Share

Kabanata 377

Mabagal na naglakad si Eloise sa harapan ni Madeline, mukhang pala-kaibigan ang kanyang ngiti. "Maaari ba kitang imbitahin na kumain ng hapunan sa bahay ko mamayang gabi?"

Kumunot ang noo ni Madeline. "Tama ba ang naririnig ko? Iniimbitahan mo ko na kumain sa bahay mo, Mrs. Montgomery?"

'May nalalaman ba siya?'

'Yun ba ang dahilan kung bakit niya ako iniimbitahan sa bahay niya sa pala-kaibigang paraan?'

Ngunit, nakita agad ni Madeline ang pagdadalawang-isip sa mga mata ni Eloise.

Naintindihan na ngayon ni Madeline. Ginagawa lang ito ni Eloise para kay Meredith.

Heh.

Kawawa naman.

'Ang tunay kong ina ay handang magbigay ng imbitasyon sa babaeng kanyang kinaaayawan para lang sa isang walang pusong demonyo.'

"Miss Vera, umaasa ako na papatawarin mo ko sa mga nagawa ko noon. Sinsero kitang iniimbitahan na bumisita sa bahay ko." Nakangiti si Eloise habang naghihintay sa sagot ni Madeline.

Pakiramdam ni Madeline ay masyado itong nakakatawa. Gusto niya siyang tanggihan.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status