Kinuha ni Jeremy ang imbitasyon at binuksan ito para tignan. Ang kakaiba sa imbitasyon na ito ay ang nakalagay lang dito ay ang oras at lokasyon ng kasal, pero wala ang pangalan ng mga ikakasal. Kaagad na naramdaman ni Jeremy na walang pakialam si Carter sa babaeng pakakasalan niya, kaya wala ang pangalan ng bride dito.Ang totoo, tama ang hula ni Jeremy. Sa kabilang banda, si Cathy ay inaalagaan si Shirley, nawalan ng pakiramdam sa mga binti nito, araw-araw. Kahit na kinamumuhian at mababa ang tingin ni Cathy kay Shirley dahil sa lahat ng ginawa nito noon, kapatid pa rin ni Adam si Shirley, at malaki ang pasasalamat ni Cathy kay Adam. Alam din niya na, sa loob loob nito, nag-aalala pa rin si Adam para sa kanyang kapatid. Nung una ay tutol si Shirley sa nangyayari, pero ngayon, mukhang nasanay na siya at nagsimulang tanggapin ang pag-aaruga ni Cathy. Sa kasalukuyan, pagkatapos paliguan ni Cathy si Shirley, bigla nilang narinig ang sigaw ng delivery man sa ibaba. Buma
Pero, naramdaman niya na nagkakasundo na silang dalawa ngayon.Kapag nagmahal ka ay hindi ibig sabihin makukuha mo rin ito.Ang pinakamagandang senaryo ay maging komportable sa isa’t isa ang magkabilang panig.“Adam, nakauwi ka na ba?” At sa sandaling yun, narinig nila ang boses ni Shirley mula sa kwarto sa itaas.Nagtinginan sila Adam at Cathy. “Aakyat lang ako para tignan siya.”“Sige. ipaghahanda ko naman siya ng almusal.” “Sige.” Dahan dahan na tumango si Adam at umakyat pagkatapos niyang makita si Cathy na lumingon papuntang kusina.Tinanggap na ni Shirley ang katotohanan na pumangit na siya at isa na siyang inbalido. Hindi makokonsidera na tuluyan na niyang natanggap ang bagay na ito, pero wala na siyang ibang pagpipilian kung hindi ang harapin ito.Nung nakita niyang dumating si Adam, malamig pa rin at may pagkamuhi pa rin ang pakikitungo nito, at may bahid pa nga ito ng kayabangan.“Anong binubulong bulong niyo sa ibaba? Kung meron kayong sasabihin sa akin, bakit hind
Nung naisip niya ang posibilidad na gumaling ang sukat sa kanyang mukha balang araw, nagmamadaling nagtanong si Shirley, “Ano yun? Anong gusto mong kapalit?” Kumislap ang mga mata ni Adam. “Ang anti-toxoid test reagent ng AXT69.”Nung nagsalita siya, biglang nagbago ang ekspresyon ni Shirley.Ang kinam at ekspektasyon sa kanyang mga mata ay naglaho na rin.“Wala pa akong ginagawa,” simpleng sagot ni Shirley.“Wala ka pang nagagawa? Ikaw ang gumawa ng lason, kaya paano nangyari na wala kang panlunas sa lason?” Nagduda si Adam. “Kung gusto mo talaga na gumaling ang mukha mo, ibigay mo na sa akin ang anti-toxoid test reagent ngayon.”Mapait at miserable na ngumiti si Shirley. “Kung wala sa akin ang anti-toxoid test reagent, hindi mo gagawin sa akin ang operasyon, tama ba?” “Oo.” “Heh.” Sarkastikong ngumiti si Shirley, at sumandal sa kama. “Kung ganun magiging pangit na ako habang buhay.” “Kahit na gumaling ka pa, pangit ka pa rin dahil sa ang itim ng budhi mo.” “Oo, maitim
"Wala talaga akong alam kung sino ang sinasabi mo." "..." Alam ni Shirley na sinasadya ito ni Adam. Gusto niya talagang malaman kung paano namatay ang mga magulang niya noon, pero ayaw niyang sabihin ang dalawang salitang "mom" at "dad". Sa kanyang inis ay pinalitan niya ang usapan. "Adam, matalik mo bang kaibigan sina Jeremy at ang asawa niya? Bakit mo sila masyadong tinutulungan? Hindi mo lang ginagawa ang lahat para makagawa ng anti-toxoid test reagent para sa kanila, nanatili ka pa sa tabi ni Ryan bilang isang espiya." "Kahit na hindi ko sila kaibigan, ililigtas ko pa rin sila dahil isa akong doktor." Sagot ni Adam nang hindi mapagpakumbaba at hindi rin mayabang, pagtapos ay nagtanong. "Ngayon, ako naman ang magtatanong. Paano mo nakilala si Ryan? Bakit ka gumagawa ng lason para saktan si Jeremy? Nakuha ni Lana ang lason na ito noon, kaya ibig sabihin ba nito kilala mo rin si Lana? Pero, si Ryan ang nagmamanipula kina Lana at Yorick mula sa umpisa. Ano ba talaga ang kon
Nang makita ito ni Cathy na nasa kusina, mabilis siyang tumakbo papunta sa sala. "Ayos ka lang ba?" Tinignan ni Cathy si Shirley nang may pag-aalala. Nang marinig ni Adam ang ingay, tumakbo siya pabalik sa bahay, binilisan ang kanyang mga hakbang, at pagkatapos ay nakita Shirley na nakaupo sa wheelchair nang hindi gumagalaw na para bang nawala siya sa kanyang sarili at bigla siyang nag-alala. Nang makalapit si Adam at napansin ang wedding invitation na nalaglag mula sa basurahan, kaagad niyang naintindihan kung bakit nagkaganito si Shirley. Nang hindi kumukurap, kumuha siya ng walis at winalis ang basura sa lapag, pati ang wedding invitation, papunta sa pandakot. "Tinapon mo ba to?" Tanong ni Shirley; napakalamig ng kanyang boses. Kalmadong nagtanong si Adam. "Hindi ko ba dapat itapon ang ganitong klase ng basura at sa halip ay itabi ito?" "Basura? Ibigay mo sa'kin yan," utos ni Shirley habang nakasara ang kanyang kamao. Hindi siya pinansin ni Adam at kaagad na tinapon
Hindi maiwasan nina Cathy at Adam na magsimpatya kay Shirley habang tinitiis niya ang sakit. "Dalawang araw mula ngayon, sasamahan mo ko sa hotel na to." Lumingon si Shirley kay Cathy at nakiusap. "Bibigyan kita ng malaking pabuya. Sa araw na yun, kailangan mong dumikit sa'kin. Gagawin mo ang lahat ng sasabihin ko sa'yo." Nang marinig ito ni Adam, inisip niya na napakababaw nito. "Shirley, anong ibig mong sabihin? Dadalo ka ba sa kasal ni Carter? Gusto mo pang gawing bodyguard si Cathy?" Pinigilan ni Shirley ang mga luha niya. Tinaas niya ang kanyang namumula ngunit magagandang mata, nagpakita ng isang makahulugang ngiti, at tumingin kay Cathy, pagkatapos kay Adam. "Siya na ang nagsabi, di ba? May karapatan akong pumili, at pinili kong dumalo sa kasal. Wag mong sabihing hindi pwede yun?" "..." Sandaling nanahimik si Adam. Ngunit mabilis siyang nakabawi, "Sige, gusto mong pumunta, ha? Pumunta ka mag-isa. Hindi mo magiging katulong si Cathy." "Pwede niyang gawin ang kahit
Pagkatapos ni Madeline na linisin ang bahay at magpahinga, tinawagan niya lahat ng kaibigan niya sa F Country at tinanong sila ng impormasyon tungkol kay Fabian. Inisip ni Madeline na baka mahirapan siya dahil hindi masyadong kilala si Fabian kumpara kay Yorick at Lana sa F Country. Ngunit nang binanggit ni Madeline ang pangalan ni Fabian, hindi lang sila pamilyar sa pangalan, halos lahat pa sa kanila ang nagsalita nang may awa habang nagkukwento sila tungkol kay Fabian. "Ah, napakaaktibo ni Fabian sa F Country nitong nagdaang anim na buwan. Mukhang nagmula siya sa isang pamilya na may malakas na pinagmulan." "Fabian Johnson? Kilala ko siya. Ang kapatid niyang si Yorick ay masasabing isang taong may katayuan sa F Country. Pero hindi kagaya ni Fabian ang kapatid niya. Gusto ko ang batang yun.""Si Mr. Johnson ba ang tinutukoy mo? Noon, nakatrabaho ko siya sa isang proyekto. Napakadesidido niya at mayroon siyang kakayahan. Parang hindi siya isang dalawampung taong gulang na bina
"Fabian, pinipilit mo ba akong magtawag ng pulis?" Umikot si Madeline at tumingin sa kanya. "Gusto mo bang ipaalam ko sa mga pulis ang pagkidnap mo sa anak ko at pagbabanta sa kaligtasan niya?" Habang naglakad si Madeline papunta kay Fabian na nakatalikod sa kanya, ang kanyang matalim na titig ay nagpakita nang pagsisisi. "Fabian, hindi kaya gusto mong sundan ang mga yapak ng kuya at ate mo? Patuloy mo bang susubukan ang hangganan na hindi dapat sinusubukan?" Nang matapos magsalita si Madeline ay biglang humarap si Fabian. Tumingin siya nang diretso kay Madeline, at sa sandaling ito, wala na sa kanyang mga mata ang kabaitan at kamalumanayan na mayroon ito noon. Nakita ni Madeline ang isang kislap ng poot, galit, at pag-aalangan sa mga mata ni Fabian. Pag-aalangan. Nag-aalangan siya. Kumalma lang ang mga mata ni Fabian pagkatapos ng ilang segundo. Bahagyang umangat ang mga sulok ng kanyang labi para ngumiti nang malumanay. "Dahil lumipad ka papunta rito para lang hanapin