All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 1751 - Chapter 1760

2479 Chapters

Kabanata 1751

Nung narinig ni Shirley ang mga yabag ng paa, alam niya kaagad na si Carter ito. Alam niya na hindi na siya makakapagtago pa sa mga sandaling ito, kaya hinarap na lang nya ito. Pero, wala pa rin siyang lakas ng loob na ipakita ang pumangit na kalahati ng kanyang mukha sa lalake na hinahangaan niya ng lubos. Sa sandaling lumitaw si Carter, nilingon niya ang kanyang katawan at itinago ang kanyang pisngi na may peklat ng sa gayon ay hindi ito makita ni Carter. Hinayaan lang niyang makita nito ang kanyang kabilang pisngi na mukhang makinis, walang bahid, at maganda. At para naman sa kanyang nalumpong mga binti, ang tangi lang niyang nagawa ay umupo sa kama habang nagpapanggap na parang wala siyang pakialam. Tinignan ni Carter si Shirley na walang kibong nakaupo sa may kama at ginalaw niya ang kanyang mahahabang binti para humakbang ng dalawang beses palapit sa kama. Napansin niya ang lamig sa mukha ni Shirley. "Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sayo?" Tinanong kaagad ni Carter
Read more

Kabanata 1752

Desidido ang tono ng pananalita ni Shirley. Mukhang walang masabi si Carter sa mga sandaling yun. Pagkatapos, kinagat niya ang kanto ng kanyang labi. “Shirley, alam mo ba kung ano ang sinasabi mo?” “Oo, alam ko. Alam ko kung ano ang sinabi ko,” dahan dahan na sagot ni Shirley ng hindi man inaangat ang tingin nito. “Pinag-isipan ko na ito ng mabuti, at hindi na kita hahayaan na manipulahin pa akong muli na parang tanga. Ginagamit lang naman natin ang isa’t isa, Mr. Gray. Ginamit mo ako para makamtan ang iyong mga layunin, at sa totoo lang, ginagamit lang din kita.” Nang marinig ni Carter ang sagot ni Shirley, pakiramdam niya ang nakarinig siiya ng isang malaking biro. “Ginagamit mo lang ako?” Singhal niya at nagtanong, “Paano mo naman ako ginamit?” “Hindi mo pa rin alam kung paano kita ginamit?” tanong ni Shirley. Ang kanto ng mapulang labi nito ay bahagyang naging maputla at naging isang ngiti na puno ng pandidiri. “”Nung unang beses tayong nagkita, alam ko na mabibigya
Read more

Kabanata 1753

Sabay na tinignan nila Cathy at Adam ang pinanggalingan ng tunog at parehos ilang nagulat sa kanilang nakita. Nahulog nanaman si Shirley sa may tabi ng kama at halatang sinadya niya itong gawin. Hindi siya makapaglakad, kaya gumapang na lang siya. Ngayon ay gumagapang siya papunta sa balkonahe. Nung nakita ito ni Adam, nagsisinungaling na siya kung sasabihin niya hindi siya nalulungkot. Kapatid niya ito, kaya hindi niya ito kayang hindi pansinin. Naglakad siya papunta kay Shirley na kasalukuyang kinakaladkad ang kalahati ng kanyang katawan para lang makagapang, at inabot ito upang buhatin. “Shirley, anong ginagawa mo? Nababaliw ka na ba?” Pagalit siyang sinigawan ni Adam. Ang emosyon at pagalit na sigaw nito ay ipinapakita lang kung gaano siya nag-aalala para sa kanya. Pero, hindi siya pinakinggan ni Shirley. Buong pwersa niyang hinila ang kamay ni Adam paalis at tinitigan ito diretso sa mga mata nito na namumula ng lingid sa kanilang kaalaman. “Bitawan m ako! Adam, ga
Read more

Kabanata 1754

Kinuha ni Carter ang tablet at tinignan ito. Nung nakita niya ang larawan sa screen, napuno ng gulat ang kanyang mga mata. Mukhang hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. “Gusto niyong pakasalan ko siya?” Tinignan ni Carter si Camille ng may pagdududa. Tumango so Camille. “Siya ang naaangkop na kandidato sa ngayon, Carter. Marami kang mapagtatagumpayan na mga bagay, kaya ayokong magpadala ka sa iyong emosyon at hayaan na isang babae ang sisira sa maganda mong hinaharap.” Tinignan ni Carter ang larawan sa nasa screen ng may matinding pandidiri sa kanyang puso. Pero, nung bigla niyang naalala kung ano ang mga sinabi ni Shirley, bigla siyang natawa. “Huwag kang mag-alala, itutuon ko ang aking sarili sa aking karera simula ngayon. Wala nang babae ang makakaapekto sa aking emosyon ngayon.”“Mabuti.” Tumayo si Camille at nilingon ang kanyang ulo para utusan ang butler, “Umalis ka na at paghandaan ang kasal ni Mr. Carter. Kailangan na maging engrande ito, at gusto kong makita
Read more

Kabanata 1755

Pagkatapos matanggap ng lalake na nasa kabilang linya ang tawag na ito, binaba na nito ang tawag ng walang sinasabi na kahit na ano. Nagtataka ang nars. Nung iniisip niya na baka naloko lang siya, nakatanggap siya ng notipikasyon sa kanyang pphone na nagsasabing nakatanggap siya ng malaking halaga ng pera. Natuwa ang nars dahil sa magagawa na niyang mabili ang bag na matagal na niyang gustong bilhin ngayon. Pagkatapos, nilagay niya ang lahat ng mga medical record ni Lillian sa may lamesa ng naaayon sa utos na natanggap niya mula sa taong nagbigay sa kanya ng pera. Pagkatapos niyang gawin ang lahat ng yun, sinarado niya ang pinto at umalis. Pagkalipas lang ng mga ilang minuto nung umalis ang nars, isang matangkad na lalake ang lumitaw sa may pinto ng ward. Ang lalake ay hindi nagdawalang-isip na itulak pabukas ang pinto at naglakad papasok sa ward. Pagkaalis ni Madeline, hindi na pinapansin ni Lillian ang kanyang paligid sa kung ano ang nangyayari sa loob ng ward. Nakaupo
Read more

Kabanata 1756

Nung nakita ni Lillian na walang masabi si Fabian, iniwasan niya ang tingin ni Fabian, bakas ang kalungkutan sa mga mata nito. Pagkatapos ay inabot at sinubukan niyang kunin ang sumbrero at dahan dahan na sinuot muli ito. Habang nakatulala, kaagad naisaayos ni Fabian ang kanyang isipan. At sa mga sandaling iyon, ginawa na niya ang huli niyang desisyon. “Lily.”Nagsalita na rin siya sa wakas, ang seryosong niyang mga mata ay nakatingin ng diretso sa mga malungkot at malaking mata ni Lillian. “Lily, gusto mo bang sumama sa akin?”Mahinahon na tanong ni Fabian pero bakas sa kanyang tono na nagmamadali siya. Nag-aalala siya na baka makabalik na si Madeline. Si Lillian, na hindi alam kung ano ang ibig sabihin ni Fabian, ay kumurap lang at tinitigan ito. “Lily, dadalhin kita sa isang lugar na kung saan ay mapapagaling ka nila. Kaagad kang gagaling, pagkatapos ay makakapagsalita ka nang muli katulad nung dati.” Bahagyang naunawaan naman ngayon ni Lillian kung ano ang sinabi s
Read more

Kabanata 1757

Narinig pareho nila Lillian at Fabian ang sigaw ni Madeline. Tinignan nila ang direksyon ni Madeline ng sabay; bumaling si Lillian sa direksyon ni Madeline pero si fabian ay mahigpit siyang hinahawakan. “Bitawan mo ang anak ko!” Sigaw ni Madeline kay Fabian habang pinapakalma niya si Lillian. “Huwag kang matakot, Lily. Papunta na ako jan para kunin ka.” Pero, si Fabian, na hindi pinapansin ang mga sinasabi ni Madeline, ay binuksan ang pintuan ng kotse at mabilis na pumasok sa loob, habang hawak si Lillian. “Lily! Lily!”Paulit-ulit na sinigaw ni Madeline ang pangalan ni Lillian, pero nagsimula ng umandar ang kotse paalis. Nahuli na siya para pigilan ang pag-alis nito. Dahil sa pwede niyang gamitin ang GPS para malaman ang lokasyon ni Lillian, tumakbo si Madeline pabalik sa may parking lot at sumakay sa kanyang kotse para habulin sila Fabian. Kahit na hindi pa siya nagkapagmaneho ng mabilis sa buong buhay niya, nakokontrol naman niya ng maayos ang manibela. Kaagad na naab
Read more

Kabanata 1758

Liliko na sana sa susunod na kanto si Madeline para pigilan ang kotse ni Fabian, pero sa mga sandaling to, ang lokasyon ng pulang ilaw sa kanyang phone ay biglang nagbago.Dapat ay umuusad ito ng diretso, pero bigla itong umatras bago tuluyang huminto. Sa isang iglap, hindi na alam ni Madeline kung aabante ba siya o kung iikot pabalik. Pero, wala na siyang oras para mag-isip. Kaagad niyang inikot ang manibela ng kanyang kotse at pinaandar ito papunta sa lokasyon ng pulang ilaw. Ang lokasyon ng pulang ilaw, sa kasamaang palad, ay nasa gitna ng isang kalsada kung saan maraming kotse na dumadaan. Nagpaekis-ekis ang mga kotse sa kalsada, pero hindi man gumagalaw ang pulang ilaw. Naunawaan din ito kaagad ni Madeline. May nagtanggal ng GPS sa kwintas ni Lillian. Pinanood niya ang magulong kalsada. Bihirang maging maaraw sa gitna ng taglamig, pero nabalot siya ng kalungkutan, na nagpadilim sa lahat ng nakikita niya. “Lily.”Binulong ni Madeline ang pangalan ni Lillian, at wala
Read more

Kabanata 1759

Nilabas ni Madeline ang kanyang phone at tama ang kutob niya na si Fabian ang tumatawag. Tinanggal na nito ang pagkakablock ng numero niya sa phone nito. Nanginig ang mga daliri ni Madeline, pagkatapos ay kaagad niyang sinagot ang tawag. “Fabian, saan mo dinala si Lily? Ibalik mo siya sa amin ngayon din!” Natataranta ang tono ni Madeline, at malinaw kung gaano na ito nag-aalala sa mga oras na yun. Syempre, inaasahan na ni Fabian na magkakaganito si Madeline. Pero, napakakalmado ng boses nito. “Mrs. Whitman, alam ko na nag-aalala ka para sa pinakamamahal mong anak na babae. Tinatawagan kita para lang ipaalam sa inyo na ligtas siya. Hindi niyo kailangan mag-alala pa. Walang masamang mangyayari sa kanya.”Napakalamig ng boses ni Fabian; ang kanyang pangako at garantiya ay lalo lang bumalisa kay Madeline. “Fabian, hindi kita kailangan para sabihin sa akin na ligtas ang anak ko. Ang gusto ko lang ay makita ang anak ko ng mga mata ko mismo. Magiging tunay na maayos ang anak ko k
Read more

Kabanata 1760

Ito ay walang iba kung hindi ang Glendale Airport. Base sa mga salita ni Fabian kanina, may pakiramdam ni Jeremy na malaki ang posibilidad na lisanin ni Fabian ang Glendale kasama si Lillian. At tulad ng kanyang hula, pagkatapos tignan ang mga biyahe, nalaman niya na si Fabian ay sumakay sa isang chartered plane na aalis mula Glendale papuntang F Country. Kakaalis lang eroplano limang minuto na ang nakalipas. Imposible na mapigilan pa ang pag-alis ng eroplano, kaya ang nagawa na lang niya ay bumili ng plane ticket papuntang F Country kaagad. Samantala, tinawagan din niya ang kanyang mga kasamahan sa Interpol, at umaasa na sana ay mapigilan nila si Fabian sa may airport. Nang malaman ito ni Madeline, gusto niyang sumama kay Jeremy papuntang F Country. Alam ni Jeremy na hindi niya matatanggihan si Madeline, kaya magkasama sila na naghihintay sa kanilang eroplano papuntang F Country sa may airport. Ang susunod na byahe ay pagkatapos ng tatlong oras. Wala na silang masyadon
Read more
PREV
1
...
174175176177178
...
248
DMCA.com Protection Status