Nung nakita ni Lillian na walang masabi si Fabian, iniwasan niya ang tingin ni Fabian, bakas ang kalungkutan sa mga mata nito. Pagkatapos ay inabot at sinubukan niyang kunin ang sumbrero at dahan dahan na sinuot muli ito. Habang nakatulala, kaagad naisaayos ni Fabian ang kanyang isipan. At sa mga sandaling iyon, ginawa na niya ang huli niyang desisyon. “Lily.”Nagsalita na rin siya sa wakas, ang seryosong niyang mga mata ay nakatingin ng diretso sa mga malungkot at malaking mata ni Lillian. “Lily, gusto mo bang sumama sa akin?”Mahinahon na tanong ni Fabian pero bakas sa kanyang tono na nagmamadali siya. Nag-aalala siya na baka makabalik na si Madeline. Si Lillian, na hindi alam kung ano ang ibig sabihin ni Fabian, ay kumurap lang at tinitigan ito. “Lily, dadalhin kita sa isang lugar na kung saan ay mapapagaling ka nila. Kaagad kang gagaling, pagkatapos ay makakapagsalita ka nang muli katulad nung dati.” Bahagyang naunawaan naman ngayon ni Lillian kung ano ang sinabi s
Narinig pareho nila Lillian at Fabian ang sigaw ni Madeline. Tinignan nila ang direksyon ni Madeline ng sabay; bumaling si Lillian sa direksyon ni Madeline pero si fabian ay mahigpit siyang hinahawakan. “Bitawan mo ang anak ko!” Sigaw ni Madeline kay Fabian habang pinapakalma niya si Lillian. “Huwag kang matakot, Lily. Papunta na ako jan para kunin ka.” Pero, si Fabian, na hindi pinapansin ang mga sinasabi ni Madeline, ay binuksan ang pintuan ng kotse at mabilis na pumasok sa loob, habang hawak si Lillian. “Lily! Lily!”Paulit-ulit na sinigaw ni Madeline ang pangalan ni Lillian, pero nagsimula ng umandar ang kotse paalis. Nahuli na siya para pigilan ang pag-alis nito. Dahil sa pwede niyang gamitin ang GPS para malaman ang lokasyon ni Lillian, tumakbo si Madeline pabalik sa may parking lot at sumakay sa kanyang kotse para habulin sila Fabian. Kahit na hindi pa siya nagkapagmaneho ng mabilis sa buong buhay niya, nakokontrol naman niya ng maayos ang manibela. Kaagad na naab
Liliko na sana sa susunod na kanto si Madeline para pigilan ang kotse ni Fabian, pero sa mga sandaling to, ang lokasyon ng pulang ilaw sa kanyang phone ay biglang nagbago.Dapat ay umuusad ito ng diretso, pero bigla itong umatras bago tuluyang huminto. Sa isang iglap, hindi na alam ni Madeline kung aabante ba siya o kung iikot pabalik. Pero, wala na siyang oras para mag-isip. Kaagad niyang inikot ang manibela ng kanyang kotse at pinaandar ito papunta sa lokasyon ng pulang ilaw. Ang lokasyon ng pulang ilaw, sa kasamaang palad, ay nasa gitna ng isang kalsada kung saan maraming kotse na dumadaan. Nagpaekis-ekis ang mga kotse sa kalsada, pero hindi man gumagalaw ang pulang ilaw. Naunawaan din ito kaagad ni Madeline. May nagtanggal ng GPS sa kwintas ni Lillian. Pinanood niya ang magulong kalsada. Bihirang maging maaraw sa gitna ng taglamig, pero nabalot siya ng kalungkutan, na nagpadilim sa lahat ng nakikita niya. “Lily.”Binulong ni Madeline ang pangalan ni Lillian, at wala
Nilabas ni Madeline ang kanyang phone at tama ang kutob niya na si Fabian ang tumatawag. Tinanggal na nito ang pagkakablock ng numero niya sa phone nito. Nanginig ang mga daliri ni Madeline, pagkatapos ay kaagad niyang sinagot ang tawag. “Fabian, saan mo dinala si Lily? Ibalik mo siya sa amin ngayon din!” Natataranta ang tono ni Madeline, at malinaw kung gaano na ito nag-aalala sa mga oras na yun. Syempre, inaasahan na ni Fabian na magkakaganito si Madeline. Pero, napakakalmado ng boses nito. “Mrs. Whitman, alam ko na nag-aalala ka para sa pinakamamahal mong anak na babae. Tinatawagan kita para lang ipaalam sa inyo na ligtas siya. Hindi niyo kailangan mag-alala pa. Walang masamang mangyayari sa kanya.”Napakalamig ng boses ni Fabian; ang kanyang pangako at garantiya ay lalo lang bumalisa kay Madeline. “Fabian, hindi kita kailangan para sabihin sa akin na ligtas ang anak ko. Ang gusto ko lang ay makita ang anak ko ng mga mata ko mismo. Magiging tunay na maayos ang anak ko k
Ito ay walang iba kung hindi ang Glendale Airport. Base sa mga salita ni Fabian kanina, may pakiramdam ni Jeremy na malaki ang posibilidad na lisanin ni Fabian ang Glendale kasama si Lillian. At tulad ng kanyang hula, pagkatapos tignan ang mga biyahe, nalaman niya na si Fabian ay sumakay sa isang chartered plane na aalis mula Glendale papuntang F Country. Kakaalis lang eroplano limang minuto na ang nakalipas. Imposible na mapigilan pa ang pag-alis ng eroplano, kaya ang nagawa na lang niya ay bumili ng plane ticket papuntang F Country kaagad. Samantala, tinawagan din niya ang kanyang mga kasamahan sa Interpol, at umaasa na sana ay mapigilan nila si Fabian sa may airport. Nang malaman ito ni Madeline, gusto niyang sumama kay Jeremy papuntang F Country. Alam ni Jeremy na hindi niya matatanggihan si Madeline, kaya magkasama sila na naghihintay sa kanilang eroplano papuntang F Country sa may airport. Ang susunod na byahe ay pagkatapos ng tatlong oras. Wala na silang masyadon
”Paano… maging isang mabuting ina…” Mukhang natigilan si Eloise sa tanong ni Madeline. Tinitigan ni Eloise si Madeline sa mga luhaan na mata nito. Habang nakatingin siya kay Madeline, biglang malakas na umiling si Eloise; bigla ring nagbago ang kanyang ekspresyon. “Hindi ako isang mabuting ina. Hindi. Napagkamalan ko ang isang masamang babae bilang aking pinakamamahal na anak, at nang dahil sa akin kaya kinamuhian at pinahirapan nila si Eveline. Hindi ako isang mabuting ina. Hindi ako karapat dapat na maging isang ina. Hindi ako karapat dapat. Hindi…” Tinakwil ni Eloise ang kanyang sarili, sinisisi ng matindi ang kanyang sarili. Napagtanto lang ni Madeline ang kanyang tanong na tinanong niya noong naging emosyonal siya ay naksama pala kay Eloise. Kaagad niyang nilapitan si Eloise para hawakan ang balikat nito at pakalmahin ito. “Mom, hindi mo kailangan na pahirapan ang sarili mo ng ganito. Isa kang mabuting ina. Isa kang mabuting ina sa puso ni Eveline.” “Hindi, hindi
Pinansin kaagad ito ni Eloise, at binigyan pansin ang ekspresyon sa mukha ni Madeline; ang kilay nito sa maganda at eleganteng mukha ay magkasalubong. Naramdaman ni Eloise na sumikip ang kanyang dibdib sa hindi malamang dahilan. “Eveline…”Tinignan niya si Madeline at tahimik na binulong ang pangalan nito sa kanyang sarili. Nung nakita ni Madeline na huminto na si Eloise sa pagtakbo, natuwa siya ng husto. “Mom, huwag na kayong tumakbo. Hindi ko na kayo kayang habulin.” Si Madeline, na tinitiis ang sakit sa kanyang nalinsaran na bukong bukong, ay ngumiti kay Eloise. Habang nagsasalita siya, sinuportahan niya ang kanyang sarili gamit ang kanyang kamay, habang sinusubukan na tumayo. Kaagad na tumakbo si Jeremy papunta sa isang tabi, at nadatnan niya si Madeline na nakaupo sa gitna ng kalsada, na sinusubukan na tumayo. “Linnie.”Nang hindi nag-iisip, tumakbo siya papunta sa posisyon ni Madeline. Nagkataon, sa mga sandaling yun, isang malaking trak ang mabilis na tumatak
Si Eloise ay mariin na nakatitig ng masama sa may drayber ng malaking trak nung bigla nyang narinig na may tumawag sa kanyang likuran. Blanko siyang nakatitig sa kanyang harapan, pagkatapos ay kaagad na naging malumanya ang kanyang tinging. Kaagad na lumingon si Eloise at nagmamadaling lumapit kay Madeline. Si Eloise, na emosyonal pa rin sa mga oras na yun, ay inabot ang kanyang kamay para hawakan ang pisngi ni Madeline. “Eveline, kamusta ka? Ayos ka lang ba? Yung binti mo? Patingin nga.” Yumuko si Eloise habang nagsasalita, inabot ang kanyang kamay, at marahan na hinawakan ang nabaliang bukong bukong ni Madeline na namumula at namamaga. “May mga tama ba kayong lahat sa utak? Kung gusto niyong maglambingan, umuwi na lang kayo! Huwag kayong humarang sa dinadaanan ko!” Sigaw ng trak drayber, habang nakaduro ang kanyang kamay sa labas ng bintana. Inangat ni Jeremy ang malamig at masama niyang tingin. “Sa tingin mo ba ay may karapatan ka nung mabilis ang takbo ng trak mo? Ma