Sa huli, si Albion ang nagsalita. Hininaan niya ang boses niya at nagsalita nang may naniningkit na mga mata, "Brother Fane, anong ibig mong sabihin?" Tinaas ni Fane ang mga kilay niya at wala siyang balak na magsayang pa ng oras na kausapin sila. Kampante siyang sumagot, "Pabayaan niyo na sa'kin ang lalaki sa gitna at mag-focus kayo sa pagpigil sa iba." Tinuro ni Fane si Robin na nakatayo sa gitna. Umilaw ang mahaba niyang daliri sa ilalim ng natitirang ikaw ng araw at nagmukha itong malakas sa halip na mahina. Halos napaisip si Robin kung namamalik-mata ba siya. Kung hindi, paano nagawang magsabi ng lalaking ito ng ganito kaimposibleng mga salita? Ang lakas ng loob niyang hamunin si Robin sa isang duwelo. Ang isang taong nasa initial stage ng innate level na nakasuot ng damit na malinaw na nagsasabi ng posisyon niya bilang disipulo ng isang third-grade pavilion at may lakas ng loob na hamunin siya, na isang taong nasa final stage ng innate level. Higit pa roon, nasa completion st
Hindi niya gustong mamatay ang lahat ng clan brothers niya rito, pero nang sinabi ni Fane ang mga salitang iyon, kalmado ang ekspresyon at tono niya. Isang matinding kumpiyansa sa sarili ang pumuno sa puso niya at hindi napigilan ni Albion na maisip kung talagang may ganitong klase ng lakas si Fane. Pagkatapos mag-isip nang matagal, sa wakas ay binuksan na niya ang bibig niya. Medyo mahina ang boses niya ngunit may hindi maitatangging tono rito. "Kaya naming gawin yun pero kaya mo ba?" Napatindig ang buhok ni Jed nang narinig niya ang tanong. Lumingon siya kay Albion at nagsabing, "Brother Albion, wag mong sabihing talagang pinag-iisipan mo to? Hindi ba mamamatay lang tayo kapag nilabanan natin nang direkta ang apat na yun na nasa final stage ng innate level? Hindi mo narinig si Robin nang sinabi niyang papahirapan niya tayo? Mamamatay din ang lahat pero gusto kong mamatay nang may dignidad, hindi sa ganitong paraan!" Pinigilan ni Albion ang pagdada niya gamit ng isang kumpas ng
Sobrang laki ng ngiti ni Robin na halos umabot sa tainga niya ang mga labi niya. Kumindat siya sa mga tao sa likuran niya, at humakbang ang tatlong magkakapatid para harapin sina Jed at ang iba pa. Para bang naroon sila para pigilan silang makatakas. Pinatunog ni Robin ang leeg niya at inikot ang kamay niya; tumunog ang mga buto niya. "Sige! Dahil gusto niya talaga akong labanan, ipapakita ko sa inyo ang tunay na kahulugan ng kapangyarihan!" Pagkatapos niyang sabihin ito, pakiramdam niya ay gumagawa siya ng eksena mula sa wala. Lumingon siya sa tatlong magkakapatid sa likod niya at nagsabing, "Siguraduhin niyong hindi makakatakas ang tatlong yun. Pababagsakin ko ang batang to nang mag-isa. Hindi ko to seseryosohin, syempre, pero kailangang turuan ng leksyon ang batang to!" Kaagad na kuminang ang gintong ilaw sa kamay ni Robin at isang isang metro kalahating staff ang biglang lumitaw sa palad niya. Umiilaw ng ginto ang staff at mayroong misteryoso at sinaunang runes na nakaukit ri
Tinaas ni Fane ang kilay niya. Mabilis siyang gumawa ng distansya sa pagitan nila ni Robin. Ang kalaban niya ay lumalaban nang makapitan habang mas magaling si Fane sa malayuang pakikipaglaban kaya magiging ligtas siya hangga't hindi siya masyadong malapit kay Robin. Mabilis siyang gumawa ulit ng ilang hand seals at sinalag ng sampung itim na daggers na nakalutang pa rin sa ere ang mahabang staff ni Robin. Nagbanggaan ulit ang ginto at itim na liwanag. Gumamit naman ngayon si Fane ng anim na gray-black daggers at naging pantay sila ni Robin. Mabilis ang paghinga ni Robin at namumula ang mukha niya. Mas lalo siyang nagalit. Nanginig ang mga kamay niya habang tinignan niya si Fane nang may nagngingitngit na ngipin. Inihampas niya ulit ang staff niya para umatake, pero lahat ng atake niya ay nakansela sa loob lang ng ilang segundo gamit ng gray-black daggers. Mas lalo siyang nagulat tuwing natatapatan ng gray-black daggers ang atake niya. Hindi lang siya ang nanonood nang may nanlal
Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang staff at sinimulan itong salinan ng kanyang true energy. Ang mga runes, mula sa isang dulo hanggang sa kabila, ay nagsimulang umilaw ng matingkad. Pagkatapos ay gumawa siya ng mga senyas gamit ng kanyang kanang kamay.Isang hindi pantaong ungol ang lumabas mula sa kanyang bibig habang naglalabas siya ng kulay gintong bola ng liwanag, na kagaya ng sa mga alitaptap, na nagsama-sama sa kanyang likuran. Sa loob ng isang segundo, ang mga gintong ilaw ay naging hugis tsonggo na may matalas na mga ngipin. Ang mala-bumbilya nitong mga mata ay nagniningning nang maliwanag sa lahat, na humilo sa kanila. Ang tsonggo na gawa sa liwanag ay nakatitig ng husto kay Fane na para bang gusto nitong lamunin si Fane ng buo.Sa bandang huli, napilitan si Robin na gamitin ang pinakamalakas niyang technique. “Ang technique na ito ay pwede lang gamitin pagkatapos kong i-cultivate ang earth mountain staff technique hanggang sa perfection level. Maraming tao na ang namata
Sila Dwight at ang iba pa ay kaagad umatras at sabay na ginamit ang kanilang true energy para harangin ang mga shock waves. Kumunot ang noo ni Jed at ang mukha niya ay namutla nung narinig niya na tumutunog ang kanyang attached spirit. Hindi siya makapaniwala na ang shock wave mula sa isang technique ay sapat na para basagin ang kanyang attached spirit. Mabuti na lang, ang shock waves ay hindi nagtagal at humupa din.Isang sigaw ang bumasag sa katahimikan. Isang anino ang umaatras mula sa gitna ng kung saan nagsalpukan ang mga enerhiya, kasunod ang isang itim na punyal. Ang itim na punyal ay mabilis ang galaw. Sa sobrang bilis nito ay mukhang nag-teleport ito kung nasaan si Robin s isang kisapmata.Nawala ang lahat ng kulay sa mukha ni Robin. Sinubukan niyang harangin ito gamit ng kanyang staff ngunit ang itim na punyal ay madali lang itong iniwasan at kaagad na sumaksak sa sikmura ni Robin. Ang sakit na kasunod nito ay parabang kinakain ng lason ang kanyang laman.“Paano nangyari t
Halos makagat ni Albion ang sarili niyang dila nung sumagi sa isipan niya ang bagay na to. ‘Imposible! Paano ang isang bata na nasa initial stage ng innate level ay may kakayahan na gumamit ng isang heaven-level technique!’Kahit ang mga talentadong clan brothers na kilala niya ay hindi kayang mag-cultivate ng isang heaven level technique dahil hindi pa sila nakakalagpas sa kanilang main levels. Ang ginawa ni Fane ay para bang natanggap siya sa unibersidad gamit lang ng resulta sa elementarya!May kakayahan si Fane dahil sa mga alaala at karanasan na iniwan ni Senior. Ang nakuha niya mula sa Senior ay ilang libong beses na mas maganda kaysa sa pagsasanay sa ilalim ng isang elder.“Paano niya nagawa to? May makakapagsabi ba sa akin kung paano niya nagawa to?” utal ni Albion sa kanyang sarili. Habang lalo niyang iniisip ang tungkol dito, lalo lang siyang hindi makapaniwala sa buong bagay na ito at sumakit ang kanyang ulo dahil dito.Hindi mahanap ni Dwight ang mga salita para ilarawa
Namutla ang mukha ni Derek nung nakita niya ang punyal na bumalik sa kamay ni Fane. Umatras siya at nanginig ang hawak niyang espada, hindi mula sa infusion ng true energy, ngunit mula sa takot. Ang dalawa niyang kapatid, na mas mahina sa kanya, ay mas takot kaysa sa kanya na nagtago ang mga ito sa kanyang likuran, at tinuring siya na pananggalang. Ang kayabangan nila kanina ay napalitan ng takot at pag-iingat. Nakatingin sila kay Fane na para bang isa itong diablo na umakyat mula sa pinakamalalim na bahagi ng impyerno at kayang punitin ang lahat ng kanilang mga ulo sa isang iglap. Napalunok si Derek at ang hawak niyang espada ay lalo pang nanginig ng malakas na halos humuni na ang tungki nito. “Binabalaan kita, totoo na hindi kami kasing lakas mo ng mag-isa, pero hindi mo kami matatalo kapag pinagtulungan ka naming tatlo!”” Napangiti si Fane. Sa isang pitik ng kanyang pulso, ang itim na punyal ay muling lumutang sa ere. Ang itim nitong liwanag ay naging umiikot na kulay abong ha
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin