Bumangon si Madeline mula sa kama at nilinisan ang kanyang sarili. Nang hinahanap niya si Jeremy, nakarinig siya ng ingay mula sa balkonahe. Tinignan niya ito at nakita niya ang lalaki na mag-isang nakatayo roon. Mukhang mahina ang matangkad at malapad na likod ni Jeremy. Mayroong sigarilyo sa pagitan ng kanyang mahahabang daliri. Ang dulo ng sigarilyo ay umilaw at dumilim nang sabay, mukha itong malungkot sa ilalim ng araw. Siguro ay nakarinig siya ng yabag kaya lumingon siya. Nakita niya si Madeline na naglakad papunta sa kanya. Naningkit ang kanyang mga mata sa kanyang ngiti. "Bakit di ka pa ulit matulog?" "Gumigising ako kapag sapat na ang tulog ko." Ngumiti si Madeline. Nang makita niya si Jeremy na suot pa rin ang damit na suot niya kahapon ay nagtanong siya, "Hindi ka nakatulog magdamag?" Ngumiti siya. Ang kanyang mga mata ay kasing dilim ng gabi habang nakatuon ito sa maganda at malumanay na mukha ni Madeline. "Hirap akong makatulog sa nagdaang tatlong taon." Isan
Nang marinig ni Meredith na mayroon pang ebidensya si Madeline ay nagsimula siyang mataranta. "Your Honor, wag kang magtiwala sa babaeng to. Finaframe niya ako! Pinagbibintangan niya lang ako!" Tinuro ni Meredith si Madeline at emosyonal na sumigaw. "Insosente ako, Your Honor!" "Defendant, kumalma ka. Kapag nagpatuloy ka na mag-ingay, kakasuhan ka ng korte ng contempt of court," seryosong sabi ng judge. "..." Nang marinig niya ito, kaagad na sinara ni Meredith ang kanyang bibig. Pero kinakabahan siya. Hindi niya alam kung ano ang matibay na ebidensya ni Madeline. Sa sandaling ito, dinala ng pulis si Jon at Rose sa loob. Kinakabahang tinignan ni Meredith si Jon at Rose. Alam niya na mayroong kakaiba rito. Kagaya ng kanyang inaasahan, tetestigo sa korte si Jon at Rose laban sa kanya! "Your Honor, ang adoptive daughter ko, si Meredith Crawford, ang tunay na nagplano nito. Pinag-uusapan namin ito sa bahay," sabi ni Rose. Hindi siya nagtangkang tignan si Meredith sa mata.
Nakabalik si Sean saktong kapapalit lang ng gasa sa sugat ni Eloise. Kaagad siyang nagtanong, "Anong nangyari, Sean? Kumusta si Meredith--" "Malakas ang ebidensya. Hinatulan ng judge si Meredith ng 12 taon na pagkakakulong." "Hindi!" Namutla ang ekspresyon ni Eloise habang nagdilim ang kanyang paningin. Halos himatayin siya. Kaagad siyang hinawakan ni Sean. "Nagawa na natin ang lahat ng magagawa natin, Eloise." "Eh ano ngayon? Hindi naman natin nailigtas ang anak natin sa huli!" Nakakadurog pusong umiyak si Eloise. "Sabi ng abogado siguradong sigurado siya na makakalaya si Meredith! Paanong nangyari to?!" "Dumating si Vera kasama ang huling piraso ng ebidensya at biglang humarap ang mga umampon kay Meredith para tumestigo laban sa kanya." "Ano? Si Vera Quinn na naman!" Nagliyab ang galit sa mga mata ni Eloise. "Inimbitahan ko pa naman siya sa bahay kagabi at umasa na pababayaan na niya si Meredith. Hindi ako makapaniwala kung gaano siya kasama! Bakit kailangan niyang pahira
Nanigas ang katawan ni Eloise sa mga salitang sinigaw ni Meredith. Nanginig ang kanyang mga kamay habang tinulak niya ang pinto ng conjugal room. Napatalon ang tatlo sa loob sa biglaang pagdating ni Eloise. "Mrs. Montgomery… Anong ginagawa mo dito?" Nakatayo si Rose sa kanyang pagkakaupo para tignan si Eloise. Mukhang kalmado na si Meredith ngayon na nawala na ang gulat sa kanyang katawan. "Bibisitahin niyo ba ako, Mom? Anong nangyari sa kamay mo? Bakit nakabalot ka ng bandage?" Mabait ang kanyang tono at mayumi na ang tingin sa kanyang mga mata, wala na ang bakas ng pagiging palautos at dominante na narito kani-kanina lamang. Walang pakialam si Eloise sa mga pekeng pag-aalala at pagbati ni Meredith sapagkat ang kanyang mga mata ay nakatuon lamang sa kaaya-ayang itsura na iyon. "Yung mga salitang sinabi mo, totoo ba?" Napahinto si Meredith. Naisip niya na narinig siguro ni Eloise ang mga salitang sinigaw niya kanina sa kanyang hindi mapipigilang galit. "Mali ang pagkak
Lumapit siya upang alalayan si Eloise. "Anong nangyari, Eloise?" Namumula ang mga mata ni Eloise at nakahawak siya sa ibabaw ng kanyang pusong nasasaktan. "Nalaman ko na si Meredith… Siya… Hindi siya ang anak natin…" "A-Anong ibig mong sabihin?" Namutla ang mukha ni Sean. Pakiramdam ni Sean ay kinilabutan ang buong katawan niya habang kinekwento ni Eloise ang mga nangyari. Kasama si Eloise, muling nagpunta sila Sean kay Meredith para kausapin siya, subalit wala silang napala dahil ayaw niyang magsalita. Samantala, hindi na nila mahanap kung saan nagpunta sila Rose at Jon. Tila naglaho sila ng parang bula. Sa huli, umuwi na lamang silang dalawa, sinasakal sila ng kawalan sa loob ng napakalaking villa. Kinalkal ni Eloise ang kwarto ni Meredith para sa anumang ebidensya na makakapagturo sa kung nasaan ang tunay nilang anak, ngunit tanging ang gintong pendant lamang na ginawa niya noon para sa anak nila ang nakita niya. Malinaw pa ring makikita ang pangalan na 'Eveline' sa
Natulala si Madeline kay Eloise, na noo'y tumutulo na ang mga luha. "Bakit mo naman nasabi yan Mrs. Montgomery?" "Narinig namin ni Eloise na inamin yun mismo ni Meredith." Bumuntong-hininga si Sean, nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Hindi ako makapaniwala na ninakaw niya ang pagkatao ng anak namin." Naguluhan si Madeline sa mga pangyayari. Bakit aaminin ni Meredith na hindi siya ang anak ng Montgomery family? Wala siyang mapapala kapag ginawa niya yun."Hindi ko sana maririnig ang pag-uusap nila ni Rose at Jon kung hindi ako nagpunta sa kulungan para bisitahin si Meredith. Suminghal si Eloise, at napagtanto ni Madeline na may narinig si Eloise na hindi naman niya dapat narinig. Mananatiling kasinungalingan ang kasinungalingan. Panahon lang ang makakapagsabi kung kailan lalabas ang katotohanan. Parang kalokohan lang ang lahat, at narinig niya na natawa si Eloise. "Akala ko nahanap ko na ang anak ko pagkalipas ng napakaraming taon. Binuhos namin ni Sean ang pagmamahal
Tahimik na pinanood ni Madeline na umalis ang sasakyan. Kung tutuusin, hindi naman yun kasinungalingan. Buhay pa ang anak nila. 'Ang namatay ay ang nakakaawa at hangal na si Madeline Crawford, hindi ang anak niyo na si Eveline Montgomery.' Plano sanang dalhin ni Jeremy si Madeline sa Whitman Manor pagkatapos nilang bisitahin si Eloise. Subalit, nagbago ang isip niya dahil sa mga pangyayari. "Bigla kong naalala na may importanteng bagay pa pala akong aasikasuhin. Ihahatid muna kita pauwi tapos susunduin kita mamayang gabi, ayos lang ba?" Ngumiti si Madeline. "Sige na, Jeremy. Hihintayin na lang kita." Ngumiti si Jeremy, ngunit hindi natural ang kanyang ngiti. Pinipilit lamang niyang ngumiti para kay Madeline. Pakiramdam ni Madeline na may kakaiba sa kanya mula noong marinig niya na nagpapanggap lang si Meredith. Pagbaba niya mula sa kotse, pinanood ni Madeline na iliko ni Jeremy ang kotse ng hindi man lang lumilingon pabalik. Kabaligtaran ito ng nakagawian niya na pa
Nagulat si Meredith sa biglaang paghablot sa kanya ni Jeremy. Nanlaki ang mga mata niya nang marinig niya ang mga sinabi ni Jeremy. Tila hindi siya makahinga. 'Paano… Paano niya nalaman na hindi ako yun?' 'Maliban na lang kung sinabi na sa kanya ni Madeline ang lahat?' 'Hindi. Hindi niya gagawin yun. Imposibleng gawin niya yun!' "Ehem, ehem…" Pakiramdam ni Meredith na nawalan ng hangin ang baga niya nang humigpit ang hawak ni Jeremy sa kanyang leeg. Namula ang mukha niya at hindi siya makapagsalita. "Anong… Anong sinasabi mo, Jeremy? Ako si Linnie, ang babaeng pinakamamahal mo. Paano mapupunta sakin yung bookmark kung hindi ako si Linnie? Ehem, ehem… Please… Jeremy, bitiwan mo 'ko…" "Sa tingin mo ba makakapagsinungaling ka pa sakin?" Nanlamig ang puso ni Meredith dahil sa malamig at nakakatakot na titig ni Jeremy."Hindi ikaw ang anak nila Eloise at Sean, kaya paano magiging sayo yung gintong pendant na may nakasulat na pangalan na 'Eveline'? Wala kang alaala ng palayaw na
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si