Sa loob ng kwarto sa may pangalawang palapag. Pinaandar ni Shirley ang kanyang wheelchair hanggang sa makarating siya sa balkonahe, at sinundan siya ni Jeremy hanggang sa hhuminto ito. Kung noon, hindi papayag na maiwan ng kasama si Shirley, lalo na ang makinig sa mga sasabihin nito. Ngayong kasalukuyan, kailangan na niyang bitawan ang anumang galit ang meron siya dito, at meron na siyang tiwala dito kahit paano. “Alam kong darating ka, pero hindi ko inaasahan na direkta kang darating dito sa Gray Manor ng ganito.” Bumuntong hininga si Shirley. Tinaas niya ang kanyang tingin, ng may bahid ng inggit, at tinignan si Jeremy. “Ang swerte naman ni Eveline na meron siyang mag-aalala at mag-aalaga sa kanya.” Nung narinig ni Jeremy ang mga salitang ito, nakaramdam siya ng kirot sa kanyang dibdib. Pinagsisihan niya na hindi niya nabigyan ng kumpletong kasiyahan at pagmamahal nung smula. Nakikita ni Jeremy na wala na ang dating talas ng dila ni Shirley, pero wala siyang panahon p
Pero, hindi pa rin maunawaan ni Jeremy kung paano makukuha ni Carter ang royal inheritance pagkatapos marehistro ang kasal nila ni Madeline. May kinalaman ba si Madeline sa maharlikang angkan ng St. Piaf? “Ang naunang kasal nila Carter at Eveline ay nagulo dahil sa pagdating mo. Naniniwala ako na ngayon naman, hindi ka niya bibigyan ng pagkakataon na sirain ito uli.” Ang mga salita ni Shirley ay may laman na mga paalala, at sinabi niya ito ng may bahid ng kawalang kakayahan sa kanyang mga mata. “Kilala ko siya ng lubos. Gagawin niya talaga ang lahat para makuha niya ang gusto niyang resulta. Ang mga nakakasamang lason na iyon ay ang patunay nito.“Jeremy, alam ko na, sa puso mo, kinasusuklaman mo pa rin ako, pero sana naman ay maalala mo ang mga sinabi ko. Huwag mong harapin si Carter ng harap-harapan ng anumang oras. Kailangan mong alalahanin na kailangan ka ni Eveline.” Bihira para kay Jeremy na makita ang sinseridad sa mga mata ni Shirley. At sa sandaling yun, nakumbinsi
Hindi nagyayabang si Jeremy nung sinabi niya ito. Alam niya ang sarili niyang kakayahan. Hindi niya maikakaila na ang mga bodyguard ni Carter ay mukhang malalakas, pero mas kumbinsido siya na wala sa kanila ang kaya siyang talunin. Nang marinig nila ang sinabi ni Jeremy, pakiramdam ng mga bodyguard ay nainsulto sila. Gusto niya bang labana silang lahat ng sabay? Malinaw na minamaliit sila ito! Gusto nilang makita kung gaano kalakas ang young master ng pinakamakapangyarihang pamilya sa Glendale para magawa nitong magyabang ng ganito. “Sugod!” Utos ng pinuno ng mga bodyguard, at ilan sa ibang mga bodyguard ang kaagad na sumugod. Bago sila gumawa ng hakbang, kampante sila na walang laban sa kanial si Jeremy. Kahit na totoong maabilidad si Jeremy, mas marami pa rin sila. Pero, pagkatapos nilang sumugod, nahanap nila ang kanilang mga sarili na mali at masyado silang naging kampante. Hindi lang mabilis at maliksi si Jeremy, pero ang bilis ng kanyang mga atake ay higit
Ang matitibay na katawan ng mga bodyguard ay malakas na bumagsak sa damuhan ng may ingay. “Ah!” Napasigaw sa sakit ang bodyguard. Tinignan ni Jeremy ang lalakeng bingasak niya ng may pangmamaliit na tingin ng isang hari, at pagkatapos ay nilingon ang iba pang mga bodyguard. Subalit, ang iba pang mga bodyguard ay natakot na kay Jeremy. Nung nakuminsi na hindi nila kayang talunin si Jeremy gamit lang ng kanilang mga kakayahan, nagpasiya sila na kailangan na nilang maglaro ng marumi ngayon. Ang nabalibag na bodyguard ay tinignan ang walang pakeng likuran ni Jeremy at tahimik na nilabas ang isang baril mula sa bulsa ng suit nito. Tinutok niya ang kanyang baril sa hita ni Jeremy at kinalabit ang gatilyo nang hindi napapansin ni Jeremy. Gayunpaman, ang abilidad ni Jeremy na obserbahan ang kanyang paligid ay sobrang talas kaya nung kakalibitin na nung bodyguard ang gatilyo, iniwasan niya ito, ng mabilis at maliksi. Naiwasan ni Jeremy ang bala at sa sumunod na sandali, tumago
Huminto si Carter, at ang kanto ng labi nito ay umarko at naging isang nakakaintrigang ngiti. “Jeremy, mukhang sa pagkakataon na ito, hindi ka na makakabalik pa sa Glendale pagkatapos mong pumunta dito sa St. Piaf.” Tinignan niya muli ang nagdudugong hita ni Jeremy at biglang tumawa. “Masakit, hindi ba? Pero ang ganitong klaseng sakit ay malapit na ring maglaho dahil mawawala na rin ang lahat ng pakiramdam mo maya-maya lang.” Habang nagsasalita siya, sumingkit ang kanyang mga mata, at pagkatapos ay kinalabit niya ang gatilyo. “Jeremy, mapunta ka sana as impyerno at pagbayaran mo ang ginawa mo sa anak ko.” “Huwag!” Nung babarilin na sana ni Carter si Jeremy sa isang magarbong paraan at nung susubukan ni Jeremy na umilag, isang nangangambang boses ang nanggaling sa itaas para pigilan siya. Biglang nanigas ang daliri ni Carter. Inangat niya ang kanyang tingin para makita niya si Shirley na nakasakay sa wheelchair sa may balkonahe ng pangalawang palapag. Kanina pa nanonoo
Medyo nainis si Carter; ang ekspresyon ng kanyang mukha ay mukhang sobrang inis. Nang matapos siyang magsalita, naglakad siya palayo ng galit. Kahit na nag-aalangan pati ang mga bodyguard na nasa kanyang tabi, kailangan pa rin niyang dalhin si Jeremy pabalik sa guest room para gamutin tulad ng utos ni Carter. Ayaw nang palalain pa ni Jeremy ang kanyang kondisyon, kaya sinundan niya ang bodyguard papunta ng guest room. Hindi nagtagal, dumating na ang family doctor nila Carter, at sinundan siya ni Shirley papunta sa kwarto ni Jeremy. Sa mga sandaling yun, naging masyadong maputla ang mukha ni Jeremy. Dahil sa nanghihina siya dahil sa maraming dugo ang nawala sa kanya, nawalan na siya ng malay sa kama. Dahil sa labis itong nag-aalala, nakabantay sa may tabi si Shirley. Dr. Lane, kamusta naman siya? Malala ba ang sugat na natamo niya?” Sinagot ni Dr. Labne si Shirley habang ginagamot ang sugat ni Jeremy. “Miss Brown, wala na kayong dapat na ipag-alala. Ang kanyang sugat a
“Linnie.”Nang pumasok sa loob si Madeline, malumanay siyang tinawag ni Jeremy, at ang madilim niyang mga mata ay kuminam na muli. Kaagad siyang umupo muli, pero ang kanyang kilos ay masyadong malaki, at naapektuhan nito ang kanyang binti.“Hiss.”Nagpakawala siyab ng isang mahinang ungol . Kung naiba lang itong oras kanina, hindi siya gagawa nga kahit na anong ingay, pero ngayon na nakita niya si Madeline, walang malay siyang nangulila sa kalinga nito at pag-aalala. Napansin ni Madeline ang kilos ni Jeremy. Pero, kalmado lang ang ekspresyon nito, at hindi siya nagpakita ng reaksyon o kahit na anong pag-aalala bilang tugon sa nararamdaman ni Jeremy. Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng isang timbang puno ng tubig at yelo ang kanyang puso. Nakaramdam siya ng matinding lamig. Gayunpaman, kailangan niyang ayusin ang kanyang arili. Kung hindi lang nahipnotized si Madeline, at kung hindi lang siya binigyan ng walang katuturan na mga ideya ni Carter, aalagaan siya kaagad nito,
“Ayos lang,” sabi ni Madeline habang natural niyang iniwasan ang kamay ni Jeremy para pulutin a ng baso. “Mr. Whitman, mukhang nanghihina ka pa. Mas mabuti siguro kung tatawag ako ng katulong para mag-alaga sayo.” Sabi ni Madeline at saka umalis. Biglang nawalan ng kontrol si Jeremy at hinablot ang kamay ni Madeline.Biglang huminto sa paglalakad si Madeline at hindi natutuwang hinampas palayo ang kamay ni Jeremy.“Mr. Whitman, anong ginagawa mo?” tanong niya. Ang kanyang masigla at magandang mga mata ay napuno ng pagkairita. Tinignan ni Jeremy ang galit na mga mata ni Madeline at malungkot na ibinaba ang kanyang tingin. “Patawarin mo ako, Miss Montgomery. May naaalala lang ako sayo.”Bakas sa mukha ni Jeremy ang kalungkutan, at ang singkitan at malalim na almond eyes nagpapakita ng kanyang kalungkutan. May pakiramdam si Madeline na hindi nagsisinungaling si Jeremy, kaya hindi siya nagalit, pero nagtanong siya dahil sa nagtataka siya, "Sino ang taong naaalala mo sa tuwing