Si Carter, na matagal nang pinakahinahangaan ang tapang ni Madeline, ay binitawan ang kamay ni Madeline. Hinubad ni Madeline ang kanyang coat at nagsuot ng bagong coat at salamin ayon sa utos ni Carter. Nakuntento si Carter nang makita niya ang kasalukuyang damit ni Madeline, pagkatapos ay tinignan muli ang bodyguard. Akala ni Madeline ay hahayaan lang siya ni Carter na sundan siya, pero sa sumunod na segundo, narinig niya ang fire alarm. Pagkatapos ng ilang sandali, isa-isang nagsitakbuhan palabas ang mga tao sa bawat isang kwarto ng hotel. Dahil hindi nila alam kung saan nagsimula ang sunog, lahat sila ay tumakbo papunta sa hagdan ng fire escape. Napakagulo ng pangyayari. Ngumiti si Carter kay Madeline nang hindi nagmamadali. "Oras na para umalis." Tinignan ni Madeline si Carter. Higit pa sa tuso ang lalaking ito. Sa isang magulong sitwasyon, kahit na hingiin ni Jeremy ang security footage, mahihirapan pa rin siya na hanapin siya. Baka sinira na ni Carter ang monitori
Nagmadali si Coco para buksan ang pinto at nakita niya si Jeremy na mukhang nagmamadali. “Mr. Whitman.”"Asan si Linnie?" Sumugod si Jeremy sa loob ng kwarto, pero pagkatapos niyang tumingin sa buong kwarto, hindi niya nakita si Madeline. "Hindi ba kasama mo si Linnie? Asan siya?" Bumilis ang tibok ng puso ni Jeremy. Tinignan ni Coco si Jeremy nang may nalilito at kinakabahang ekspresyon sa kanyang mukha sabay nagpaliwanag. "Sa sandaling iyon, sabi ni Ms. Montgomery ay mayroon raw naiwang dokumento sa kotse at sinabihan ako na bumaba kasama niya para kunin ito, pero sa sandaling makarating ako sa pinto, sumama ang pakiramdam ko, at pagkatapos, hindi ko na alam kung anong nangyari. Nang magising ako, nasa kama na ako… Sa tingin ko si Ms. Montgomery ang tumulong sa'kin na pumunta sa kama…" Pinakinggan ni Jeremy ang sinabi ni Coco pero ang kanyang mga mata ay nakatitig nang maigi sa dalawang baso ng lemonade na nasa mesa ng sala. "Ininom mo ba to?" tanong niya. Tumango si
Kinuha ni Jeremy ang tablet mula kay Ken at nakita ang isang video sa screen. Kahit na ang tao sa video ay nakasuot ng shades, nakikilala pa rin ang mukha ni Carter. "Nakabalik na nga talaga siya sa Glendale." Kumpirmadong sabi ni Jeremy. Naniniwala siya na pinakalat ni Carter ang balita na bumalik siya sa St. Piaf at palihim na bumalik, at ang pakay niya rito ay ang kumilos laban kay Madeline. Sa kanyang inis, ibinato ni Jeremy ang tablet at kumunot ang noo, pagkatapos ay tumayo siya at naglakad papunta sa bintana. Tinignan niya ang sulok-sulok ng mataong siyudad sa ilalim ng araw. Ngunit ang kanyang puso ay madilim. Pumalpak siya. Nagkamali siya ng nagawa. Mula sa umpisa, ang pakay ni Carter ay si Madeline, hindi ang mga anak nila. Naniniwala pa rin si Carter na sinukuan ni Shirley ang kanyang anak at pagkatapos ay sinubukang patayin ang kanyang sarili dahil tinurukan ni Jeremy si Shirley ng AXP69. Iyon ang dahilan kung bakit gustong maghiganti ni Carter kay Jeremy.
"Hindi ba halata kung anong gusto kong gawin? Gusto kong iparanas sa'yo kung anong pakiramdam na mawala ang taong minamahal mo, habang-buhay." “...”“Carter! Carter!”Beep—Nang pipigilan siya ni Jeremy, narinig niya ang busy tone sa kanilang linya. Binaba ni Carter ang tawag at lumipad ang eroplano pagkatapos ng sampung minuto. Kaagad na bumili ng plane ticket si Jeremy papuntang St. Piaf online. Nang pauwi na siya para mag-impake, bigla siyang nakatanggap ng tawag mula sa guro. Sa kabilang linya, humikbi ang guro ni Jackson at pabulong na nagsabi, "Mr. Whitman, may sunog sa school ngayon lang. Nagmamadali kaming patayin ang sunog, tapos nawala sina Jackson at isa pang bata sa klase pagkatapos naming mapatay ang apoy. Tinignan na namin ang security footage at nakita namin ang dalawang lalaki na sapilitan silang kinuha sa gitna ng sunog." Pagkatapos niya itong malaman, kaagad na nagpunta si Jeremy sa paaralan para tignan ang footage. Nang makita niya ang dalawang lalakin
Biglang huminto si Carter sa kanyang ginagawa. Inangat niya ang kanyang mukha para tignan ang pinto ng study at, sa kanyang gulat, nakita niya si Shirley na pumasok habang tinutulak ang kanyang sarili sa wheelchair. "Talagang kumilos ka laban sa kanya." Habang pinapagalaw ang kanyang wheelchair, pumasok si Shirley sa kwarto at tinignan ang kasalukuyang natutulog na si Madeline. "Pakawalan mo siya.""Hindi ko siya pakakawalan ngayon." Nagbigay ng desididong sagot si Carter kay Shirley nang walang pag-aalinlangan. "Shirley, wala kang pakialam sa bata, pero ako, meron. Hindi ko hahayaang mamatay ang anak ko nang basta-basta sa mga kamay ni Jeremy. Gusto kong ipaghiganti ang anak natin." Habang pinahayag ni Carter ang kanyang determinasyon kay Shirley, ang kanyang mga mata ay puno ng poot. "Carter, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo para maintindihan mo? Walang kinalaman si Jeremy sa pagkamatay ng bata at wala ring itong kinalaman kay Eveline." "Shirley, ikaw ang hindi nakaka
"Eveline, ako to." Tinaas ni Shirley ang kanyang kamay para marahang tapikin ng braso ni Madeline. Lumingon si Madeline at kuminang ang gulat sa kanyang mga mata. "Shirley?" "Ako nga." Tumango si Shirley. "Madeline, nandito ka sa St. Piaf," sunod na sabi ni Shirley. " Sa St. Piaf?" Kumunot ang noo ni Madeline, unti-unti niyang naalala lahat ng nangyari bago siya mawalan ng malay. Malinaw na sa kanya ngayon. Siya talaga ang pangunahing pakay ni Carter para sa kanyang paghihiganti. Habang inayos ni Madeline ang kanyang isipan, narinig niya ang mabuting paalala ni Shirley na dumaan sa kanyang tainga. "Eveline, mahihirapan kang umalis sa lugar na to sa ngayon, pero naniniwala ako na may paraan si Jeremy para hanapin ka. Pero gusto kong ipaalala sa'yo na nasa St. Piaf tayo at hindi pangkaraniwan ang katayuan ni Carter dito. Noon, kayang sumingit ni Jeremy sa mga tao, pero baka hindi niya ito magawa sa pagkakataong ito." Pagkatapos marinig ang sinabi ni Shirley, nagsimulang m
Tinignan ni Shirley ang mga mata ni Madeline habang nagsimula siyang kabahan. Nag-aalala siya na baka biglang bumalik si Carter sa sandaling ito. Kung ganoon, hindi niya matutulungan si Madeline. Maingat na tumingin si Madeline sa paligid ng study. Pakiramdam niya ay naglagay ng security camera si Carter sa study. Baka pinapanood ni Carter ang bawat isang kilos nila ni Shirley. Kagaya ng inaasahan ni Madeline, pinapanood nga ni Carter ang lahat ng nangyayari sa study ngayon habang hawak ang kanyang phone. Sa sandaling ito, nakita niya si Madeline na tumayo, naglakad papunta sa mesa, kumuha ng isang piraso ng papel mula sa mesa, pagkatapos ay kumuha ng panulat at nagsulat ng kung ano sa papel. Ginalaw ni Carter ang camera papunta sa papel at tinignan ito. Nakikita niya kung ano ang sinulat ni Madeline sa papel. "Kung talagang ginamitan ako ng advanced hypnosis ni Carter, maghanap ka ng paraan para iabot ang papel na to kay Jeremy para sa'kin." Nagsalubong ang kilay ni Cart
"Tama na." Bigla na lang, pinutol ni Carter si Madeline. Puno ng inis ang kanyang mukha. "Eveline, sa tingin mo matatakasan mo to sa pagsabi mo niyan? Imposible." "Hindi ko naisip na takasan ito. Kaya sinabi ko na kung gusto mo kong gamitan ng hipnotismo, gawin mo na ngayon." Tinitigan ni Madeline si Carter nang hindi natatakot. Handa na siya sa pinakamasamang mangyayari. Habang tinignan ni Carter ang walang pakialam na ekspresyon ni Madeline, unti-unting bumugso ang apoy sa kanyang puso. "Sige, dahil sinabi mo, susundin kita ngayon din." Pagkatapos niyang magsalita, nilabas niya ang lumang pocket watch mula sa bulsa ng kanyang suit. Hindi nagtangka si Madeline na iwasan ito at tumingin nang diretso sa pocket watch. Nang makita ni Carter kung gaano siya kamasunurin, kaagad niyang sinimulan ang hypnotismo. Nang makita ito, lumapit si Shirley para pigilan sila. "Eveline, nababaliw ka na ba?" Sinubukan niyang gisingin si Madeline na inisip niya ay nagamitan ng hipnotismo