Hindi nagyayabang si Jeremy nung sinabi niya ito. Alam niya ang sarili niyang kakayahan. Hindi niya maikakaila na ang mga bodyguard ni Carter ay mukhang malalakas, pero mas kumbinsido siya na wala sa kanila ang kaya siyang talunin. Nang marinig nila ang sinabi ni Jeremy, pakiramdam ng mga bodyguard ay nainsulto sila. Gusto niya bang labana silang lahat ng sabay? Malinaw na minamaliit sila ito! Gusto nilang makita kung gaano kalakas ang young master ng pinakamakapangyarihang pamilya sa Glendale para magawa nitong magyabang ng ganito. “Sugod!” Utos ng pinuno ng mga bodyguard, at ilan sa ibang mga bodyguard ang kaagad na sumugod. Bago sila gumawa ng hakbang, kampante sila na walang laban sa kanial si Jeremy. Kahit na totoong maabilidad si Jeremy, mas marami pa rin sila. Pero, pagkatapos nilang sumugod, nahanap nila ang kanilang mga sarili na mali at masyado silang naging kampante. Hindi lang mabilis at maliksi si Jeremy, pero ang bilis ng kanyang mga atake ay higit
Ang matitibay na katawan ng mga bodyguard ay malakas na bumagsak sa damuhan ng may ingay. “Ah!” Napasigaw sa sakit ang bodyguard. Tinignan ni Jeremy ang lalakeng bingasak niya ng may pangmamaliit na tingin ng isang hari, at pagkatapos ay nilingon ang iba pang mga bodyguard. Subalit, ang iba pang mga bodyguard ay natakot na kay Jeremy. Nung nakuminsi na hindi nila kayang talunin si Jeremy gamit lang ng kanilang mga kakayahan, nagpasiya sila na kailangan na nilang maglaro ng marumi ngayon. Ang nabalibag na bodyguard ay tinignan ang walang pakeng likuran ni Jeremy at tahimik na nilabas ang isang baril mula sa bulsa ng suit nito. Tinutok niya ang kanyang baril sa hita ni Jeremy at kinalabit ang gatilyo nang hindi napapansin ni Jeremy. Gayunpaman, ang abilidad ni Jeremy na obserbahan ang kanyang paligid ay sobrang talas kaya nung kakalibitin na nung bodyguard ang gatilyo, iniwasan niya ito, ng mabilis at maliksi. Naiwasan ni Jeremy ang bala at sa sumunod na sandali, tumago
Huminto si Carter, at ang kanto ng labi nito ay umarko at naging isang nakakaintrigang ngiti. “Jeremy, mukhang sa pagkakataon na ito, hindi ka na makakabalik pa sa Glendale pagkatapos mong pumunta dito sa St. Piaf.” Tinignan niya muli ang nagdudugong hita ni Jeremy at biglang tumawa. “Masakit, hindi ba? Pero ang ganitong klaseng sakit ay malapit na ring maglaho dahil mawawala na rin ang lahat ng pakiramdam mo maya-maya lang.” Habang nagsasalita siya, sumingkit ang kanyang mga mata, at pagkatapos ay kinalabit niya ang gatilyo. “Jeremy, mapunta ka sana as impyerno at pagbayaran mo ang ginawa mo sa anak ko.” “Huwag!” Nung babarilin na sana ni Carter si Jeremy sa isang magarbong paraan at nung susubukan ni Jeremy na umilag, isang nangangambang boses ang nanggaling sa itaas para pigilan siya. Biglang nanigas ang daliri ni Carter. Inangat niya ang kanyang tingin para makita niya si Shirley na nakasakay sa wheelchair sa may balkonahe ng pangalawang palapag. Kanina pa nanonoo
Medyo nainis si Carter; ang ekspresyon ng kanyang mukha ay mukhang sobrang inis. Nang matapos siyang magsalita, naglakad siya palayo ng galit. Kahit na nag-aalangan pati ang mga bodyguard na nasa kanyang tabi, kailangan pa rin niyang dalhin si Jeremy pabalik sa guest room para gamutin tulad ng utos ni Carter. Ayaw nang palalain pa ni Jeremy ang kanyang kondisyon, kaya sinundan niya ang bodyguard papunta ng guest room. Hindi nagtagal, dumating na ang family doctor nila Carter, at sinundan siya ni Shirley papunta sa kwarto ni Jeremy. Sa mga sandaling yun, naging masyadong maputla ang mukha ni Jeremy. Dahil sa nanghihina siya dahil sa maraming dugo ang nawala sa kanya, nawalan na siya ng malay sa kama. Dahil sa labis itong nag-aalala, nakabantay sa may tabi si Shirley. Dr. Lane, kamusta naman siya? Malala ba ang sugat na natamo niya?” Sinagot ni Dr. Labne si Shirley habang ginagamot ang sugat ni Jeremy. “Miss Brown, wala na kayong dapat na ipag-alala. Ang kanyang sugat a
“Linnie.”Nang pumasok sa loob si Madeline, malumanay siyang tinawag ni Jeremy, at ang madilim niyang mga mata ay kuminam na muli. Kaagad siyang umupo muli, pero ang kanyang kilos ay masyadong malaki, at naapektuhan nito ang kanyang binti.“Hiss.”Nagpakawala siyab ng isang mahinang ungol . Kung naiba lang itong oras kanina, hindi siya gagawa nga kahit na anong ingay, pero ngayon na nakita niya si Madeline, walang malay siyang nangulila sa kalinga nito at pag-aalala. Napansin ni Madeline ang kilos ni Jeremy. Pero, kalmado lang ang ekspresyon nito, at hindi siya nagpakita ng reaksyon o kahit na anong pag-aalala bilang tugon sa nararamdaman ni Jeremy. Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng isang timbang puno ng tubig at yelo ang kanyang puso. Nakaramdam siya ng matinding lamig. Gayunpaman, kailangan niyang ayusin ang kanyang arili. Kung hindi lang nahipnotized si Madeline, at kung hindi lang siya binigyan ng walang katuturan na mga ideya ni Carter, aalagaan siya kaagad nito,
“Ayos lang,” sabi ni Madeline habang natural niyang iniwasan ang kamay ni Jeremy para pulutin a ng baso. “Mr. Whitman, mukhang nanghihina ka pa. Mas mabuti siguro kung tatawag ako ng katulong para mag-alaga sayo.” Sabi ni Madeline at saka umalis. Biglang nawalan ng kontrol si Jeremy at hinablot ang kamay ni Madeline.Biglang huminto sa paglalakad si Madeline at hindi natutuwang hinampas palayo ang kamay ni Jeremy.“Mr. Whitman, anong ginagawa mo?” tanong niya. Ang kanyang masigla at magandang mga mata ay napuno ng pagkairita. Tinignan ni Jeremy ang galit na mga mata ni Madeline at malungkot na ibinaba ang kanyang tingin. “Patawarin mo ako, Miss Montgomery. May naaalala lang ako sayo.”Bakas sa mukha ni Jeremy ang kalungkutan, at ang singkitan at malalim na almond eyes nagpapakita ng kanyang kalungkutan. May pakiramdam si Madeline na hindi nagsisinungaling si Jeremy, kaya hindi siya nagalit, pero nagtanong siya dahil sa nagtataka siya, "Sino ang taong naaalala mo sa tuwing
Tinitigan ng maigi ni Jeremy ang nakakabighaning mga mata ni Madeline na para bang kayang magsalita ng mgaito. Tinaas din ni Madeline ang kanyang mata para makita ang malalim at nakakabighaning almond eyes nito. “Mr. Whitman,” sabi ni Madeline, “Ikaw…” “Eveline.”Nagkataon, lumitaw si Carter at sa mga sandaling iyon, na umantala kay Madeline. Ang umaasang ekspresyon sa mga mata ni Jeremy ay kaagad na nabasag.Nakatayo si Carter sa may lagusan at lumingon para tignan si Jeremy na nakaupo sa kama.Ang kanyang mga mata ay may dalang malamig at aroganteng liwanag, at ang kanto ng kanyang mga labi ay bahagyang nakaangat. Ang arko ng kanyang ngiti ay umaapaw sa mayabang na pagkapanalo. Ilang segundo pa lang ang lumilipas, iniwas ni Carter ang kanyang tingin at ibinaba ang kanyang tingin para tignan si Madeline is out right now. “Eveline, hinahanap mo ba ako?” marahan na tanong. Napakamalumanay ng kanyang tono.. Si Jeremy, syempre, ay nakikita na si Carter ay umaarter lamang
"Ano ang gusto mo, Mr. Carter?" Kinuha ni Carter ang tablet sa kanyang harapan at tinignan ito nang malamig. "Sigurado ka ba na handa na ang lahat on-site para bukas?" "Mr. Carter, mapanatag kayo at nakahanda na nang maayos ang lahat. Dalawang beses ko na tong tinignan. Walang magiging problema." Ginarantiya siya ng tagapagsilbi. Nakuntento si Carter. Tinapik niya ang screen ng tablet gamit ng kanyang mga daliri. "Paano naman si Jeremy?" tanong niya ulit. Kumunot ang noo nilang lahat pagkatapos ay nangako, "Kahit na lumitaw siya bukas, hindi niya mababago ang mangyayari." "Sige." Tuluyan nang nakuntento si Carter. "Siguraduhin niyo lang na walang pagkakamali rito." "Walang mangyayaring pagkakamali." "Magaling." Sa sandaling matapos si Carter sa pagsasalita, pumasok si Camille mula sa pinto ng study. Tinignan ni Carter ang mga tao at magalang silang umalis. Naglakad si Camille papunta sa mesa. "Handa na ba ang lahat?" "Opo, maghihintay na lang tayo para sa ka