Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Chapter 2081 - Chapter 2090

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 2081 - Chapter 2090

2505 Chapters

Kabanata 2081

Sinenyasan ni Dwight si Jed ng nakasimangot at umiling ng dahan-dahan para pigilan siya sa pagtatanong. Sa ganito, nagkibit balikat na lang si Jed at isinantabi na lang ang kanyang pagtataka. Kasabay nito, si Fane ay walang kapasidad na isipin ang tungkol sa kung ano ang pinag-uusapan ng mga tao sa kanyang paligid. Binuhos niya ang lahat ng kanyang atensyon sa enerhiya na hinigop niya. Ang malakas na soul power ay pumasok sa kanyang mga meridians, at ang matinding sakit ay kumalat sa buong katawan niya. Kahit na ang Shattered Soul Crystal ay isang mahalagang kayamanan, may laman naman itong malakas na enerhiya. Sa sobrang lakas ng enerhiya ay parang pakiramdam niya ay may pison na dumadaan sa kanyang mga meridian. Ag mga meridian ni Fane ay malakas, pero unti-unti itong nanghina pagkatapos tiisin ang patuloy na pagdaloy ng enerhiya hanggang sa hindi na nito kinaya. Napabuntong hininga siya ng malalim at ipinagpatuloy ang paggawa ng seal gamit ng kanyang kamay, sa kagustuhan na gawin
last updateLast Updated : 2023-03-23
Read more

Kabanata 2082

Sa katunayan, hindi alam ni Dwight na ang limitasyon sa mga realms ay walang epekto kay Fane dahil si Fane ay nahigop ang mga alaala ng great master. Hindi lang niya alam kung ano ang alam ng great master, pero namana din niya ang ilang karanasan ng great master. Sa pamamagitan ng mga bagay na ito na tumutulong sa kanya, wala nang limitasyon si Fane kapag nagsasanay siya ng martial skills.Habang lumilipas ang oras, sila Albion, Dwightm at ang iba pa ay nakita ang mainit na pawis na tumatagaktak sa noo ni Fane na parang isang talonna tumaas ang tubig. Hindi nila mapigilan na mapasimangot nung nakita nila ito. At ganun na lang, isang araw at isang gabi na ang lumipas ng natapos si Fane na buuin ang ika-sampung soul sword. Sa wakas ay nakarating na din si Fane sa level ng proficiency.Kahit na anong martial skill ang sinasanay ng isang martial artist, nahahati sila sa tatlong stages” preliminary, proficient, at perfection. Ang tagumpay ni Fane na makabuo ng sampung soul swords ay nanga
last updateLast Updated : 2023-03-23
Read more

Kabanata 2083

Lumingon si Fane at naglakad papunta kay Albion nang walang pag-aalinlangan. Iniunat niya ang kamay niya at nilagay ito sa pulso ni Albion. Walang masyadong alam si Fane, pero kaya niyang tignan ang mga sugat ni Albion mula sa meridians niya. Apatnapu hanggang limampung porsyento na ang paggaling ni Albion, pero kailangan niya ng ilang buwan kung gugustuhin niyang gumaling ng tuluyan. Hindi gustong sayangin ni Fane ang mga buwang iyon sa lugar na ito. Nilagpasan ni Fane ng tingin si Jed at tumitig direkta kay Dwight na nakatayo sa likod ni Jed. "Nasa ligtas nang kalagayan ang mga sugat ng Senior Brother Albion niyo, at nasa apatnapu hanggang limampung porsyento na ang paggaling niya. Kahit na magpatuloy tayong manatili rito ng isa or dalawa pang buwan, walang magbabago, at gagaling lang ng limampu hanggang animnapung porsyento ang paggaling ng senior brother niyo. Ang dapat nating gawin ay mag-isip ng paraan para makaalis sa lugar na'to at pagalingin ang senior brother niyo pagkata
last updateLast Updated : 2023-03-23
Read more

Kabanata 2084

Ang lalaking may matulis na baba ay lumitaw sa harapan ni Fane kasama ng tatlong disipulo ng Corpse Pavilion sa likuran niya. Mabuti na lang at wala rito ang nakamaskarang lalaki. Ang lalaking may matulis na baba ay ang nakasunod noon sa nakamaskarang lalaki, na nagbibigay ng ideya sa nakamaskarang lalaki habang nagsasalita ng masama tungkol sa kanila. Sinong mag-aakalang magkakasalubong nila sila sandali lang pagkatapos nilang umalis ng lambak? "Senior Brother Robin Mullins, ang mga tao bang to ang pakay ng eldest senior brother natin?" Tinaas ni Fane ang mga kilay niya. Kung ganun, ang pangalan ng lalaking ito ay Robin Mullins. Sa ilalim ng pangkaraniwang sitwasyon, walang tatawag sa clan brothers nila gamit ng buong pangalan maliban na lang kung nagkalat ang apelyido ng taong iyon. Baka madaling magkalituhan sa pangalan niya at ng iba pang clan brothers maliban na lang kung tatawagin nila siya gamit ng buong pangalan niya. Matulis ang babae ni Robin at mukha siyang isang tra
last updateLast Updated : 2023-03-23
Read more

Kabanata 2085

Kaagad na may napagtanto si Derek nang narinig niya ito. Iniunat niya ang kamay niya at sinampal niya kaagad sarili niya. Syempre, hindi malakas ang sampal niya; dahil lang rin ito sa napansin niya. Isang ngiti ang lumitaw sa mukha niya. "Agh, ang tanga ko! Tama ka. Kapag kumalat ang tungkol dito, hindi tayo makikinabang. Hindi malakas ang mga taong ito, at sapat na tayo para tapusin sila." Sumali sina Dudley at Damian sa mga mabubulaklak na salita na nagpatuwa kay Robin. Hindi na nakita ang malamig niyang ekspresyon pagkatapos nito. "Iniisip niyong magsabi sa eldest senior brother ngayong mga talunan lang sila. Sasabihin ng eldest senior brother na mga talunan tayo kapag ginulo natin siya gamit nito. Tatlo sa kanila ay nasa final stage ng innate level habang ang isa ay nasa initial stage, at isa namang walang kwenta na nasa acquired level. Higit pa roon, isa sa kanila na nasa final stage ng innate level ay malubhang nasugatan. Kahit na tatlo ang tayo, wala silang laban sa'tin!" La
last updateLast Updated : 2023-03-24
Read more

Kabanata 2086

Sumagot si Fane nang hindi lumilingon para tignan sila, "Kung ganun, iniisip mo na dapat pinili naming manatili sa loob? Sa ganito, hindi kami mawawalan, tama?" Walang pagbabago sa ekspresyon ni Fane nang nagsalita siya pero maririnig ng kahit na sinong may utak ang galit sa mga salita ni Fane. Mabilis humusga si Jed. Puno siya ng papuri kapag maayos ang lahat pero hindi siya nagpipigil ng paghusga kapag may masamang nangyayari. Hindi nagtangka si Jed na itaas ang mukha niya para tignan si Fane. Gayunpaman, may bakas ng hindi pagiging kumbinsido sa kanyang nakalihis na mga mata. "Hindi ganun ang sabi ko. Pakiramdam ko lang ay nagmamadali tayong lumabas. Kung mananatili pa tayo sa loob ng ilan pang araw, hindi sana mangyayari ang ganitong mga problema." Bahagyang suminghal si Fane at nagpatuloy siyang tumingin sa harapan gamit ng kanyang mala-agilang mga mata. "Kung ganun, bakit di mo to sinabi bago ang lahat? Nanahimik ka noon pero mas marami kang sinasabi kesa sa lahat ngayong may
last updateLast Updated : 2023-03-24
Read more

Kabanata 2087

Sa huli, si Albion ang nagsalita. Hininaan niya ang boses niya at nagsalita nang may naniningkit na mga mata, "Brother Fane, anong ibig mong sabihin?" Tinaas ni Fane ang mga kilay niya at wala siyang balak na magsayang pa ng oras na kausapin sila. Kampante siyang sumagot, "Pabayaan niyo na sa'kin ang lalaki sa gitna at mag-focus kayo sa pagpigil sa iba." Tinuro ni Fane si Robin na nakatayo sa gitna. Umilaw ang mahaba niyang daliri sa ilalim ng natitirang ikaw ng araw at nagmukha itong malakas sa halip na mahina. Halos napaisip si Robin kung namamalik-mata ba siya. Kung hindi, paano nagawang magsabi ng lalaking ito ng ganito kaimposibleng mga salita? Ang lakas ng loob niyang hamunin si Robin sa isang duwelo. Ang isang taong nasa initial stage ng innate level na nakasuot ng damit na malinaw na nagsasabi ng posisyon niya bilang disipulo ng isang third-grade pavilion at may lakas ng loob na hamunin siya, na isang taong nasa final stage ng innate level. Higit pa roon, nasa completion st
last updateLast Updated : 2023-03-24
Read more

Kabanata 2088

Hindi niya gustong mamatay ang lahat ng clan brothers niya rito, pero nang sinabi ni Fane ang mga salitang iyon, kalmado ang ekspresyon at tono niya. Isang matinding kumpiyansa sa sarili ang pumuno sa puso niya at hindi napigilan ni Albion na maisip kung talagang may ganitong klase ng lakas si Fane. Pagkatapos mag-isip nang matagal, sa wakas ay binuksan na niya ang bibig niya. Medyo mahina ang boses niya ngunit may hindi maitatangging tono rito. "Kaya naming gawin yun pero kaya mo ba?" Napatindig ang buhok ni Jed nang narinig niya ang tanong. Lumingon siya kay Albion at nagsabing, "Brother Albion, wag mong sabihing talagang pinag-iisipan mo to? Hindi ba mamamatay lang tayo kapag nilabanan natin nang direkta ang apat na yun na nasa final stage ng innate level? Hindi mo narinig si Robin nang sinabi niyang papahirapan niya tayo? Mamamatay din ang lahat pero gusto kong mamatay nang may dignidad, hindi sa ganitong paraan!" Pinigilan ni Albion ang pagdada niya gamit ng isang kumpas ng
last updateLast Updated : 2023-03-24
Read more

Kabanata 2089

Sobrang laki ng ngiti ni Robin na halos umabot sa tainga niya ang mga labi niya. Kumindat siya sa mga tao sa likuran niya, at humakbang ang tatlong magkakapatid para harapin sina Jed at ang iba pa. Para bang naroon sila para pigilan silang makatakas. Pinatunog ni Robin ang leeg niya at inikot ang kamay niya; tumunog ang mga buto niya. "Sige! Dahil gusto niya talaga akong labanan, ipapakita ko sa inyo ang tunay na kahulugan ng kapangyarihan!" Pagkatapos niyang sabihin ito, pakiramdam niya ay gumagawa siya ng eksena mula sa wala. Lumingon siya sa tatlong magkakapatid sa likod niya at nagsabing, "Siguraduhin niyong hindi makakatakas ang tatlong yun. Pababagsakin ko ang batang to nang mag-isa. Hindi ko to seseryosohin, syempre, pero kailangang turuan ng leksyon ang batang to!" Kaagad na kuminang ang gintong ilaw sa kamay ni Robin at isang isang metro kalahating staff ang biglang lumitaw sa palad niya. Umiilaw ng ginto ang staff at mayroong misteryoso at sinaunang runes na nakaukit ri
last updateLast Updated : 2023-03-25
Read more

Kabanata 2090

Tinaas ni Fane ang kilay niya. Mabilis siyang gumawa ng distansya sa pagitan nila ni Robin. Ang kalaban niya ay lumalaban nang makapitan habang mas magaling si Fane sa malayuang pakikipaglaban kaya magiging ligtas siya hangga't hindi siya masyadong malapit kay Robin. Mabilis siyang gumawa ulit ng ilang hand seals at sinalag ng sampung itim na daggers na nakalutang pa rin sa ere ang mahabang staff ni Robin. Nagbanggaan ulit ang ginto at itim na liwanag. Gumamit naman ngayon si Fane ng anim na gray-black daggers at naging pantay sila ni Robin. Mabilis ang paghinga ni Robin at namumula ang mukha niya. Mas lalo siyang nagalit. Nanginig ang mga kamay niya habang tinignan niya si Fane nang may nagngingitngit na ngipin. Inihampas niya ulit ang staff niya para umatake, pero lahat ng atake niya ay nakansela sa loob lang ng ilang segundo gamit ng gray-black daggers. Mas lalo siyang nagulat tuwing natatapatan ng gray-black daggers ang atake niya. Hindi lang siya ang nanonood nang may nanlal
last updateLast Updated : 2023-03-25
Read more
PREV
1
...
207208209210211
...
251
DMCA.com Protection Status