Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Chapter 2111 - Chapter 2120

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 2111 - Chapter 2120

2505 Chapters

Kabanata 2111

Tahimik na nakatulala si Noel kay Fane bago niya ito inirapan. “Naririnig mo ba ang sarili mo? Ang pakikidigma laban sa Muddled Origin clan at ang pakikidigma laban sa Corpse Pavilion ay lubhang magkaiba, alam mo yun? Ang isa ay kasing lakas lang natin habang ang isa naman ay isang fourth-grade Clan association! Sa pagkakataon na iyon, hindi na tayo ang may hawak kung gusto nating lumaban dahil nakatitiyak ako na pipilitin nila tayong lumaban!”Nagtaas ng kilay si Fane at depensa niya, “Hindi naman sa tayo ang pakay ng Corpse Pavilion! May iba pang mga Clan associations na lalaban sa kanila. Bukod dun, ang kanilang pakay ay ang unahin na iligpit ang Thousand Leaves Pavilion, na ibig sabihin lang ay sila ang pangunahin pwersa sa bagay na ito habang tayo naman ang susuporta sa kanila.”Nagkibit-balikat si Noel bilang pagsuko pero nakatikom ng mahigpit ang kanyang bibig. “Mas hangal ka pa pala kaysa sa inaasahan ko. Oo, ang Thousand Leaves Pavilion ang magiging pangunahing pwersa pero s
last updateLast Updated : 2023-03-31
Read more

Kabanata 2112

Tulad ng nabanggit ni Noel, kung secret resource place na ito ay mahalaga, tiyak na hindi hahayaan ng Thousand Leaves Pavilion ang dalawang third-grade clan associations na mag-away para dito; tiyak na kakamkamin nila ito!Sumingit si Brook sa mga sandaling ito, “Baka may nadiskubre silang napakahalagang bagay sa secret resource place na ito at ang balita ay nakarating sa tenga ng mga taga-Corpse Pavilion. Iyon ang dahilan kung bakit ginawa nila ang lahat para lang makarating dito para kunin ito para sa sarili nilang kapakanan.”Tumango si Noel. May katwiran ang sinabi ni Brook, pero pagkatapos at tinanong niya, “Kung ganun ay bakit walang ginagawa ang Thousand Leaves Pavilion tungkol sa kanila? Ayon kay Brother Fane, ang trap array sa paligid ng Mount Beasts ay nakatayo na doon ng higit sa sampung araw na! “Wala pa, bukod kay Brother Fane, ang nakalabas sa sampung araw na iyon. Sinuman na may maliit na utak ang makakahalata na may mali at magpapadala ng tao na mag-iimbestiga sa ba
last updateLast Updated : 2023-04-01
Read more

Kabanata 2113

At naroon rin ang katotohanang aksidente niyang nakasalubong ang mga halimaw sa acquire lebel monster area, kung saan hindi sila kilalang aktibo roon. Alam na niya ngayong walang magagawa ang innate level monsters kundi tumakas sa palibot ng bundok dahil kinuha ng Corpse Pavilion ang madalas nilang lugar. Tumawa si Fane at nagsabing, "Siguro maswerte lang akom… o baka ganun talaga ako kalakas. Haha." Medyo walang masabi si Brook sa kanya. "Gah! Naiinis ako na ikumpara ang sarili ko sa'yo. Tiyak na hindi ako pupunta sa bundok nang mag-isa! Para bang gusto ko lang mamatay kapag ginawa ko yun! Hindi pa rin ako makapaniwala na mag-isa mong pinatay ang mga halimaw na'to. Sa estimasyon ko, makakakuha ka ng four hundred points mahigit para rito!" Tama ang estimasyon ni Brook. Sa kabuuan, nakatanggap si Fane ng four hundred and thirty contribution points, na higit sa inaasahan niya. Magtatagal ang points na iyon kung maingat niya itong gagamitin. Lalo na't hindi niya ito kailangang gamit
last updateLast Updated : 2023-04-01
Read more

Kabanata 2114

Bumukas ang array nang may malutong na tunog at sumugod ang mga bugso ng kaluluwa patungo kay Fane nang walang-humpay. Huminga nang malalim si Fane at nagnilay-nilay. Patuloy siyang gumamit ng mga seal gamit ang kanyang kamay at ang natitirang lakas ng Shattered Soul Crystal saa kanyang katawan ay gumana.Mas madali nang gumawa ng mga soul sword sa tulong ng natitirang kapangyarihan ng Shattered Soul Crystal. Lumipas ang sampung araw sa isang iglap at matagumpay na nakabuo ng ikalimang soul sword si Fane pagkatapos gamitin ang natitira niyang lakas mula sa Shattered Soul Crystal. Ibig-sabihin nito kaya nang gumawa ni Fane ng 15 soul sword para umatake habang nakikipaglaban. Hindi na nila kailangang lumaban nang matagal at mapapatay na ni Fane si Robin sa isang atake lamang kung nakasalubong niya ito ngayon.Huminga nang malalim si Fane at tumigil sa pagsasanay. Higit sa lahat, ang isang tunay na laban lamang ang susukat sa lakas ng isang tao at balak niyang lumaban sa dalawang wager
last updateLast Updated : 2023-04-01
Read more

Kabanata 2115

Hindi alam ni Zayn ang tungkol sa isyu sa pagitan nina Fane at Elder Godfrey. Kung kaya't nagsalita siya nang medyo nagtataka, "Pakiramdam ko ay pinabayaan na ni Elder Godfrey ang lahat. Noon, nakatuon siya sa pagsasanay. Ngayon, pakiramdam niya ay masyadong magiging nakakayamot ang buhay niya kapag nakatuon lang siya sa pagsasanay. Tiyak na hindi ito kasing sarap sa pakiramdam ng pagkakaroon ng disipulo at pagtuturo sa taong iyon ng lahat ng nalalaman niya." Inirapan ni Noel si Zayn. "Hoy, pwede bang tigilan mo na ang panghuhula sa iniisip ng elder gamit ng opinyon mo? Lalo na't may sarili silang mga agenda." Tumawa si Zayn. "Tama ka. Ngayon, naging isa na sa formal elders si Elder Godfrey at base sa patakaran natin, dapat natin siyang tawagin Elder Eleven." Hindi nila pangkaraniwang tinatawag ang formal elders nila gamit ng apelyido. Sa halip, tinatawag nila siya base sa ranggo. Ngayon, nasa eleventh place si Elder Godfrey kaya dapat nila siyang tawagin bilang Elder Eleven. N
last updateLast Updated : 2023-04-02
Read more

Kabanata 2116

Dahil gumawa ng malaking ingay ang bagay na ito, maraming mga formal disciple ang gustong subukan ito. Ngumiti nang naiinggit si Noel. “Kaming mga informal disciple ay walang magagawa kundi manood na lang; hindi kailanman dadating sa amin ang ganitong pagkakataon. Gayunpaman, pakiramdam ko kahit sino ay pwedeng maging huling disciple ni Elder Eleven, bukod kay Oliver.” Pagkatapos itong sabihin, tinitigan ni Noel nang matagal si Fane, at naunawaan ni Fane ang ibig-sabihin niya. Bilang kapatid ni Wesley, siguradong kamumuhian ni Oliver si Fane, nang makita ang malaking hidwaan nila ni Wesley. Baka si Fane ang unang taong puntahan nito sa sandaling magkamit ito ng malaking bagay.Natawa si Fane at sinabi, “Naniniwala akong matalinong tao si Elder Godfrey. Hindi siya magiging sunud-sunuran sa isang tao sa hindi alam na dahilan at ibibigay ang kanyang mga pag-aari sa mga tagalabas.”Kumunot ang noo ni Zayn dahil malinaw na hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Fane. Subalit, kumislap
last updateLast Updated : 2023-04-02
Read more

Kabanata 2117

Sino sa mga elder ang tingin mong tatanggap ng disipulong magaling mambola? Maraming mga disipulo ang mahilig mambola ng mga elder, kaya kailangan ba silang tanggapin bilang elder disciple? Kung gustong-gusto niyang nakakatanggap ng papuri, pwede kong isuko ang posisyon ko dito at hintayin siya sa kanyang pintuan araw-araw para bolahin siya nang maraming beses, iba-iba bawat oras.”Natawa dito si Zayn, at maging si Fane ay hindi mapigilang mapangiti. Ngunit walang pakialam si Noel sa reaksyon nila.Habang pabalik sa kanyang kwarto, iniisip pa rin ni Fane ang napag-usapan nila. Sigurado siyang may sariling plano si Elder Godfrey sa pag-aanunsyo niya ng pagbabalak niyang kumuha ng huling disipulo sa sandaling ito. Hindi siya naniniwalang malilimutan ni Elder Godfrey na muntik na siyang mamatay sa Mount Beasts.Galit na galit sa panlalamang ang mga taong nasa posisyon ni Elder Godfrey at hindi nila gagantihan ng kabutihan ang pang-aapi. Posibleng may iba rin siyang binabalak. Habang i
last updateLast Updated : 2023-04-02
Read more

Kabanata 2118

Huminto si Fane bago nagpatuloy sa pagsasalita, “Bukod dun, sa tingin ko ay hindi namin magagawa na itago ang mga bagay na ito, at hindi naman ito isang malaking bagay kahit na sabihin ko ito sa iba. Tutulungan ba ako ni Elder Godfrey kapag nasa panganib ako? Tutulungan ko ba siya at impluwensyahan ang sitwasyon sa pavilion? Bilang isang informal disciple, wala akong halaga sa mga mataas na tao. Kaya natural lang na hindi niola ako idadamay sa kanilang galit kay Elder Godfrey”Bahagyang tumango si Nash dito; may katwiran naman si Fane. Kahit na nag-aalala siya—na humupa na, kahit na paano—binago niya ang takbo ng usapan, dahil ayaw na niyang magtagal pa sa pinag-uusapan nila kanina. “Hindi ba’t sinabi mo sa akin na may nakita kang bangkay pagkatapos mong lumabas ng Ten Absolute Trap Array?” Kaagad na napaalalahanan si Fane sa bangkay na nakita niya. Dahil sa nakabalik na sila ng pavilion, maikokonsidera na nasa ligtas na silang lugar. Sinara niya ang pinto, at walang makakaalam kung
last updateLast Updated : 2023-04-03
Read more

Kabanata 2119

Napasimangot si Nash at tinuon din ang kanyang atensyon sa kanang kamay ng bangkay. Tinaas pa niya ang kanang kamay ng bangkay, at ang nakikita lang niya mula sa gilid ay ang hawak nito na kristal.Subalit, wala silang ideya kung ano ba ang kristal na ito. Ang mag-ama ay nagpalitan ng tingin at sabay na inabot ang kanang kamay ng yumao, sinusubukan na ibuka ang kamay nito. Nung una ay iniisip nila na mahihirapan sila na ibuka ang kamao nito, nang makita nila kung gaano kahigpit ang pagkakatikom nito, pero parehong nakarinig ng lumalagutok na tunog sila Fane at Nash. Ang tunog na ito ay kapareho sa isang mekanismo na pinagana nung sinubukan nila ito. Sa pagkabigla, sabay na binitawan ng mag-ama ang kanang kamay ng kalansay. Nalaglag ang kamay sa lamesa ng may kalabog, at ang mahigpit na nakatikom na kamao ay bumuka, sabay bumuka sa lamesa. Ang kristal na hawal nito ng mahigpit ay lumitaw din sa harapan nila Fane at Nash.Isa itong kristal na kasing laki ng palad, at nakapaloob dit
last updateLast Updated : 2023-04-03
Read more

Kabanata 2120

Habang iniisip ito, sinabi ni Fane, “Kapag nakahigop ng patak ng heavenly blood, magagawa kong palakasin ang aking Divine Void Heavenly Path!”Ang martial art technique na gamit ni Fane ay ang Divein Void Heavenly Path, at ito ay tungkol lahat sa pagkontrol sa laws of space. Ang patak ng dugo mula sa Ancient Eclipse Dragon ay taglay ang mga talento at kakayahan ng halimaw sa pagkontrol sa laws of space. Kapag nagawa niyang higupin ang patak ng dugo nito, ang kanyang kontrol sa laws of space ay lalakas!Sa kalagitnaan ng kasiyahan ni Fane, biglang sumingit si Nash, “Hindi mo ba naisip na parang may kakaiba?”Nagtaas ng kilay si Fane at tiningnan si Nash, na naguguluhan. Bumuntong hininga si Nash bago ipinaliwanag, “Ang unang bagay ay ang Scattered Soul Crystals, at ngayon naman ay ang dugo ng Ancient Eclipse Dragon na may taglay na laws of space. Pakiramdam ko ay sadyang hinanda ang mga bagay na ito para sayo, at nagkataon na kailangan mo ang mga ito. Hindi mo ba naiisip na masyado n
last updateLast Updated : 2023-04-04
Read more
PREV
1
...
210211212213214
...
251
DMCA.com Protection Status