Lumapit siya upang alalayan si Eloise. "Anong nangyari, Eloise?" Namumula ang mga mata ni Eloise at nakahawak siya sa ibabaw ng kanyang pusong nasasaktan. "Nalaman ko na si Meredith… Siya… Hindi siya ang anak natin…" "A-Anong ibig mong sabihin?" Namutla ang mukha ni Sean. Pakiramdam ni Sean ay kinilabutan ang buong katawan niya habang kinekwento ni Eloise ang mga nangyari. Kasama si Eloise, muling nagpunta sila Sean kay Meredith para kausapin siya, subalit wala silang napala dahil ayaw niyang magsalita. Samantala, hindi na nila mahanap kung saan nagpunta sila Rose at Jon. Tila naglaho sila ng parang bula. Sa huli, umuwi na lamang silang dalawa, sinasakal sila ng kawalan sa loob ng napakalaking villa. Kinalkal ni Eloise ang kwarto ni Meredith para sa anumang ebidensya na makakapagturo sa kung nasaan ang tunay nilang anak, ngunit tanging ang gintong pendant lamang na ginawa niya noon para sa anak nila ang nakita niya. Malinaw pa ring makikita ang pangalan na 'Eveline' sa
Natulala si Madeline kay Eloise, na noo'y tumutulo na ang mga luha. "Bakit mo naman nasabi yan Mrs. Montgomery?" "Narinig namin ni Eloise na inamin yun mismo ni Meredith." Bumuntong-hininga si Sean, nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Hindi ako makapaniwala na ninakaw niya ang pagkatao ng anak namin." Naguluhan si Madeline sa mga pangyayari. Bakit aaminin ni Meredith na hindi siya ang anak ng Montgomery family? Wala siyang mapapala kapag ginawa niya yun."Hindi ko sana maririnig ang pag-uusap nila ni Rose at Jon kung hindi ako nagpunta sa kulungan para bisitahin si Meredith. Suminghal si Eloise, at napagtanto ni Madeline na may narinig si Eloise na hindi naman niya dapat narinig. Mananatiling kasinungalingan ang kasinungalingan. Panahon lang ang makakapagsabi kung kailan lalabas ang katotohanan. Parang kalokohan lang ang lahat, at narinig niya na natawa si Eloise. "Akala ko nahanap ko na ang anak ko pagkalipas ng napakaraming taon. Binuhos namin ni Sean ang pagmamahal
Tahimik na pinanood ni Madeline na umalis ang sasakyan. Kung tutuusin, hindi naman yun kasinungalingan. Buhay pa ang anak nila. 'Ang namatay ay ang nakakaawa at hangal na si Madeline Crawford, hindi ang anak niyo na si Eveline Montgomery.' Plano sanang dalhin ni Jeremy si Madeline sa Whitman Manor pagkatapos nilang bisitahin si Eloise. Subalit, nagbago ang isip niya dahil sa mga pangyayari. "Bigla kong naalala na may importanteng bagay pa pala akong aasikasuhin. Ihahatid muna kita pauwi tapos susunduin kita mamayang gabi, ayos lang ba?" Ngumiti si Madeline. "Sige na, Jeremy. Hihintayin na lang kita." Ngumiti si Jeremy, ngunit hindi natural ang kanyang ngiti. Pinipilit lamang niyang ngumiti para kay Madeline. Pakiramdam ni Madeline na may kakaiba sa kanya mula noong marinig niya na nagpapanggap lang si Meredith. Pagbaba niya mula sa kotse, pinanood ni Madeline na iliko ni Jeremy ang kotse ng hindi man lang lumilingon pabalik. Kabaligtaran ito ng nakagawian niya na pa
Nagulat si Meredith sa biglaang paghablot sa kanya ni Jeremy. Nanlaki ang mga mata niya nang marinig niya ang mga sinabi ni Jeremy. Tila hindi siya makahinga. 'Paano… Paano niya nalaman na hindi ako yun?' 'Maliban na lang kung sinabi na sa kanya ni Madeline ang lahat?' 'Hindi. Hindi niya gagawin yun. Imposibleng gawin niya yun!' "Ehem, ehem…" Pakiramdam ni Meredith na nawalan ng hangin ang baga niya nang humigpit ang hawak ni Jeremy sa kanyang leeg. Namula ang mukha niya at hindi siya makapagsalita. "Anong… Anong sinasabi mo, Jeremy? Ako si Linnie, ang babaeng pinakamamahal mo. Paano mapupunta sakin yung bookmark kung hindi ako si Linnie? Ehem, ehem… Please… Jeremy, bitiwan mo 'ko…" "Sa tingin mo ba makakapagsinungaling ka pa sakin?" Nanlamig ang puso ni Meredith dahil sa malamig at nakakatakot na titig ni Jeremy."Hindi ikaw ang anak nila Eloise at Sean, kaya paano magiging sayo yung gintong pendant na may nakasulat na pangalan na 'Eveline'? Wala kang alaala ng palayaw na
Tumingin siya kay Meredith na parang isang kampyon na nakatingin sa talunan, nagmumula sa lalaki ang isang nakakatakot at dominanteng aura. "Hindi mo sasayangin ang oras ko maliban na lang kung gusto mong maging napakasakit ng pagkamatay mo." Ang babala ni Jeremy. Dalawang beses na umubo si Meredith at pinilit niyang iangat ang kanyang ulo. "Alam ko hindi ako dapat nagsinungaling sayo, Jeremy. Pero… Pero pangako, totoo ang pag-ibig ko para sayo. Mahal kita, Jeremy, mahal talaga kita—" "Diretsuhin mo na ako," Ang biglang sinabi ni Jeremy.Nanlumo si Meredith at kinagat niya ang kanyang labi. "Sige na, sasabihin ko na…" Puno ng kasinungalingan ang mga mata ni Meredith. 'Kung hindi mapapasakin ang lalaking 'to, Madeline, kalimutan mo na rin ang pagmamahal ng lalaking 'to!' Tinatagan niya ang kanyang panga at sumumpa siya sa kanyang isipan bago siya nagsalita. "May elective akong kinuha kasama si Madeline noong freshman year ko, at may babae na may palayaw na Linnie sa klaseng y
Nagmumula ang malamig na hangin sa lalaking kaharap niya, walang emosyon ang mukha niya habang nakatingin siya sa kanya. Umihip ng malakas ang hangin sa sementeryo, dumampi ito sa pisngi ng mga dumadalaw dito. Mahinahong ngumiti si Madeline sa lalaking lumitaw sa kanyang harapan. "Bakit ka nandito, Jeremy?" ang tanong niya, may bahid ng pagkagulat ang kanyang tono. Subalit, hindi niya hinayaang lumabas ang kabang nararamdaman niya. Dahan-dahang naglakad si Jeremy bago siua tumingin sa puntod. "Bakit ka nandito? At sino siya? Bakit mo siya dinalaw? Ito ang unang beses na pumunta ka sa Glendale, di ba? Hindi ko alam na may mga kamag-anak ka na nakalibing dito." Nagpanggap na nagulat si Madeline habang nagsasalita siya, "Hindi mo ba alam, Jeremy? Ex-wife mo pa rin si Madeline. Hindi mo ba natatandaan ang lolo niya?" "Ang lolo ng ex-wife ko?" Tinitigan niya ang pangalang nakaukit sa puntod, nakaukit sa ibaba nito ang mga salitang 'Lolo ni Madeline Crawford'. "Bakit bigla mong d
Ngunit nandito sila ngayon, masaya siyang dinala ni Jeremy sa Whitman Manor. Siguro ito ang ibig sabihin ng mga tao na walang kasiguraduhan ang hinaharap. Si Mrs. Whitman, o Karen Yaleman, ay agad na sumugod para magtanong noong malaman niya na dumating na si Jeremy. "Totoo ba, Jeremy, yung mga nabasa ko sa internet? Talaga bang ginawa ni Meredith yung mga bagay na yun? 12 taon ba siyang makukulong? Talaga bang nagpapanggap lang siya na siya ang anak ng mga Montgomery?" Sumimangot si Jeremy. "Ayaw ko nang marinig ang pangalan niya." "Pero…" "Nandito ako ngayon para ipakilala sa mga magulang ko ang fiancee ko. Matutuwa ako kapag hindi na kayo nagbanggit ng mga nakakainis na pangalan at mga bagay," Ang sinabi ni Jeremy bago siya tumingin kay Madeline. "Ang mom ko mismo ang nagluto ng mga pagkaing 'to. Sana magustuhan mo." "Ano?" Agad na nagdilim ang ekspresyon ni Karen. "Sabi mo sakin may importanteng bisita tayo ngayong gabi, Jeremy. Sinabihan mo pa ako na magluto! Sinasabi
Nagulat si Madeline sa loob ng ilang sandali bago lumitaw ang isang kalmadong ngiti sa kanyang mga labi. "Sa tingin ko naguguluhan ka tungkol sakin, Grandpa Whitman. Paano ako magiging si Madeline Crawford?"Bahagyang dumilim ang liwanag sa mga mata ni Old Master Whitman, ngunit malinaw pa rin ang kanyang mga titig. "Hindi kita pipilitin na umamin kung ayaw mo, Madeline." "Hindi talaga ako si Madeline, Lolo." Nakangiting tumanggi si Madeline. "Bakit naman ako magpapakasal sa lalaking ayaw sakin kung ako si Madeline? Dapat natuto na ako na masusunog lang ako kapag pinilit kong lumapit sa apoy." Nagulat si Old Master Whitman nang marinig niya ang balita. Nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Talaga bang magpapakasal ka kay Jeremy?" Tumango si Madeline. "Oo naman, dinadala ko rin ngayon ang anak ni Jeremy." Pagkasabi niya nun, nabaling ang tingin ni Old Master Whitman sa tiyan ni Madeline. Tinikom niya ang kanyang mga labi at hindi na siya nagsalita pa. "Lolo, Vera." Lumapit sa