Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Chapter 2101 - Chapter 2110

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 2101 - Chapter 2110

2505 Chapters

Kabanata 2101

Nanigas ang lahat sa tanong na ito. Hindi talaga ito isang maliit na hayop kundi isang tunay na tao, na sinadyang gumawa ng ingay para makuha ang atensyon nila. Mula sa boses nito, malinaw na nagmula ito sa isang matandang tao. Kung isa itong ligaw na cultivator, maaaring hindi ito masyadong malakas, ngunit kung ito ay isang cultivator ng Corpse Pavilion, siguradong malakas ito.Walang makakaligtas sa kanila bukod kay Fane. Sa madaling salita, hindi sila tatanungin nang ganito ng kalaban bukod na lang kung… masyadong marami ang oras nito. Ang dami niyang naisip, habang nananatiling alerto. Nagtinginan sila at pumunta sa kabila ng puno. Ilang hakbang lamang at nakita na nila ang tao sa likod ng puno.Sa gulat ni Fane, ang edad ng taong ito ay hindi tugma sa boses nito. Mukha itong nasa tatlumpung taong gulang pa lamang, ang sikmura nito ay may mantsa ng dugo, namumutla ang mukha, at nahihirapang huminga. Napuruhan ito nang malala.“Isa ka bang formal elder ng Dual Sovereign Pavilion?
last updateLast Updated : 2023-03-28
Read more

Kabanata 2102

Nagsalubong ang kilay ni Fane. Wala siyang pakialam sa gantimpala, sa halip ay nagtataka siya kung bakit nakatitig sa kanya si Elder Godfrey nang nagtataka. Kahit na subukan niya itong itago, hindi pa rin ito nakaiwas sa atensyon ni Fane. Kalmadong tumango si Fane at nakipag-usap, sinasabing hindi mahalaga sa kanya ang gantimpala at bilang isang disipulo ng Dual Sovereign Pavilion, natural na tungkulin niya ang protektahan ang mga elder ng respetadong pavilion. Tumango lamang si Elder Godfrey, at hindi na lumitaw ang kakaibang tingin nito. Lumingon ito para tumingin sa direksyon ng trap array. "Tigilan na natin ang bolahan at umalis na tayo dito. Napuruhan ako ng isang elder ng Corpse Pavilion. Kung hindi dahil sa kaalaman ko sa pagpapagaling, kanina pa ako namatay. Siguro gusto na niya akong mahuli ngayon at ikinalulungkot ko na hindi magiging maganda para sa atin kapag nagpatagal pa tayp dito." Nagsimulang mataranta ang grupo nang marinig nila ito, ngunit kagaad nilang pinakalm
last updateLast Updated : 2023-03-28
Read more

Kabanata 2103

Upang maiwasang may mangyaring hindi inaasahan, hindi nila kaagad pinakawalan si Dudley, ngunit dinala nila ito kasama ng kapatid nito sa siyudad, malayo sa labas ng Mount Beasts. Pagkatapos maglakbay ng lima o anim na milya, lumingon si Fane at tumingjn kay Dudley mukhang takot na takot. Kumakabog nang husto ang puso niya, sa takot na baka patayin siya ni Fane. Higit sa lahat, silang dalawa ay wala nang bisa. Kapag pinakawalan sila, malamang magbabalita sila sa Corpse Pavilion. Sa katotohanan, hindi niya pakakawalan ang sarili niya kung nasa posisyon siya ni Fane. Huminga nang malalim si Dudley at sinabi nang nanginginig ang bibig, "Huwag kang mag-alala, siguradong hindi kita ilalaglag. Higit sa lahat, ang mga taong iyon ay nasa loob pa rin ng trap array. Kailangan mo lang kaming iwan dito at mananatili muna kami dito bago bumalik." Medyo hindi maintindihan ang sinasabi niya dahil takot na takot siya, kaya parang masyado siyang magsalita.Natawa si Fane. "Hindi ako ang klaseng
last updateLast Updated : 2023-03-29
Read more

Kabanata 2104

Habang inaalala ang mga sugat ni Elder Godfrey, hindi sila nagmadali papuntang Dual Sovereign Pavilion. Umupa si Fane ng isang karwahe sa malapit ma baryo at ginamit ang pinakakilalang daan papuntang Dual Sovereign City. Sa loob ng karwahe, nagpahinga si Elder Godfrey nang nakapikit ang mara habang nananatiling tahimik si Fane at ang kanyang ama, dahil may ilang bagay na hindi nila pwedeng pag-usapan sa harap ng ibang tao. Walang problema kay Nash ngunit medyo nababahala si Fane. Nasugatan nang malubha si Elder Godfrey at hirap nang manatiling gising. Bilang isang elder, hindi siya kinukulang sa mga pill, ngunit kahit pagkatapos uminom ng pill, hindi pa rin nagpapakita ng senyales na gagaling ang kanyang mga sugat. Ito ang patunay kung gaano kalala ang sugat na natamo niya. Maraming tanong si Fane ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili dahil ito ang unang pagkikita nila. Lahat ng nangyari ay kakaiba para sa kanya; para bang nadamay si Fane sa isang malaking pakana mula noong um
last updateLast Updated : 2023-03-29
Read more

Kabanata 2105

"Elder, makakaisip ka ba ng dahilan kung bakit hindi kumilos ang Thousand Leaves Pavilion? Imposibleng hindi nila malalaman ang tungkol sa ginagawa ng Corpse Pavilion ngayong gumawa sila ng ganito kalaking gulo. Suminghal si Elder Godfrey. Nanghina siya dito at nanginginig ang kanyang balikat. Huminga siya nang malalim, upang pigilan ang galit sa loob niya. "Syempre, alam nila ang tungkol dito, at siguradong matagal na nila itong alam." Nang marinig ito, nagulat si Fane. Nakikita niya ang galit sa mukha ni Elder Godfrey. 'Anong nangyari sa kanya? Bakit galit na galit siya?' dahil mukhang sa Thousand Leaves Pavilion ito galit sa halip na sa Corpse Pavilion ang lalong nagpalito sa kanya. Syempre hindi sinabi nang malakas ni Fane ang mga tanong niya. Higit sa lahat, sila ni Elder Godfrey ay hindi pa masyadong magkakilala. Kahit na niligtas niya ang buhay nito, hindi naman niya binuwis ang buhay niya para gawin ito. Kaya hindi nakakagulat na nag-iingat si Elder Godfrey mula sa isang
last updateLast Updated : 2023-03-29
Read more

Kabanata 2106

Subalit, nung tumuntong siya sa Dual Sovereign Pavilion, naramdaman niya ang malaking pagbabago. Ang lugar na kung nasaan sila, ang tinitirahan ng mga informal disciples, ay nasa kanluran lang ng buong pavilion. Kung gusto nilang pumunta sa tirahan ng mga informal disciples mula sa main gate, kailangan nilang lumiko ng ilang beses at maglakad sa ilang pasilyo sa labas.Ang mga pasilyo sa labas na ito ay umaabot sa lahat ng direksyon, at ang mga disipulo ay pwedeng bumalik sa kanilang mga tinutuluyan gamit ang panlabas na pasilyo o sa pinakasentrong Martial Art Techniques at Martial Skills Hall at sa may Seven Stars Hall.Sa pangkaraniwang pagkakataon, maraming mga disipulo ang dumadaan sa may panlabas na pasilyo, minsan pa nga ay puno ito ng mga disipulo. Subalit, sa araw na iyon, siya lang ang nag-iisang taong naglalakad dito. Tumingala siya para tingnan ang araw at sa tantya niya ay tanghali na. Wala namang espesyal sa oras na ito ngunit bakit mag-isa lang siya?Sinimulan niyang m
last updateLast Updated : 2023-03-30
Read more

Kabanata 2107

Tumaas ang kilay ni Fane at sinabi ng may mabigat na tono, “Anong totoo?”Kaagad na umiling si Brook, ng malaman niya na nagkamali ng pagkakaintindi si Fane sa kanyang tanong. “Hindi ko tinatanong kung ang mga salita na pinapakiusap mo sa akin na ikalat ay totoo. Ang ibig kong sabihin ay, totoo ba talaga na may kakaibang nangyayari sa Mount Beasts?”Tumango si Fane. ‘Syempre, totoo yun. Ang mga pagbabago doon ay sapat na para baliktarin ang mundo na kilala natin!’ gusto niyang sabihin ito ng malakas pero alam niya hindi niya dapat gawin iyon. Bukod dun, ipinalagay na niya na alam na ng mga nakakataas ng Dual Sovereign Pavilion ang tungkol dito.“Wala pa akong pwedeng sabihin sayo ngayon. Pakiusap at gawin mo na lang ang sinabi ko sayo at pagkatapos nun, sabihin mo kay Brother Noel na pumunta sa lugar ko kapag wala siyang ginagawa. Pwede ka rin pumunta. May kailangan akong sabihin sa inyong dalawa,” sabi ni Fane.Seryosong tumango si Brook, at ang dalawa ay nagpalitan ng dalawa o ta
last updateLast Updated : 2023-03-30
Read more

Kabanata 2108

Nagtaas ng kilay si Fane at dahan-dahan na nilapag ang tasa sa lamesa. “Kung ganun ang sinasabi mo ay ang Clan associations ay balak pa din ipagpatuloy ang giyera?” Iyon ang pinakamagandang paliwanag. Kung hindi, bakit sila magiging aligaga para sa mga disipulo na matutunan ang combined battle formations? Ang lahat ng mga ito ay senyales ng isang malaking digmaan na malapit nang magsimula dahil sa panahon lang na iyon may malakas na epekto ang combined battle formation.Maraming praktikal na dahilan para sanayin ang combined battle formations. Halimbawa na lang, kung ang isang grupo ng mga disipulo ay lumabas para magsanay, ang pagtayo ng combined battle formation ang magpapataas ng kanilang tiyansa na makaligtas kapag naharap sila sa panganib. Subalit, ang combined battle formation ay mas epektibo kapag ginamit ito sa giyera sa pagitan ng mga Clan associations. Huminga ng malalim si Fane. Hindi niya inugnay ang parating na digmaan sa Muddled Origin Clan at sa halip ay nagtanong,
last updateLast Updated : 2023-03-30
Read more

Kabanata 2109

Gulat na tiningnan ni Noel si Fane, hindi maunawaan kung bakit niya biglang natanong ang tungkol kay Elder Godfrey, perosiagot pa din niya ang tanong nito, “Meron tayong labing isang formal elders lahat-lahat. Base sa rango, si Elder Godfrey ang ika-labing isang formal elder. Gayunpaman, talentado siya. Ang rango ng mga formal elders ay nakarango base sa kanilang lakas. Ayon sa kanila ay hindi magtatagal bago maging isa sa top three elders si Elder Godfrey.” Tumango si Fane, at pagkatapos na bumuntong hininga, nagpatuloy siya sa pagtatanong, “Kung ganun, meron ba sa mga formal elders ang may alitan?”Kinuha ni Noel ang kanyang tasa at uminom, “Bakit mo natanong? Paano mo nakilala si Elder Godfrey?”Nilinis ni Fane ang kanyang lalamunan, hinawakan ang kanyang ilong, at sinabi, “Nakita ko si Elder Godfrey habang nasa Dual Sovereign City ako. Nakakatawa na nga lang ngayon na naisip ko ito. Alam ko na isa siyang formal elder sa kung paano siya manamit pero hindi ko alam kung sino siya
last updateLast Updated : 2023-03-31
Read more

Kabanata 2110

Ito ang dahilan kaya ang Thousand Leaves Pavilion ay sinira ang kanilang patakaran na utusan ang Muddled Origin Clan at ang Dual Sovereign Pavilion na tigilan ang laban sa pagitan ng mga ito. Sa isang kritikal na panahon kagaya nito, mas mabuti kung irereserba nila ang kanilang mga pinagkukunan para gamitin laban sa isang mas malakas na kalaban kagaya ng Corpse Pavilion.Naalala ni Fane na narinig na niya ang balita tungkol sa kagustuhan ng Dual Sovereign Pavilion na mag-recruit ng mga bagong disipulo bago umalis ng Mount Beasts. Dito pa lang, nahulaan na niya na ang mga opisyal ng Dual Sovereign Pavilion ay alam na kung ano ang nangyayari sa Mount Beasts.Ito rin ang dahilan sa kakaibang ekspresyon ni Elder Godfrey at ang kakaibang tono ng kanyang boses. Walang nagsabi sa kanya kung ano ang nangyayari sa Mount Beasts at iyon ang dahilan kung bakit natambangan siya doon. Pinagdududahan niya si Fane, dahil isa siyang disipulo ng Dual Sovereign Pavilion, at ilan sa mga nakakataas mula
last updateLast Updated : 2023-03-31
Read more
PREV
1
...
209210211212213
...
251
DMCA.com Protection Status