Kalmadong tinapos ni Adam ang pagtuturok ng gamot, pagkatapos ay tumingin siya sa mukha ni Shirley. Wala siyang balak na magpaliwanag, at ayaw niyang makipagtalo kay Shirley tungkol dito.Tumingin siya kay Cathy, na nakatayo sa tabi ng kama, at mahinahon siyang nagsalita, “Cathy, umuwi ka na muna. Ako na ang magbabantay sa kanya.”Umiling si Cathy. “Kaya ko pa naman siyang bantayan. Malamang napagod ka ngayong araw.”Dismayadong tumingin si Adam kay Shirley. “Hindi ko na mababago ang relasyon ko sa taong ‘to.”Tila nandidiri siya habang sinasabi niya ito.“...” Walang masabi si Shirley.Gusto sanang sabihan ni Cathy si Adam na magpahinga na siya, ngunit naisip niya na baka gustong makausap ni Adam si Shirley, kaya hindi na siya nagsalita pa.“Magdadala ako ng almusal bukas. Magpahinga ka na rin, Adam.” Ang sabi ni Cathy at kinuha niya ang bag niya.Hinatid ni Adam si Cathy sa entrance at hindi niya nakalimutang paalalahanan siya, “Mag-iingat ka.”Pagkatapos niyang ihatid si Ca
Para sa isang tao na marami nang pinagdaanan na problema, inaasahan niya na hindi na siya maaapektuhan nito, pero sa mga oras na ito, natatakot siya. Hanggang sa mga oras na ito, hindi pa rin niya alam kung nasaan si Shirley. Nagpasya si Carter na siya na mismo ang maghahanap. Pero, nang makatayo siya, may biglang nagbukas ng pintuan ng study room. Lumitaw si Camille sa may pintuan. Hindi ito inaasahan ni Carter. “Bakit ka rin nandito sa Glendale?” Hindi sinagot ni Camille si Carter, pero nagtanong ito, “Hinahanap mo ba si Shirley?” Huminto saglit si Carter nng narinig niya ito, saka kalmadong inamin ito. “Oo.”“Bakit mo pa rin siya hinahanap?” Kaagad na sumama ang ekspresyon ng mukha ni Camille sa isang iglap. “Matagal mo na dapat alam kung anong klase siyang babae.”Anong klase siyang babae.Bahagyang kumunot ang kilay ni Carter nung marinig nito ang paglalarawan ni camille kay Shirley. “Carter, huwag mong sabihin na nag-aalala ka pa rin sa babaeng yun. Kung naaalal
Syempre, naunawaan ni Shirley kung ano ang sinabi ni Adam, pero wala siyang pakialam doon. Bilang isang babae, hindi niya matatanggap na masira ang kanyang mukha.Ngayon na nawalan na siya ng kakayahan na maramdaman at maigalaw ang kanyang mga binti, at walang sinuman ang gustong tumulong sa kanya para makita ang kanyang sarili sa salamin, pinulot na lang niya ang maliit na salamin na binato sa kanya ni Adam. Bago pa man siya tumingin, handa na ang isipan ni Shirley dahil, kahit na hindi niya ito nakikita, nararamdaman niya ang mga hindi pantay na sugat sa kanyang kanang pisngi. Pinigil niya ang kanyang paghinga at dinala ang salamin sa kanyang harapan. Kahit na maliit ang salamin, malinaw pa rin niyang nakikita ang pangit sa peklat sa kanyang dating makinis na mukha. Nanlaki ang mga mata ni Shirley, nakatitig sa peklat ng halos sampung segundo. Pagkatapos ay binato niya ng malakas ang salamin sa may lapag, na bumsag dito. "Hindi!"Hindi niya matanggap ang katotohanan kah
Habang may hawak siyang almusal, nakita ni Cathy ang naganap na eksena nung narating niya ang kwarto sa ospital. Pagkatapos niyang mag-isip ng malalim, nagdesisyon siya na magsalita. "Adam, may ideya ako, pero hindi ako sigurado kung ano ang mararamdaman niyong dalawa tungkol dito." Sabay na inangat nila Shirley at Adam ang kanilang mga tingin. Dahan-dahan na pumasok sa loob ng kwarto si Cathy at minungkahi, "Malaki ang bahay ni Adam, at ang guest room ay palagi namang bakante. Higit pa doon, Adam, ikaw ang dokto ni Miss Brown. Kung pareho kayong mananatili sa isang lugar, mas magiging madali para sayo na mabantayan ang kondisyon ng iyong pasyente." Huminto si Cathy, pinagmamasdan ang mga pagbabago sa ekspresyon nila Shirley at Adam. "At sa bandang huli, kapatid mo pa rin si Miss Brown, at normal lang na makasama mo ang iyong kapatid sa iisang bubong. Ano sa tingin mo, Adam?" Pagkatapos pakinggan ang mungkahi ni Cathy, malamig na tinignan ni Adam si Shirley mula sa kanto ng k
Nakapunta na dito noon si Carter, kaya alam niya na ito ang bahay ni Adam.Pero, magkalaban sila Shirley at Adam. Alam niya na kinamumuhian ni Shirley ang kanyang kapatid, kaya nagtataka siya kung bakit tumira dito si Shirley. Nang lumakas ang hangin at ang pagbuhos ng niyebe, pumasok si Carter sa loob ng bahay, nararamdaman ang init na bumabalot sa kanya. Pinagpag niya ang nyebeng naipon sa kanyang balikat at pumasok. Nagluluto ng sopas si Cathy para kay Shirley. Mabilis niyang tinaas ang kanyang tingin nung marinig niya ang yabag ng paa na pumasok sa bahay at nakita niya si Carter na naglalakad papunta sa hagdan. Naging alerto lalo si Cathy nang makita niya si Carter. "Nanghihimasok ka nanaman ng walang paalam, Mr. gray." Si Carter, na hindi pinansin ang mga salita nito, ay tinignan si Cathy. "Nasa itaas siya, tama?" "ang taong hinahanap mo ay wala dito. Pakiusap umalis na kayo." Nanindigan si Cathy. Patuloy na hindi pinansin ni Carter si Cathy at tumahimik lang haba
Bumagsak ang mukha ni Carter. Sa sobrang inis nito, lumingon siya, at ngayon naman, imbis na si Cathy ang nakita niya, sinalubong siya ng isang pares ng walang takot at deteminadong mga mata. "Hindi pa ako nakapanakit ng tao, at ako rin ay umaasa na sana hindi ikaw ang unang tao na pumilit sa akin na talikuran ang aking prinsipyo."Ang mga matalas na titig ni Adam ay hinarap si Carter. Hindi inaasahan ni Carter na biglang uuwi si Adam, pero ganun pa man. Hindi ito sapat para pigilan siyang makita si Shirley. Syempre, alam ni Adam kung ano ang iniisip ni Carter. Habang hinihila niya ang braso ni Carter, tinignan ni Adam si Cathy. Kaagad itong naunawaan ni Cathy at mabilis na umakyat. Nung nakita ito ni Carter, sinubukan niyang kumawala sa pagkakahawak sa kanya ni Adam para sundan si Cathy, pero lalong hinigpitan ni Adam ang kanyang pagkakahawak sa kamay nito Hindi na kinaya ni carter na panatilihin ang elegante at marangal niyang postura."Adam, ngayon, may tiyansa ka pa
Nung narinig ni Shirley ang mga yabag ng paa, alam niya kaagad na si Carter ito. Alam niya na hindi na siya makakapagtago pa sa mga sandaling ito, kaya hinarap na lang nya ito. Pero, wala pa rin siyang lakas ng loob na ipakita ang pumangit na kalahati ng kanyang mukha sa lalake na hinahangaan niya ng lubos. Sa sandaling lumitaw si Carter, nilingon niya ang kanyang katawan at itinago ang kanyang pisngi na may peklat ng sa gayon ay hindi ito makita ni Carter. Hinayaan lang niyang makita nito ang kanyang kabilang pisngi na mukhang makinis, walang bahid, at maganda. At para naman sa kanyang nalumpong mga binti, ang tangi lang niyang nagawa ay umupo sa kama habang nagpapanggap na parang wala siyang pakialam. Tinignan ni Carter si Shirley na walang kibong nakaupo sa may kama at ginalaw niya ang kanyang mahahabang binti para humakbang ng dalawang beses palapit sa kama. Napansin niya ang lamig sa mukha ni Shirley. "Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sayo?" Tinanong kaagad ni Carter
Desidido ang tono ng pananalita ni Shirley. Mukhang walang masabi si Carter sa mga sandaling yun. Pagkatapos, kinagat niya ang kanto ng kanyang labi. “Shirley, alam mo ba kung ano ang sinasabi mo?” “Oo, alam ko. Alam ko kung ano ang sinabi ko,” dahan dahan na sagot ni Shirley ng hindi man inaangat ang tingin nito. “Pinag-isipan ko na ito ng mabuti, at hindi na kita hahayaan na manipulahin pa akong muli na parang tanga. Ginagamit lang naman natin ang isa’t isa, Mr. Gray. Ginamit mo ako para makamtan ang iyong mga layunin, at sa totoo lang, ginagamit lang din kita.” Nang marinig ni Carter ang sagot ni Shirley, pakiramdam niya ang nakarinig siiya ng isang malaking biro. “Ginagamit mo lang ako?” Singhal niya at nagtanong, “Paano mo naman ako ginamit?” “Hindi mo pa rin alam kung paano kita ginamit?” tanong ni Shirley. Ang kanto ng mapulang labi nito ay bahagyang naging maputla at naging isang ngiti na puno ng pandidiri. “”Nung unang beses tayong nagkita, alam ko na mabibigya