All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 1761 - Chapter 1770

2479 Chapters

Kabanata 1761

”Paano… maging isang mabuting ina…” Mukhang natigilan si Eloise sa tanong ni Madeline. Tinitigan ni Eloise si Madeline sa mga luhaan na mata nito. Habang nakatingin siya kay Madeline, biglang malakas na umiling si Eloise; bigla ring nagbago ang kanyang ekspresyon. “Hindi ako isang mabuting ina. Hindi. Napagkamalan ko ang isang masamang babae bilang aking pinakamamahal na anak, at nang dahil sa akin kaya kinamuhian at pinahirapan nila si Eveline. Hindi ako isang mabuting ina. Hindi ako karapat dapat na maging isang ina. Hindi ako karapat dapat. Hindi…” Tinakwil ni Eloise ang kanyang sarili, sinisisi ng matindi ang kanyang sarili. Napagtanto lang ni Madeline ang kanyang tanong na tinanong niya noong naging emosyonal siya ay naksama pala kay Eloise. Kaagad niyang nilapitan si Eloise para hawakan ang balikat nito at pakalmahin ito. “Mom, hindi mo kailangan na pahirapan ang sarili mo ng ganito. Isa kang mabuting ina. Isa kang mabuting ina sa puso ni Eveline.” “Hindi, hindi
Read more

Kabanata 1762

Pinansin kaagad ito ni Eloise, at binigyan pansin ang ekspresyon sa mukha ni Madeline; ang kilay nito sa maganda at eleganteng mukha ay magkasalubong. Naramdaman ni Eloise na sumikip ang kanyang dibdib sa hindi malamang dahilan. “Eveline…”Tinignan niya si Madeline at tahimik na binulong ang pangalan nito sa kanyang sarili. Nung nakita ni Madeline na huminto na si Eloise sa pagtakbo, natuwa siya ng husto. “Mom, huwag na kayong tumakbo. Hindi ko na kayo kayang habulin.” Si Madeline, na tinitiis ang sakit sa kanyang nalinsaran na bukong bukong, ay ngumiti kay Eloise. Habang nagsasalita siya, sinuportahan niya ang kanyang sarili gamit ang kanyang kamay, habang sinusubukan na tumayo. Kaagad na tumakbo si Jeremy papunta sa isang tabi, at nadatnan niya si Madeline na nakaupo sa gitna ng kalsada, na sinusubukan na tumayo. “Linnie.”Nang hindi nag-iisip, tumakbo siya papunta sa posisyon ni Madeline. Nagkataon, sa mga sandaling yun, isang malaking trak ang mabilis na tumatak
Read more

Kabanata 1763

Si Eloise ay mariin na nakatitig ng masama sa may drayber ng malaking trak nung bigla nyang narinig na may tumawag sa kanyang likuran. Blanko siyang nakatitig sa kanyang harapan, pagkatapos ay kaagad na naging malumanya ang kanyang tinging. Kaagad na lumingon si Eloise at nagmamadaling lumapit kay Madeline. Si Eloise, na emosyonal pa rin sa mga oras na yun, ay inabot ang kanyang kamay para hawakan ang pisngi ni Madeline. “Eveline, kamusta ka? Ayos ka lang ba? Yung binti mo? Patingin nga.” Yumuko si Eloise habang nagsasalita, inabot ang kanyang kamay, at marahan na hinawakan ang nabaliang bukong bukong ni Madeline na namumula at namamaga. “May mga tama ba kayong lahat sa utak? Kung gusto niyong maglambingan, umuwi na lang kayo! Huwag kayong humarang sa dinadaanan ko!” Sigaw ng trak drayber, habang nakaduro ang kanyang kamay sa labas ng bintana. Inangat ni Jeremy ang malamig at masama niyang tingin. “Sa tingin mo ba ay may karapatan ka nung mabilis ang takbo ng trak mo? Ma
Read more

Kabanata 1764

Ng may kumpirmasyon galing sa doktor, nagawa na ring mapanatag ni Eloise. Nang makita niya ang eksenang ito, pinakiusapan ni Madeline si Jeremy na ibaba siya nito. Pati si Eloise ay mabilis na naglakad papunta kay Madeline ng may mapagmahal na ngiti sa kanyang mukha. “Salamat na lang at hindi ito magiging isang malaking problema. Talagang natakot ako kanina. Umuwi na tayo ngayon.” Tinitigan ni Madeline si Eloise ng mariin at ngumiti. “Mom.” Tumango si Eloise. “Oo, Eveline. Umuwi na tayo ngayon.” “Mom,” tinawag siya mul ni Madeline. Sasagot na sana si Eloise nang bigla siyang makaramdam na para bang may mali. Nanigas ang ngiti sa kanyang mukha, at pati ang kanyang ekspresyon ay nagbago at napatulala siya. Mukhang, sa mga sandaling yun, napagtanto na rin niya. Tinitigan niya si Madeline, nabasa ng luha ang kanyang mga mata ng hindi niya namamalayan. Nagsalita lang si Eloise pagkalipas ng ilang sandali; malumanay at nanginginig ang kanyang boses. “Eveline…”Pati ang
Read more

Kabanata 1765

Sa ilalim ng kadiliman ng gabi, ginamit na gabay ni Karen ang ilaw sa kalsada para makita ang mga taong nasa kotse, ang pangitain na nagpakalma ng kanyang kalooban. Si Jeremy ang unang bumaba ng kotse pagkatapos niyang iparada ito. Pagkatapos ay naglakad siya papunta sa backseat at binuksan ang pintuan nito, pagkatapos ay binuhat si Madeline palabas ng kotse. Nang makita ito ni Karen, hindi niya mapigilan na mag-alala. Kaagad siyang naglakad papunta kay Madeline na karga-karga ni Jeremy. Nung nakita niya ang basa at namumugtong mga mata ni Madeline, lalo siyang nag-alala. “Anong nangyari? Eveline, hindi ba maganda ang pakiramdam mo?” Ngumiti si Madeline, at umiling. “Huwag niyo akong alalahanin, mom. Ayos lang po ako. Natapilok lang ako. Magiging maayos din ako pagkatapos magpahinga ng mga ilang araw.” Nang marinig tio ni Karen, lalo lang siyang nag-alala. “Paano ka natapilok? Paano nangyari to? Sigurado ka bang magiging ayos ka lang pagkalipas ng ilang araw?” “Opo, sig
Read more

Kabanata 1766

Tinignan ni Karen si Eloise na nakangiti ng malumanay sa kanya sa gulat. “Pagkalipas ng ilang sandali, muli niyang hinawakan ang kamay ni Eloise sa gulat. “Talaga? Eloise, magaling ka na ba talaga? Naaalala mo na ba kung ano ang nangyari noon? Nakikilala mo na ba si Eveline ngayon?’ Kung dati, hindi maniniwala si Eloise na ang babaeng ito na ayaw sa kanila noon ay mag-aalala ng ganito para sa kanya ngayon. Pero, noong mga nakalipas na mga araw na pinagsamahan nila, talagang naramdaman niya ang kabaitan at pagiging palakaibigan ni Karen.Mahigpit na hinawakan ni Eloise ang kamay ni Karen pabalik at ang kanyang mga magandang mata ay kuminam dahil sa luha. “Oo, nakikilala ko na ang anak ko na si Eveline. At naaalala ko na kung ano ang nangyari noon. Naaalala ko rin kung paano mo hindi minasama at inalagaan mo ako sa bawat paraan na alam mo noong wala pa ako sa katinuan.“Kung hindi dahil sa pag-aalaga mo sa akin sa mga panahon na iyon, marahil ay hindi na ako gumaling.” “Elois
Read more

Kabanata 1767

Biglang hininto ni Jeremy ang paglalagay ng ointment. Ang totoo, ang tagal na rin at hindi pa rin niya maunawaan ang mga ginawa ni Fabian. Pero, sigurado siya na may nakuhang balita si Fabian mula sa ibang tao na naging dahilan para kalabanin sila. Baka, ang taong yun ay binigyan si Fabian ng pekeng balita na may kinalaman sa kanila Jeremy at Madeline. Pero, kahit na bata pa si Fabian, alam ni Jeremy na matalino si Fabian at hindi madaling mamanipula ng ibang tao. “Linnie.” Hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline ng malumanay at tumayo para umupo sa tabi nito. Hinila niya ito papunta sa kanyang mga bisig. “Linnie, pagkatapos natin palakihin ang mga bata, gusto kong humanap ng isang liblib na lugar na malapit sa kabundukan at sa dagat nang sa gayon ay magawa na rin nating mabuhay ng tahimik ng tayong dalawa lang.” Sinabi ni Jeremy ang kanyang magandang ekspektasyon sa kanyang puso. Plinaplano niya ang masaya at tahimik na hinaharap na ito habang nagtatrabaho ng maigi p
Read more

Kabanata 1768

"Gaano kahirap? Bawat bata na ginamot mo ay gumaling!" "Oo, pero maswerte ang mga bata na yun. Hindi ko alam kung magiging maswerte din siya." Dahan dahan na inangat ni Evan ang kanyang kilay at namomoblema ang mukha nito. "Fabian, pagkatapos ng eksaminasyon, sigurado ako na nagkamli ng diagnosis ang doktor na tumingin sa batang ito." "Nagkamali ng diagnosis?" Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ni Fabian, at bakas sa mukha nito na may inaasahan siya. "Ibig mong sabihin ay wala talagang sakit si Lily?" "Hindi." Lalo naging seryoso ang mukha ni Evan ngayon. "May sakit siya, at mas malala ito kesa sa unang diagnosis sa kanya. Ito ang dahilan kung bakit hindi bumubuti ang kalagayan niya nitong mga nakaraang araw." “...”Hindi alam ni Fabian kung ano ang sasabihin. Pakiramdam niya ay parang binuksan ang puso niya at may kumalat na lamig sa kanyang katawan na nanunuot sa kanyang mga buto. Nabalisa siya, pero naalala pa rin niya kung ano ang gusto niyang itanong. Pero, ang kanya
Read more

Kabanata 1769

Isang malamig at malalim na boses ng isang lalake ang maririnig sa kabilang linya ng phone. “Nakuha m na ang anak nilang babae kaya bakit wala pang resulta hanggang ngayon? Ayaw mo bang ipaghiganti ang mga kapatid mo?” Sumimangot is Fabian nung narinig niya ito. Naging iritable ang itsura ng kanyang bata at makisig na mukha. “Hindi ko kailangan sabihin sayo kung ano man ang ginagawa ko,” sabi ni Fabian na mukhang hindi natutuwa. “Pero ang tanging rason kung paano mo nalaman ang tungkol sa katotohanan sa likod ng pagkamatay ng iyong mga kapatid ay dahil sa akin.“Fabian, kahit na hindi nakakaawa ang iyong ate, kapatid mo pa rin siya. At si Yorick naman, alam mo naman kung paano ka niya trinato. Gusto mo ba na manatiling buhay ang mga taong may kasalanan kung bakit namatay ang mga kapatid mo? “Ngayon na hawak mo na ang kanilang anak, ito na ang tamang pagkakataon para gumanti sa kanila. Huwag kang magdalawan-isip. Binibigyan mo ng pagkakataon si Jeremy kapag nag-alangan ka pa
Read more

Kabanata 1770

Naramdaman ni Madeline na umiinit ang mga kanto ng kanyang mga mata dahil sa emosyon. Ang tagal na niyang hindi naririnig magsalita ang kanyang anak na si Lillian. Ngayon, sa wakas ay narinig na niya muli itong magsalita. Ang malambing nitong boses ay malinaw at kaaya-aya. Nakita ni Madeline ang isang maliit na bata sa kanyang harapan at ito ay ang anino ni Lillian. Nilahad ni Madeline ang kanyang kamay para hawakan ang kamay ni Lillian at sa wakas ay nahawakan niya ang kamay nito. Ngunit, bigla siyang nagising at ang sumunod niyan nakita ay ang makisig na mukha ni Jeremy na puno ng pag-aalala. “Linnie, nanaginip ka ba tungkol kay Lily?” Nilapitan siya ni Jeremy at malumanay na tinanong. Tinignan ni Madeline ang nakatikom niyang kamay at bumalik ang kanyang ulirat. Ang kasiyahan na naramdaman niya kanina ay kaagad na napalitan ng walang hanggan na pagkadismaya. “Oo, napanaginipan ko siya. Narinig ko na kinakausap niya ako at gusto niyang hanapin ko siya.” “Linnie…”
Read more
PREV
1
...
175176177178179
...
248
DMCA.com Protection Status