"Ano ang gusto mo, Mr. Carter?" Kinuha ni Carter ang tablet sa kanyang harapan at tinignan ito nang malamig. "Sigurado ka ba na handa na ang lahat on-site para bukas?" "Mr. Carter, mapanatag kayo at nakahanda na nang maayos ang lahat. Dalawang beses ko na tong tinignan. Walang magiging problema." Ginarantiya siya ng tagapagsilbi. Nakuntento si Carter. Tinapik niya ang screen ng tablet gamit ng kanyang mga daliri. "Paano naman si Jeremy?" tanong niya ulit. Kumunot ang noo nilang lahat pagkatapos ay nangako, "Kahit na lumitaw siya bukas, hindi niya mababago ang mangyayari." "Sige." Tuluyan nang nakuntento si Carter. "Siguraduhin niyo lang na walang pagkakamali rito." "Walang mangyayaring pagkakamali." "Magaling." Sa sandaling matapos si Carter sa pagsasalita, pumasok si Camille mula sa pinto ng study. Tinignan ni Carter ang mga tao at magalang silang umalis. Naglakad si Camille papunta sa mesa. "Handa na ba ang lahat?" "Opo, maghihintay na lang tayo para sa ka
Hindi lang isang kaibigan. Pagkatapos marinig ang mga salita ni Shirley, nanatiling tahimik si Madeline nang dalawang segundo. Naghihinala siyang nagsabi, "Ibig mo bang sabihin…" "Mayroon akong relasyon sa kanya noon at ipinagbuntis ko ang anak niya," diretsong sabi ni Shirley habang matapang na nakatingin sa mga mata ni Madeline. Inobserbahan niya ang gulat sa mga mata ni Madeline. Alam niya na baka hindi maniwala si Madeline sa kanyang sinabi, pero nagpatuloy si Shirley. "Dahil masyadong marami ang kasalanan na nagawa ko kasama niya, iyon ang dahilan… kay imposibleng maipanganak ang anak namin sa mundong ito." Nang sinabi niya ito, kusang namula ang mga mata ni Shirley. Tuwing naiisip ni Shirley ang tungkol sa batang iyon, nakakaranas pa rin siya ng malinaw at tagos-butong sakit. Kumunot ang noo ni Madeline habang tahimik siyang nakinig at nag-isip. Ang kanyang pakakasalan ay mayroong ganitong relasyon sa babaeng nasa kanyang harapan. Tahimik na nag-isip si Madeli
Hindi niya pwedeng hayaan na sabihin ni Shirley kay Madeline ang tungkol sa hypnosis. “Eveline, nakikipagkwentuhan ka ba sa kaibigan ko?” Lumapit si Carter ng may malumanay na ngiti at tinawag si Shirley na kaibigan. Inangat ni Shirley ang kanyang tingin at kalamadon tinignan si Carter. Pagkatapos ay inikot niya ang direksyon ng kanyang wheelchair at umalis ng walang sinasabi. Na may ngiti sa kanyang makisig na mukha, nakatingin si Carter na para bang walang pakialam, pero ang kanyang mga mata ay nakatingin ng maigi sa likuran ni Shirley. “Mukhang hindi masama ang timpla ni Miss Brown,” sabi ni Madeline, na bumasag sa katahimikan ng paligid. Tahimik na iniwas ni Carter ang kanyang tingin. “Anong napag-usapan niyong dalawa?” Inangat ni Madeline ang kanyang tingin at ang mapang-akit na mga mata ni Madeline ay napatitig sa mga malalim na mga mata ni Carter. “Wala lang ito. Binigay lang sa atin ni Miss Brown ang kanyang basbas, pero may sinabi din siya tungkol sa hipnotismo, at
Binuksan ni Shirley ang pintuan at medyo nagulat na makita ang taong ito na nakatayo sa labas ng kanyang kwarto. “Eveline, ikaw…” “Nagulat ka ba?” Si Madeline, na bahagyang nakangiti, ay inangat ang kanyang kanang kamay at kinalas ang kanyang nakakuyom na kamao, tapo may nahulog na maliit na bagay sa palad niya, ngunit ang kadena na konektado dito ay hindi hinayaan ang bagay na mahulog sa lupa. “Ito dapat ang prop na sinabi mo sa akin kanina lang?” Tanong ni Madeline. Napatingin si Shirley sa pamilyar na pocket watch na umiindayog sa kanyang harapan, habang bahagyang lumilipad ang kanyang isipan. Gulat pa rin siya. “Talagang hinanap mo pa ito.” Tumango si Madeline saka pumasok sa loob ng silid ni Shirley. “Sabi ko naman ay naniniwala ako sayo.” Saglit na natigilan si Shirley, at pagkatapos ay isang hindi masab na damdamin ang pumasok sa kanyang puso. “Maaari ba nating simulan itong subukan ngayon?” Tanong ni Madeline habang inaabot ang pocket watch kay Shirley. Si
Si Jeremy, na hawak ang pagkain, ay kalmadong binuka ang kanyang bibig at nagtanong. “Saan ba gaganapin ang kasal ni Mr. Carter bukas?” Walang alinlangan na sumagot ang katulong, “Gaganapin ito sa Royal Palace ng St. Piaf. Hindi ba ito nakasulat sa wedding invitation niyo Mr. Whitman?” “Syempre, nakasulat. Gusto ko lang makumpirma ito,” mabilis na sagot ni Jeremy na may makatwiran na sagot. Walang anumang pagdududa ang katulong, at sa halip, sinabi pa nito, “Mr. Whitman, napakaingat mo. Pero seryoso ang natamo mong sugat sa iyong hita. Kapag pumunta ka sa kasal bukas, kailangan mo pa ring mag-ingat.” “Salamat sa iyong paalala. Mag-iinat ako.” Magalang na pinasalamatan ni Jeremy ang katulong. Nung napansin niya na ang katulong na ito ay nakatingin sa kanya ng puno ng tuwa, walang kibo siyang umiwas ng tingin. “Narinig ko na si Mr. Carter ay naikasal na ilang buwan na ang nakalipas, kaya bakit siya magpapakasal muli ngayon?” Nang marinig ito ng katulong, bahagyang nagbago a
‘Linnie.’Tinawag ni Jeremy ang pangalan ni Madeline sa kanyang puso, dahil sa natatakot siya na baka mailang ang kasalukuyang Madeline kapag sinabi niya ito ng harap-harapan. Pagkatapos ayusin ang kanyang sarili, malumanay na ngumiti si Jeremy at sinabi, “Miss Montgomery, nagkita tayong muli.” Nagkatinginan sila Jeremy at Madeline at saka muling tinignan ang sugatan nitong hita.“Mr. Whitman, sugatan ka, kaya bakit hindi ka nagpapahinga sa iyong kwarto?” Nakaramdam ng init ang puso ni Jeremy. “Nag-aalala ka ba para sa akin, Miss Montgomery?” Pagkatapos niyang sabihin ito, naging seryoso ang ekspresyon ni Madeline. “Mr. Whitman, mukhang mahilig kang magbiro, pero hindi ito nakakatawa para sa akin. Sugatan ka, pero naglalakad ka sa halip na sinusunod ang payo ng doktor na magpahinga. Nahihirapan tuloy akong magustuhan ka ng ganito.” Malamig ang pakikitungo sa kanya ni Madeline, at may bahid pa nga ito ng tapang. Saka siya nagpatuloy sa pagsasalita. “Mr. Whitman, kung umas
hindi alam ni Jeremy kung namamalikmata lang ba siya. Bakit parang pakiramdam niya ay nagseselos si Madeline nung mga sandaling yun? Nang marinig ng katulong ang sinabi ni Madeline, medyo namula ang pisngi nito sa hiya. “Mr. Whitman, kumain ka na lang para sa kapakanan ng sarili mong katawan,” muling pagpupumilit ng katulong, habang kinukurap ang malaki at makinam nitong mga mata. Tinignan ni Jeremy si Madeline at kinuha ang tasa mula sa kamay ng katulong. “Salamat, ako na ang bahala.”“Mr. Whitman, hindi mo kailangan na maging magalang sa akin. Tungkulin ko na alagaan kayo, sabi ng katulong na may nahihiyang ekspresyon at pagkatapos ay tumayo para harapin si Madeline. “Miss Montgomery, huwag kayong mag-alala. Aalagaan ko ng mabuti si Mr. Whitman. Narinig ko na pupunta kayo sa hotel kasama si Mr. Carter para kumain, kaya hindi ko na po kayo aabalahin pa.” Para bang pinapaalis na ng katulong si Madeline mula sa tono ng pananalita nito. Tumango at ngumiti si Madeline. “Kun
Tumingala si Madeline at nakita ang isang matangkad na lalake na nakasuot ng limited edition na sportswear na may tote bag na nakasabit ng pahalang sa malapad nitong mga balikat. Mukha itong kakatapos lang na mag-ehersisyo. Mukhang nasa edad bente pataas ang lalakeng ito. Ang kanyang itsura ay depenido at matikas, at napakakisig niya. Gayunpaman, ang makisig na lalakeng ito ay mukha rin isang maluhong bata. Lahat lahat, mukha itong isang palalo na matigas ang ulo. Muling sinilip ni Madeline ang lalake at napagtanto niya na ang ekspresyon ng mga mata ng lalakeng ito ay katulad ng kay Carter. Mukhang ito ang pinsan ni Carter. Pagkalipas ng mga ilang sandali, naglakad papalapit kay Madeline ang lalake, kumurba ang mga kanto ng labi nito at naging isang mayabong na ngiti, at ipinakilala ang kanyang sarili, na tulad ng inaasahan. “Kamusta, magiging cousin-in-law. Ito ang unang beses na nagkita tayo. Ako nga pala ang pinsan ni Carter, si Jim.” Jim Gray.Napansin ni Madeline na