Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Chapter 2131 - Chapter 2140

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 2131 - Chapter 2140

2505 Chapters

Kabanata 2131

Pakiramdam rin ni Noel na masyadong magulo ang paligid, at si Fane at Wesley at nasa gitna ng isang away. Tumingin siya kay Fane nang mukhang nag-aalala bago iabot ang kanyang kamay sa lugar kung saan walang nakakakita, para hilahin ang damit ni Fane, para ipaalala kay Fane na huwag masyadong magpadala sa pang-iinis ni Wesley. Ngumiti si Fane. Alam niya ang ibig-sabihin ni Noel sa paghila ng damit niya… ngunit binalewala niya ito… nanginginig na sa galit si Wesley habang nakatitig nang masama kay Fane. Kumpara sa galit na mukha ni Wesley, kalmadong-kalmado si Fane. Kahit na nakikipagtalo siya kay Wesley, nanatiling kalmado ang kanyang mukha. Nagkiskisan ang ngipin ni Wesley habang nagsasalita, "Hindi ka palalagpasin ng kuya ko; papatayin ka niya!" "Ano pang kaya mong gawin bukod sa pagbabanta?" kalmadong sagot ni Fane. Ang mga salitang ito ay parang isang malaking batong sinaksak sa lalamunan ni Wesley, at pakiramdam niya lalo lang kukulo ang dugo niya sa pag-uusap nila ni Harv
Read more

Kabanata 2132

Kalmadong-kalmado ang tono ni Fane nang sabihin niya ito. Para bang sinasabi lang niya kay Brook kung anong gusto niyang kainin at inumin. Ngunit makikita ang emosyon niya sa bawat salita niya. Hindi mapigilan ni Brook na titigan si Fane, hindi alam kung paano siya kikibo. Walang gana si Fane na isipin ang tingin sa kanya ng iba sa ngayon. Sa halip, itinuon niya ang kanyang atensyon sa plataporma sa likod. Ang 11 na elder at nakaupo, at tahimik na pinagmasdan ni Fane ang pundasyon ng Dual Sovereign Pavilion. Kahit gaano karami ang mga disipulo ng pavilion, ang mga taong tunay na sumuporta sa Dual Sovereign Pavilion ay ang mga taong ito, ang pinakamalakas sa kanila. Ang taong nakaupo sa unang pwesto ay malamang ang First Elder. Tumingin siya nang maamo at nakangiti sa mga disipulo sa baba. Kumpara sa First Elder, and Second Elder at mukhang seryoso na para bang mapanuri ang mata nito. Tiningnan nito ang mga disipulo sa baba nang walang pakialam. Ang ibang mga elder ay may kanya-
Read more

Kabanata 2133

Malakas na sinabi ng Elder, "Nitong nakaraang mga araw, ang elder ng Thousand Leaves Pavilion ay bumisita sa amin at may sinabing importante. Sigurado akong alam ng lahat na ang ating West Cercei State ay may dalawang fourth-grade pavilion. Isa ay nasa Norte habang ang isa ay nasa Timog, at hindi kami nangingialam sa kanila. Nitong nakaraan, nakatanggap ng balita ang Thousand Leaves Pavilion na ang Corpse Pavilion ay palihi na nagdala ng maraming disciple sa Norte. Sigurado kaming hindi ito mabuting balita. Kaya kailangang maghanda ng lahat sa mga oras na ito." Ang balitang ito ay parang isang batong gumawa ng malaking alon. Ito ang unang beses na narinig nila ito, at nanlaki ang mga mata nila. Noong una, walang nag-uusap habang nandito ang mga elder. Ngunit wala sa kanila ang nakapagpigil nang marinig nila ang balita, at umingay ang usapan sa lugar. "Ano? Ang Corpse Pavilion ay papunta sa Norte para gumawa na naman ng gulo? Ang daming taon na tayong namumuhay nang payapa. Anong ba
Read more

Kabanata 2134

Dahan-dahang tumabi ang First Eldee nang sabihin niya ito at tumingin kay Elder Godfrey. Syempre, nararamdaman ni Elder Godfrey na maamo ang titig ng First Elder. Walang masyadong ekspresyon sa mukha niya habang nakatayo siya nang matuwid at naglalakad patungo sa gitna. Hindi siya tumayo sa harapan ng First Elder nang makarating siya sa likuran nito. Sa halip, huminto siya nang tatlong hakbang ang layo sa First Elder. Pagkatapos ay hinudyatan niya ang First Elder na magpatuloy sa pagsasalita. Alam ng lahat na nagsimula na ang kaganapan nang makita nila ang Eleventh Elder na lumalapit. Kahit na nabahala ang lahat sa balita, walang nakalimot sa dahilan kung bakit sila nagtipon sa lugar na ito. Tumango ang First Elder. "Sigurado akong alam ng lahat na ang Eleventh Elder ay gustong kumuha ng huling disciple, at ngayon ang araw na ipapaalam niya kung sinong napili niya. Ngunit kinausap ko na rin ang Eleventh Elder bago ito, at hindi masyadong alam ng Eleventh Elder ang mga magagaling
Read more

Kabanata 2135

Ang mga informal disciple na nakapaligid kay Fane ay mukhang kakaiba ang ekspresyon nang narinig nila ito. Siguro iniisip nila kung gaanong hipokrito ang mga formal elder na ito. Hindi nagulat dito si Fane dahil kahit paano niya ilarawan ang mga ito, sila pa rin ang pinakamaganda sa pagpipilian. Tiningnan ng First Elder ang tatlo sa ibaba ng plataporma nang mukhang maamo para bang apo niya ito. Marahang sinabi ng First Elder, "Kayong tatlo ay sobrang husay at pwedeng maging huling disciple ng Eleventh Elder, dahil wala sa inyo ang elder disciple ng ibang elder. Pero, hindi mahalaga kung gaano kayo kagaling, dahil isa lamang ang pwesto. Kaya kailangan niyong ipakita ang husay at lakas niyo ngayon para makuha ang atensyon ng Eleventh Elder." Kaagad na nagkaroon ng usapan ang mga disipulong nakatipon sa ibaba dahil sa sinabi ng First Elder. Mahinang sinabi nu Noel, "Kahit anong mangyari, kailangan pa rin nilang maglaban sa huli, at ang resulta ay ididikta ng kanilang lakas." Tul
Read more

Kabanata 2136

Ang sinabi ni Noel ang kaagad humatak sa atensyon ng mga nasa paligid niya. Tiningnan ni Fane si Noel ng may pagtataka sa kanyang mukha. Nagsimulang mamula ang mukha ni Noel nang maramdaman niya ang tingin sa kanya ng mga tao. Umubo siya ng mahina at sinubukan na pakalmahin ang kanyang sarili. “Bakit kayo nakatingin sa akin? Hindi niyo ba alam ang relasyon sa pagitan nila?”Bakas ang pagkalito sa mga mata ng maraming tao nung sinabi niya ito. Halata naman na wala silang alam sa relasyon na namamagitan sa mga taong ito, at ang narinig lang nila ay ang rango ng mga formal disciples na ito mula sa lalaking may pahabang mukha. Ang sinabi ni Noel ay halata naman na isang palatandaan na ang mga napiling mga kandidatong disipulo ay may komplikadong relasyon sa mga elder.Tiningnan ni Fane si Noel. “Bakit hindi mo kaya tigilan ang pagbibigay ng pahiwatig at diretsuhin mo na sa punto. Gusto ko na talagang malaman kung saan nakuha ni Gresham ang lakas ng loob para kalabanin ang First Elder.” M
Read more

Kabanata 2137

Tiningnan ni Noel si Brook ng nasisiyahan bago inunat ang kanyang kamay para tapikin si Brook sa balikat nito para ipaalam na tama ang sagot ni Brook. Ang sinabi ni Brook ay ang tuluyang sumira sa pagdududa sa puso ng mga taong nasa paligid nila. May espesyal na ideya ang makikita sa mga mata ng halos lahat ng mga tao na nandoon. Ang laban na ito para sa posisyon ng huling disipulo ay mukhang ang pagpili lamang ng Eleventh Elder sa magiuging una at huli niyang disipulo. Subalit, ang totoo ay may kinalaman ito sa laban sa pagitan ng dalawang elder, at ang posisyon ng pavilion master ang nakataya. Ito ang dahilan kung bakit ang lahat ng mga elder ay nandito at ang lahat ng mga disipulo ay sabik na sabik.Sa mga sandaling ito, sa wakas ay naunawaan na ni Fane kung ano ang ibig sabihin ni Noel nung sinabi nito na gagawin din niya ang bagay na ito kung sakaling siya si Gresham. Ginawa ito ni Greesham sa pagbabakasali na maalis si Oliver sa laban. Lalo na, ang tiyansa na siya ang maging h
Read more

Kabanata 2138

Hindi nataranta ang Second Elder ng binaling ng First Edler ang sisi.“Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Binabago mo naman ang ibig kong sabihin. Sino pa ba sa silid na ito ang hindi pa nakarating sa final stage ng innate level. Kung iyon ang ibig kong sabihin, hindi ba’t tinutukoy ko rin ang sarili ko?” sabi ng Second Elder. Kung tatanggap ang Eleventh Elder ng huli niyang disipulo ay dapat lang na magaling siya sa lahat ng aspeto. Ang cultivation value ay isa ring mahalagang punto na dapat ikonsidera. Ang kakayahan na umangkop ng final stage ng innate level ay hindi kasing taas ng sa nasa intermediate stage ng innate level. Dapat ay alam mo ang tungkol dito.” Kapag mas mataas ang cultivation level, mas mababa ang tiyansa na may bagong talento na maabot. Ito ay isang bagay na alam ng lahat.Hinawi ng First Elder ang kanyang manggas at sinabi, “Si Oliver ay nasa innate level at ang kanyang talento ay napakataas. Hindi na matatagalan ay pwede na siyang tumakbo para sa posisyon ng ch
Read more

Kabanata 2139

Ang First Elder at Second Elder ay kaagad na tumahimik. Tama si Elder Godfrey. Pwede silang magtalo hanggang sa matuyo ang kanilang mga lalamunan at wala pa rin silang magagawa kung sino ang magiging huli niyang disipulo.Nanatiling nakatingin si Elder Godfrey sa mga manonood. “At sa kung sino ang magiging huli kong disipulo, meron na akong taong napili. Sinabi ko na noon na ang huli kong disipulo ay dapat na magaling sa lahat ng mga bagay na mahalaga para sa akin.”Nagtaas ng kilay si Fane. Sinuri at ipinaliwanag na ni Noel ang pangungusap na ito noon. Ang akala niya ay ang ibig sabihin ni Elder Godfrey ay ang malapit niyang disipulo ay dapat na magaling sa lahat ng aspeto. Gamit ito, ang kanyang tingin ay napadpad kay Oliver at sa dalawa pa, na makisig, may talento, at nagmula sa mga prominenteng pamilya. Walang dungis, sa kahit na anong anggulo.Habang iniisip pa lang niya ang bagay na ito, ang boses ni Elder Godfrey ay umalingawngaw sa tenga ng lahat. “Hindi na kailangan pa ng t
Read more

Kabanata 2140

Nagtaka pa siya kung meron pa bang may pangalan na Fane sa hanay ng mga formal disciples, ngunit inalis niya rin ito kaagad nung sumagi ito sa kanyang isipan. Lalo na, alam niya ang lihim ni Elder Godfrey. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na ilalagay siya nito sa alanganin kung kailan pumunta lang siya dito para manood. Nagulantang sila Noel at Brook. Ang dalawa ay nanigas sa kanilang kinatatayuan at napatulala at bakas sa kanilang mga mukha na hindi sila makapaniwala na para bang sinabi sa kanila na nanalo sila sa lotto.Nilingon ni Noel ang kanyang ulo at nakita na si Fane ay ganun din ang ekspresyon ng sa kanya. “Ang Eleventh Elder ay pinili ka bilang huli niyang disipulo….”Medyo garalgal ang boses ni Noel, habang sa sobrang gulat naman ni Brook ay wasla itong masabi ni isang salita.Nagsimula namang kumibot-kibot si Wesley. Akala niya ay isa lang itong pagkakamali nung sinabi ng Eleventh Elder ang pangalan ni Fane nung una pero nung inulit nito ng makalawa, at binigyang diin
Read more
PREV
1
...
212213214215216
...
251
DMCA.com Protection Status