Share

Kabanata 376

"Nasabi mo na ba kay Jeremy na si Madeline ang p*ta na yun?"

"H-Hindi! At saka, mukhang hindi gusto ng p*ta na yun na malaman ni Jeremy na siya si Madeline." Tinanggi ito ni Rose nang mapagtanto niya na hindi dapat malaman ni Jeremy ang tungkol dito.

Pagkatapos marinig iyon ni Meredith ay nakahinga siya ng maluwag.

"Magkakaroon ng hearing sa makalawa. Kumuha na si Eloise ng pinakamagaling na abogado para sa'kin. Malapit na akong makalaya."

Nagliwanag ang mga mata ni Rose. "Talaga?"

"Syempre." Suminghal si Meredith. "Mukhang walang plano si Madeline na sabihin sa mga Montgomery ang tunay niyang pagkatao."

Nagkatinginan sina Jon at Rose sa pagkalito. "Mer, hindi ba alam na ng p*tang yon na siya ang anak ni Eloise? Kung binunyag na niya ang sarili niya sa'tin, bakit di niya tanggapin na si Eloise at Sean ang kanyang tunay na magulang?"

"Kung ikaw ang nasa posisyon niya, gusto mo pa rin bang bumalik sa mga magulang mo pagkatapos ka nilang atakihin, sigawan, at hindi pansinin?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status