Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Chapter 2041 - Chapter 2050

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 2041 - Chapter 2050

2505 Chapters

Kabanata 2041

Inilabas niya ang dalawang gamot mula sa Mustard Seed Spirit Ship. Lumutang sa kanyang palad ang dalawang gamot. Ang isa sa mga gamot ay medyo mapula, at naramdaman niyang umangat ang kanyang lakas pagkatapos niya itong amuyin. Ang isang gamot ay may madilim na liwanag. Nang ilagay niya ito sa dulo ng kanyang ilong, naginhawaan siya at nanumbalik ang kanyang enerhiya. Ang dalawang gamot na iyon ay ang sengen pill at ang soul-penetrating pill. Pagkatapos itong pag-isipan, ininom ni Fane ang dalawang gamot na ito. Kaagad siyang nakaramdam ng bugso ng enerhiya sa buong katawan niya.  Sa labas ng Array Eye Door, nakaupo si Noel sa isang upuan habang magkapatong ang binti, umiiling at humuhuni. Ang mga taong nakabantay sa Soul Hall ay nagbabago bawat limang araw. Ngayon, si Noel na naman ang nakaatas dito. Sa madaling salita, habang mas ganado ang isang disipulo, mas maraming oras itong igugugol sa pagsasanay, kahit na hindi pwede sa kanyang kapaligiran. Subalit, malinaw na walang gan
last updateLast Updated : 2023-03-05
Read more

Kabanata 2042

Ang kakayahang magpagaling ng gamot ay katamtaman lamang. Kumpara sa naunang dalawang gamot na ininom niya, parang langit at lupa ang agwat nito. Ang kakayahang magpagaling ng sengen pill at soul-penetrating pill ay parang pagluluto ng mantika sa apoy, at ang energy restoring pill na ito ay parang isang tubig mula sa bukal. Ang nakakapagpagaling na sangkap nito ay dahan-dahang dumaloy sa meridian ni Fane, napagaling ang mga sugat niya at nagpasigla sa kanya. Makalipas ang labinlimang minuto, unti-unti siyang gumaling mula sa kakulangan niya ng lakas. "Maraming salamat, Brother Norl," sinabi ni Fane pagkatapos uminom ng tsaa. Ngunit ayon sa patakaran, kailangang tawagin ni Fane si Noel bilang kanyang junior, ngunit pinili niyang huwag itong gawin, at sa halip ay tinawag niya itong senior. Pakiramdam niya mas magalang na gawin ito. Pagkatapos marinig na tinawag siya ni Fane nang ganito, natawa si Noel at hindi ito masyadong inisip. Tinapik niya sa balikat si Fane at kalmadong sin
last updateLast Updated : 2023-03-05
Read more

Kabanata 2043

Tumango si Noel, at walang masabi si Fane. Mula noong makarating siya ng Hestia Continent, nabalitaan niya ang tungkol sa away ng Dual Sovereign Pavilion at Muddled Origin Clan. Ang dalawang ito ay may hinanakit sa isa't isa at dahil sa lihim na mapagkukuhanan ng yaman, anumang oras ay maaaring magkaroon ng digmaan sa pagitan ng dalawa. Dahil dito, kumuha ng mga bagong disipulo ang Dual Sovereign Pavilion at binabaan ang kailangan para makapasok, ngunit pagkatapos ng lahat, napagpasyahan nilang tapusin ang giyera nang ganito na lang? Kitang-kita sa mukha ni Fane ang pagkabigla niya. Nagtinginan si Noel at Alan at naunawaan ang iniisip ni Fane. "Nakakabigla talaga diba? Wala rin kaming masabi. Tinigil nila ang laban sa ikalimang araw at nagsimula ito noong ikatlong araw mo sa Array Eye Door. Lahat ng mga disciple, deacon, at ibang sumama sa laban ay pinabalik. Buti na lang hindi malaki ang naging pinsala, at lima o anim lamang ang namatay. Higit sa lahat, nasa simula pa lamang ng gi
last updateLast Updated : 2023-03-06
Read more

Kabanata 2044

Tiningnan ni Noel at Alan si Fane na parang nagbibiro ito. Ngunit hindi ito ang unang pagkakataong nangyari ito kaya kaagad itong pinaalam ni Noel aa kanya. "Ang Thousand Leaves Pavilion ang pangawalang fourth-grade Clan association at ito rin ang isa sa dalawang pinakamalakas na Clan association sa West Cercie State. Malakas ang ating Dual Sovereign Pavilion ngunit kumpara sa Thousand Leaves Pavilion, malayong-malayo ito. "Sa totoo, ang Dual Sovereign Pavilion at Muddled Origin Clan at nasa patnubay ng Thousand Leaves Pavilion. Siguradong may dahilan kung bakit biglang pinahinto ng Thousand Leaves Pavilion ang laban sa pagitan ng dalawang Clan association. Higit pa rito, narinig ko na ang pavilion master mismo ng Thousand Leaves Pavilion ang umasikaso dito. "Dahil ang pavilion master mismo ang nagpunta, and Dual Sovereign Pavilion at Muddled Origin Clan, na parehong third-grade Clan association, ay hindi sumuway sa mga utos na ito. Ngunit hindi kailanman nangialam ang Thousand L
last updateLast Updated : 2023-03-06
Read more

Kabanata 2045

Mura lamang at mabisa ang mapang ito. Gamit nito, mahahanap ng isang tao kung saan matatagpuan ang isang beast at ang diffculty level nito. Ang mga monster beast ay may malakas na konsepto ng tetioryo, at ang mga mas mahina ay hindi manghihimasok sa teritoryo ng mga malalakas na monster beast. Ang mga fighter na gustong mabuhay sa Mount Beasts ay kukuha ng ganitong mapa. Gamit ng mapang ito, makakapunta sila sa lugar kung nasaan ang mahihinang halimaw. Sa ganitong sitwasyon, basta hindi sila malasin o aksidenteng mapaapak sa pugad ng mga malalakas na monster beast, makakaalis sila nang buhay. Si Fane, habang nagtataka, ay hindi nagpunta sa Seven Stars Hall ngunit sa halip ay sinabihan niya si Brook na magpunta para sa kanya para walang makaalam na mayroon siyang mapa. Mas mabuti nang mag-ingat kaysa magsisi. Walang gagawa ng masama sa kanya hanggat nasa loob pa siya ng Dual Sovereign Pavilion ngunit iba na kapag nasa labas na siya. Hindi natatakot si Fane sa ibang mga disipulo ng
last updateLast Updated : 2023-03-07
Read more

Kabanata 2046

Lalo na, ang dalawang clans ay magkahiwalay ng Mount Beasts sa gitna nito, at ang mga monster beasts ay talamak sa bundok. Kahit ang pinakamalakas sa fourth-grade Clan association ay walang lakas ng loob na tawirin ang Mount Beasts dahil tiyak na mamamatay sila kapag ginawa nila ito. Ang paligid ng Mount Beasts ay doble ang lawak kaysa sa nasasakupan ng Thousand Leaves Pavilion. Ganun kalawak ang bundok na ito at ang kasalukuyang lokasyon ni Fane ay nasa labas pa ng teritoryo ng bundok. Kahit na maraming halimaw doon, lahat ng mga ito ay mahina at walang kwenta. Ang isang spirited core ng isang innate monster beast ay pwedeng ipagpalit sa halagang pitumpung contribution points, ngunit ang spirited core ng isang acquired na halimaw ay pwede lamang ipagpalit sa halagang sampung contribution points, at ang ilang mahinang mga halimaw ay walang mga spirited cores, kaya walang kwenta na patayin ang mga ito.Sa kasalukuyan, ang lugar kung saan nagtitipon ang mga low-level monster beasts
last updateLast Updated : 2023-03-07
Read more

Kabanata 2047

Napasimangot si Fane. Sa oras na iyon, itinabi na niya ang mapa sa loob ng Mustard Seed Spiriti Ship. “May narinig akong kumaluskos, na para bang may dumaan mula sa mga damuhan.”Hindi nag-aalala si Nash. “Iyon marahil ang halimaw na papunta dito. Oras na para may makasalubong na tayo ng isa.”Nung sinabi niya iyon, may kung anong kulay asul ang lumapit mula sa malayo. Pagkatapos matanaw ni Nash at ng kanyang anak ang bagay na ito, silang dalawa ay parehong nabigla. Isa itong halimaw na parang isang lobo na kasing tangkad ng tao. Napapalibutan ito ng kulay asul na kristal. Ang mga mata ng monster beast ay kulay asul din, at naglalabas ito ng malamig na aura. Ang balahibo nito ay parang yelo. Pagkatapos matapakan ang mga damo sa paligid, ang mga dahon ay kaagad naging yelo. Napasimangot si Fane at napasigaw, “Isang Frost Wolf?! Pero anong ginagawa ng isang Frost Wolf dito?”Bago makarating ng Mount Beasts, naglaan ng oras si Fane para pag-aralan ang tungkol sa iba’t iabng klase n
last updateLast Updated : 2023-03-08
Read more

Kabanata 2048

Naging malamig ang mga mata nib Fane nung nakita niya kung ano ang nangyari. Hindi niya dapat minaliit ang halimaw na ito. Isang atake lang nito ay maikukumpara sa atake ni Wesley. Dahil dito kaya lalong nagtaka si Fane. lalo na, ang lugar na kung nasaan siya ay mula sa pinakalabas na lugar ng bundok. Dapat ay ligtas na ligtas ang lugar na ito. Kahit si Wesley ay mahihirapan na manalo laban sa Frost Wolf, paano pa kaya ang iba pang mahina na informal disciples? Nagkataon lang ba na nakasalubong ni Fane ang isang Frost Wolf dito? Naningkit ang kanyang mga mata at pinaalalahanan ang kanyang sarili na wala siyang oras para isipin ang tungkol sa lahat na ito. Ang Frost Wolf ay mabilis na umatake uli nung nakita nito na hindi tumama ang kanyang atake. Sinugod nito si Fane sa pamamagitan ng pagsipa sa lupa. “Tang ina!” Sa sobrang bilis ng Frost Wolf ay halos kulay asul na lang na liwanag ang nakita niya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso at ang kanyang kamay ay patuloy sa paggawa ng mga
last updateLast Updated : 2023-03-08
Read more

Kabanata 2049

Habang hindi makakita dahil sa nakakasilaw na liwanag, ang dalawang magkalaban ay hindi makita ang isa’t isa ng malinaw, pero hindi naman nagtagal ang bagay na ito. Sa sumunod na sandali, mga piraso ng yelo na kasing laki ng kuko ang bumagsak sa kanilang paligid. Ang malamig na piraso ng yelong ito ay ang produkto ng pagkadurog ng mga yelong kristal. Nung nakita ng Frost Wolf ang mga pirasong ito sa kalangitan, bago pa man ito makakilos, ang apat na kulay itim na patalim ay bumulusok palabas ng nakakasilaw ng liwanag at papunta sa kanyang leeg. Dahil dito kaya nanginig sa taot ang Frost Wolf. Pagkatapos lumaban ng maraming taon, nagkaroon na ito ng reaksyon at nagsimulang umtras ng mabilis para maiwasan ang atake. Subalit, ang apat na patalim ay biglang nanginig ng malakas sa ere. Ang tatlong patalim sa gitna ay malakas na nanginig. Amy narinig ang Frost na pumitik, at ang tatlong patalim ay sumabog sa ere habang ang mga bubog nito ay tumalsik sa paligid na parang mga karayom. Na
last updateLast Updated : 2023-03-09
Read more

Kabanata 2050

Napasimangot si Nash at tiningnan si Fane. nilapitan lang niya ang labi ng Frost Wolf nung nakita niya si Fane na tumango at nilagay ang kanyang kamay sa ilalim ng ilong ng lobo. “Patay na ito at mukhang hindi ito nagkaroon ng mapayapang pagkamatay.”Muling tumango si Fane, pinunasan ang malamig na pawis sa kanyang noo, at dahan-dahan na naglakad. “Mukhang hindi pa din sapat ang karanasan ko sa pakikipaglaban. Hindi naman dapat ganito kahirap na labanan ito dahil minaliit ako ng Frost Wolf. Patay na dapat ito kung inatake ko lang ito gamit ng buong lakas ko sa simula pa lang.”  Tumango si Nash. Hindi niya napanood ang laban ngunit gayunpaman, lama niya base sa malamig na pawis sa noo ni Fane at sa ekspresyon nito na ang laban ay naging matindi. Kasabay nito, ang basag na piraso ng yelong kristal ay patuloy pa din sa pagbuhas mula sa itaas, na naging dahilan para bumaba ang temperatura ng husto. Subalit, dahil mga tao sila na may cultivation, kaya hindi nila alintana ang lamig. N
last updateLast Updated : 2023-03-09
Read more
PREV
1
...
203204205206207
...
251
DMCA.com Protection Status