hindi alam ni Jeremy kung namamalikmata lang ba siya. Bakit parang pakiramdam niya ay nagseselos si Madeline nung mga sandaling yun? Nang marinig ng katulong ang sinabi ni Madeline, medyo namula ang pisngi nito sa hiya. “Mr. Whitman, kumain ka na lang para sa kapakanan ng sarili mong katawan,” muling pagpupumilit ng katulong, habang kinukurap ang malaki at makinam nitong mga mata. Tinignan ni Jeremy si Madeline at kinuha ang tasa mula sa kamay ng katulong. “Salamat, ako na ang bahala.”“Mr. Whitman, hindi mo kailangan na maging magalang sa akin. Tungkulin ko na alagaan kayo, sabi ng katulong na may nahihiyang ekspresyon at pagkatapos ay tumayo para harapin si Madeline. “Miss Montgomery, huwag kayong mag-alala. Aalagaan ko ng mabuti si Mr. Whitman. Narinig ko na pupunta kayo sa hotel kasama si Mr. Carter para kumain, kaya hindi ko na po kayo aabalahin pa.” Para bang pinapaalis na ng katulong si Madeline mula sa tono ng pananalita nito. Tumango at ngumiti si Madeline. “Kun
Tumingala si Madeline at nakita ang isang matangkad na lalake na nakasuot ng limited edition na sportswear na may tote bag na nakasabit ng pahalang sa malapad nitong mga balikat. Mukha itong kakatapos lang na mag-ehersisyo. Mukhang nasa edad bente pataas ang lalakeng ito. Ang kanyang itsura ay depenido at matikas, at napakakisig niya. Gayunpaman, ang makisig na lalakeng ito ay mukha rin isang maluhong bata. Lahat lahat, mukha itong isang palalo na matigas ang ulo. Muling sinilip ni Madeline ang lalake at napagtanto niya na ang ekspresyon ng mga mata ng lalakeng ito ay katulad ng kay Carter. Mukhang ito ang pinsan ni Carter. Pagkalipas ng mga ilang sandali, naglakad papalapit kay Madeline ang lalake, kumurba ang mga kanto ng labi nito at naging isang mayabong na ngiti, at ipinakilala ang kanyang sarili, na tulad ng inaasahan. “Kamusta, magiging cousin-in-law. Ito ang unang beses na nagkita tayo. Ako nga pala ang pinsan ni Carter, si Jim.” Jim Gray.Napansin ni Madeline na
Tinignan ni Madeline ang tanawin sa gabi sa may bintana ng kotse, saka niya nilingon si Carter, na masama ang ekspresyon ng mukha. “Carter, ang lalakeng nagngangalang Jim na yun ay kanina ka pa pinupuntirya sa may hapagkainan kanina. May alitan ba kayong dalawa?” Kahit na masama ang loob ni Carter sa mga sandaling iyon, pinigilan niya ang kanyang galit at tumugon ng may malumanay na boses, “Pinsan ko siya, at balak din niyang kunin ang karapatan para sa royal inheritance.” “Kaya naman pala palagi ka niyang pinag-iinitan, lalo na ang nanay niya.” “Ang babaeng yun.” pagalit na suminghal si Carter, at pagkatapos ay ang kanyang tingin ay kuminam at tumitig sa mukha ni Madeline. Nagdududa na napakurap si Madeline. “Carter, anong problema?” “Eveline, kailangan mong makinig sa akin. Bukas, kailangan mong gawin ang lahat ng sasabihin ko sayo.” Pagpupumilit ni Carter; seryoso ang kanyang ekspresyon. Masunuring tumango si Madeline. “Syempre. Gagawin ko ang anumang sabihin mo.”
Nang nakatayo si Madeline, tinignan niya ang kanyang paligid. Wala na sa loob ng study room si Carter. Iniwan siya nito sa sopa ng mag-isa. Nakatayo lang si Madeline doon na para bang may iniisip ng mga ilang sandali. Naalala niya ang tatlong bagay na sinabi sa kanya ni Carter kanina lang. Mas mukha itong utos kaysa sa panuto. Pagkalipas ng ilang sandali, umalis na ng study room si Madeline. Nung dumaan siya sa may kwarto na kung saan si Jeremy, walang malay niyang binagalan ang kanyang paglalakad. Nagkataon, bukas ang pinto ng guest room. Nakita ni Madeline ang family doctor ni la Carter na pinapalitan ang bendahe ng sugat ni Jeremy, at ang katulong na nakatoka sa pag-aalaga kay Jeremy na masyadong malapit dito.Tumigil si Madeline at sinilip ang eksena ng kalmado. “Dr. Lane, magaling na ba ang sugat ni Mr. Whitman? Meron bang komplikasyon?” tanong ng katulong, nag-aalala tungkol sa sugat ni Jeremy. Tumawa ang doktor nung narinig ito. “Ngayong araw lang na ito nasugat
‘Ganito pala ang pakiramdam ng umibig sa unang pagkakataon.’Masayang sabi ng katulong sa loob ng kanyang puso. “Miss Montgomery, huwag kayong mag-alala. Hanggang sa tuluyang gumaling si Mr. Whitman, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para alagaan siya sa mga oras na yun!” Malakas ang loob ng katulong. Nang sabihin niya ito, hindi niya nakalimutan na tignan ng ilang beses si Jeremy habang medyo nahihiya. Napansin ni Jeremy ang tingin sa kanyang ng katulong at alam niya na gusto siya ng katulong, pero ayaw niya na iba ang isipin ni Madeline, kahit na wala siya sa kanyang sarili ngayon. “Miss, ang bait mo naman. Ang totoo, hindi na mahalaga ang sugat ko. Hindi mo na ako kailangan alagaan. Matanda na ako, at kaya ko nang alagaan ang sarili ko. Hindi mo na kailangan pang alalahanin ang tungkol sa akin.” Nung narinig ito ang katulong, unti unting naglaho ang hiya at pamumula ng kanyang mukha. Tinignan niya si Jeremy at hindi siya makapaniwala. “Mr. Whitman, sinasabi niyo
Nakikita ni Madeline na muhang masama ang loob ng katulong sa kanya, pero pinakitaan pa rin siya ng katulong ng isang palakaibigan na ngiti ng mapayapa. “Anong gusto mong malaman?”“Gusto kong malaman kung matagal na ba kayong magkakilala nila Mr. Whitman?” direktang tanong ng katulong. Ngumiti si Madeline. “Bakit mo ito natanong?” “Ah, wala lang po. Pakiramdam ko pon kasi ay kakaiba ang tingin niyo kay Mr. Whitman.” Mukhang may kakaibang pahiwatig sa mga salita ng katulong. Saka nagpatuloy ang katulong sa pagsasalita, “Miss Montgomery, ikakasal ka na bukas kay Mr. Carter.” Tumango si Madeline. “Alam ko.”Bigla ring ngumiti ang katulong. “Kaya, pakiusap bigyan mo naman ng tiyansa ang iba, Miss Montgomery. Huwag kang makipagmabutihan sa ibang lalake bukod kay Mr. Carter. Napakaganda mo. Mabilis na mahuhulog sa iyo ang mga lalake.”Ito ay talagang walang galang at may malakas na bahid ng pagseselos. Pero, hindi nagalit si Madeline. Maingat lang siyang ngumiti. “Nakipagmabu
"Naghahanda na ako para sa kinabukasan natin. Hindi kita paghihintayin nang matagal," nangako si Carter. Hindi naantig si Shirley; binago niya ang direksyon ng wheelchair at nagpunta sa kama. "Sige, Mr. Gray, narinig kita. Pwede ka nang umalis. Matutulog na ako." Habang pinapakinggan ang mga salita ni Shirley tinitigan siya ni Carter nang may naniningkit na mga mata. "Alam ko na mahirap para sa'yo na paniwalaan ang sinabi ko at makalimutan ang kamatayan ni Adam at Cathy, pero kahit na anong mangyari, walang makakapagpabago sa relasyon ko sa'yo." Ang bawat isang salitang lumabas sa bibig ni Carter ay pambihirang napakalalim at napakalakas. Ngunit nagbingi-bingihan si Shirley sa kanyang sinabi. Mas lalo siyang walang pakialam ngayon. Ayaw ni Carter na makipagtalo sa kanya kaya umalis siya. Sa sandaling makalabas siya ng kwarto, tinawag niya ang katulong para tulungan si Shirley na umakyat sa kama. Gusto niya siyang buhatin papunta sa kama, pero alam na alam niyang tatan
Nang marinig ang pagtatanong ni Carter, kaagad na nanigas ang katulong at sobra siyang nataranta. "Hindi, hindi, hindi ako nakikinig. Hindi ko magagawa yun. Hindi ko magagawang makinig…" Nagpaliwanag ng katulong habang nanginginig. Mas lalong namumutla ang kanyang mukha sa takot. Hindi maganda ang timpla ni Carter at lalo siyang nagalit sa kasinungalingan ng katulong. "Sigurado ka ba na hindi ka nakikinig? Kung ganon, iniisip mo ba na may problema sa mga mata at IQ ko, o sa tingin mo perpekto ang paliwanag mo?" Nang marinig ito, sobrang natakot ang katulong na pinagpawisan ang kanyang mga palad. “M-Mr. Carter…”"Hindi kailangan ng mga Gray ng isang bastos na katulong na kagaya mo. Umalis ka na kaagad sa manor na ito. Wag kang umasang makakakuha ka ng kahit na ano sa sahod mo ngayong buwan." Walang pakialam si Carter na binanggit ang mga salitang ito at nagsimulang maglakad papalayo. Namula ang gilid ng mga mata ng katulong. Kinakabahan siya at natatakot habang tumakbo