Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 1931 - Kabanata 1940

2479 Kabanata

Kabanata 1931

Huminto ang wheelchair ni Shirley pagkatapos magsalita ni Carter. Isang bihira, at masayang ngiti ang makikita sa mukha ni Carter nung nakita niya na tumigil si Shirley sa paglayo sa kanya. “Shirley, alam ko na, sa puso mo, isa akong makasariling bastardo ngayon, pero kahit na anong mangyari, ikaw pa rin ang nag-iisang babae sa buhay ko.” Nang marinig niya ang sagot ni Carter, biglang diniinan ni Shirley ang pagpindot niya ng switch ng kanyang wheelchair. Umagos ang luha mula sa kanyang mga mata, pero pinigilan niyang tumulo ang mga ito. Bukod doon, hindi niya sinagot si Carter. Tahimik lang niyang pinindot muli ang switch ng kanyang wheelchair, at nagpatuloy na lumabas ng kwarto. Tahimik na pinanood ni Carter si Shirley hanggang sa makalayo ito. Mabilis ang tibok ng kanyang puso, at dumilim ang kanyang mga mata. “Jeremy, mararamdaman mo na rin ang sakit na nararanasan ko.” Nang masabi ito ni Carter, tumunog ang kanyang phone. Sinilip niya ang kanyang phone, at isang
Magbasa pa

Kabanata 1932

Kahit na kailangan niyang pumasok sa lunga ng isang tigre, hindi magdadalawang-isip si Jeremy na gawin yun. Alam na ni Carter kung ano ang gagawin ni Jeremy. Naglakad siya sa unahan ni Jeremy at dinala siya sa sala. Pagkatapos ay may inutusan siya na katulong, “Sunduin mo sa aking mapapangasawa at sabihin mo na tinatawag ko siya na bumaba.” Kaagad na sumunod ang katulong at umakyat papunta sa isang kwarto. Mapapangasawa?Naghihinala si Carter. Alam niya na, noon, ay kinasal si Carter kay Ada.Naaresto si Ada dahil sa mga krimen na ginawa niya at nasa kulungan pa rin ito hanggang ngayon, pero sila Carter at Ada ay marahil kinansela na ang kanilang kasal sa mga panahon na yun. Pero, ikakasal nanaman ba kaagad si Carter? Si Shirley ba ang pakakasalan niya?Naghihinala si Jeremy, pero ito ang lang ang posibilidad na naisip niya. Nahuhulaan ni Carter kung ano ang iniisip ni Jeremy sa itsura ng mga mata nito. Inangat niya ang kanto ng kanyang labi at sinilip ang isang direk
Magbasa pa

Kabanata 1933

Nang marinig ito ni Madeline, lumingon siya at nakita niya na nakangiti sa kanya si Jeremy. Nakatingin din sa kanya pati si Carter. May pakiramdam siya sa kanyang puso na ginagabayan ni Jeremy si Madeline ng mahuli niya ito. Pero, hindi nag-aalala si Carter.Kahit ang isang propesyonal na hipnotista ay hindi kayang buwagin ang kanyang advanced hypnosis na ginawa niya kay Madeline, lalo na si Jeremy na walang kaalam alam tungkol sa hipnotismo.‘Sir, ang ibig niyo bang sabihin ay…” Nagtatakang tinignan ni Madeline si Jeremy. “Ibig niyo bang sabihin ay kailangan kong tanungin kayo kung sino kayo?” Tumango so Jeremy habang nakangiti. “Hindi mo pa tinatanong ang pangalan ko, Miss Montgomery.”Medyo nagulat si Madeline. Mukhang naisip niya na si Jeremy ay may sinabing hindi naman na kailangan. Pero, ngumiti pa rin si Madeline at nagtanong, “Sir, ano ang pangalan mo>?”“Ang pangalan ko ay Jeremy Whitman,” mabilis na sinagot ni Jeremy ang tanong ni Madeline. Pagkatapos, dagdag pa
Magbasa pa

Kabanata 1934

Sa kasalukuyan, wala si Jeremy sa mga alaala ni Madeline, pero ang mga salita ni Jeremy at kilos at nagbigay kay Madeline ng pakiramdam na parang kilala niya ito, isang pakiramdam na katulad ng kung ano ang nararamdaman niya para kay Carter. Sa oras na ito, isang katulong ang lumapit. Sinabi niya na inutusan sila ni Camille na pumunta sa ancestral hall. Dahil sa ayaw na niyang mag-aksaya pa ng oras, sinama ni Carter si Madeline palabas. Bago sila umalis, sinabihan niya ang isa sa kanyang mga bodyguard na manmanan ang bawat kilos ni Jeremy. Ang totoo, sa simula pa lang, sinadya niyang hayaan na makapasok si Jeremy sa loob ng kanyang pamamahay para makita si Madeline ng sa gayon ay mailang si Jeremy. Pero, sa halip na nagawa niya ang kanyang layunin, ngayon ay nakalamang pa si Jeremy. Ganunpaman, hindi ito sineryoso ni Carter. Tinignan niya si Madeline na nasa aknyang tabi, at napangiti siya. Umakyat si Jeremy sa itaas pero ang kanyang mga mata ay patuloy na sinundan ng ting
Magbasa pa

Kabanata 1935

Sa loob ng kwarto sa may pangalawang palapag. Pinaandar ni Shirley ang kanyang wheelchair hanggang sa makarating siya sa balkonahe, at sinundan siya ni Jeremy hanggang sa hhuminto ito. Kung noon, hindi papayag na maiwan ng kasama si Shirley, lalo na ang makinig sa mga sasabihin nito. Ngayong kasalukuyan, kailangan na niyang bitawan ang anumang galit ang meron siya dito, at meron na siyang tiwala dito kahit paano. “Alam kong darating ka, pero hindi ko inaasahan na direkta kang darating dito sa Gray Manor ng ganito.” Bumuntong hininga si Shirley. Tinaas niya ang kanyang tingin, ng may bahid ng inggit, at tinignan si Jeremy. “Ang swerte naman ni Eveline na meron siyang mag-aalala at mag-aalaga sa kanya.” Nung narinig ni Jeremy ang mga salitang ito, nakaramdam siya ng kirot sa kanyang dibdib. Pinagsisihan niya na hindi niya nabigyan ng kumpletong kasiyahan at pagmamahal nung smula. Nakikita ni Jeremy na wala na ang dating talas ng dila ni Shirley, pero wala siyang panahon p
Magbasa pa

Kabanata 1936

Pero, hindi pa rin maunawaan ni Jeremy kung paano makukuha ni Carter ang royal inheritance pagkatapos marehistro ang kasal nila ni Madeline. May kinalaman ba si Madeline sa maharlikang angkan ng St. Piaf? “Ang naunang kasal nila Carter at Eveline ay nagulo dahil sa pagdating mo. Naniniwala ako na ngayon naman, hindi ka niya bibigyan ng pagkakataon na sirain ito uli.” Ang mga salita ni Shirley ay may laman na mga paalala, at sinabi niya ito ng may bahid ng kawalang kakayahan sa kanyang mga mata. “Kilala ko siya ng lubos. Gagawin niya talaga ang lahat para makuha niya ang gusto niyang resulta. Ang mga nakakasamang lason na iyon ay ang patunay nito.“Jeremy, alam ko na, sa puso mo, kinasusuklaman mo pa rin ako, pero sana naman ay maalala mo ang mga sinabi ko. Huwag mong harapin si Carter ng harap-harapan ng anumang oras. Kailangan mong alalahanin na kailangan ka ni Eveline.” Bihira para kay Jeremy na makita ang sinseridad sa mga mata ni Shirley. At sa sandaling yun, nakumbinsi
Magbasa pa

Kabanata 1937

Hindi nagyayabang si Jeremy nung sinabi niya ito. Alam niya ang sarili niyang kakayahan. Hindi niya maikakaila na ang mga bodyguard ni Carter ay mukhang malalakas, pero mas kumbinsido siya na wala sa kanila ang kaya siyang talunin. Nang marinig nila ang sinabi ni Jeremy, pakiramdam ng mga bodyguard ay nainsulto sila. Gusto niya bang labana silang lahat ng sabay? Malinaw na minamaliit sila ito! Gusto nilang makita kung gaano kalakas ang young master ng pinakamakapangyarihang pamilya sa Glendale para magawa nitong magyabang ng ganito. “Sugod!” Utos ng pinuno ng mga bodyguard, at ilan sa ibang mga bodyguard ang kaagad na sumugod. Bago sila gumawa ng hakbang, kampante sila na walang laban sa kanial si Jeremy. Kahit na totoong maabilidad si Jeremy, mas marami pa rin sila. Pero, pagkatapos nilang sumugod, nahanap nila ang kanilang mga sarili na mali at masyado silang naging kampante. Hindi lang mabilis at maliksi si Jeremy, pero ang bilis ng kanyang mga atake ay higit
Magbasa pa

Kabanata 1938

Ang matitibay na katawan ng mga bodyguard ay malakas na bumagsak sa damuhan ng may ingay. “Ah!” Napasigaw sa sakit ang bodyguard. Tinignan ni Jeremy ang lalakeng bingasak niya ng may pangmamaliit na tingin ng isang hari, at pagkatapos ay nilingon ang iba pang mga bodyguard. Subalit, ang iba pang mga bodyguard ay natakot na kay Jeremy. Nung nakuminsi na hindi nila kayang talunin si Jeremy gamit lang ng kanilang mga kakayahan, nagpasiya sila na kailangan na nilang maglaro ng marumi ngayon. Ang nabalibag na bodyguard ay tinignan ang walang pakeng likuran ni Jeremy at tahimik na nilabas ang isang baril mula sa bulsa ng suit nito. Tinutok niya ang kanyang baril sa hita ni Jeremy at kinalabit ang gatilyo nang hindi napapansin ni Jeremy. Gayunpaman, ang abilidad ni Jeremy na obserbahan ang kanyang paligid ay sobrang talas kaya nung kakalibitin na nung bodyguard ang gatilyo, iniwasan niya ito, ng mabilis at maliksi. Naiwasan ni Jeremy ang bala at sa sumunod na sandali, tumago
Magbasa pa

Kabanata 1939

Huminto si Carter, at ang kanto ng labi nito ay umarko at naging isang nakakaintrigang ngiti. “Jeremy, mukhang sa pagkakataon na ito, hindi ka na makakabalik pa sa Glendale pagkatapos mong pumunta dito sa St. Piaf.” Tinignan niya muli ang nagdudugong hita ni Jeremy at biglang tumawa. “Masakit, hindi ba? Pero ang ganitong klaseng sakit ay malapit na ring maglaho dahil mawawala na rin ang lahat ng pakiramdam mo maya-maya lang.” Habang nagsasalita siya, sumingkit ang kanyang mga mata, at pagkatapos ay kinalabit niya ang gatilyo. “Jeremy, mapunta ka sana as impyerno at pagbayaran mo ang ginawa mo sa anak ko.” “Huwag!” Nung babarilin na sana ni Carter si Jeremy sa isang magarbong paraan at nung susubukan ni Jeremy na umilag, isang nangangambang boses ang nanggaling sa itaas para pigilan siya. Biglang nanigas ang daliri ni Carter. Inangat niya ang kanyang tingin para makita niya si Shirley na nakasakay sa wheelchair sa may balkonahe ng pangalawang palapag. Kanina pa nanonoo
Magbasa pa

Kabanata 1940

Medyo nainis si Carter; ang ekspresyon ng kanyang mukha ay mukhang sobrang inis. Nang matapos siyang magsalita, naglakad siya palayo ng galit. Kahit na nag-aalangan pati ang mga bodyguard na nasa kanyang tabi, kailangan pa rin niyang dalhin si Jeremy pabalik sa guest room para gamutin tulad ng utos ni Carter. Ayaw nang palalain pa ni Jeremy ang kanyang kondisyon, kaya sinundan niya ang bodyguard papunta ng guest room. Hindi nagtagal, dumating na ang family doctor nila Carter, at sinundan siya ni Shirley papunta sa kwarto ni Jeremy. Sa mga sandaling yun, naging masyadong maputla ang mukha ni Jeremy. Dahil sa nanghihina siya dahil sa maraming dugo ang nawala sa kanya, nawalan na siya ng malay sa kama. Dahil sa labis itong nag-aalala, nakabantay sa may tabi si Shirley. Dr. Lane, kamusta naman siya? Malala ba ang sugat na natamo niya?” Sinagot ni Dr. Labne si Shirley habang ginagamot ang sugat ni Jeremy. “Miss Brown, wala na kayong dapat na ipag-alala. Ang kanyang sugat a
Magbasa pa
PREV
1
...
192193194195196
...
248
DMCA.com Protection Status