Share

Kabanata 2083

Author: Moneto
Lumingon si Fane at naglakad papunta kay Albion nang walang pag-aalinlangan. Iniunat niya ang kamay niya at nilagay ito sa pulso ni Albion.

Walang masyadong alam si Fane, pero kaya niyang tignan ang mga sugat ni Albion mula sa meridians niya. Apatnapu hanggang limampung porsyento na ang paggaling ni Albion, pero kailangan niya ng ilang buwan kung gugustuhin niyang gumaling ng tuluyan.

Hindi gustong sayangin ni Fane ang mga buwang iyon sa lugar na ito. Nilagpasan ni Fane ng tingin si Jed at tumitig direkta kay Dwight na nakatayo sa likod ni Jed. "Nasa ligtas nang kalagayan ang mga sugat ng Senior Brother Albion niyo, at nasa apatnapu hanggang limampung porsyento na ang paggaling niya. Kahit na magpatuloy tayong manatili rito ng isa or dalawa pang buwan, walang magbabago, at gagaling lang ng limampu hanggang animnapung porsyento ang paggaling ng senior brother niyo. Ang dapat nating gawin ay mag-isip ng paraan para makaalis sa lugar na'to at pagalingin ang senior brother niyo pagkata
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2084

    Ang lalaking may matulis na baba ay lumitaw sa harapan ni Fane kasama ng tatlong disipulo ng Corpse Pavilion sa likuran niya. Mabuti na lang at wala rito ang nakamaskarang lalaki. Ang lalaking may matulis na baba ay ang nakasunod noon sa nakamaskarang lalaki, na nagbibigay ng ideya sa nakamaskarang lalaki habang nagsasalita ng masama tungkol sa kanila. Sinong mag-aakalang magkakasalubong nila sila sandali lang pagkatapos nilang umalis ng lambak? "Senior Brother Robin Mullins, ang mga tao bang to ang pakay ng eldest senior brother natin?" Tinaas ni Fane ang mga kilay niya. Kung ganun, ang pangalan ng lalaking ito ay Robin Mullins. Sa ilalim ng pangkaraniwang sitwasyon, walang tatawag sa clan brothers nila gamit ng buong pangalan maliban na lang kung nagkalat ang apelyido ng taong iyon. Baka madaling magkalituhan sa pangalan niya at ng iba pang clan brothers maliban na lang kung tatawagin nila siya gamit ng buong pangalan niya. Matulis ang babae ni Robin at mukha siyang isang tra

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2085

    Kaagad na may napagtanto si Derek nang narinig niya ito. Iniunat niya ang kamay niya at sinampal niya kaagad sarili niya. Syempre, hindi malakas ang sampal niya; dahil lang rin ito sa napansin niya. Isang ngiti ang lumitaw sa mukha niya. "Agh, ang tanga ko! Tama ka. Kapag kumalat ang tungkol dito, hindi tayo makikinabang. Hindi malakas ang mga taong ito, at sapat na tayo para tapusin sila." Sumali sina Dudley at Damian sa mga mabubulaklak na salita na nagpatuwa kay Robin. Hindi na nakita ang malamig niyang ekspresyon pagkatapos nito. "Iniisip niyong magsabi sa eldest senior brother ngayong mga talunan lang sila. Sasabihin ng eldest senior brother na mga talunan tayo kapag ginulo natin siya gamit nito. Tatlo sa kanila ay nasa final stage ng innate level habang ang isa ay nasa initial stage, at isa namang walang kwenta na nasa acquired level. Higit pa roon, isa sa kanila na nasa final stage ng innate level ay malubhang nasugatan. Kahit na tatlo ang tayo, wala silang laban sa'tin!" La

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2086

    Sumagot si Fane nang hindi lumilingon para tignan sila, "Kung ganun, iniisip mo na dapat pinili naming manatili sa loob? Sa ganito, hindi kami mawawalan, tama?" Walang pagbabago sa ekspresyon ni Fane nang nagsalita siya pero maririnig ng kahit na sinong may utak ang galit sa mga salita ni Fane. Mabilis humusga si Jed. Puno siya ng papuri kapag maayos ang lahat pero hindi siya nagpipigil ng paghusga kapag may masamang nangyayari. Hindi nagtangka si Jed na itaas ang mukha niya para tignan si Fane. Gayunpaman, may bakas ng hindi pagiging kumbinsido sa kanyang nakalihis na mga mata. "Hindi ganun ang sabi ko. Pakiramdam ko lang ay nagmamadali tayong lumabas. Kung mananatili pa tayo sa loob ng ilan pang araw, hindi sana mangyayari ang ganitong mga problema." Bahagyang suminghal si Fane at nagpatuloy siyang tumingin sa harapan gamit ng kanyang mala-agilang mga mata. "Kung ganun, bakit di mo to sinabi bago ang lahat? Nanahimik ka noon pero mas marami kang sinasabi kesa sa lahat ngayong may

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2087

    Sa huli, si Albion ang nagsalita. Hininaan niya ang boses niya at nagsalita nang may naniningkit na mga mata, "Brother Fane, anong ibig mong sabihin?" Tinaas ni Fane ang mga kilay niya at wala siyang balak na magsayang pa ng oras na kausapin sila. Kampante siyang sumagot, "Pabayaan niyo na sa'kin ang lalaki sa gitna at mag-focus kayo sa pagpigil sa iba." Tinuro ni Fane si Robin na nakatayo sa gitna. Umilaw ang mahaba niyang daliri sa ilalim ng natitirang ikaw ng araw at nagmukha itong malakas sa halip na mahina. Halos napaisip si Robin kung namamalik-mata ba siya. Kung hindi, paano nagawang magsabi ng lalaking ito ng ganito kaimposibleng mga salita? Ang lakas ng loob niyang hamunin si Robin sa isang duwelo. Ang isang taong nasa initial stage ng innate level na nakasuot ng damit na malinaw na nagsasabi ng posisyon niya bilang disipulo ng isang third-grade pavilion at may lakas ng loob na hamunin siya, na isang taong nasa final stage ng innate level. Higit pa roon, nasa completion st

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2088

    Hindi niya gustong mamatay ang lahat ng clan brothers niya rito, pero nang sinabi ni Fane ang mga salitang iyon, kalmado ang ekspresyon at tono niya. Isang matinding kumpiyansa sa sarili ang pumuno sa puso niya at hindi napigilan ni Albion na maisip kung talagang may ganitong klase ng lakas si Fane. Pagkatapos mag-isip nang matagal, sa wakas ay binuksan na niya ang bibig niya. Medyo mahina ang boses niya ngunit may hindi maitatangging tono rito. "Kaya naming gawin yun pero kaya mo ba?" Napatindig ang buhok ni Jed nang narinig niya ang tanong. Lumingon siya kay Albion at nagsabing, "Brother Albion, wag mong sabihing talagang pinag-iisipan mo to? Hindi ba mamamatay lang tayo kapag nilabanan natin nang direkta ang apat na yun na nasa final stage ng innate level? Hindi mo narinig si Robin nang sinabi niyang papahirapan niya tayo? Mamamatay din ang lahat pero gusto kong mamatay nang may dignidad, hindi sa ganitong paraan!" Pinigilan ni Albion ang pagdada niya gamit ng isang kumpas ng

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2089

    Sobrang laki ng ngiti ni Robin na halos umabot sa tainga niya ang mga labi niya. Kumindat siya sa mga tao sa likuran niya, at humakbang ang tatlong magkakapatid para harapin sina Jed at ang iba pa. Para bang naroon sila para pigilan silang makatakas. Pinatunog ni Robin ang leeg niya at inikot ang kamay niya; tumunog ang mga buto niya. "Sige! Dahil gusto niya talaga akong labanan, ipapakita ko sa inyo ang tunay na kahulugan ng kapangyarihan!" Pagkatapos niyang sabihin ito, pakiramdam niya ay gumagawa siya ng eksena mula sa wala. Lumingon siya sa tatlong magkakapatid sa likod niya at nagsabing, "Siguraduhin niyong hindi makakatakas ang tatlong yun. Pababagsakin ko ang batang to nang mag-isa. Hindi ko to seseryosohin, syempre, pero kailangang turuan ng leksyon ang batang to!" Kaagad na kuminang ang gintong ilaw sa kamay ni Robin at isang isang metro kalahating staff ang biglang lumitaw sa palad niya. Umiilaw ng ginto ang staff at mayroong misteryoso at sinaunang runes na nakaukit ri

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2090

    Tinaas ni Fane ang kilay niya. Mabilis siyang gumawa ng distansya sa pagitan nila ni Robin. Ang kalaban niya ay lumalaban nang makapitan habang mas magaling si Fane sa malayuang pakikipaglaban kaya magiging ligtas siya hangga't hindi siya masyadong malapit kay Robin. Mabilis siyang gumawa ulit ng ilang hand seals at sinalag ng sampung itim na daggers na nakalutang pa rin sa ere ang mahabang staff ni Robin. Nagbanggaan ulit ang ginto at itim na liwanag. Gumamit naman ngayon si Fane ng anim na gray-black daggers at naging pantay sila ni Robin. Mabilis ang paghinga ni Robin at namumula ang mukha niya. Mas lalo siyang nagalit. Nanginig ang mga kamay niya habang tinignan niya si Fane nang may nagngingitngit na ngipin. Inihampas niya ulit ang staff niya para umatake, pero lahat ng atake niya ay nakansela sa loob lang ng ilang segundo gamit ng gray-black daggers. Mas lalo siyang nagulat tuwing natatapatan ng gray-black daggers ang atake niya. Hindi lang siya ang nanonood nang may nanlal

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2091

    Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang staff at sinimulan itong salinan ng kanyang true energy. Ang mga runes, mula sa isang dulo hanggang sa kabila, ay nagsimulang umilaw ng matingkad. Pagkatapos ay gumawa siya ng mga senyas gamit ng kanyang kanang kamay.Isang hindi pantaong ungol ang lumabas mula sa kanyang bibig habang naglalabas siya ng kulay gintong bola ng liwanag, na kagaya ng sa mga alitaptap, na nagsama-sama sa kanyang likuran. Sa loob ng isang segundo, ang mga gintong ilaw ay naging hugis tsonggo na may matalas na mga ngipin. Ang mala-bumbilya nitong mga mata ay nagniningning nang maliwanag sa lahat, na humilo sa kanila. Ang tsonggo na gawa sa liwanag ay nakatitig ng husto kay Fane na para bang gusto nitong lamunin si Fane ng buo.Sa bandang huli, napilitan si Robin na gamitin ang pinakamalakas niyang technique. “Ang technique na ito ay pwede lang gamitin pagkatapos kong i-cultivate ang earth mountain staff technique hanggang sa perfection level. Maraming tao na ang namata

Latest chapter

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status