeline na sabihin sa mga Montgomery ang tunay niyang pagkatao." Nagkatinginan sina Jon at Rose sa pagkalito. "Mer, hindi ba alam na ng p*tang yon na siya ang anak ni Eloise? Kung binunyag na niya ang sarili niya sa'tin, bakit di niya tanggapin na si Eloise at Sean ang kanyang tunay na magulang?" "Kung ikaw ang nasa posisyon niya, gusto mo pa rin bang bumalik sa mga magulang mo pagkatapos ka nilang atakihin, sigawan, at hindi pansinin?
last updateHuling Na-update : 2021-07-30
Magbasa pa

Kabanata 377

Mabagal na naglakad si Eloise sa harapan ni Madeline, mukhang pala-kaibigan ang kanyang ngiti. "Maaari ba kitang imbitahin na kumain ng hapunan sa bahay ko mamayang gabi?" Kumunot ang noo ni Madeline. "Tama ba ang naririnig ko? Iniimbitahan mo ko na kumain sa bahay mo, Mrs. Montgomery?" 'May nalalaman ba siya?' 'Yun ba ang dahilan kung bakit niya ako iniimbitahan sa bahay niya sa pala-kaibigang paraan?' Ngunit, nakita agad ni Madeline ang pagdadalawang-isip sa mga mata ni Eloise. Naintindihan na ngayon ni Madeline. Ginagawa lang ito ni Eloise para kay Meredith. Heh. Kawawa naman. 'Ang tunay kong ina ay handang magbigay ng imbitasyon sa babaeng kanyang kinaaayawan para lang sa isang walang pusong demonyo.' "Miss Vera, umaasa ako na papatawarin mo ko sa mga nagawa ko noon. Sinsero kitang iniimbitahan na bumisita sa bahay ko." Nakangiti si Eloise habang naghihintay sa sagot ni Madeline. Pakiramdam ni Madeline ay masyado itong nakakatawa. Gusto niya siyang tanggihan.
last updateHuling Na-update : 2021-07-30
Magbasa pa

Kabanata 378

"Sige." Bahagyang ngumiti si Madeline. Pagkatapos niyang panoorin na umalis ang kotse ni Jeremy, tumalikod siya at naglakad papasok. Hindi ito ang unang beses na nagpunta siya sa Montgomery Manor, pero iba ang pakiramdam nito ngayon. Noon, nagpunta siya rito nang may magagarang damit para lamangan si Meredith. Pero ngayon, simple lang ang pananamit niya. Naglakad siya papasok ng bahay at nakita niya ang ilang mga katulong na nagulat nang makita siya. Kahit na simple lang ang kanyang kasuotan at walang makeup ay elegante pa rin siyang tingnan. Alam nila na siya ang designer ng Miss L.ady, si Vera Quinn. Siya rin ang babae na nakalaban ni Ms. Montgomery kamakailan. Hindi nila inaasahan na si Vera ang mahalagang bisita na sinabi sa kanila ni Eloise. Nagtaka ang mga katulong. Siya ang kalaban ni Ms. Montgomery, kaya bakit siya isang mahalagang bisita? Pagkapasok ni Madeline, nakita niya si Eloise at Sean. Simple lang rin ang kanilang pananamit. Ngunit, ang lahat ng kani
last updateHuling Na-update : 2021-07-30
Magbasa pa

Kabanata 379

Nang marinig nila Sean at Eloise ang sagot ni Madeline, sa kung anong dahilan ay biglang tumalon ang kanilang puso. Sabay silang nagtanong, "Nahanap mo na ang mga magulang mo?" Tumango si Madeline at ngumiti. "Oo, nahanap ko na ang tunay kong mga magulang." Nang marinig ni Eloise ang ganitong sagot ay ngumiti siya. Sa sandaling ito, ang kanyang ngiti ay nagmula sa kaibuturan ng kanyang puso. "Maganda yun. Buti na lang at nahanap mo sila. Magkakasama pa kayo ng magulang mo kung ganoon." "Magkakasama pa kami?" Binanggit ni Madeline ang mga salitang iyon at natawa. "Wala man lang akong tyansa na makabalik sa kanila." Kumunot ang noo ni Eloise. "Bakit?" "Hindi nila ako makilala kahit na nakatayo ako sa harapan nila. Hindi rin nila ako gustong kilalanin bilang anak." Diretsong tumingin si Madeline kina Eloise at Sean. Halatang nabigla silang dalawa. Ngumiti si Madeline at sinira ang nakakapangilabot na pakiramdam sa ere. "Siguro malas lang talaga ako. Nawala ako ng mga mag
last updateHuling Na-update : 2021-07-30
Magbasa pa

Kabanata 380

"Mrs. Montgomery, wag kang matutulog. Malapit na tayo sa ospital." Hinawakan ni Madeline ang balikat ni Eloise, at nang makita niya si Eloise na halos mawalan ng malay ay sinubukan niya siyang kausapin. Mabilis ang tibok ng kanyang puso sa sobrang kaba. Basa rin ng luha ang gilid ng kanyang mga mata. "Mer…" Bigla na lang, narinig ni Madeline si Eloise na tinawag ang pangalan ni Meredith. Masakit na nga ang kanyang puso. Ngayon, napatatungan pa ito nang mas malalang sakit. Sa sandaling ito, mahinang nagmakaawa si Eloise. "Isa ka ring ina, Ms. Vera. Sana maintindihan mo ko bilang ina. Bukas na ang hearing at nagmamakaawa ako sa'yo na pabayaan mo na si Mer. Mali ang ginawa niya, pero bilang mga magulang niya, mas malaki ang nagawa naming kasalanan. Hindi namin siya nakasama simula noong bata siya. Miss Vera, nagmamakaawa ako sa'yo, parang awa mo na." Pinagdiin ni Madeline ang kanyang mga labi habang humihikbi, ang kanyang mga mata ay basa ng luha. "Mrs. Montgomery, hindi s
last updateHuling Na-update : 2021-07-30
Magbasa pa
PREV
1
...
3637383940
...
248
DMCA.com Protection Status