"Tama na." Bigla na lang, pinutol ni Carter si Madeline. Puno ng inis ang kanyang mukha. "Eveline, sa tingin mo matatakasan mo to sa pagsabi mo niyan? Imposible." "Hindi ko naisip na takasan ito. Kaya sinabi ko na kung gusto mo kong gamitan ng hipnotismo, gawin mo na ngayon." Tinitigan ni Madeline si Carter nang hindi natatakot. Handa na siya sa pinakamasamang mangyayari. Habang tinignan ni Carter ang walang pakialam na ekspresyon ni Madeline, unti-unting bumugso ang apoy sa kanyang puso. "Sige, dahil sinabi mo, susundin kita ngayon din." Pagkatapos niyang magsalita, nilabas niya ang lumang pocket watch mula sa bulsa ng kanyang suit. Hindi nagtangka si Madeline na iwasan ito at tumingin nang diretso sa pocket watch. Nang makita ni Carter kung gaano siya kamasunurin, kaagad niyang sinimulan ang hypnotismo. Nang makita ito, lumapit si Shirley para pigilan sila. "Eveline, nababaliw ka na ba?" Sinubukan niyang gisingin si Madeline na inisip niya ay nagamitan ng hipnotismo
Biglang inangat ni Madeline ang kanyang ulo nang marinig niya ang boses at nagulat siya nang makita si Camille. Bahagyang ngumiti si Madeline. "Madam Gray, sa tingin mo, bakit ako nandito? Syempre, inimbitahan ako rito ng anak mo." "..." Sandaling nanahimik si Camille. Naintindihan niya ang sinasabi ni Madeline. Malinaw na dinala siya rito ni Carter nang sapilitan. Hindi alam ni Camille kung anong sasabihin niya kay Madeline. Sa sandaling ito, hinawakan ni Shirley ang kanyang kamay. "Tita Cammy, alam kong ayaw mo sa'kin dahil umalis ako noon nang walang pasabi, pero umaasa ako na may maipapangako ka sa'kin sa ngalan ng relasyon natin noon." Hinawakan ni Shirley nang mahigpit ang kamay ni Camille. "Hayaan niyong makaalis si Eveline." Nabigla si Camille nang marinig niya iyon. Hindi niya siya tinanggihan nang diretso. Malinaw na mayroong bahagyang pag-aalinlangan sa kanya. Tinignan niya si Madeline. Naantig na ang damdamin ni Camille. "Tita Cammy, inosente si Eveline. W
Naglakad si Madeline papunta ng balkonahe. Nakagawian na niya na hawakan ang kanyang wedding ring sa kanyang palasingsingan, pero wala siyang naramdaman doon. Paano niya nakalimutan yun? Tinanggal niya ang kanyang singsing at iniwan ito sa carpet ng hotel noon. Marahil ay hawak na ito ngayon ni Jeremy. Naniniwala siya na nakita na ni Jeremy ang mga palatandaan na iniwan niya. ‘Jeremy, hindi ko naisip na gagawin natin to uli.“Pero ngayon, baka tuluyan na niyang mabura ang lahat ng alaala ko ng sa gayon ay makontrol niya ang isipan at mga alaala ko. “Sana naman ay maunawaan mo kung bakit ako naging malupit sa iyo noon. Alam kong mauunawaan mo.” Binulong ni Madeline sa kanyang sarili habang nakatulala sa maaliwalas na kalangitan. Click. Maririnig ang tunog ng pagbukas ng pinto sa kanyang likuran. Alam ni Madeline kung kaninong yabag ng mga paa kung sino ang pumasok. “Sa tingin ko ay handa ka na.” Narinig niya ang walang emosyon na boses ni Carter. Hindi kumibo at nana
Medyo nabigla si Carter habang nakatingin siya kay Madeline na nagsimula nang mapasailalim sa estado ng hipnotismo. Hindi siya nagkamali ng narinig. Sinabi ni Madeline ang pangalan ng taong gusto niyang makita, at ang taong yun ay hindi si Jeremy. Taliwas ito sa plano ni Carter sa paghipnotismo kay Madeline.Tinignan niya si Madeline at sinubukan niya na muling hugutin ang isipan ni Madeline. “Eveline, tatanungin kita uli. Sino ang nakikita mo sa may bolang kristal?” Nang marinig ni Madeline ang tanong ni Carter, pinikit niya ang kanyang mga mata at masunurin na sinagot, “Si Lily. Nakita ko ang pinakamamahal kong anak na babae, si Lily.” Nung muling narinig ni Carter ang kanyang sagot, sigurado siya na ang taong kinasasabikan ngayon na makita ni Madeline ay walang iba kung hindi ang kanyang anak na si Lillian. Kasalukuyang nasa F Country si Lillian, at walang alam si Madeline kung ano ang kalagayan nito ngayon doon at kung saan ito nakatira. Kaya naman nangungulila siya ng
“Ganun ang nangyari.” Pinagpilitan ni Carter na ganun ang nangyari, pero ang kanyang mga mata ay napaka malumanay nung mga sandali na yun. “Shirley, hindi mo na kailangan pang isipin ang mga bagay na ito. Ang kailangan mo lang gawin ay magpagaling ng maayos. Huwag kang mag-alala, kahit na gaano pa kalaking halaga at pagod ang kailangan, pagagalingin kita ng sa gayon ay makatayo kang muli.” Pagkatapos niyang ipangako ito, tumayo si Carter at naglakad papunta sa likuran ni Shirley para itulak ang wheelchair nito ng dahan dahan. Wala nang ibang masabi pa si Shirley. Ang tanging nagawa lang niya ay ang umiyak ng tahimik. Alam niya na determinado si Carter na ipagpilitan ang sinasabi niyang paghihiganti na para bang nahipnotismo siya ng isang bagay na hindi nakikita ninoman. Pati si Carter, ay wala nang iba pang sinabi at tinulak na lang ang wheelchair ni Shirley… Pagkatapos ihatid ni Carter si Shirley pabalik sa kwarto nito, pakiramdam pa rin niya na parang may mali. Sigurado
“Eveline…”Tinignan n Shirley si Madeline na pumasok sa loob ng may dahan dahan na hakbang. May pakiramdam si Shirley na merong mali sa taong ito na nasa kanyanga harapan, pero hindi niya matukoy kung ano ito. Nang makapasok ito, tinignan ni Madeline si Camille ng may ngiti at saka binaling ang kanyang tingin kay Shirley. “Ikaw ba… ay kaibigan ng aking mapapangasawa?” ‘...” Nagulat si Shirley ng panandalian. Nung narinig niya ang mga sinabi ni Madeline, nakumbinsi na siya na si Madeline ay talagang napasailalim sa malalim na hipnotismo. Ang isipan ni Madeline ay hindi na sa kanya. Ang mga sinasabi niya at ginagawa ay parte lahat ng intensyon ni Carter. Tinignan lang ni Shirley si MAdeline at hindi kumibo. Nang makita niya na hindi sumasagot si Shirley, kaya muli siyang kinausap ni Madeline ng may palakaibigan na tono. “Naaalala kita. Ikaw si Shirley. Mukhang may mga masama akong karanasan noon ng dahil sayo, pero sinabi sa akin ni Carter na nakalipas na ang lahat ng iyo
Bigla niyang narinig ang masayang salaysay ni Madeline. Nagulat si Camille nung narinig niya ito, pero nauunawaan niya kung bakit ito sinabi ni Madeline. Nasa ilalim ng hipnotismo ni Carter si Madeline, kaya aa kasalukuyang isipan ni Madeline, si ACrter ang Jeremy na matagal na niyang minahal. Ang kanyang isipan at mga mata na nabubulagan ng isang ilusyon. Mahal pa rin niya si Jeremy. Ito ang bagay na hindi kayang baguhin ng hipnotismo. Ang kaya lang gawin ni Carter ay ang pagtakpan ang katotohanan. “Oo, sa wakas ay ikakasal na kayo. Natutuwa ako para sa inyo.” Sumakay na lang si Camille at binigay niya ang kanyang basbas kay Madeline. Ngumiti si Madeline nang marinig niya ito. Nang tinaas niya ang kanyang tingin, kuminam ang kanyang mga mata ng may bahid ng pagkagulat. Tumingin siya sa malayo at malambing na sinabi, “Carter.” Tinawag ni Madeline si Carter. Nang tinignan niya ang papalapit na lalake, makikita sa kanyang mga mata ang imahe ni Jeremy, at ang pangalan na
Huminto ang wheelchair ni Shirley pagkatapos magsalita ni Carter. Isang bihira, at masayang ngiti ang makikita sa mukha ni Carter nung nakita niya na tumigil si Shirley sa paglayo sa kanya. “Shirley, alam ko na, sa puso mo, isa akong makasariling bastardo ngayon, pero kahit na anong mangyari, ikaw pa rin ang nag-iisang babae sa buhay ko.” Nang marinig niya ang sagot ni Carter, biglang diniinan ni Shirley ang pagpindot niya ng switch ng kanyang wheelchair. Umagos ang luha mula sa kanyang mga mata, pero pinigilan niyang tumulo ang mga ito. Bukod doon, hindi niya sinagot si Carter. Tahimik lang niyang pinindot muli ang switch ng kanyang wheelchair, at nagpatuloy na lumabas ng kwarto. Tahimik na pinanood ni Carter si Shirley hanggang sa makalayo ito. Mabilis ang tibok ng kanyang puso, at dumilim ang kanyang mga mata. “Jeremy, mararamdaman mo na rin ang sakit na nararanasan ko.” Nang masabi ito ni Carter, tumunog ang kanyang phone. Sinilip niya ang kanyang phone, at isang