Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 1731 - Kabanata 1740

2479 Kabanata

Kabanata 1731

Biglang nagsalita si Jeremy.Agad na lumingon si Madeline kay Jeremy, gayunpaman, hindi na siya nagulat dito. Sinabi lamang ito ni Jeremy dahil sa pag-aalala niya para kay Madeline.Napangiti si Carter sa mga sinabi ni Jeremy. Ito ang sagot na gusto niyang marinig.“Carter, sabihin mo na kung anong gusto mo.” Ang sabi ni Jeremy, paubos na ang pasensya niya kay Carter.Hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Carter. “Pakawalan niyo si Shirley.” Ang sabi niya.Inakala ni Madeline na magiging napakahirap o hindi makatwiran ang kahilingan ni Carter. Subalit, hindi niya inasahan na ang tanging gustong mangyari ni Carter ay ang pakawalan nila si Shirley.Pati si Jeremy ay nagduda sa kahilingan ni Carter. Kung ito lang ang kahilingan ni Carter, bakit naman siya tatanggi?Lalo na’t ang tanging dahilan kung bakit niya kinidnap si Shirley ay upang gamitin siya para makuha ang anti-toxoid test regeant.“Papakawalan ko siya, pero kailangan ko munang makita yung anti-toxoid test reagent. Sinabi niy
Magbasa pa

Kabanata 1732

Seryosong tumingin si Jeremy kay Madeline, hindi siya sumagot.Pabigat ng pabigat ang pagbagsak ng niyebe, at unti-unti nitong binalot ang lupa.Paglipas ng kalahating oras, muling huminto ang kotse ni Jeremy sa gate ng villa.Noong bumaba ng kotse si Madeline, agad na napako ang kanyang tingin sa mga bakas ng gulong sa niyebe.Liblib ang lokasyon ng villa na ito. Kung tutuusin, walang sinuman ang pupunta sa lugar na ito, lalo na ang mag-iwan ng mga bakas ng gulong sa tapat ng gate, maliban na lang kung sinadya nilang pumunta dito.“Dito mo pala siya kinulong.” Ang sabi ni Carter pagbaba niya ng kotse. “Ituro mo sakin ang daan.” Tila hindi na siya makapaghintay, ngunit kalmado pa rin ang kanyang ekspresyon.Marahil ay nag-aalala pa rin si Jeremy kay Madeline, dahil hindi niya napansin ang mga bakas ng gulong sa niyebe.Binuksan niya ang gate at pinangunahan niya ang daan habang hawak niya ang kamay ni Madeline.“Jeremy, may hindi tama dito.” Ang sabi ni Madeline.“May hindi ta
Magbasa pa

Kabanata 1733

Sumigaw si Jeremy, sinubukan niyang pigilan si Carter, ngunit buo na ang isipan ni Carter.Gamit ang buong lakas niya, hinagis ni Carter ang vial ng anti-toxoid test reagent palabas ng balkonahe, siniguro niyang walang mananalo sa kanila.Subalit, hindi makakapayag si Jeremy na tumayo na lamang at panoorin si Carter na ihagis palabas ang anti-toxoid test reagent. Sa mga sandaling iyon, tumalon siya papunta sa direksyon ng vial, lumundag siya ng parang isang espada na binunot mula sa kalupal nito, tila lumipad siya kasabay ng vial.Kumabog ang dibdib ni Madeline nang makita niya ang nangyari.“Hindi! Jeremy…”Napasigaw si Madeline at tumakbo siya papunta kay Jeremy. Subalit, hindi niya kayang habulin ang bilis ni Jeremy. Pinanood niyang tumalon mula sa balkonahe si Jeremy, sinubukang saluhin ni Jeremy ang vial ng anti-toxoid test reagent. "Jeremy!" Nagmadaling tumakbo si Madeline papunta sa balkonahe at tumingin siya sa baba. Pagkatapos ay bumaba siya ng hagdan upang hanapin si
Magbasa pa

Kabanata 1734

Sa pamimilit ni Jeremy, hindi na nagtanong pa si Madeline. Agad niyang kinuha ang anti-toxoid test reagent na bigay ni Adam mula sa kanyang bulsa at inabot niya ito kay Jeremy. Kinuha ito ni Jeremy kasabay ng paglabas ni Carter mula sa bahay. Agad niyang nakita sila Jeremy at Madeline, at naglakad siya palapit sa kanila. Tumingin siya sa vial ng anti-toxoid test reagent na malapit kay Jeremy. Nang makita niya ang mga piraso ng basag na vial, napuno ng tuwa ang mga mata ni Carter, at pagkatapos ay lalo itong nagdilim. "Jeremy, yun lang ang nag-iisang vial ng anti-toxoid test reagent na makakatulong kay Madeline, at wala na yun ngayon. Ngayon, wala ka nang magagawa kundi ang panooring maghirap ang pinakamamahal mo. Maliban na lang kung pakakawalan mo si Shirley. Doon lamang siya magkakaroon ng oras na kumpletuhin ang anti-toxoid test reagent.”Pagkatapos niyang pakinggan ang mga sinasabi ni Carter, kalmadong tumayo si Jeremy.Tumayo rin si Madeline. Pinagpag niya ang yelo sa co
Magbasa pa

Kabanata 1735

Pagkatapos nito, tumalikod si Carter at umalis. Medyo kinabahan si Madeline habang pinagmamasdan niya si Carter na maglakad palayo. Naramdaman niya na sumikip ang kanyang dibdib nang makita niya ang basag na vial ng anti-toxoid test reagent sa lupa. Nang mapansin niya ang pagbabago sa ekspresyon ni Madeline, si Jeremy na mukhang napakasaya, ay pinakalma si Madeline at hinawakan ang kanyang kamay. "Linnie, alam kong nag-aalala ka sakin, pero mas kailangan nating gamutin ang kundisyon mo ngayon. Kahit na umatake pa ang lason sa katawan ko, hindi yun magiging problema dahil nandyan si Adam. Pero, ibang usapan yung sayo. Hinding-hindi ibibigay sayo ni Carter ang anti-toxoid test reagent."Hindi maitanggi ni Madeline na may punto si Jeremy. Gayunpaman, masama pa rin ang loob niya nang makita niya ang basag na vial. Noong wala na si Carter, muling bumalik sa guest room sila Madeline at Jeremy. Sinuri ni Jeremy ang buong kwarto at tiningnan niya ang nagkalat na dugo sa lapag. D
Magbasa pa

Kabanata 1736

Madilim ang ilaw sa bodega, kaya hindi makita ni Shirley ang mukha ng babae. Subalit, naiisip niya kung gaano kasama ang itsura ng mukha ng babae ngayon. “Anong balak mong gawin?” Tinukod ni Shirley ang dalawang kamay niya at ginawa niya ang lahat ng makakaya niya upang makaatras.Hindi siya natatakot sa gagawing pagpapahirap sa kanya ng babaeng ito, ngunit hindi niya matatanggap ang magkaroon ng kahit anong sugat ang kanyang mukha.Walang babae na kayang tanggapin ito.Winasiwas ng babae ang kutsilyo at naglakad siya papunta sa harap ni Shirley, nakatayo siya sa harap niya habang arogante siyang nakatingin kay Shirley.“Shirley, alam ko hinding-hindi kita mapapantayan sa ilang bagay at hindi kita mapapalitan. Ang tanging kaya kong gawin ngayon ay ang baguhin ang itsura mo.”Nang marinig ito ni Shirley, lalo siyang nakasiguro na gustong sirain ng babaeng ito ang kanyang mukha.Alam niya na kapag hindi lumaban, masisira ng husto ang mukha niya sa mga kamay ng babaeng ito.Hindi
Magbasa pa

Kabanata 1737

Hinawakan ni Shirley ang kanyang mukha at tumakbo siya ng hindi iniisip kung saan siya papunta, tiniis niya ang matinding lamig na dala ng hangin at niyebe.Tumulo sa puting niyebe ang dugo na dumaloy sa pagitan ng kanyang mga daliri, at nagmistulang mga bulaklak ang mga patak ng dugo sa lupa.Hindi alam ni Shirley kung gaano katagal na siyang tumatakbo, at hindi rin niya alam kung saan siya papunta. Palabo ng palabo ang kanyang isipan. Noong malapit na siyang mawalan ng malay, tumakbo siya papunta sa kalsada.Hindi agad nakahinto ang isang taxi at sumalpok ito kay Shirley na bigla na lamang nagtatakbo sa gitna ng kalsada.Agad na tinapakan ng taxi driver ang preno at sa sobrang takot niya, natulala na lang siya habang hawak niya ang manibela.“Wala akong kasalanan. Tumakbo siya sa gitna ng kalsada. Wala akong kasalanan.”Paulit-ulit na sinabi ng driver na wala siyang kasalanan.Noong nakita nila Adam at Cathy ang nangyari mula sa backseat ng taxi, binuksan nilang dalawa ang pin
Magbasa pa

Kabanata 1738

Hindi siya mapapanatag kung wala sa kanya ang anti-toxoid test reagent na binigay sa kanya ni Adam.Kapag bigla nanamang inatake si Jeremy, hindi alam ni Madeline kung ano ang gagawin niya.Subalit, kahit na natatawagan niya si Adam, wala namang sumasagot sa tawag niya.Naisip ni Madeline ba baka marami lang inaasikaso si Adam, kaya naisip niya na tatawagan na lang niya uli si Adam mamaya. Subalit, noong itatabi na niya ang phone niya, tinawagan siya ni Adam.Agad na sinagot ni Madeline ang tawag at narinig niya ang boses ni Cathy sa kabilang linya.“Evie, ako ‘to.”“Cathy, kasama mo ba si Adam? Hindi ba niya masasagot ang tawag ngayon?”“Evie, hindi niya masagot ang tawag kasi…”Pagkatapos marinig ni Madeline ang sinabi ni Cathy, biglang nagbago ang ekspresyon niya.Bumalik sa ward si Jeremy pagkatapos niyang tumawag. Nang makita niya ang kakaibang ekspresyon ni Madeline, nilapitan niya siya at tinanong, “Linnie, anong nangyari?”“May nangyaring masama kay Shirley.” Pagkatap
Magbasa pa

Kabanata 1739

Nang marinig niya iyon, naramdaman ni Adam na nanlamig ang kanyang puso. Para bang nilubog sa nagyeyelong tubig ang kanyang puso, dahilan upang manigas ang buong katawan niya.Noong narinig ito ni Madeline, pakiramdam niya ay may kakaiba sa sitwasyon. Hindi siya naniniwala na mamamatay ng ganito si Shirley. “Doktor, kamusta ang lagay ng pasyente?”Noong nakita ng doktor na kasama ni Madeline si Adam, detalyado niyang ipinaliwanag ang kondisyon ni Shirley, “Base sa sitwasyon niya ngayon, maaari siyang maparalisa at habambuhay na siyang hindi makakalakad. Napakalalim din ng sugat sa mukha niya, kaya posibleng hindi na ito bumalik sa dati kahit na gumaling pa ito.Mapaparalisa siya at masisira ang kanyang mukha.Agad na naalala ni Madeline ang nangyari sa kanya noon.Nabulag siya noon at nasira din ang kanyang mukha. Masasabing pinagdaanan niya ang pinagdadaanan ngayon ni Shirley.“Ito ang kalagayan ngayon ng pasyente. Baka gumanda pa ang kondisyon niya pagkalipas ng recovery period
Magbasa pa

Kabanata 1740

"Hindi ko alam kung gagaling pa ang mga binti niya, pero sigurado ako na may paraan ka para pagalingin ang mukha niya, di ba?" Noong tinanong ito ni Cathy, kumikislap ang mga mata niya. Naniniwala siya na magagawa iyon ni Adam. Pagkatapos niyang itanong yun, pareho silang natahimik ng ilang sandali. Mukhang may pinag-iisipan ng malalim si Adam. Paglipas ng ilang sandali, gumingin siya kay Cathy ng may ngiti sa kanyang gwapong mukha. "Salamat, Cathy." "Kapag pinasalamatan mo ako, parang tinuturing mo na rin akong ibang tao. Adam, parang miyembro ka na din ng pamilya ko, kaya hindi mo na ako kailangang pasalamatan." Miyembro ng pamilya. Noong narinig ni Adam ang mga salitang iyon, nakaramdam siya ng saya at kalungkutan. Subalit, mas nakaramdam siya ng saya. Kung sabagay, ang isang miyembro ng pamilya ay higit pa sa isang kaibigan, espesyal ito. Nilipat si Shirley sa isang pribadong ward sa ospital. Paglipas ng isang buong araw na wala siyang malay, nagising siya s
Magbasa pa
PREV
1
...
172173174175176
...
248
DMCA.com Protection Status