All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 1911 - Chapter 1920

2479 Chapters

Kabanata 1911

Nanlaki ang mga mata ng lalaki. Hindi niya inasahan na sisipain siya ni Madeline. Napahiyaw siya sa sakit at kusang bumitaw kay Jackson. Tumakbo si Madeline nang sobrang bilis at sinalo si Jackson habang nalaglag siya. "Jack!" Niyakap ni Madeline nang mahigpit ang batang lalaki. "Mommy, ayos lang po ako. Wag kayong mag-alala," sabi ni Jackson para pakalmahin si Madeline, alam niyang nag-aalala para sa kanya ang kanyang ina. Hindi na nagsayang ng oras si Madeline sa dalawang lalaking iyon, niyakap niya si Jackson at pasakay na sa kotse. Ngunit nang binuksan niya ang pinto para sumakay sa kotse, biglang tinutok ang isang itim na baril sa likod ng kanyang ulo. "Eveline, kailangan mong sumama sa'min kahit hindi mo gusto," nagbanta ang lalaki sa kanyang likuran. Nanlaki ang malilinaw at bilugang mata ni Jackson habang nakatingin sa lalaking tumutok kay Madeline ng baril. Kahit na ganun, hindi nataranta si Madeline. Tinaas niya ang kanyang kampante at magagandang mga mat
Read more

Kabanata 1912

Makahulugan niyang sabi, ngunit hindi ito naintindihan ng dalawang bodyguards. Hindi balak ni Carter na magpaliwanag, tumalikod siya at lumabas ng study at nagpunta sa kwarto ni Shirley. Sa sandaling ito, naghahanda ang katulong na punasan ang katawan ni Shirley. Nang makita niyang nandito si Carter, binaba ng katulong ang tuwalyang hawak niya at umalis ng kwarto. Sinulyapan ni Shirley si Carter, at natural, iniwasan niya ang tingin niya nang may pandidiri. Hindi ito pinansin ni Carter. Naglakad siya papunta sa kama, kinuha ang tuwalya na nilapag ng katulong, binasa ito sa palanggana ng maligamgam na tubig, at pinigaan ito. Hawak niya ang isang maligamgam tuwalya at mabagal na nilapitan ang mukha ni Shirley, pero iniwas ni Shirley ang kanyang mukha sa pandidiri. "Alam mong ayaw kitang makita ngayon. Labas." Direkta siyang pinalayas ni Shirley. Sandaling huminto si Carter, pero sa sumunod na segundo, malumanay niyang dinampi ang tuwalya sa mukha ni Shirley. Gusto itong i
Read more

Kabanata 1913

Kumirot ang puso ni Madeline. Syempre, alam niya kung gaano kagusto ni Eloise na palakihin siya at alagaan, pero dahil sa ilang mga taong may masasamang motibo, si Madeline, ang anak ng isang mayamang pamilya na mararanasan sana ang karangyaan, ay naging isang sakripisyo para sa ibang tao. Ngunit, hindi masyadong nagsisisi si Madeline. Kahit na sa kasamaang palad ay pinalitan siya noong ipinanganak siya, nakilala niya ang isang mabuting lolo. Kinuha ni Madeline ang mangkok at kubyertos at tinikman ang agahan na niluto ni Eloise para sa kanya. Kinakabahang nanood si Eloise, nag-aalala siya na baka hindi niya naluto nang masarap. Nang makita niya ang kuntentong ngiti na umabot sa mga mata ni Madeline, nakahinga nang maluwag si Eloise. "Kumusta? Nagustuhan mo ba?" Ngumiti si Madeline at tumango. "Nagustuhan ko po. Syempre, magugustuhan ko to. Kasing lasa nito ang pagmamahal ng isang ina." Nang marinig niya ito, uminit ang puso ni Eloise pati na ang gilid ng kanyang mga mata
Read more

Kabanata 1914

Sa mga sumunod na araw, hindi kinakabahan si Madeline. Ngunit, bilang isang ina, nangungulila siya para kay Lilian dahil wala ito sa tabi niya. Nakikita niya lang ng kanyang munting prinsesa mula sa isang maikling video araw-araw. Noong una ay gustong maghanap ni Madeline ng oras na pumunta sa F Country para makita niya nang personal ang kanyang anak, pero nagkataon na tumanggap ang kumpanya ng dalawang bagong proyekto na kailangan ng kanyang tulong. Wala nang ibang mas magaling o mas propesyonal pa sa kanya sa Glendale pagdating sa pagdidisenyo ng alahas at paggawa ng pabango. Binuhos ni Madeline ang kanyang sarili sa trabaho. Nagdisenyo siya ng isang pares ng wedding ring at isang korona na may belo ayon sa utos ng customer. Para naman sa kagustuhan ng customer sa pabango, mabilis na gumawa ng isang samples si Madeline na kapareho ng amoy sa kanilang hiningi, pagkatapos ay sinabihan niya ang kanyang sekretarya na si Coco na pumunta sa lugar kung saan sila magkikita kasama n
Read more

Kabanata 1915

Napansin ni Madeline na para bang pinagtutuunan nila ng pansin si Coco habang ininom niya ang inumin. Mas lalong nakaramdam ng kakaiba si Madeline sa kanilang kinilos. Palihim niyang sinulyapan si Coco. Mukhang walang nangyari, pero bahagya niyang naramdaman na mayroong mali. "Coco, mukhang may naiwan tayong ilang dokumento sa kotse. Tara, kunin natin," sabi ni Madeline habang tumayo siya. Nang makita nila ito, tumayo rin ang lalaki at babae at nagmamadali silang piniglan. "Mga dokumento lang yun. Sabihan mo na lang ang sekretarya mo na kunin yun, Ms. Montgomery. Pag-usapan natin ang mga detalye ngayon.""Hindi pa naman huli para pag-usapan ang mga detalye pagkatapos naming makuha ang mga dokumento. Sa tingin ko pwede kayong maghintay nang ilang minuto." Determinado si Madeline na umalis. Kumbinsido na siya na malaking problema ang magkasintahan na ito. Ngunit bago pirmahan ang kontrata, sinuri ni Jeremy ang pinagmulan ng mag-asawa at wala siyang nakitang kahina-hinala sa
Read more

Kabanata 1916

Tinignan ni Carter si Madeline nang may bahagyang ngiti. "Tama ang sagot mo. Ang totoo, may napansin ka na at naghinala na mayroong mali sa inumin, hindi ba? Napakatalino mo pa rin, Eveline, pero huli na ang lahat." Maingat na tinignan ni Madeline si Carter na mayroong tusong ngiti sa kanyang mukha. Sinubukan niyang gamitin ang kanyang para palihim na tawagan si Jeremy, pero biglang lumapit ang bodyguard sa tabi at inagaw ang cellphone ni Madeline. "Ibalik mo yan!" Iniunat ni Madeline ang kanyang kamay para hablutin ito. Ngunit, biglang humakbang si Carter papunta sa kanya. Matangkad si Carter. Kahit na hindi maliit si Madeline, mayroon pa ring pagkakaiba sa kanilang taas habang nakatayo siya sa harapan ng lalaki. Nalalamangan siya ng anyo ni Carter. Gustong tumakas ni Madeline, ngunit biglang hinawakan ni Carter ang braso niya at kinulong si Madeline sa pagitan niya at ng pader. Kumunot ang noo ni Madeline. Inangat niya ang kanyang mga mata at tumingin sa mga mata ni Ca
Read more

Kabanata 1917

Si Carter, na matagal nang pinakahinahangaan ang tapang ni Madeline, ay binitawan ang kamay ni Madeline. Hinubad ni Madeline ang kanyang coat at nagsuot ng bagong coat at salamin ayon sa utos ni Carter. Nakuntento si Carter nang makita niya ang kasalukuyang damit ni Madeline, pagkatapos ay tinignan muli ang bodyguard. Akala ni Madeline ay hahayaan lang siya ni Carter na sundan siya, pero sa sumunod na segundo, narinig niya ang fire alarm. Pagkatapos ng ilang sandali, isa-isang nagsitakbuhan palabas ang mga tao sa bawat isang kwarto ng hotel. Dahil hindi nila alam kung saan nagsimula ang sunog, lahat sila ay tumakbo papunta sa hagdan ng fire escape. Napakagulo ng pangyayari. Ngumiti si Carter kay Madeline nang hindi nagmamadali. "Oras na para umalis." Tinignan ni Madeline si Carter. Higit pa sa tuso ang lalaking ito. Sa isang magulong sitwasyon, kahit na hingiin ni Jeremy ang security footage, mahihirapan pa rin siya na hanapin siya. Baka sinira na ni Carter ang monitori
Read more

Kabanata 1918

Nagmadali si Coco para buksan ang pinto at nakita niya si Jeremy na mukhang nagmamadali. “Mr. Whitman.”"Asan si Linnie?" Sumugod si Jeremy sa loob ng kwarto, pero pagkatapos niyang tumingin sa buong kwarto, hindi niya nakita si Madeline. "Hindi ba kasama mo si Linnie? Asan siya?" Bumilis ang tibok ng puso ni Jeremy. Tinignan ni Coco si Jeremy nang may nalilito at kinakabahang ekspresyon sa kanyang mukha sabay nagpaliwanag. "Sa sandaling iyon, sabi ni Ms. Montgomery ay mayroon raw naiwang dokumento sa kotse at sinabihan ako na bumaba kasama niya para kunin ito, pero sa sandaling makarating ako sa pinto, sumama ang pakiramdam ko, at pagkatapos, hindi ko na alam kung anong nangyari. Nang magising ako, nasa kama na ako… Sa tingin ko si Ms. Montgomery ang tumulong sa'kin na pumunta sa kama…" Pinakinggan ni Jeremy ang sinabi ni Coco pero ang kanyang mga mata ay nakatitig nang maigi sa dalawang baso ng lemonade na nasa mesa ng sala. "Ininom mo ba to?" tanong niya. Tumango si
Read more

Kabanata 1919

Kinuha ni Jeremy ang tablet mula kay Ken at nakita ang isang video sa screen. Kahit na ang tao sa video ay nakasuot ng shades, nakikilala pa rin ang mukha ni Carter. "Nakabalik na nga talaga siya sa Glendale." Kumpirmadong sabi ni Jeremy. Naniniwala siya na pinakalat ni Carter ang balita na bumalik siya sa St. Piaf at palihim na bumalik, at ang pakay niya rito ay ang kumilos laban kay Madeline. Sa kanyang inis, ibinato ni Jeremy ang tablet at kumunot ang noo, pagkatapos ay tumayo siya at naglakad papunta sa bintana. Tinignan niya ang sulok-sulok ng mataong siyudad sa ilalim ng araw. Ngunit ang kanyang puso ay madilim. Pumalpak siya. Nagkamali siya ng nagawa. Mula sa umpisa, ang pakay ni Carter ay si Madeline, hindi ang mga anak nila. Naniniwala pa rin si Carter na sinukuan ni Shirley ang kanyang anak at pagkatapos ay sinubukang patayin ang kanyang sarili dahil tinurukan ni Jeremy si Shirley ng AXP69. Iyon ang dahilan kung bakit gustong maghiganti ni Carter kay Jeremy.
Read more

Kabanata 1920

"Hindi ba halata kung anong gusto kong gawin? Gusto kong iparanas sa'yo kung anong pakiramdam na mawala ang taong minamahal mo, habang-buhay." “...”“Carter! Carter!”Beep—Nang pipigilan siya ni Jeremy, narinig niya ang busy tone sa kanilang linya. Binaba ni Carter ang tawag at lumipad ang eroplano pagkatapos ng sampung minuto. Kaagad na bumili ng plane ticket si Jeremy papuntang St. Piaf online. Nang pauwi na siya para mag-impake, bigla siyang nakatanggap ng tawag mula sa guro. Sa kabilang linya, humikbi ang guro ni Jackson at pabulong na nagsabi, "Mr. Whitman, may sunog sa school ngayon lang. Nagmamadali kaming patayin ang sunog, tapos nawala sina Jackson at isa pang bata sa klase pagkatapos naming mapatay ang apoy. Tinignan na namin ang security footage at nakita namin ang dalawang lalaki na sapilitan silang kinuha sa gitna ng sunog." Pagkatapos niya itong malaman, kaagad na nagpunta si Jeremy sa paaralan para tignan ang footage. Nang makita niya ang dalawang lalakin
Read more
PREV
1
...
190191192193194
...
248
DMCA.com Protection Status