Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Chapter 2121 - Chapter 2130

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 2121 - Chapter 2130

2505 Chapters

Kabanata 2121

Nabigla na lang si Noel dahil hindi siya makapaniwala. “Kung mahalaga ito, sa tingin mo ba ay magagawa ko pang umupo lang dito, habang nagpapakasaya na uminom ng tsaa habang nakikipag-usap sayo?”Tauhan di Fane dahil dito; may katwiran si Noel. subalit, ano naman ang pwedeng gumulo sa lahat ng ito pwera dito?Hindi na naghintay si Noel na magtanong pa at kaagad na pinagpatuloy, “Hindi ba’t sinabi mo sa akin noon, na si Elder Eleven ay pipili na ng una at huli niyang disipulo? Ang mga formal disciples ay naglalaban dahil dito. Sumali pa nga si Oliver sa wager battle arena kasama ng iba pang mga formal disciples dahil dito. Ang wager battle arena ay punong puno ng tao na wala nang lugar na pwedeng tumayo lang, kapag nakita mo kung gaano karami ang tao na nandoon. Gusto mo bang pumunta at tingnan?”Napabuntong hininga na lang si Fane; hindi niya naisip na isa itong mahalagang bagay. Ang bagay lang naman na ito ay tungkol sa kung sino ang magiging final disciple, kaya ano naman ang espe
Read more

Kabanata 2122

Ayaw lumahok ni Fane sa event. Tinikom sandali ni Noel ang kanyang labi at saka sinabi, “Si Elder Eleven ay isa sa mga formal elders, at ito lang ang nag-iisa niyang disipulo. Hindi ito maituturing na isang malaking bagay sa Dual Sovereign Pavilion. Nauunawaan ng mga disipulo natin kung ano ang nangyari sa mga formal disciples, kung kaya bakit binibigyan ng espesyal na atensyon ng lahat ang bagay na ito. Higit dun, ang lahat ng iba pang mga formal elders ay binigyan din ng mataas na pagpapahalaga ang bagay na ito. Kaya sampung araw simula ngayon, ang lahat ng mga informal elders ng inner gate ay nandoon rin sa lugar ng pagtitipon para sa roll call.”Napangiwi si Fane dahil dito. Dahil ang lahat ng mga formal elders ay dadalo, hindi siya pwedeng umasta na hindi siya apektado ng mga patakaran at ipagpaliban ang kanyang sarili mula sa event. Nagtaas siya ng kilay, at ang may dignidad na Elder Godfrey ay pumasok sa kanyang isipan. Labis siyang nagtataka kung sino ang pipiliin ni Elder God
Read more

Kabanata 2123

Ang dugo ng mythical beast na nagwawala na parang isang mabangis na nakawala ng hawla ay lubhang maligalig. Mukhang gusto nitong sumugod palabas at tumakas sa ere. Paano naman hahayaan ni Fane na mangyari ang bagay na iyon? Naglabas siya ng isang itim na punyal mula sa Mustard Seed at hiniwa ang kanang palad niya. Kaagad na dumugo ang sugat, at nung patakas na sana ang patak ng dugo ng mythical beast, tinaas niya ang kamay niya na may sugat para hablutin ang dugo at ikulong ito sa kanyang palad. Pagkatapos ay mabilis niyang diininan ang patak ng dugo kung nasaan ang ginawa niyang sugat. Ang dugo ng mythical beast ay kaagad na humalo pagkatapos dumikit sa dugo ni Fane. Hiss!Ang tunog nito ay parang isang nagbabagang bakal na inilublob sa malamig na tubig. Napasimangot si Nash, at lalong umigting ang pag-aalala sa kanyang mga mata.Subalit, walang sinabi is Fane. kaagad niyang diniinan ang sugat pagkatapos maghalo ang kanyang dugo at ang dugo ng mythical beast. Ang dugo ng mythica
Read more

Kabanata 2124

Nakaramdam si Fane ng mapaminsalang enerhiya na humampas papunta sa kanya ng sumuntok ang misteryosong nilalang. Ang lakas nito ay kaya pa ngang payanigin ang bituin na kalangitan sa paligid. Isa itong malakas na pwersa na hindi pa nararanasan noon ni Fane. Na may malakas na tunog, tumalsik si Fanae paatras at gumulong sa lapag, ng nawalan siya ng balanse. Nung muling inimulat ni Fane ang kanyang mga mata, nakabalik na siya sa tunay na mundo at nakita niya ang kanyang ama na nakatitig sa kanya na labis ang pag-aalala. Inunat ni Nash ang kanyang kamay at marahan na tinapik ang pisngi ni Fane. “Ayos ka lang ba? Anong nakita mo? Bakit ka pinagpapawisan ng husto?”Bumilis ang paghinga ni Fane, at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Pakiramdam pa nga niya ay para bang tumitibok ang kanyang puso ng 190 beats kada minuto. Alam niya na isa lang iyong ilusyon, ngunit ang suntok ay talagang nakakatakot. Kung talagang nakatayo siya sa harapan ng lalaking nakaitim, hindi na nito kailangan na s
Read more

Kabanata 2125

Nakakasiguro si Fane na ang ilusyon na nakita niya ay ang alaala ng mythical beast, at ito ay isang bagay na nag-iwan ng malalim na impresyon sa beast. Napasimangot si Nash sa gulat.At nung tatanungin pa sana ni Nash si Fane, may biglang kumatok sa pinto. Napasimangot si Fane at nagtanong, “Sino naman ang gagambala sa akin sa oras na ito?”Hindi inaasahan, gulat na napatingin si Nash kay Fane at sinabi, “Marahil sila Noel at Brook na ito. Hindi ba’t sinabi sayo ni Noel? Ang sabi niya ay dadalhin ka niya sa lugar ng pagtitipon para sa roll call makalipas ang sampung araw.”Halatang nagulantang si Fane, bakas sa kung paano nanlaki ang kanyang mga mata sa mga sinabi ni Nash. Bahagyang nanginig ang mga kanto ng kanyang bibig. “Ibig mo bang sabihin ay nagsanay ako sa loob ng sampung araw?”Nakita ni Nash ang ekspresyon ni Fane at kaagad na naunawaan kung bakit ito gulat na gulat. Tumango si Nash at sinabi, “Tama, sampung araw na ang lumipas.”Napabuntong hininga ng mahaba si Fane haba
Read more

Kabanata 2126

Huminga ng malalim si Noel, at may konting bahid ng inggit sa kanyang tono habang nagsasalita ito, “Tulad ng inaasahan, nanalo siya, at nanalo siya ng walang kahirap-hirap. Ang lalaking umudyok kay Oliver ay nagawa lang tumagal sa tatlong atake ni Oliver bago siya nasaksak ni Oliver sa dibdib, at literal na nagkalat ng dugo sa lapag. Mabuti na lang, alam ni Oliver kung saan ang hangganan at huminto sa bandang huli. Ang taong iyon ay lubhang nasugatan, pero ang kanyang mga sugat ay sobrang lala na mararatay siya sa kama ngh mga isa o dalawang buwan.” Si Brook, na nakatayo sa tabi niya, ay tumango ng malakas. Isang tusong tingin ang biglang lumitaw sa kanyang mga mata nung naisip niya kung ano ang nangyari noong araw na iyon. “Noong araw na iyon, nakahanap kaming dalawa ng mauupuan, kahit na hindi ganun kadali, ng makita namin kung gaano karami ang mga taong nanonood ng mga oras na iyon. Malakas na naghiyawan ang mga manonood nung nasaksak ni Oliver ang kalaban niya sa dibdib, at sinig
Read more

Kabanata 2127

Sa may bandang timog naman ay kung nasaan nakatayo ang mga disipulo. Ang lugar na ito ay isang malaking parisukat. Kahit na kasing laki ito ng dalawa o tatlong football fields at kayang maglaman ng libo-libong mga tao, ang mga disipulo ay nakatayo ng magkahiwalay. Ang mga disipulo na may parehong lebel ay nakatayo sa parehong lugar. Mukhang bahagyang mas marami ang tao dito habang ang mga outer disciples, ang grupo na may pinakamalaking bilang, ay magkakasama sa timog na bahagi kahit na malawak ang lugar na ito.Malinaw na naririnig ni Fane kung ano ang sinasabi ng lahat ng nasa kanyang paligid. At doon tinuro ng isang lalaki na may bigote na nakatayo sa kanyang harapan ang battle stage habang sinasabi, “Sa tingin ko ay dapat piliin ng eleventh Elder si Mateo Bailey. Lalo na, nasa ika-limang posisyon siya sa hanay ng mga formal disciples, at walang siyang pamilya na sumusuporta sa kanya. Higit pa doon, narinig ko na malayo siya sa mga tao at may pagkamahinahon, kagaya ng Eleventh Elde
Read more

Kabanata 2128

Natawa ang lalaking mahaba ang mukha. “Wala kang ideya dito, ano? Kahit na nakarating na si Oliver sa final stage ng innate level, mas mahusay siya kumpara sa mga karaniwang formal disciple. Hindi na matagal bago siya maging kasinlakas ng mga chosen disciple. Sa husay niya, pwede na siyang masama sa mga predetermined disciple, kahit na nakarating na siya sa final stage ng innate level!”Tumaas ang kilay ni Fane habang tinititigan siya ni Noel nang kinakabahan. Magsasalita sana si Noel ngunit tumigil siya nang makita niyang umiiling sa kanya si Fane. Nagsimula nang mag-usap-usap ang lahat dahil sa sinabi ng lalaking mahaba ang mukha.“Si Calvert ay nasa intermediate stage ng innate level at ika-limampu’t walo sa ranggo. Ang ranggo niya ay hindi masyadong mataas sa mga formal disciple. Paano niya nagawang malamanagan ang ibang mga disciple at napili bilang isa sa mga predetermined disciple?”“Higit pa rito, balita ko hindi maganda ang pinagmulan niya at mukhang may kaugnayan siya sa F
Read more

Kabanata 2129

Syempre, alam ni Fane na nag-aalala si Noel sa kanya, kaya tumango siya nang bahagya. “Hindi na mahalaga kahit matanggap pa si Oliver bilang huling disciple. Higit sa lahat, hindi naman niya ako hahayaan kahit hindi siya matanggap bilang huling disciple.”Habang nag-uusap si Fane at Noel, biglang nagkaroon ng kaguluhan sa harapan nila. Kasunod nito, isang daan sa harap ni Fane ang nabuo ng ilang mga tao, at ilang mga pamilyar na mukha ang lumapit sa kanila. Tiningan ito ni Fane at hindi mapigilang kumirot ng labi niya, hindi mapigilang umirap. Wala siyang balak na pansinin ang mga taong ito, ngunit hilig nilang lumapit na parang mga pusang nakaamoy ng isda sa malayo.Si Wesley ay may jade fan—na walang nakakaalam kung saan niya nakuha—sa kanyang kamay. Kahit na hindi sila naaapektuhan ng pagbabago ng temperatura dahil mga martial artist sila, para siyang isang gwapong young master na naglalakad patungo kay Fane, habang pinapaypay ang kanyang pamaypay nang bahagya. Sa likod niya ay is
Read more

Kabanata 2130

Malinaw na ang taong tinutukoy ng lalaking matulis ang mata ay si Oliver, na kilalang-kilala. Samantala, si Fane ay nakangiting sumagot, "Hoy, bilang tagasunod niya, pwede bang magsabi ka naman ng bago sa susunod na magsalita ka? O 'yan lang ba ang kayang maalala ng utak mo? Sinasabi mong makapal ang mukha ko, pero bakit naman hindi? Natalo ko si Senior Brother Wesley, na nakatayo sa tabi mo, hanggang sa muntik na siyang mamatay, at matatalo ko siya ulit!" Nagdilim ang mukha ng lalaking matulis ang mata habang nakatingin kay Wesley na nasa tabi niya. Pakiramdam ni Wesley nawalan siya ng dangal habang hinihila niya ang lalaking matulis ang mata. Humakbang siya paharap. "Fane, huwag kang masyadong mayabang. Kahit na natalo mo ako noon, dahil lang sa hindi ako nakapaghanda. Ngayon, mas malakas na ako kaysa dati dahil ginabayan ako ni Elder Sayer. Hindi mo ako mapapalagan kapag naglaban ulit tayo sa battle stage!" Ang pahayag ni Wesley ang nagpatunay kung gaano kalaki ang tiwala niya
Read more
PREV
1
...
211212213214215
...
251
DMCA.com Protection Status