Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Kabanata 2061 - Kabanata 2070

Lahat ng Kabanata ng Numero Unong Mandirigma: Kabanata 2061 - Kabanata 2070

2505 Kabanata

Kabanata 2061

”Isang daang yarda ang layo nila sa atin. Hindi magtatagal at aabutan nila tayo. Kailangan na natin umalis ngayon pero hindi tayo pwedeng tumakbo na lang ng basta-basta. Kapag ginawa natin yun, tiyak na mamamatay tayo kaya isang bagay na lang ang magagawa natin. Sundan niyo ko!” Malamig at desididong sinabi ni Fane.Mabilis niyang hinila si Nash at nagtungo sa bukana ng kuweba. Parehong nag-alangan sandali sila Dwight at Jed, pero sandali lang. Wala na silang maisip at kahit na hindi nagpaliwanag si Fane, siya pa din ang pag-asa nila. Nagpalitan sila ng tingin at mabilis na sinuportahan si Albion at sinundan si Fane. Ang bukana ng kuweba ay nakaharap sa timog at sa kanan, kung gusto nilang tumakas, dapat ay pumunta sila ng hilaga o silangan, ngunit hindi, pinili ni Fane na pumunta ng timog. Higit pa dun, ang daan na kung nasaan sila ay masyadong liblib. Base sa makapal na mga halamang ligaw sa paligid, kahit ang mga hayop at halimaw ay hindi madalas dumadaan dito. Ang kanilang daana
last updateHuling Na-update : 2023-03-15
Magbasa pa

Kabanata 2062

Dumilim ang mukha ni Dwight pero hindi siya nagsalita; tinitigan lang niya si Fane. Bumuntong hininga si Fane at lumingon para tingnan ang paligid na nababalot ng makapal na hamog. Ayon sa mapa, isa pang sampung yarda at makakarating na sila sa Cliff of Sorrow. Walang nakakaalam kung gaano kataas ang bangin at napangalanan ito dahil sa wala sinuman ang nakabalik ng buhay kapag bumaba na sila ng bangin, na dahilan para mapuno ng pagdurusa sa mga puso ng mga nangulila. “Pinasadahan ko ang lahat ng mga delikadong lugar bago ako pumunta ng Mount Beasts kaya pamilyar ako sa Cliff of Sorrow. Isang bagay lang ang sinang-ayunan ng mga klasiko at ng iba pang mga disipulo na hindi ka mamamatay mula sa Cliff of Sorrow,” dahan-dahan na paliwanag ni Fane.Napangiwi si Dwight, hindi niya mapigilan na sabihin, “Hindi mo kailangan sabihin sa amin ang bagay na yun. Alam naman ng lahat na ang isang cultivator ay kayang gamitin ang kanyang true energy para suportahan ang kanyang katawan habang pabab
last updateHuling Na-update : 2023-03-15
Magbasa pa

Kabanata 2063

Makakalabas pa ba sila dito ng buhay? Narinig ni Fane ang boses ni Dwight nung iniisip pa lang niya ang tungkol dito. “Paano naman siya nakatitiyak na ang ancient array sa ibaba ng Cliff of Sorrow ay isang trap array at hindi isang kill array? Hindi naman sa kaya mo itong tukuyon sa pamamagitan lang ng hamog sa paligid natin.”Minulat ni Fane ang kanyang mga mata at tiningnan ang paligid bukod sa kay Dwight. “Ang totoo ay pitumpung porsyento lang akong sigurado tungkol dito.”“Kung ganun saan mo ibinase ang pitumpu o walumpung porsyento an ito?” Hanada si Dwight na magtanong ng maraming beses dahil kailangan niya na makarating sa puno’t dulo nito at ito ang uminis kay Fane ng konti. Ang totoo, isang daang porsyento na sigurado si Fane na ang ancient array sa ibaba ng bangin ay isang trap array at hindi isang kill array dahil may nakasalubong na siyang ganitong uri ng trap array noon, hindi nga lang sarili niyang mga mata ang nakakita nito. Subalit, sa alaala na iniwan ng ninuno,
last updateHuling Na-update : 2023-03-16
Magbasa pa

Kabanata 2064

Napatingin na lang si Dwight kay Jed. “Kahit na maghintay tayo dito, mapipigilan ba sila nito mula sa paghahanap sa atin?” Sinusubukan ni Jed ang lahat ng posibilidad sa oras ng peligro at hindi nag-iisip ng maayos. Gusto niyang gumawa ng gulo nung nakita niya na nag-uusap lang sila. Ang sinabi ni Dwight ang kaagad na pumigil kay Jed na magsalita. Sa sobrang hiya ni Jed ay namula ang kanyang mukha at leeg pero hindi niya magawa na sagutin pabalik si Dwight.Tulad ng sinabi ni Dwight, maiiwasan ba nila na mahuli sila ng kalaban kapag nanatili lang silang tahimik at nakaupo lang doon habang nagme-meditate para mabawi ang kanilang hininga? Sa katunayan, ang kanilang sitwasyon sa ngayon ay kagaya na sa pagpapaubaya sa kanilang mga buhay sa mga diyos. Ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya at kung hindi pa din sila na makatakas, patunay lang ito na oras na nila para mamatay.Lumingon si Dwight para tingnan si Fane, na mahinahon lang sa buong oras na ito. “Hindi ko inaasahan na napakak
last updateHuling Na-update : 2023-03-16
Magbasa pa

Kabanata 2065

Suminghal ang lalaking nakamaskara habang naglabas ito ng piraso ng karne at binato sa ere. Sumugod ang cyclops canine sa tuwa habang nakanganga para lunukin ang piraso ng karne, ng may maluting na tunog. “Akala ko ay matalino kayo para makatakas sa isang espesyal na lugar. Sino ang mag-aakala na nandito pa din pala kayo? Sa tingin niyo ba na ang hamog dito ay magagawa kayong maikubli sa matalas na paningin g cyclops canine? Nakakatawa lang. Kayong mga tao talaga ay minamaliit ang kakayahan ng cyclops canine.”Ang lalaking nakamaskara ay inunat ang kanyang kamay para himasin ang malaking ulo ng cyclops canine. Ang lalaking may payulis na baba na mula sa Corpse Pavilion ay tumawa habang nakatingin sa kanila Fane at sa iba pa. Nakangisi siya habang nagsasalita ng may mataas na boses, “Sa tingin niyo ba na ang cyclops canine ng aming eldest senior ay isang pangkaraniwang cyclops canine? Ngayon ay paliliwanagan namin kayo. Ang cyclops canine na ito ay ay pinalaki gamit ang lihim na pamama
last updateHuling Na-update : 2023-03-17
Magbasa pa

Kabanata 2066

Hindi inaasahan, inabot ni Fane ang siko ni Fane. nilingon niya si Jed para kausapin ito at ang iba pa, na nakatayo sa tabi niya. “Sumunod kayo sa akin—may isa na lang tayong pagpipilian ngayon. Huwag kayong mag-alala, hahanap ako ng paraan kung nasa isa tayong desperadong sitwasyon!”Tumalikod si Fane at sinimulang tumakbo papunta sa kanilang likuran kasama si Nash. Nagulantang sila Jed at Dwight. Alam nila kung ano ang planong gawin ni Fane sa mga sandaling ito. Wala na ba silang iba pang pagpipilian kung hindi ang tumalon sa bangin? Gayunpaman, ang lalaking ito ay alam na ang Ten Absolutes trap array ay luma na, at kahit mga great masters ay hindi kayang makatakas mula dito. Hindi ba sila mamamatay kung tumalon sila pababa sa bangin?Marahil dahil sa si Fane ang unang tao na tumakbo o sa sinabi ng nakamaskarang lalaki tungkol sa pagpapahirap sa kanila, pero wala na silang oras para magdalawang isip. Huminga ng malalim si Dwight bago niya hinablot si Jed at Albion sa kanilang mga k
last updateHuling Na-update : 2023-03-17
Magbasa pa

Kabanata 2067

Kailangan lang nilang magpatuloy pasulong! Humakbang pasulong ng isang beses si Jed at nakaramdam na may natatapakan siya. May narinig siyang lumagatok uli, at sabay silang lumingon sa pinanggagalingan ng tunog…para makita lang ang ilang mga kalansay sa kung saan sila nakatayo. Halata naman na ang mga kalansay na ito ay ilang taon na din nandoon, nang makita nila kung gaano kaalikabok na ang mga buto. Kahit ang damit na suot ng mga kalansay ay kaagad na nadurog at kumalat sa paligid ng kalansay nang madampian lang. Kinilabutan sila, at ang puno ng pag-asa nilang mga mata ay nayanig. Abala si Fane sa pagtingin sa paligid at hindi napansin kung ano ang kanyang tinatapakan. Doon lang sa sandaling iyon napadpad ang kanyang tingin sa may lupa, na kung saan higit sa isang kalansay ang lumitaw sa paligid. Ang lupa at bahagyang mas malinis sa paligid ng lugar kaysa kung saan siya nakatayo, at napapalibutan sila ng mga kalansay ng tao at monster beasts. Ang mga kalansay na ito ay nakakal
last updateHuling Na-update : 2023-03-18
Magbasa pa

Kabanata 2068

Tumingin si Fane at Dwight habang kumakaliwa si Jed pagkatapos dumaan sa puwang. Wala itong tunog hanggang sa maglaho ang kanyang anino, at natuwa si Dwight dito. Syempre hindi pa siya kalmado, ngayong nakita niyang maraming mga kalansay sa sahig. Sa kabilang banda, si Fane ay tahimik na tumingin sa dinaanan ni Jed, mukhang walang pakialam. Lumingon si Dwight para humarap sa kanyang senior na nakaupo sa likuran niya at nagagalak na sinabi, "Senior Brother Albion, tingnan mo! Umalis na si Junior Brother Jed, at walang nangyari. Mukhang makakaalis pa tayo sa lugar na ito. Ano kayang makikita natin paglabas natin—"Sa sandaling ito, isang pamilyar na boses na may kagipitan ang narinig nila mula sa likod, "B—Bakit nandito na naman ako?!" kaagad silang lumingon, at nasa likuran nila si Jed, nakatayo sa pagitan ng dalawang bundok. Ang lambak na ito at may apat na puwang na pwede nilang daanan para makaalis sa lugar na ito. Ang pinakamalaking puwang ay nasa harapan nila, at may isa pa
last updateHuling Na-update : 2023-03-18
Magbasa pa

Kabanata 2069

Naririnig ni Fane ang hinanakit sa salita ni Jed. Gayunpaman, alam ni Jed sa loob niya na hindi niya masisisi si Fane—hindi niya pinilit ang mga ito na tumalon pababa ng Cliff of Sorrow. Kahit na mamamatay pa rin sila, pagdudusahin sila hanggang mamatay kapag hindi sila tumalon. Ang pagtalon sa Cliff of Sorrow at maghintay sa kanilang kamatayan ay mas mabuti na kaysa pahirapan ng nakamaskarang lalaki sa taas. Kahit paano hindi sila mamamatay sa kahihiyan, kahit gaano pa kalungkot ang mamatay. Hindi sila pinansin ni Fane at humanap siya ng isang malinis na lugar para magnilay-nilay at magpagaling. Patuloy siyang bumuo ng mga seal gamit ng kanyang kamay habang dumadaloy ang true energy sa dulo ng kanyang daliri. Pagkatapos, tumuro siya paharap, at isang hibla ng true energy ang tumama sa ere. Biglang dumilat si Fane at tumuro paharap. Ito ang lugar kung saan tumungo ang kanyang true energy, ngunit walang nangyari. Sa halip, mukha lang nakakapagtaka si Fane. Nagtinginan sila Dwi
last updateHuling Na-update : 2023-03-19
Magbasa pa

Kabanata 2070

Nakaramdam lamang sila Jed ny mga bugso sa paligid ni Fane. Nang si Nash—na biglang naglaho—ay lumitaw sa harapan nila, at nabigla sila Jed. Sa paglitaw niya, tinitigan ni Nash nang diretso si Fane nang seryoso, hindi tinitingnan ang iba sa lugar. Maaaring mukhang nababaliw si Fane sa ginagawa niya, pero alam ni Nash na baka nalaman na ng anak niya kung paano malulutas ang sinaunang array na ito. Hininaan niya ang kanyang boses at bumulong kay Fane, "Nakahanap ka na ba ng paraan para malutas ang problemang ito?" Lumingon si Fane at tumingin sa kanyang ama; wala siyang maitatago kay Nash. "Oo, nakahanap na ako ng paraan. Dating nakulong ang great master sa Ten Absolutes trap array." Nakahinga na nang maluwag si Nash nang marinig niya ang siguradong sagot ni Fane. Hindi niya mapigilang tapikin si Fane sa balikat. "Anak, hindi ba pwedeng sabihin mo muna sa tatay mo ang plano mo bago ka kumilos? Muntik nang mapatalon palabas ang puso ko nang tumalon ka sa bangin kanina, alam ko ba 'yun
last updateHuling Na-update : 2023-03-19
Magbasa pa
PREV
1
...
205206207208209
...
251
DMCA.com Protection Status