Share

Kabanata 1740

"Hindi ko alam kung gagaling pa ang mga binti niya, pero sigurado ako na may paraan ka para pagalingin ang mukha niya, di ba?"

Noong tinanong ito ni Cathy, kumikislap ang mga mata niya.

Naniniwala siya na magagawa iyon ni Adam.

Pagkatapos niyang itanong yun, pareho silang natahimik ng ilang sandali.

Mukhang may pinag-iisipan ng malalim si Adam. Paglipas ng ilang sandali, gumingin siya kay Cathy ng may ngiti sa kanyang gwapong mukha.

"Salamat, Cathy."

"Kapag pinasalamatan mo ako, parang tinuturing mo na rin akong ibang tao. Adam, parang miyembro ka na din ng pamilya ko, kaya hindi mo na ako kailangang pasalamatan."

Miyembro ng pamilya.

Noong narinig ni Adam ang mga salitang iyon, nakaramdam siya ng saya at kalungkutan.

Subalit, mas nakaramdam siya ng saya.

Kung sabagay, ang isang miyembro ng pamilya ay higit pa sa isang kaibigan, espesyal ito.

Nilipat si Shirley sa isang pribadong ward sa ospital.

Paglipas ng isang buong araw na wala siyang malay, nagising siya s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status