Yumuko si Madeline para tignan ang kanilang natatakot na mga mukha. Pagkatapos, naningkit ang kanyang mga mata, ang apoy ng poot sa mga ito ay walang humpay na tumutusok sa kanila. "Tinuring ko kayong sarili kong magulang. Kusa kong binigay ang Hematopoietic stem cells ko kay Madeline para iligtas ang buhay niya, pero anong ginawa niyong dalawa? Wala akong inasahang malaki at inisip ko na papasalamatan niyo ko sa nagawa ko para kay Meredith, pero hindi ko rin inaasahan na aatakihin niyo ko pagkatapos ko kayong tulungan!" "..." "..." "Wala akong pinagbintangan. Wala rin akong ginawa na makakasakit sa inyo, pero nagtulong-tulong kayong lahat para saktan at pahirapan ako nang paulit-ulit!"Sobrang sakit ng nararamdaman ko pero sinipa niyo pa rin ako sa dibdib. Nagbulagbulagan ka nang bumagsak ako sa lapag at sumuka ng dugo. Iniwan niyo lang ako na nag-aagaw buhay sa gitna ng ulan!" Nilista ni Madeline ang lahat ng kanilang kasalanan, ang kanyang mga mata ay puno ng sama ng loob
"Jeremy, totoo ang sinasabi ko. Si Madeline ang p*tang yan!" Tinuro ni Rose si Madeline at sumigaw sa pagitan ng kanyang mga ngipin. Sumingit rin si Jon, "Jeremy, totoo ang sinasabi ng asawa ko. Si Vera Quinn ang p*tang pinakaaayawan mo, siya si Madeline Crawford!" "Manahimik kayo!" Malamig ang tono ni Jeremy at mayroong makapal na balot ng yelo sa kanyang mga mata. "Ang lakas ng loob niyo na atakihin si Vera para pagbuntunan siya sa nangyari kay Meredith! Pagbabayarin ko kayo nang malaki." Pagkatapos niyang sabihin ang mga nakakapangilabot na mga salitang iyon, nanlaki ang mga mata nina Jon at Rose. Para bang nabuhusan sila ng malamig na tubig sa kanilang ulo. Sa isang iglap ay bumaba ang temperatura ng kanilang katawan. "Vera, ihatid na kita pauwi." Nagbago ang boses ni Jeremy. Kahit ang kanyang mga mata ay malumanay at mainit na para bang hinaplos ito ng hangin ng tag-sibol. Sumandal si Madeline sa dibdib ni Jeremy sa gulat, kaakit-akit ang kanyang mga mata. "Jeremy, buti
"Nasabi mo na ba kay Jeremy na si Madeline ang p*ta na yun?" "H-Hindi! At saka, mukhang hindi gusto ng p*ta na yun na malaman ni Jeremy na siya si Madeline." Tinanggi ito ni Rose nang mapagtanto niya na hindi dapat malaman ni Jeremy ang tungkol dito. Pagkatapos marinig iyon ni Meredith ay nakahinga siya ng maluwag. "Magkakaroon ng hearing sa makalawa. Kumuha na si Eloise ng pinakamagaling na abogado para sa'kin. Malapit na akong makalaya." Nagliwanag ang mga mata ni Rose. "Talaga?" "Syempre." Suminghal si Meredith. "Mukhang walang plano si Madeline na sabihin sa mga Montgomery ang tunay niyang pagkatao." Nagkatinginan sina Jon at Rose sa pagkalito. "Mer, hindi ba alam na ng p*tang yon na siya ang anak ni Eloise? Kung binunyag na niya ang sarili niya sa'tin, bakit di niya tanggapin na si Eloise at Sean ang kanyang tunay na magulang?" "Kung ikaw ang nasa posisyon niya, gusto mo pa rin bang bumalik sa mga magulang mo pagkatapos ka nilang atakihin, sigawan, at hindi pansinin?
Mabagal na naglakad si Eloise sa harapan ni Madeline, mukhang pala-kaibigan ang kanyang ngiti. "Maaari ba kitang imbitahin na kumain ng hapunan sa bahay ko mamayang gabi?" Kumunot ang noo ni Madeline. "Tama ba ang naririnig ko? Iniimbitahan mo ko na kumain sa bahay mo, Mrs. Montgomery?" 'May nalalaman ba siya?' 'Yun ba ang dahilan kung bakit niya ako iniimbitahan sa bahay niya sa pala-kaibigang paraan?' Ngunit, nakita agad ni Madeline ang pagdadalawang-isip sa mga mata ni Eloise. Naintindihan na ngayon ni Madeline. Ginagawa lang ito ni Eloise para kay Meredith. Heh. Kawawa naman. 'Ang tunay kong ina ay handang magbigay ng imbitasyon sa babaeng kanyang kinaaayawan para lang sa isang walang pusong demonyo.' "Miss Vera, umaasa ako na papatawarin mo ko sa mga nagawa ko noon. Sinsero kitang iniimbitahan na bumisita sa bahay ko." Nakangiti si Eloise habang naghihintay sa sagot ni Madeline. Pakiramdam ni Madeline ay masyado itong nakakatawa. Gusto niya siyang tanggihan.
"Sige." Bahagyang ngumiti si Madeline. Pagkatapos niyang panoorin na umalis ang kotse ni Jeremy, tumalikod siya at naglakad papasok. Hindi ito ang unang beses na nagpunta siya sa Montgomery Manor, pero iba ang pakiramdam nito ngayon. Noon, nagpunta siya rito nang may magagarang damit para lamangan si Meredith. Pero ngayon, simple lang ang pananamit niya. Naglakad siya papasok ng bahay at nakita niya ang ilang mga katulong na nagulat nang makita siya. Kahit na simple lang ang kanyang kasuotan at walang makeup ay elegante pa rin siyang tingnan. Alam nila na siya ang designer ng Miss L.ady, si Vera Quinn. Siya rin ang babae na nakalaban ni Ms. Montgomery kamakailan. Hindi nila inaasahan na si Vera ang mahalagang bisita na sinabi sa kanila ni Eloise. Nagtaka ang mga katulong. Siya ang kalaban ni Ms. Montgomery, kaya bakit siya isang mahalagang bisita? Pagkapasok ni Madeline, nakita niya si Eloise at Sean. Simple lang rin ang kanilang pananamit. Ngunit, ang lahat ng kani
Nang marinig nila Sean at Eloise ang sagot ni Madeline, sa kung anong dahilan ay biglang tumalon ang kanilang puso. Sabay silang nagtanong, "Nahanap mo na ang mga magulang mo?" Tumango si Madeline at ngumiti. "Oo, nahanap ko na ang tunay kong mga magulang." Nang marinig ni Eloise ang ganitong sagot ay ngumiti siya. Sa sandaling ito, ang kanyang ngiti ay nagmula sa kaibuturan ng kanyang puso. "Maganda yun. Buti na lang at nahanap mo sila. Magkakasama pa kayo ng magulang mo kung ganoon." "Magkakasama pa kami?" Binanggit ni Madeline ang mga salitang iyon at natawa. "Wala man lang akong tyansa na makabalik sa kanila." Kumunot ang noo ni Eloise. "Bakit?" "Hindi nila ako makilala kahit na nakatayo ako sa harapan nila. Hindi rin nila ako gustong kilalanin bilang anak." Diretsong tumingin si Madeline kina Eloise at Sean. Halatang nabigla silang dalawa. Ngumiti si Madeline at sinira ang nakakapangilabot na pakiramdam sa ere. "Siguro malas lang talaga ako. Nawala ako ng mga mag
"Mrs. Montgomery, wag kang matutulog. Malapit na tayo sa ospital." Hinawakan ni Madeline ang balikat ni Eloise, at nang makita niya si Eloise na halos mawalan ng malay ay sinubukan niya siyang kausapin. Mabilis ang tibok ng kanyang puso sa sobrang kaba. Basa rin ng luha ang gilid ng kanyang mga mata. "Mer…" Bigla na lang, narinig ni Madeline si Eloise na tinawag ang pangalan ni Meredith. Masakit na nga ang kanyang puso. Ngayon, napatatungan pa ito nang mas malalang sakit. Sa sandaling ito, mahinang nagmakaawa si Eloise. "Isa ka ring ina, Ms. Vera. Sana maintindihan mo ko bilang ina. Bukas na ang hearing at nagmamakaawa ako sa'yo na pabayaan mo na si Mer. Mali ang ginawa niya, pero bilang mga magulang niya, mas malaki ang nagawa naming kasalanan. Hindi namin siya nakasama simula noong bata siya. Miss Vera, nagmamakaawa ako sa'yo, parang awa mo na." Pinagdiin ni Madeline ang kanyang mga labi habang humihikbi, ang kanyang mga mata ay basa ng luha. "Mrs. Montgomery, hindi s
Pagkasabi nito ng nars, biglang bumigat ang hangin sa paligid nila. Kalmadong tumingin si Madeline at nagsabing, "Siguro si Madeline ang tinutukoy mo." "Siya yun…" Narinig niya ang gulat ni Sean. Tumalikod siya at nakita niya ang pagsisisi sa gwapong mukha ni Sean. "Hindi ko alam na siya pala ang nagbigay ng dugo kay Ellie. Tapos…" Inisip niya na kinakanti ni Madeline si Meredith noon. Dahil dito, galit niyang sinigawan si Madeline. Sinabi niya sa kanya, "Kaya pala hindi ka gusto ng tunay mong mga magulang. Hindi dapat nabubuhay sa mundo ang isang napakasamang taong kagaya mo!" Napahinto si Sean. Nilagay niya ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng kanyang mga mata sa pagsisisi. Napakaraming binigay na dugo ni Madeline para kay Eloise at Jackson noon nang palihim. Pero wala siyang sinabing kahit na ano. Tiniis niya lang ang lahat ng kanilang masasamang salita. Sa sandaling iyon, pakiramdam ni Sean ay nakagawa siya ng pinakamalalang kasalanan. Ngayon, kahit na gustuhi