Madilim ang ilaw sa bodega, kaya hindi makita ni Shirley ang mukha ng babae. Subalit, naiisip niya kung gaano kasama ang itsura ng mukha ng babae ngayon. “Anong balak mong gawin?” Tinukod ni Shirley ang dalawang kamay niya at ginawa niya ang lahat ng makakaya niya upang makaatras.Hindi siya natatakot sa gagawing pagpapahirap sa kanya ng babaeng ito, ngunit hindi niya matatanggap ang magkaroon ng kahit anong sugat ang kanyang mukha.Walang babae na kayang tanggapin ito.Winasiwas ng babae ang kutsilyo at naglakad siya papunta sa harap ni Shirley, nakatayo siya sa harap niya habang arogante siyang nakatingin kay Shirley.“Shirley, alam ko hinding-hindi kita mapapantayan sa ilang bagay at hindi kita mapapalitan. Ang tanging kaya kong gawin ngayon ay ang baguhin ang itsura mo.”Nang marinig ito ni Shirley, lalo siyang nakasiguro na gustong sirain ng babaeng ito ang kanyang mukha.Alam niya na kapag hindi lumaban, masisira ng husto ang mukha niya sa mga kamay ng babaeng ito.Hindi
Hinawakan ni Shirley ang kanyang mukha at tumakbo siya ng hindi iniisip kung saan siya papunta, tiniis niya ang matinding lamig na dala ng hangin at niyebe.Tumulo sa puting niyebe ang dugo na dumaloy sa pagitan ng kanyang mga daliri, at nagmistulang mga bulaklak ang mga patak ng dugo sa lupa.Hindi alam ni Shirley kung gaano katagal na siyang tumatakbo, at hindi rin niya alam kung saan siya papunta. Palabo ng palabo ang kanyang isipan. Noong malapit na siyang mawalan ng malay, tumakbo siya papunta sa kalsada.Hindi agad nakahinto ang isang taxi at sumalpok ito kay Shirley na bigla na lamang nagtatakbo sa gitna ng kalsada.Agad na tinapakan ng taxi driver ang preno at sa sobrang takot niya, natulala na lang siya habang hawak niya ang manibela.“Wala akong kasalanan. Tumakbo siya sa gitna ng kalsada. Wala akong kasalanan.”Paulit-ulit na sinabi ng driver na wala siyang kasalanan.Noong nakita nila Adam at Cathy ang nangyari mula sa backseat ng taxi, binuksan nilang dalawa ang pin
Hindi siya mapapanatag kung wala sa kanya ang anti-toxoid test reagent na binigay sa kanya ni Adam.Kapag bigla nanamang inatake si Jeremy, hindi alam ni Madeline kung ano ang gagawin niya.Subalit, kahit na natatawagan niya si Adam, wala namang sumasagot sa tawag niya.Naisip ni Madeline ba baka marami lang inaasikaso si Adam, kaya naisip niya na tatawagan na lang niya uli si Adam mamaya. Subalit, noong itatabi na niya ang phone niya, tinawagan siya ni Adam.Agad na sinagot ni Madeline ang tawag at narinig niya ang boses ni Cathy sa kabilang linya.“Evie, ako ‘to.”“Cathy, kasama mo ba si Adam? Hindi ba niya masasagot ang tawag ngayon?”“Evie, hindi niya masagot ang tawag kasi…”Pagkatapos marinig ni Madeline ang sinabi ni Cathy, biglang nagbago ang ekspresyon niya.Bumalik sa ward si Jeremy pagkatapos niyang tumawag. Nang makita niya ang kakaibang ekspresyon ni Madeline, nilapitan niya siya at tinanong, “Linnie, anong nangyari?”“May nangyaring masama kay Shirley.” Pagkatap
Nang marinig niya iyon, naramdaman ni Adam na nanlamig ang kanyang puso. Para bang nilubog sa nagyeyelong tubig ang kanyang puso, dahilan upang manigas ang buong katawan niya.Noong narinig ito ni Madeline, pakiramdam niya ay may kakaiba sa sitwasyon. Hindi siya naniniwala na mamamatay ng ganito si Shirley. “Doktor, kamusta ang lagay ng pasyente?”Noong nakita ng doktor na kasama ni Madeline si Adam, detalyado niyang ipinaliwanag ang kondisyon ni Shirley, “Base sa sitwasyon niya ngayon, maaari siyang maparalisa at habambuhay na siyang hindi makakalakad. Napakalalim din ng sugat sa mukha niya, kaya posibleng hindi na ito bumalik sa dati kahit na gumaling pa ito.Mapaparalisa siya at masisira ang kanyang mukha.Agad na naalala ni Madeline ang nangyari sa kanya noon.Nabulag siya noon at nasira din ang kanyang mukha. Masasabing pinagdaanan niya ang pinagdadaanan ngayon ni Shirley.“Ito ang kalagayan ngayon ng pasyente. Baka gumanda pa ang kondisyon niya pagkalipas ng recovery period
"Hindi ko alam kung gagaling pa ang mga binti niya, pero sigurado ako na may paraan ka para pagalingin ang mukha niya, di ba?" Noong tinanong ito ni Cathy, kumikislap ang mga mata niya. Naniniwala siya na magagawa iyon ni Adam. Pagkatapos niyang itanong yun, pareho silang natahimik ng ilang sandali. Mukhang may pinag-iisipan ng malalim si Adam. Paglipas ng ilang sandali, gumingin siya kay Cathy ng may ngiti sa kanyang gwapong mukha. "Salamat, Cathy." "Kapag pinasalamatan mo ako, parang tinuturing mo na rin akong ibang tao. Adam, parang miyembro ka na din ng pamilya ko, kaya hindi mo na ako kailangang pasalamatan." Miyembro ng pamilya. Noong narinig ni Adam ang mga salitang iyon, nakaramdam siya ng saya at kalungkutan. Subalit, mas nakaramdam siya ng saya. Kung sabagay, ang isang miyembro ng pamilya ay higit pa sa isang kaibigan, espesyal ito. Nilipat si Shirley sa isang pribadong ward sa ospital. Paglipas ng isang buong araw na wala siyang malay, nagising siya s
Napansin niya na mga kamay ng isang babae ang humawak sa kanya. Natulala siya, tumingala siya at sumalubong sa kanya ang malinaw at malalaking mga mata. "Sabi ng doktor na kailangan maalagaan ang mga sugat mo para gumaling ka, kaya mabuti kung magpapahinga ka." Ang mahinahong sinabi ni Cathy habang dahan-dahan niyang inalalayan si Shirley na makabalik sa kanyang higaan. Umupo si Shirley sa kama, at pagkatapos ay natawa siya. "Sinong doktor ang nagsabi niyan? Gagaling pa ba ako sa lagay kong 'to? Kung hindi nila kayang gumawa ng pinakasimpleng konklusyon, hindi sila dapat naging doktor!" Ininsulto niya ang ibang mga doktor habang tinitiis niya ang nararamdaman niyang sakit. "Sa tingin ba ng mga hangal na yun na nagiging mabuti sila sa pagsasabi ng mga kasinungalingan? Hindi ko kailangan ng kabutihan nila! Sabihin niyo na lang na lumpo na ako at sira na ang mukha ko! Wala na akong pag-asang gumaling!" Nang makita niyang malungkot si Shirley, seryosong nagsalita si Cathy.
Mapwersang inatras ni Shirley ang kamay niya. “Di ko kailangan ang pag-aalala mo.” “Talagang ayaw kong mag-alala sa’yo. Kahit na magdusa ka pa at mamatay sa lasong ito, karapat-dapat lang yan sa isang karumal-dumal na taong tulad mo.” “...” “Adam.” “Pero hindi ako nakakalimot. Isa akong doktor, at ang tungkulin ng isang doktor ay magligtas ng tao. Tulad ni mom at dad, di ko hahayaang may mamatay kahit na kalaban ko pa sila.” “...” Kaagad na bumagal ang kilos ni Shirley nang marinig niya ang mga salitang ito. Tila ba tumigil na din ang sakit sa sandaling ito. “Heh. Hehe…” Makalipas ang isang mahabang oras, tumawa siya nang walang bahala at may pait. Nang mahimasmasan siya, wala na sa kwarto si Adam at si Cathy na lang ang nandoon at nakatayo sa isang tabi. “Babalik din kaagad si Adam.”Di sumagot si Shirley dahil wala na siyang lakas para magsalita. Kahit na siya ang gumawa ng lason, hindi niya inakalang isa sa mga sangkap nito ay magdudulot ng ganito katinding
Noong nakita ito ni Cathy, agad siyang tumakbo upang pigilan ito. "Evie, mag-ingat ka!" Nagulat si Madeline sa biglaang pag-atake sa kanya ni Shirley, ngunit agad niyang nasalo ang kamay ni Shirley, at pinigilan niya ang kanyang pag-atake."Evie, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang lumapit si Cathy kay Madeline, pagkatapos ay humarap siya kay Shirley at pinagalitan niya siya. "Bakit gusto mo pa ring manakit ng ibang tao? Sa lagay mong yan, hindi mo pa rin ba naiisip na sobra na yang ginagawa mo? Ano bang ginawa ni Evie para magalit ka ng ganyan sa kanya, kaya paulit-ulit mo siyang sinasaktan?" Tiniis ni Shirley ang nararamdaman niyang sakit at tinitigan niya ng masama si Madeline. "Oo… Bakit paulit-ulit ko siyang sinasaktan? Dahil masama ako! Dahil wala akong puso, at hindi makatao! Hahahaha…" Nagsimulang tumawa ng parang baliw si Shirley, at pagkatapos ay nagngitngit ang kanyang mga ngipin sa habang tinitiis niya ang matinding sakit. "Eveline, nakakagalit at nakakalungkot ba