All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 1721 - Chapter 1730

2479 Chapters

Kabanata 1721

“Jeremy, bakit meron kang ganito sa bulsa mo?” Hinarap ni Madeline ang hikaw sa mukha ni Jeremy. Syempre, hindi siya nagdududa o kaya ay tinatanong ito. Pakiramdam lang niya ay kakaiba ito. Nung nakita ni Jeremy ang hikaw, naisip niya kaagad si Shirley. Ang hula niya ay nahulog ito sa kanyang bulsa nung binuhat niya si Shirley sa kanyang kotse. Hindi alam ni Jeremy kung paano maiiwasan ang tanong na ito. Hula niya ay hindi maniniwala si Madeline sa kahit na anong palusot kung bakit meron siyang piraso ng alahas ng isang babae sa kanyang bulsa.Nang makita niya na nag-aalangan si Jeremy na para bang hindi nito alam kung paano siya sasagutin, medyo nag-alala si Madeline. “Jeremy, anong nangyayari sayo? Kanino tong hikaw na ito?” Alam ni Jeremy na hindi na niya maitatago pa ang bagay na ito, at ayaw rin naman niyang magsinungaling kay Madeline. “Marahil ay galing ito kay Shirley.” Hindi na tinago pa ni Jeremy ang totoo. “Bakit nasa bulsa mo ang hikaw ni Shirley? Umalis ka
Read more

Kabanata 1722

Pero, ngayon naman, nanatiling kalmado si Jeremy. Tumawa ito ng mahina, habang sinasabi, “Sinabi sa akin ni Shirley na hindi pa niya nagagwa ang anti-toxoid test reagent. Kaya kahit na nakatayo siya ngayon dito, wala rin itong kwenta.” “Kaya hindi mo siya pakakawalan kung ganun?” Unti unting nauubos ang pasensya ni Carter. “Makakaalis ka na. Huwag mo nang guluhin ang pahinga ng anak ko.” Pinalayas ni Jeremy si Carter. Tinikom ni Carter ang kanyang labi ng mahigpit. Tinignan niya si Lillian na kumukurap ang mabibilog nitong mga mata at saka tinignan si Madeline habang sinasabi, “Jeremy, huwag mo sanang pagsisisihan to.” “Ang tanging bagay na pinagsisisihan ko ay ang naghintay pa ako na umabot sa ganito ang lahat bago ko tinuruan ng leksyon ang masamang babae na iyon.” ‘Masamang babae.’Ang dalawang salita na iyon ay tumagos sa tenga ni Carter. Pakiramdam niya ay napakasakit pakinggan ng mga salitang iyon. Hindi na nagpatuloy pa si Carter sa pagtatanong kay Jeremy at lumingo
Read more

Kabanata 1723

Lumabas ng kotse si Madeline. Hindi niya naisip na babalik siyang muli sa villa na iyon. Lalo na, ang lugar na ito ay puno ng maraming masasamang alaala.Maingat na inobserbahan ni Jeremy ang ekspresyon ni Madeline. Alam niya na ang lugar na ito ay nagbigay sa kanya ng maraming masamang alaala. Sa totoo lang, nag-aalalangan siya ng husto na dalhin siya dito. “Nasa loob siya ng basement.” Binasag ni Jeremy ang katahimikan at nauna upang buksan ang bakal na tarangkahan. Sinundan siya ni Madeline. Nang tumapak si Madeline sa loob, nakaramdam siya ng matinding pagkabalisa sa kanyang dibdib. Marahil ay dahil sa malamig ang panahon ngayon, kaya kapag umiihip ang hangin, ang lamig ay nanunuot sa kanyang balat na parang mga tinik. Hindi na kaya pang tiisin ni Madeline ang nararamdaman nyang pagkabalisa kaya sinundan niya si Jeremy sa may basement. Nung bumukas ang pintuan ng basement at pumasok ang liwanag sa loob, nakita ni Madelina ang isang tao na nakahiga sa malamig at basa
Read more

Kabanata 1724

Marahil hindi naisip ni Shirley na mangyayari sa kanya ito balang araw. Nang nakita ni Madeline si Shirley sa ganitong kalagayan, natahimik siya. “Jeremy, hindi mo ba siya talaga pakakawalan?” “Ang hayaan siyang manatili dito ay ang sukdulan na ng aking limitasyon.” Nang sabihin ito ni Jeremy, hinawakan niya ang kamay ni Madelinem para maglakad sila palabas ng pinto. Kasabay nun, kinandado niya ang pinto ng guest room. Lumingon siya at hinawakan niya ang balikat ni Madeline. Pagkatapos, seryoso niyang sinabi, “Linnie, huwag mo kong alalahanin at huwag kang maaawa sa babaeng yun. Siya ang nanglason sayo at dahil sa kanya kaya natin pinagdudusahan ang sakit at naghihirap sa lason na ito. Kung hindi tayo gagaling, hindi rin niya dapat isipin na gagaling pa siya.” Nang marinig niya ang sinabi ni Jeremy, nakaramdam ng kaginhawaan si Madeline. Marahan siyang ngumiti. Ang mainit nitong palad ay hinihimas ang kabilang panig ng pisngi ni Jeremy. “Jeremy, nauunawaan ko ang ibig mong
Read more

Kabanata 1725

Hindi sinagot ni Madeline si Shirley. Naglakad siya papunta sa kabinet at naglabas ng malinis na pares ng damit mula sa loob. “Satingin ko ay mahirap na tumayo sa ganyang kalagayan mo ngayon. Pwede kang maligo.” Nilapag ng dahan dahan ni Madeline ang damit sa may dulo ng kama. “Meron kang sinat. Ito ang first aid kit. Sa tingin ko naman ay alam mo kung ano ang dapat mong inumin para bumaba ang sinat mo.” Naguluhan si Shirley pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Madeline. Tinignan niya si Madeline ng may pagdududa.“Eveline, anong binabalak mo? Ginagantihan mo ba ng kabutihan ang kasamaan?” WAlang emosyon na ngumiti si Madeline. “Hindi naman ako ganun kabait o kaya ganung kabuti. Pero, pareho na tayo ng kalagayan. Lalo na, kailangan ko pa ring umasa sayo para gumaling, tama?” Pagkatapos tong sabihin ni Madeline, tinignan ni Shirley ang babae na bahagyang nakangiti at natahimik. Nakakulong na siya ngayon dito, kaya hindi niya magagawa ang anti-toxoid test reagent. Kay
Read more

Kabanata 1726

Habanag lalo lang nagduda si Shirley, talagang nagugutom na siya. Hindi niya naisip na may gagawin si MAdeline sa pagkain, kaya sinimulan niyang kumain ng walang inaalala. Nang makatapos siya, napalitan na ni MAdeline ang kobrekama. “Manatili ka muna dito pansamantala.” Nilapitan ni Madeline si Shirley. “Alam ko na gusto mo si Carter, pero hindi ibig sabihin nito ay dapat lang magbulag-bulagan at sundin ang taong yun ng hindi nag-iisip.” “Heh. Eveline, tinuturuan mo ba ako kung paano ako dapat umasal?” Tumawa si Shirley at nagtanong. “Hindi mo ba naaalala na ikaw rin ay maraming nagawang katangahan para lang kay Jeremy noon?” Kalmado lang itong nginitian ni Madeline. “Noon, sobra ko siyang mahal na nawala ako sa sarili ko, pero kahit na kailan ay wala akong ginawa na labag sa aking konsensya o kaya ay nakasakit ng iba, lalo na para sa kanya.” “...”Si Shirley, na natahimik nung narinig ito, ay panandalian na hindi alam kung paano sasagutin si Madeline. Dahil sa hi
Read more

Kabanata 1727

Sinabi ni Shirley, “Eveline, matanong nga kita. Ano ang pinaka nakakatakot at mapanghamak na karanasan ang ayaw mong maulit pa sayo sa buong buhay mo?” Alam ni Madeline kung ano ang karanasan na ayaw na niyang maulit pa. Ito ay ang nangyari sa kanya noon na kung saan nakaranas siya ng matinding sakit na halos gusto na niyang mamatay. Para sa kanya, oras ito ng kanyang matinding kalungkutan. Isang buhay na impyerno.Biglang napagtanto ni Madeline kung ano ang pwedeng mangyari kapag umabot na ang lason sa huling sandali nito na nabanggit ni Shirley, ‘Hindi.‘Huwag tumalon kaagad sa katapusan ng lahat. Nagtaka ang isipan ni Madeline, pagkatapos ay dahandahan siyang umiling, at inayos ang kanyang isipan. Mabilis ang tibok ng kanyang puso. Nang maibsan na ang hirap niya sa paghinga, tumawag siya ng taksi sa may tabing kalsada, para makabalik na sa ospital. Nang makasay siya sa taksi, yun nga lang, nagwala nanaman ang kanyang isipan. Nung una, hindi siya natatakot sa pisikal n
Read more

Kabanata 1728

Nang marinig niya ang mga sinabi ji Carter, ngumiti si Madeline. "Salamat sa iyong mga papuri, Mr. Carter, pero hindi ko kailangan ang mga iyon. Hindi mo kailangan isipin na espesyal ako, at toyak ko na hindi ko kailangan ang inyong paghanga. Sa kabilang banda, kinasusuklaman kita." Bahagyang kumurba ang mga labi ni Carter. "Ganun ba? Kaya ba hindi mo sasabihin sa akin kung nasaan si Shirley?" "Tama ka. Hindi ko sasabihin." Nanatiling kalmado si Madeline habang nakatitig sa mga mata ni Carter. "Pero, kung balak mo akong dukutin ngayon para makuha soya, subukan mo lang. Wala naman akong lakas laban sa isang lalake." Una itong na nsidip ni Carter Kung hindi magsasalita si Madeline, gagawin rin niya ang paraan na ito, ang pagdukot sa kanya nang sa gayon ay mapilitan si Jeremy na ipagpalit si Shirley para kay Madeline. Pero, hindi niya inaasahan na mababasa kaagad ni Madeline ang kanyang mga iniisip at intensyon. Napuno ng paghanga ang mga mata ni Carter. “Eveline, talagang kaka
Read more

Kabanata 1729

Namangha na naman si Carter sa pagkakalmado ni Madeline. Siguro ang pagkakalmado na ito ang dahilan kung bakit naramdaman niyang espesyal siya noon. Nilapag ni Carter ang tasa na hawak niya. "Wala akong itatanong sa'yo." Tinignan niya ang oras sa kanyang relo. "Malapit na sigurong dumating ang asawa mo." Pagkasabi nito ni Carter, narinig ni Madeline ang pamilyar na tunog ng makina ng kotse na nagmula sa labas ng tarangkahan ng villa. Iyon ay ang kotse ni Jeremy. Sinulyapan ni Carter ang bintana mula sa gilid ng kanyang paningin. "Napakabilis. Isa ka nga talagang taong pinapahalagahan niya." "Ang galing mo talagang magbiro, Mr. Gray. Asawa niya ako, bakit hindi niya ako pahahalagahan?" Tanong ni Madeline at tumawa. "Pero nakakaawa ang ibang tao. Malinaw na pinahahalagahan nila ang isang tao, pero hindi nila alam kung paano sila pahalagahan. Hindi ba?" “...”Nanigas ang ngiti ni Carter. Nakikita niya na kinukutya siya ni Madeline, pero hindi niya alam kung ano ba talag
Read more

Kabanata 1730

"Mukhang nakalimutan mong di rin tuluyang wala ang lason sa katawan mo." Kampanteng sinabi ni Carter. Nanatiling di natitinag ang mukha ni Jeremy sa kabila ng paalalang ito. “Ano naman? Mukhang kampante ka. Dahil ba dito?”“Hindi, kampante talaga ako.” Mukhang sigurado si Carter. “Jeremy, dahil nandito ka na at tapos na tayong mag-usap, dadalhin ko kayo sa ibang lugar. Habang hindi nagsasalita, nagtinginan si Jeremy at Madeline. “Ano yun? Natatakot ba kayo?” Mapanghamon na sinabi ni Carter. “Kung natatakot kayo, ayos lang kahit di na kayo sumunod.”Tapos tumalikod si Carter at naglakad patungo sa bodega. Naaalala ni Madeline ang lugar na ito. Hinipnotismo siya ni Carter dito noon. Nang hindi alam ni Madeline, ibang-iba ang nakatago sa bodega. Sa gilid na pinto, mayroong isang malaking laboratoryo. Ang laboratoryo ay mayroong de kalidad na kagamitan.Nakita ni Madeline ang mga test tube rack na maayos na nakasalansan habang may mga vial na iba-iba ang kulay at laki. K
Read more
PREV
1
...
171172173174175
...
248
DMCA.com Protection Status