Share

Kabanata 2073

Author: Moneto
last update Huling Na-update: 2023-03-21 19:00:00
Tumaas ang kilay ni Jed habang nakikita ang pagkairita sa kanyang mata. Kusa siyang suminghal habang naglalaho ang kanyang pagtataka. Lumingon siya at tumingin kay Dwight, na nasa tabi niya. Nakita niyang si Dwight ay tulala rin ngunit hindi siya nagsalita dahil mabuti ang asal niya.

Inabot ni Jed ang kanyang kamay at tumuro sa likod niya, kung saan nakakalat ang mga buto sa sahig, kaya nainis siya. "Alam mo ba kung anong natuklasan namin ngayon lang?"

Umiling si Fane. Binuhos niya ang kanyang atensyon sa paghahanap sa array eye at hindi niya pinansin ang nahanap ng dalawa.

Humalukipkip si Jed at umiling nang bahagya. "Nakahanap ako ng isang formal elder mula sa aming Thousand Leaves Pavilion na naglaho nang halos higit isang daang taon. Noon, sapat na ang lakas niya para lumaban para sa posisyon ng pavilion master, ngunit naglaho siya nang parang bula. Sinong mag-aakalang mahuhulog siya dito."

Tumango si Fane at biglang sumimangot. Hindi niya alam kung bakit biglang ililipat n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2074

    "Hindi pa ako nakakita ng taong ganito kamangmang sa loob ng maraming taon." Wala pa ring emosyon si Fane. Alam niya ang ibig-sabihin ni Jed, ngunit wala siyang balak na magpaliwanag. Inunat ni Jed ang kanyang katawan bago abutin ang hangin kung saan sumuntok si Fane. Walang pagbabago at pareho pa rin ang itsura nito—isang karaniwang lugar sa paligid. "Tigilan mo na ang pagmamatigas," sinabi ni Jed, kahit na naaawa, "wala ka nang magagawa. Maaaring hindi ko alam kung gaano kalakas si Elder Gardner noon, pero sigurado akong ilang libong beses siyang mas malakas sa'yo. Hindi siya nakaalis sa lugar na ito, paano pa ikaw!" Tumaas lamang ang kilay ni Fane at nanatiling tahimik. Mukhang walang balak na sumuko si Fane para kay Jed sa inaasal nito. Hinala niya pa na baka nabaliw na si Fane. Lumingon siya at umiling kay Dwight. "Bahala na, hindi na mahalaga kung anong sabihin natin. Baliw na ang lalaking ito!" Lumingon si Fane at binalewala ang iniisip ng dalawang lalaki tungkol sa ka

    Huling Na-update : 2023-03-21
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2075

    Kinuskos ni Fane ang kanyang tainga nang naiirita, mukhang gusto niyang harangan ang ingay. "Huwag kayong magsalita—Susubukan ko pa ito!" pagkatapos ay inabot niya ang kanyang kanang kamay at tumingin sa array eye na nasira niya. Akala ni Jed at Dwight sinisira ni Fane ang espasyo sa paligid, ngunit alam ni Fane na hindi niya ito kayang gawin. Nangyari ito dahil ito ang pinakamahinang bahagi ng array. Ito ang array eye ng Ten Absolutes trap array! Pinigilan niya ang kanyang hininga at inayos ang kanyang isipan. Inabot niya ang kanyang kamay para hablutin ang kadiliman sa likod ng nabasag na espasyo habang hindi pinapansin ang mga sigaw. "Nababaliw ka na ba?!" sinabi ni Jed na muntik nang mapasigaw. "Hindi mo man lang alam kung anong nasa likod niyan, at basta mo na lang itong hahablutin! Hindi ka ba natatakot na baka may mangyaring masama?!" Fwoosh!Pagkatapos iabot ni Fane ang kanyang kamay sa espasyo, isang malakas na hangin ang tumama sa kanila. Kasunod nito, isang demonyo

    Huling Na-update : 2023-03-21
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2076

    Kahit na ilang oras din siyang wala, sa katunayan, hindi ito kasing tagal ng sa kinakailangan para maubos ang isang tasa ng tsaa. Bago nilamon ng kadiliman si Fane, ang araw ay nasa gitna na ng kalangitan, at ang lambak ay maliwanag na. Ang tantiya niya ay tanghali na.Subalit, palubog na ang araw nung nakarating na siya sa dimensyong ito. Mukhang ilang oras pa lang ang lumipas sa isang kisapmata. Minasahe ni Fane ang naninigas niyang mga balikat at nahirapan na tumayo mula sa sahig, at doon lang niya nagawang suriin ang kanyang kapaligiran. May nakakamanghang bundok sa kanyang likuran at isang patag na mabatong lupa sa kanyang harapan. Makikita ang bulubundukin sa kanyang paligid. Siya dapat ay nasa paanan ng bundok. Meron pa ngang isang dumadagundong na batis sa harapan niya, na umaagos mula kanluran papuntang silangan.“Saan ang lugar na to?”Nakatingkayad si Fane habang pinagmamasdan ang bundok sa kanyang likuran, pero ang tanging nakita lang niya sa mga sandaling to ay ang

    Huling Na-update : 2023-03-21
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2077

    Ibig sabihin lang nito ay ang namatay marahil ay isang makapangyarihang eksperto noon bago ito namatay. Siya marahil ay nasa lebel ng isang great master mula sa first-grade world powerhouse, na labis na ikinagulat ni Fane.May seryosong dibisyon base sa grado sa pagitan ng mga mundo. Ang mga ganun kalakas na mga master ay hindi dapat lumitaw sa isang third-grade world dahil ang ganun lakas ay maisisilang lang sa isang first-grade world. Kasama ng Ten Absolute Trap Array sa likod niya, hindi mapigilan ni Fane na magtaka kung ano ang nangyari sa lugar na ito noon.“Ano to?” May mga kristal na umiilaw ng kulay mapulang lila ang nakakalat malapit sa may kalansay. Tiningnan itong maigi ni Fane at napansin niya na ang kanang kamay ng bangkay ay mahigpit na nakahawak sa isang bagay. Malapit sa kanang kamay ng katawan, dalawang mapulang lila na umiilaw na kristal ay nakakalat sa lupa. Pinulot ni Fane ang pinakamaliit na kristal at nilagay ito sa kanyang palad para obserbahan ito ng malapit

    Huling Na-update : 2023-03-22
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2078

    Si Albion ay mas mabuti ang kalagayan kung ikukumpara sa iba pa, dahil nagawa nitong makalapag ng maayos sa lupa. Kahit na malubha pa din ang natamo niyang pinsala at hindi pa ito gumagaling, 30 hanggang 40 porsyento na siyang mas maayos kaysa nung una. Nakatuon ang mga mata ni Dwight kay Fane na para bang may nadiskubre itong isang panibagong mundo.“Paano mo nahanap ang trap array eye? Ang sabi ng iyong ama ay nagawa mong makalabas dahil nahanap mo ang trap array eye!” Hindi mapigilan ni Dwight ang kanyang pagkamangha nung nagsalita siya. Para sa kanya, si Fane ay mas maabilidad.Pinagpag ni Jed ang alikabok sa kanyang damit at sinabi, “Talagang nakahanap ka ng paraan para makatakas sa array. Nung una, akala ko ay nabaliw ka na nung sinabi mo na mahahanap mo ito!”Nahiya si Jed nung naalala niya kung paano niya naisip na nabaliw na si Fane. Halata naman na siya ang walang kaalam-alam kung ano na ang nangyayari.Hindi pinansin ni Fane ang sinabi ni Jed at sa halip ay nilingon si

    Huling Na-update : 2023-03-22
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2079

    Unti-unting napagtanto ni Dwight kung ano ang nangyayari pagkatapos niya narinig ang paliwanag. Si Jed, sa kabilang banda naman, ay halatang hindi ito naunawaan. “Ano ang ibig sabihin nito? Ibig sabihin ba nito ay ang daloy ng oras ay mas mabagal o mas mabilis sa loob? Kung ang daloy ng oras sa loob ay mabagal, dapat ay buhay pa si Elder Gardner pwera na lang kung nabaliw na siya at piniling patayin ang kanyang sarili. Subalit, ang kanyang katawan ay naagnas na, at tanging mga buto na lang niya ang naiwan. Ibig sabihin lang nito ay mas mabilis ang takbo ng oras sa labas? Ang paglubog ng araw sa labas ay patunay na ang takbo ng oras sa loob ay mas mabilis!”Habang nagsasalita si Jed, lalo lang siyang naguluhan. Tiningnan ni Fane si Jed at sinabi, “Huwag niyo ng alalahanin ang problemang ito. Mag meditate na lang muna tayo at ayusin ang inyong paghinga. Madali lang na makalabas sa lugar na ito, pero magiging mahirap na makalabas ng Mount Beasts. Wala tayong ideya kung ano na ang nangy

    Huling Na-update : 2023-03-22
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2080

    Ang Shattered Soul Crystal ay isang mahalagang kristal. Isa sa mga katangian nito ay pwede itong higupin ng dahan-dahan. Sa isang basag lang, lahat ng enerhiya nito ay tatagas palabas ng kristal at masasayang lang ito kung hindi ito kaagad higupin ng katawan. Ang isang tao ay marahil makakakuha lang ng isa o dalawang piraso ng Shattered Soul Crystals sa buong buhay nila. Ang pag-aaksaya ng ganun kahalagang enerhiya ay mas malala pa kaysa sa pag-aaksaya ng heavenly objects.Binura na ni Fane ang laman ng kanyang isipan sa puntong iyon. Nilabas niya ang Shattered Soul Crystal sa loob ng Mustard Seed at nilagay ito sa kanyang palad. Ang huling sikat ng araw ay sumikat sa mapulang lila na kristal, at naglabas ng napakagandang kinam. Kahit na ang kristal ay hindi kayang maglabas ng matingkad na kulay, ang kristal ay may nakakahumaling na ganda. Nakahinga ng maluwag si Fane at handang handa na. Kung may ibang mga martial artists na nasa initial stage ng innate level ang humigop sa Shatter

    Huling Na-update : 2023-03-22
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2081

    Sinenyasan ni Dwight si Jed ng nakasimangot at umiling ng dahan-dahan para pigilan siya sa pagtatanong. Sa ganito, nagkibit balikat na lang si Jed at isinantabi na lang ang kanyang pagtataka. Kasabay nito, si Fane ay walang kapasidad na isipin ang tungkol sa kung ano ang pinag-uusapan ng mga tao sa kanyang paligid. Binuhos niya ang lahat ng kanyang atensyon sa enerhiya na hinigop niya. Ang malakas na soul power ay pumasok sa kanyang mga meridians, at ang matinding sakit ay kumalat sa buong katawan niya. Kahit na ang Shattered Soul Crystal ay isang mahalagang kayamanan, may laman naman itong malakas na enerhiya. Sa sobrang lakas ng enerhiya ay parang pakiramdam niya ay may pison na dumadaan sa kanyang mga meridian. Ag mga meridian ni Fane ay malakas, pero unti-unti itong nanghina pagkatapos tiisin ang patuloy na pagdaloy ng enerhiya hanggang sa hindi na nito kinaya. Napabuntong hininga siya ng malalim at ipinagpatuloy ang paggawa ng seal gamit ng kanyang kamay, sa kagustuhan na gawin

    Huling Na-update : 2023-03-23

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

DMCA.com Protection Status