Biglang hininto ni Jeremy ang paglalagay ng ointment. Ang totoo, ang tagal na rin at hindi pa rin niya maunawaan ang mga ginawa ni Fabian. Pero, sigurado siya na may nakuhang balita si Fabian mula sa ibang tao na naging dahilan para kalabanin sila. Baka, ang taong yun ay binigyan si Fabian ng pekeng balita na may kinalaman sa kanila Jeremy at Madeline. Pero, kahit na bata pa si Fabian, alam ni Jeremy na matalino si Fabian at hindi madaling mamanipula ng ibang tao. “Linnie.” Hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline ng malumanay at tumayo para umupo sa tabi nito. Hinila niya ito papunta sa kanyang mga bisig. “Linnie, pagkatapos natin palakihin ang mga bata, gusto kong humanap ng isang liblib na lugar na malapit sa kabundukan at sa dagat nang sa gayon ay magawa na rin nating mabuhay ng tahimik ng tayong dalawa lang.” Sinabi ni Jeremy ang kanyang magandang ekspektasyon sa kanyang puso. Plinaplano niya ang masaya at tahimik na hinaharap na ito habang nagtatrabaho ng maigi p
"Gaano kahirap? Bawat bata na ginamot mo ay gumaling!" "Oo, pero maswerte ang mga bata na yun. Hindi ko alam kung magiging maswerte din siya." Dahan dahan na inangat ni Evan ang kanyang kilay at namomoblema ang mukha nito. "Fabian, pagkatapos ng eksaminasyon, sigurado ako na nagkamli ng diagnosis ang doktor na tumingin sa batang ito." "Nagkamali ng diagnosis?" Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ni Fabian, at bakas sa mukha nito na may inaasahan siya. "Ibig mong sabihin ay wala talagang sakit si Lily?" "Hindi." Lalo naging seryoso ang mukha ni Evan ngayon. "May sakit siya, at mas malala ito kesa sa unang diagnosis sa kanya. Ito ang dahilan kung bakit hindi bumubuti ang kalagayan niya nitong mga nakaraang araw." “...”Hindi alam ni Fabian kung ano ang sasabihin. Pakiramdam niya ay parang binuksan ang puso niya at may kumalat na lamig sa kanyang katawan na nanunuot sa kanyang mga buto. Nabalisa siya, pero naalala pa rin niya kung ano ang gusto niyang itanong. Pero, ang kanya
Isang malamig at malalim na boses ng isang lalake ang maririnig sa kabilang linya ng phone. “Nakuha m na ang anak nilang babae kaya bakit wala pang resulta hanggang ngayon? Ayaw mo bang ipaghiganti ang mga kapatid mo?” Sumimangot is Fabian nung narinig niya ito. Naging iritable ang itsura ng kanyang bata at makisig na mukha. “Hindi ko kailangan sabihin sayo kung ano man ang ginagawa ko,” sabi ni Fabian na mukhang hindi natutuwa. “Pero ang tanging rason kung paano mo nalaman ang tungkol sa katotohanan sa likod ng pagkamatay ng iyong mga kapatid ay dahil sa akin.“Fabian, kahit na hindi nakakaawa ang iyong ate, kapatid mo pa rin siya. At si Yorick naman, alam mo naman kung paano ka niya trinato. Gusto mo ba na manatiling buhay ang mga taong may kasalanan kung bakit namatay ang mga kapatid mo? “Ngayon na hawak mo na ang kanilang anak, ito na ang tamang pagkakataon para gumanti sa kanila. Huwag kang magdalawan-isip. Binibigyan mo ng pagkakataon si Jeremy kapag nag-alangan ka pa
Naramdaman ni Madeline na umiinit ang mga kanto ng kanyang mga mata dahil sa emosyon. Ang tagal na niyang hindi naririnig magsalita ang kanyang anak na si Lillian. Ngayon, sa wakas ay narinig na niya muli itong magsalita. Ang malambing nitong boses ay malinaw at kaaya-aya. Nakita ni Madeline ang isang maliit na bata sa kanyang harapan at ito ay ang anino ni Lillian. Nilahad ni Madeline ang kanyang kamay para hawakan ang kamay ni Lillian at sa wakas ay nahawakan niya ang kamay nito. Ngunit, bigla siyang nagising at ang sumunod niyan nakita ay ang makisig na mukha ni Jeremy na puno ng pag-aalala. “Linnie, nanaginip ka ba tungkol kay Lily?” Nilapitan siya ni Jeremy at malumanay na tinanong. Tinignan ni Madeline ang nakatikom niyang kamay at bumalik ang kanyang ulirat. Ang kasiyahan na naramdaman niya kanina ay kaagad na napalitan ng walang hanggan na pagkadismaya. “Oo, napanaginipan ko siya. Narinig ko na kinakausap niya ako at gusto niyang hanapin ko siya.” “Linnie…”
Sabay na nagbago ang ekspresyon nila Madeline at Jeremy. At isa pa, nakita ni Madeline ang kampanteng ngiti ni Carter, at mukhang alam niya talaga kung nasaan si Lillian. Nagsimulang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Gusto niyang malaman ang kinaroroonan ni Lillian. Gustong gusto niya na talaga malaman kung nasaan ang kanyang anak, kahit na maliit lang ito na impormasyon. Pero, kilala nila si Carter, bakit naman nito ibibigay sa kanila ng ganung kasali ang impormasyon na ito?Ganun din ang naisip ni Jeremy. Tinignan niya si Carter, at ang mapang-akit nitong labi ay kumurba at naging isang nakakintrigang ngiti. “Hindi ko inaasahan na may alam ka sa kinaroroonan ng aking anak na babae, Mr. Gray. Kung ganun, gusto kong hingin ang inyong nalalaman. Nasaan ang aking anak?” Malaman na ngumiti si Carter. “Mr. Whitman, isa kang negosyante. Dapat nauunawaan mo na kung may gusto kang makuha na mahalag, kailangan mong magbigay ng kapalit na katumbas nito.” “Anong gusto mo?” dire
“Mag-isa akong pupunta. Manatili ka dito sa Glendale.” “Gusto mong pumunta ng mag-isa sa F Country?” Nagulat si Jeremy. “Bakit?” Tumingin si Madeline sa direksyon na kung saan nagtungo si Carter. “Talaga bang naniniwala ka na pumunta lang siya dito para bigyan tayo ng imbitasyon at ipaalam sa atin ang tungkol kay Lily?” “Syempre, hindi ako naniniwala, pero hindi natin pwedeng palampasin ang kahit na anong impormasyon na makuha natin.”“Kaya mas mainam na maiwan ka dito.” Bakas ang katiyakan sa mga mata ni Madeline. “Mukhang gusto niya tayong umalis. Baka may plano siyang gawin dito sa Glendale.” “Kahit na ganun, hindi pa rin ito kasing importante ni Lily.”“Alam ko. Alam ko na nag-aalala ka rin para kay ily, pero kailangan mong makinig sa akin sa pagkakataon na ito, Jeremy.” Pagpupumilit ni Madeline. “Pupunta ako ng F Country at hahanapin si Lily. Kung talaga ngang kasama ni Fabian si Lily, susubukan kong kumbinsihin si Fabian.” “Sa tingin mo ba ay rasyonal pa si Fabian?”
Kinuha ni Jeremy ang imbitasyon at binuksan ito para tignan. Ang kakaiba sa imbitasyon na ito ay ang nakalagay lang dito ay ang oras at lokasyon ng kasal, pero wala ang pangalan ng mga ikakasal. Kaagad na naramdaman ni Jeremy na walang pakialam si Carter sa babaeng pakakasalan niya, kaya wala ang pangalan ng bride dito.Ang totoo, tama ang hula ni Jeremy. Sa kabilang banda, si Cathy ay inaalagaan si Shirley, nawalan ng pakiramdam sa mga binti nito, araw-araw. Kahit na kinamumuhian at mababa ang tingin ni Cathy kay Shirley dahil sa lahat ng ginawa nito noon, kapatid pa rin ni Adam si Shirley, at malaki ang pasasalamat ni Cathy kay Adam. Alam din niya na, sa loob loob nito, nag-aalala pa rin si Adam para sa kanyang kapatid. Nung una ay tutol si Shirley sa nangyayari, pero ngayon, mukhang nasanay na siya at nagsimulang tanggapin ang pag-aaruga ni Cathy. Sa kasalukuyan, pagkatapos paliguan ni Cathy si Shirley, bigla nilang narinig ang sigaw ng delivery man sa ibaba. Buma
Pero, naramdaman niya na nagkakasundo na silang dalawa ngayon.Kapag nagmahal ka ay hindi ibig sabihin makukuha mo rin ito.Ang pinakamagandang senaryo ay maging komportable sa isa’t isa ang magkabilang panig.“Adam, nakauwi ka na ba?” At sa sandaling yun, narinig nila ang boses ni Shirley mula sa kwarto sa itaas.Nagtinginan sila Adam at Cathy. “Aakyat lang ako para tignan siya.”“Sige. ipaghahanda ko naman siya ng almusal.” “Sige.” Dahan dahan na tumango si Adam at umakyat pagkatapos niyang makita si Cathy na lumingon papuntang kusina.Tinanggap na ni Shirley ang katotohanan na pumangit na siya at isa na siyang inbalido. Hindi makokonsidera na tuluyan na niyang natanggap ang bagay na ito, pero wala na siyang ibang pagpipilian kung hindi ang harapin ito.Nung nakita niyang dumating si Adam, malamig pa rin at may pagkamuhi pa rin ang pakikitungo nito, at may bahid pa nga ito ng kayabangan.“Anong binubulong bulong niyo sa ibaba? Kung meron kayong sasabihin sa akin, bakit hind
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si