Share

Kabanata 389

Nagulat si Meredith sa biglaang paghablot sa kanya ni Jeremy. Nanlaki ang mga mata niya nang marinig niya ang mga sinabi ni Jeremy. Tila hindi siya makahinga.

'Paano… Paano niya nalaman na hindi ako yun?'

'Maliban na lang kung sinabi na sa kanya ni Madeline ang lahat?'

'Hindi. Hindi niya gagawin yun. Imposibleng gawin niya yun!'

"Ehem, ehem…"

Pakiramdam ni Meredith na nawalan ng hangin ang baga niya nang humigpit ang hawak ni Jeremy sa kanyang leeg. Namula ang mukha niya at hindi siya makapagsalita. "Anong… Anong sinasabi mo, Jeremy? Ako si Linnie, ang babaeng pinakamamahal mo. Paano mapupunta sakin yung bookmark kung hindi ako si Linnie? Ehem, ehem… Please… Jeremy, bitiwan mo 'ko…"

"Sa tingin mo ba makakapagsinungaling ka pa sakin?" Nanlamig ang puso ni Meredith dahil sa malamig at nakakatakot na titig ni Jeremy.

"Hindi ikaw ang anak nila Eloise at Sean, kaya paano magiging sayo yung gintong pendant na may nakasulat na pangalan na 'Eveline'? Wala kang alaala ng palayaw na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status