Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Chapter 2071 - Chapter 2080

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 2071 - Chapter 2080

2505 Chapters

Kabanata 2071

Huminga nang bahagya si Fane at sumagot, "Fish-scale pattern." Sa kabila ng sagot ni Fane, kaagad na naunawaan ni Nash kung anong ibig-sabihin ni Fane. Pinagmamasdan ni Fane kung paano kumakalat ang true energy para mahanap ang array eye. Sa isang maayos na lugar, ang true energy ay kumakalat na parang umaalong tubig. Subalit, ang true energy ay maglalaho nang may parang hugis ng kaliskis ng isda sa lugar kung nasaan ang array eye. May malaking pinagkaiba dito, at matutukoy nila ang array eye kapag pinagmasdan nila ito nang maigi. Hindi mapigilang magnilay-nilay ni Nash nang maisip niya ito. "Pasalamat tayo at nahuli ang great master sa Ten Absolutes trap array." Tumango rin si Fane, ganito rin ang nasa isip. "Gayunpaman, ang Ten Absolutes trap array na ito ay tinuturing na isa sa mga sinaunang array, at nakakapagtaka kung paano ito lumitaw sa isang third-grade world. Ano kayang nangyari at gumawa ang isang tao ng isang Ten Absolutes trap array dito." Habang nagsasalita siya,
Read more

Kabanata 2072

Nagtanong noong una si Dwight kay Fane nang iniisip na baka may paraan si Fane para makaalis sa trap array na ito, ngunit naglaho ang lahat ng pag-asa niya sa puntong ito. Para saan at nagbasa ng maraming libro si Fane kung ang isang malakas na taong tulad ni Elder Gardner ay yumao sa lugar na ito? Mas kaunti ba ang nabasang libro ni Elder Gardner at mas kaunti ang kaalaman niya kumpara kay Fane? Kahitna si Jed ay simple lamang mag-isip, napansin rin niyang tinanong ito ni Dwight dahil pakiramdam niya naghahanap si Fane ng paraan para makaalis sa trap array. Ngumiti si Jed nang nanlulumo, "Umaasa ka pa rin ba sa kanya? Masyadong mataas ang tingin mo sa kanya, alam mo 'yun. Kahit anong mangyari, nasa initial stage lamang siya ng innate level. Paano siya makakahanap ng paraan para makaalis sa array na ito kung mas mababa sa atin ang fighting prowess niya? Hintayin na lang natin ang kamatayan natin." Huminga nang malalim si Dwight. "Huwag kang masyadong panghinaan ng loob. Kahit na
Read more

Kabanata 2073

Tumaas ang kilay ni Jed habang nakikita ang pagkairita sa kanyang mata. Kusa siyang suminghal habang naglalaho ang kanyang pagtataka. Lumingon siya at tumingin kay Dwight, na nasa tabi niya. Nakita niyang si Dwight ay tulala rin ngunit hindi siya nagsalita dahil mabuti ang asal niya. Inabot ni Jed ang kanyang kamay at tumuro sa likod niya, kung saan nakakalat ang mga buto sa sahig, kaya nainis siya. "Alam mo ba kung anong natuklasan namin ngayon lang?" Umiling si Fane. Binuhos niya ang kanyang atensyon sa paghahanap sa array eye at hindi niya pinansin ang nahanap ng dalawa. Humalukipkip si Jed at umiling nang bahagya. "Nakahanap ako ng isang formal elder mula sa aming Thousand Leaves Pavilion na naglaho nang halos higit isang daang taon. Noon, sapat na ang lakas niya para lumaban para sa posisyon ng pavilion master, ngunit naglaho siya nang parang bula. Sinong mag-aakalang mahuhulog siya dito." Tumango si Fane at biglang sumimangot. Hindi niya alam kung bakit biglang ililipat n
Read more

Kabanata 2074

"Hindi pa ako nakakita ng taong ganito kamangmang sa loob ng maraming taon." Wala pa ring emosyon si Fane. Alam niya ang ibig-sabihin ni Jed, ngunit wala siyang balak na magpaliwanag. Inunat ni Jed ang kanyang katawan bago abutin ang hangin kung saan sumuntok si Fane. Walang pagbabago at pareho pa rin ang itsura nito—isang karaniwang lugar sa paligid. "Tigilan mo na ang pagmamatigas," sinabi ni Jed, kahit na naaawa, "wala ka nang magagawa. Maaaring hindi ko alam kung gaano kalakas si Elder Gardner noon, pero sigurado akong ilang libong beses siyang mas malakas sa'yo. Hindi siya nakaalis sa lugar na ito, paano pa ikaw!" Tumaas lamang ang kilay ni Fane at nanatiling tahimik. Mukhang walang balak na sumuko si Fane para kay Jed sa inaasal nito. Hinala niya pa na baka nabaliw na si Fane. Lumingon siya at umiling kay Dwight. "Bahala na, hindi na mahalaga kung anong sabihin natin. Baliw na ang lalaking ito!" Lumingon si Fane at binalewala ang iniisip ng dalawang lalaki tungkol sa ka
Read more

Kabanata 2075

Kinuskos ni Fane ang kanyang tainga nang naiirita, mukhang gusto niyang harangan ang ingay. "Huwag kayong magsalita—Susubukan ko pa ito!" pagkatapos ay inabot niya ang kanyang kanang kamay at tumingin sa array eye na nasira niya. Akala ni Jed at Dwight sinisira ni Fane ang espasyo sa paligid, ngunit alam ni Fane na hindi niya ito kayang gawin. Nangyari ito dahil ito ang pinakamahinang bahagi ng array. Ito ang array eye ng Ten Absolutes trap array! Pinigilan niya ang kanyang hininga at inayos ang kanyang isipan. Inabot niya ang kanyang kamay para hablutin ang kadiliman sa likod ng nabasag na espasyo habang hindi pinapansin ang mga sigaw. "Nababaliw ka na ba?!" sinabi ni Jed na muntik nang mapasigaw. "Hindi mo man lang alam kung anong nasa likod niyan, at basta mo na lang itong hahablutin! Hindi ka ba natatakot na baka may mangyaring masama?!" Fwoosh!Pagkatapos iabot ni Fane ang kanyang kamay sa espasyo, isang malakas na hangin ang tumama sa kanila. Kasunod nito, isang demonyo
Read more

Kabanata 2076

Kahit na ilang oras din siyang wala, sa katunayan, hindi ito kasing tagal ng sa kinakailangan para maubos ang isang tasa ng tsaa. Bago nilamon ng kadiliman si Fane, ang araw ay nasa gitna na ng kalangitan, at ang lambak ay maliwanag na. Ang tantiya niya ay tanghali na.Subalit, palubog na ang araw nung nakarating na siya sa dimensyong ito. Mukhang ilang oras pa lang ang lumipas sa isang kisapmata. Minasahe ni Fane ang naninigas niyang mga balikat at nahirapan na tumayo mula sa sahig, at doon lang niya nagawang suriin ang kanyang kapaligiran. May nakakamanghang bundok sa kanyang likuran at isang patag na mabatong lupa sa kanyang harapan. Makikita ang bulubundukin sa kanyang paligid. Siya dapat ay nasa paanan ng bundok. Meron pa ngang isang dumadagundong na batis sa harapan niya, na umaagos mula kanluran papuntang silangan.“Saan ang lugar na to?”Nakatingkayad si Fane habang pinagmamasdan ang bundok sa kanyang likuran, pero ang tanging nakita lang niya sa mga sandaling to ay ang
Read more

Kabanata 2077

Ibig sabihin lang nito ay ang namatay marahil ay isang makapangyarihang eksperto noon bago ito namatay. Siya marahil ay nasa lebel ng isang great master mula sa first-grade world powerhouse, na labis na ikinagulat ni Fane.May seryosong dibisyon base sa grado sa pagitan ng mga mundo. Ang mga ganun kalakas na mga master ay hindi dapat lumitaw sa isang third-grade world dahil ang ganun lakas ay maisisilang lang sa isang first-grade world. Kasama ng Ten Absolute Trap Array sa likod niya, hindi mapigilan ni Fane na magtaka kung ano ang nangyari sa lugar na ito noon.“Ano to?” May mga kristal na umiilaw ng kulay mapulang lila ang nakakalat malapit sa may kalansay. Tiningnan itong maigi ni Fane at napansin niya na ang kanang kamay ng bangkay ay mahigpit na nakahawak sa isang bagay. Malapit sa kanang kamay ng katawan, dalawang mapulang lila na umiilaw na kristal ay nakakalat sa lupa. Pinulot ni Fane ang pinakamaliit na kristal at nilagay ito sa kanyang palad para obserbahan ito ng malapit
Read more

Kabanata 2078

Si Albion ay mas mabuti ang kalagayan kung ikukumpara sa iba pa, dahil nagawa nitong makalapag ng maayos sa lupa. Kahit na malubha pa din ang natamo niyang pinsala at hindi pa ito gumagaling, 30 hanggang 40 porsyento na siyang mas maayos kaysa nung una. Nakatuon ang mga mata ni Dwight kay Fane na para bang may nadiskubre itong isang panibagong mundo.“Paano mo nahanap ang trap array eye? Ang sabi ng iyong ama ay nagawa mong makalabas dahil nahanap mo ang trap array eye!” Hindi mapigilan ni Dwight ang kanyang pagkamangha nung nagsalita siya. Para sa kanya, si Fane ay mas maabilidad.Pinagpag ni Jed ang alikabok sa kanyang damit at sinabi, “Talagang nakahanap ka ng paraan para makatakas sa array. Nung una, akala ko ay nabaliw ka na nung sinabi mo na mahahanap mo ito!”Nahiya si Jed nung naalala niya kung paano niya naisip na nabaliw na si Fane. Halata naman na siya ang walang kaalam-alam kung ano na ang nangyayari.Hindi pinansin ni Fane ang sinabi ni Jed at sa halip ay nilingon si
Read more

Kabanata 2079

Unti-unting napagtanto ni Dwight kung ano ang nangyayari pagkatapos niya narinig ang paliwanag. Si Jed, sa kabilang banda naman, ay halatang hindi ito naunawaan. “Ano ang ibig sabihin nito? Ibig sabihin ba nito ay ang daloy ng oras ay mas mabagal o mas mabilis sa loob? Kung ang daloy ng oras sa loob ay mabagal, dapat ay buhay pa si Elder Gardner pwera na lang kung nabaliw na siya at piniling patayin ang kanyang sarili. Subalit, ang kanyang katawan ay naagnas na, at tanging mga buto na lang niya ang naiwan. Ibig sabihin lang nito ay mas mabilis ang takbo ng oras sa labas? Ang paglubog ng araw sa labas ay patunay na ang takbo ng oras sa loob ay mas mabilis!”Habang nagsasalita si Jed, lalo lang siyang naguluhan. Tiningnan ni Fane si Jed at sinabi, “Huwag niyo ng alalahanin ang problemang ito. Mag meditate na lang muna tayo at ayusin ang inyong paghinga. Madali lang na makalabas sa lugar na ito, pero magiging mahirap na makalabas ng Mount Beasts. Wala tayong ideya kung ano na ang nangy
Read more

Kabanata 2080

Ang Shattered Soul Crystal ay isang mahalagang kristal. Isa sa mga katangian nito ay pwede itong higupin ng dahan-dahan. Sa isang basag lang, lahat ng enerhiya nito ay tatagas palabas ng kristal at masasayang lang ito kung hindi ito kaagad higupin ng katawan. Ang isang tao ay marahil makakakuha lang ng isa o dalawang piraso ng Shattered Soul Crystals sa buong buhay nila. Ang pag-aaksaya ng ganun kahalagang enerhiya ay mas malala pa kaysa sa pag-aaksaya ng heavenly objects.Binura na ni Fane ang laman ng kanyang isipan sa puntong iyon. Nilabas niya ang Shattered Soul Crystal sa loob ng Mustard Seed at nilagay ito sa kanyang palad. Ang huling sikat ng araw ay sumikat sa mapulang lila na kristal, at naglabas ng napakagandang kinam. Kahit na ang kristal ay hindi kayang maglabas ng matingkad na kulay, ang kristal ay may nakakahumaling na ganda. Nakahinga ng maluwag si Fane at handang handa na. Kung may ibang mga martial artists na nasa initial stage ng innate level ang humigop sa Shatter
Read more
PREV
1
...
206207208209210
...
251
DMCA.com Protection Status