"Gaano kahirap? Bawat bata na ginamot mo ay gumaling!" "Oo, pero maswerte ang mga bata na yun. Hindi ko alam kung magiging maswerte din siya." Dahan dahan na inangat ni Evan ang kanyang kilay at namomoblema ang mukha nito. "Fabian, pagkatapos ng eksaminasyon, sigurado ako na nagkamli ng diagnosis ang doktor na tumingin sa batang ito." "Nagkamali ng diagnosis?" Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ni Fabian, at bakas sa mukha nito na may inaasahan siya. "Ibig mong sabihin ay wala talagang sakit si Lily?" "Hindi." Lalo naging seryoso ang mukha ni Evan ngayon. "May sakit siya, at mas malala ito kesa sa unang diagnosis sa kanya. Ito ang dahilan kung bakit hindi bumubuti ang kalagayan niya nitong mga nakaraang araw." “...”Hindi alam ni Fabian kung ano ang sasabihin. Pakiramdam niya ay parang binuksan ang puso niya at may kumalat na lamig sa kanyang katawan na nanunuot sa kanyang mga buto. Nabalisa siya, pero naalala pa rin niya kung ano ang gusto niyang itanong. Pero, ang kanya
Isang malamig at malalim na boses ng isang lalake ang maririnig sa kabilang linya ng phone. “Nakuha m na ang anak nilang babae kaya bakit wala pang resulta hanggang ngayon? Ayaw mo bang ipaghiganti ang mga kapatid mo?” Sumimangot is Fabian nung narinig niya ito. Naging iritable ang itsura ng kanyang bata at makisig na mukha. “Hindi ko kailangan sabihin sayo kung ano man ang ginagawa ko,” sabi ni Fabian na mukhang hindi natutuwa. “Pero ang tanging rason kung paano mo nalaman ang tungkol sa katotohanan sa likod ng pagkamatay ng iyong mga kapatid ay dahil sa akin.“Fabian, kahit na hindi nakakaawa ang iyong ate, kapatid mo pa rin siya. At si Yorick naman, alam mo naman kung paano ka niya trinato. Gusto mo ba na manatiling buhay ang mga taong may kasalanan kung bakit namatay ang mga kapatid mo? “Ngayon na hawak mo na ang kanilang anak, ito na ang tamang pagkakataon para gumanti sa kanila. Huwag kang magdalawan-isip. Binibigyan mo ng pagkakataon si Jeremy kapag nag-alangan ka pa
Naramdaman ni Madeline na umiinit ang mga kanto ng kanyang mga mata dahil sa emosyon. Ang tagal na niyang hindi naririnig magsalita ang kanyang anak na si Lillian. Ngayon, sa wakas ay narinig na niya muli itong magsalita. Ang malambing nitong boses ay malinaw at kaaya-aya. Nakita ni Madeline ang isang maliit na bata sa kanyang harapan at ito ay ang anino ni Lillian. Nilahad ni Madeline ang kanyang kamay para hawakan ang kamay ni Lillian at sa wakas ay nahawakan niya ang kamay nito. Ngunit, bigla siyang nagising at ang sumunod niyan nakita ay ang makisig na mukha ni Jeremy na puno ng pag-aalala. “Linnie, nanaginip ka ba tungkol kay Lily?” Nilapitan siya ni Jeremy at malumanay na tinanong. Tinignan ni Madeline ang nakatikom niyang kamay at bumalik ang kanyang ulirat. Ang kasiyahan na naramdaman niya kanina ay kaagad na napalitan ng walang hanggan na pagkadismaya. “Oo, napanaginipan ko siya. Narinig ko na kinakausap niya ako at gusto niyang hanapin ko siya.” “Linnie…”
Sabay na nagbago ang ekspresyon nila Madeline at Jeremy. At isa pa, nakita ni Madeline ang kampanteng ngiti ni Carter, at mukhang alam niya talaga kung nasaan si Lillian. Nagsimulang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Gusto niyang malaman ang kinaroroonan ni Lillian. Gustong gusto niya na talaga malaman kung nasaan ang kanyang anak, kahit na maliit lang ito na impormasyon. Pero, kilala nila si Carter, bakit naman nito ibibigay sa kanila ng ganung kasali ang impormasyon na ito?Ganun din ang naisip ni Jeremy. Tinignan niya si Carter, at ang mapang-akit nitong labi ay kumurba at naging isang nakakintrigang ngiti. “Hindi ko inaasahan na may alam ka sa kinaroroonan ng aking anak na babae, Mr. Gray. Kung ganun, gusto kong hingin ang inyong nalalaman. Nasaan ang aking anak?” Malaman na ngumiti si Carter. “Mr. Whitman, isa kang negosyante. Dapat nauunawaan mo na kung may gusto kang makuha na mahalag, kailangan mong magbigay ng kapalit na katumbas nito.” “Anong gusto mo?” dire
“Mag-isa akong pupunta. Manatili ka dito sa Glendale.” “Gusto mong pumunta ng mag-isa sa F Country?” Nagulat si Jeremy. “Bakit?” Tumingin si Madeline sa direksyon na kung saan nagtungo si Carter. “Talaga bang naniniwala ka na pumunta lang siya dito para bigyan tayo ng imbitasyon at ipaalam sa atin ang tungkol kay Lily?” “Syempre, hindi ako naniniwala, pero hindi natin pwedeng palampasin ang kahit na anong impormasyon na makuha natin.”“Kaya mas mainam na maiwan ka dito.” Bakas ang katiyakan sa mga mata ni Madeline. “Mukhang gusto niya tayong umalis. Baka may plano siyang gawin dito sa Glendale.” “Kahit na ganun, hindi pa rin ito kasing importante ni Lily.”“Alam ko. Alam ko na nag-aalala ka rin para kay ily, pero kailangan mong makinig sa akin sa pagkakataon na ito, Jeremy.” Pagpupumilit ni Madeline. “Pupunta ako ng F Country at hahanapin si Lily. Kung talaga ngang kasama ni Fabian si Lily, susubukan kong kumbinsihin si Fabian.” “Sa tingin mo ba ay rasyonal pa si Fabian?”
Kinuha ni Jeremy ang imbitasyon at binuksan ito para tignan. Ang kakaiba sa imbitasyon na ito ay ang nakalagay lang dito ay ang oras at lokasyon ng kasal, pero wala ang pangalan ng mga ikakasal. Kaagad na naramdaman ni Jeremy na walang pakialam si Carter sa babaeng pakakasalan niya, kaya wala ang pangalan ng bride dito.Ang totoo, tama ang hula ni Jeremy. Sa kabilang banda, si Cathy ay inaalagaan si Shirley, nawalan ng pakiramdam sa mga binti nito, araw-araw. Kahit na kinamumuhian at mababa ang tingin ni Cathy kay Shirley dahil sa lahat ng ginawa nito noon, kapatid pa rin ni Adam si Shirley, at malaki ang pasasalamat ni Cathy kay Adam. Alam din niya na, sa loob loob nito, nag-aalala pa rin si Adam para sa kanyang kapatid. Nung una ay tutol si Shirley sa nangyayari, pero ngayon, mukhang nasanay na siya at nagsimulang tanggapin ang pag-aaruga ni Cathy. Sa kasalukuyan, pagkatapos paliguan ni Cathy si Shirley, bigla nilang narinig ang sigaw ng delivery man sa ibaba. Buma
Pero, naramdaman niya na nagkakasundo na silang dalawa ngayon.Kapag nagmahal ka ay hindi ibig sabihin makukuha mo rin ito.Ang pinakamagandang senaryo ay maging komportable sa isa’t isa ang magkabilang panig.“Adam, nakauwi ka na ba?” At sa sandaling yun, narinig nila ang boses ni Shirley mula sa kwarto sa itaas.Nagtinginan sila Adam at Cathy. “Aakyat lang ako para tignan siya.”“Sige. ipaghahanda ko naman siya ng almusal.” “Sige.” Dahan dahan na tumango si Adam at umakyat pagkatapos niyang makita si Cathy na lumingon papuntang kusina.Tinanggap na ni Shirley ang katotohanan na pumangit na siya at isa na siyang inbalido. Hindi makokonsidera na tuluyan na niyang natanggap ang bagay na ito, pero wala na siyang ibang pagpipilian kung hindi ang harapin ito.Nung nakita niyang dumating si Adam, malamig pa rin at may pagkamuhi pa rin ang pakikitungo nito, at may bahid pa nga ito ng kayabangan.“Anong binubulong bulong niyo sa ibaba? Kung meron kayong sasabihin sa akin, bakit hind
Nung naisip niya ang posibilidad na gumaling ang sukat sa kanyang mukha balang araw, nagmamadaling nagtanong si Shirley, “Ano yun? Anong gusto mong kapalit?” Kumislap ang mga mata ni Adam. “Ang anti-toxoid test reagent ng AXT69.”Nung nagsalita siya, biglang nagbago ang ekspresyon ni Shirley.Ang kinam at ekspektasyon sa kanyang mga mata ay naglaho na rin.“Wala pa akong ginagawa,” simpleng sagot ni Shirley.“Wala ka pang nagagawa? Ikaw ang gumawa ng lason, kaya paano nangyari na wala kang panlunas sa lason?” Nagduda si Adam. “Kung gusto mo talaga na gumaling ang mukha mo, ibigay mo na sa akin ang anti-toxoid test reagent ngayon.”Mapait at miserable na ngumiti si Shirley. “Kung wala sa akin ang anti-toxoid test reagent, hindi mo gagawin sa akin ang operasyon, tama ba?” “Oo.” “Heh.” Sarkastikong ngumiti si Shirley, at sumandal sa kama. “Kung ganun magiging pangit na ako habang buhay.” “Kahit na gumaling ka pa, pangit ka pa rin dahil sa ang itim ng budhi mo.” “Oo, maitim