Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Chapter 2091 - Chapter 2100

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 2091 - Chapter 2100

2505 Chapters

Kabanata 2091

Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang staff at sinimulan itong salinan ng kanyang true energy. Ang mga runes, mula sa isang dulo hanggang sa kabila, ay nagsimulang umilaw ng matingkad. Pagkatapos ay gumawa siya ng mga senyas gamit ng kanyang kanang kamay.Isang hindi pantaong ungol ang lumabas mula sa kanyang bibig habang naglalabas siya ng kulay gintong bola ng liwanag, na kagaya ng sa mga alitaptap, na nagsama-sama sa kanyang likuran. Sa loob ng isang segundo, ang mga gintong ilaw ay naging hugis tsonggo na may matalas na mga ngipin. Ang mala-bumbilya nitong mga mata ay nagniningning nang maliwanag sa lahat, na humilo sa kanila. Ang tsonggo na gawa sa liwanag ay nakatitig ng husto kay Fane na para bang gusto nitong lamunin si Fane ng buo.Sa bandang huli, napilitan si Robin na gamitin ang pinakamalakas niyang technique. “Ang technique na ito ay pwede lang gamitin pagkatapos kong i-cultivate ang earth mountain staff technique hanggang sa perfection level. Maraming tao na ang namata
last updateLast Updated : 2023-03-25
Read more

Kabanata 2092

Sila Dwight at ang iba pa ay kaagad umatras at sabay na ginamit ang kanilang true energy para harangin ang mga shock waves. Kumunot ang noo ni Jed at ang mukha niya ay namutla nung narinig niya na tumutunog ang kanyang attached spirit. Hindi siya makapaniwala na ang shock wave mula sa isang technique ay sapat na para basagin ang kanyang attached spirit. Mabuti na lang, ang shock waves ay hindi nagtagal at humupa din.Isang sigaw ang bumasag sa katahimikan. Isang anino ang umaatras mula sa gitna ng kung saan nagsalpukan ang mga enerhiya, kasunod ang isang itim na punyal. Ang itim na punyal ay mabilis ang galaw. Sa sobrang bilis nito ay mukhang nag-teleport ito kung nasaan si Robin s isang kisapmata.Nawala ang lahat ng kulay sa mukha ni Robin. Sinubukan niyang harangin ito gamit ng kanyang staff ngunit ang itim na punyal ay madali lang itong iniwasan at kaagad na sumaksak sa sikmura ni Robin. Ang sakit na kasunod nito ay parabang kinakain ng lason ang kanyang laman.“Paano nangyari t
last updateLast Updated : 2023-03-25
Read more

Kabanata 2093

Halos makagat ni Albion ang sarili niyang dila nung sumagi sa isipan niya ang bagay na to. ‘Imposible! Paano ang isang bata na nasa initial stage ng innate level ay may kakayahan na gumamit ng isang heaven-level technique!’Kahit ang mga talentadong clan brothers na kilala niya ay hindi kayang mag-cultivate ng isang heaven level technique dahil hindi pa sila nakakalagpas sa kanilang main levels. Ang ginawa ni Fane ay para bang natanggap siya sa unibersidad gamit lang ng resulta sa elementarya!May kakayahan si Fane dahil sa mga alaala at karanasan na iniwan ni Senior. Ang nakuha niya mula sa Senior ay ilang libong beses na mas maganda kaysa sa pagsasanay sa ilalim ng isang elder.“Paano niya nagawa to? May makakapagsabi ba sa akin kung paano niya nagawa to?” utal ni Albion sa kanyang sarili. Habang lalo niyang iniisip ang tungkol dito, lalo lang siyang hindi makapaniwala sa buong bagay na ito at sumakit ang kanyang ulo dahil dito.Hindi mahanap ni Dwight ang mga salita para ilarawa
last updateLast Updated : 2023-03-26
Read more

Kabanata 2094

Namutla ang mukha ni Derek nung nakita niya ang punyal na bumalik sa kamay ni Fane. Umatras siya at nanginig ang hawak niyang espada, hindi mula sa infusion ng true energy, ngunit mula sa takot. Ang dalawa niyang kapatid, na mas mahina sa kanya, ay mas takot kaysa sa kanya na nagtago ang mga ito sa kanyang likuran, at tinuring siya na pananggalang. Ang kayabangan nila kanina ay napalitan ng takot at pag-iingat. Nakatingin sila kay Fane na para bang isa itong diablo na umakyat mula sa pinakamalalim na bahagi ng impyerno at kayang punitin ang lahat ng kanilang mga ulo sa isang iglap. Napalunok si Derek at ang hawak niyang espada ay lalo pang nanginig ng malakas na halos humuni na ang tungki nito. “Binabalaan kita, totoo na hindi kami kasing lakas mo ng mag-isa, pero hindi mo kami matatalo kapag pinagtulungan ka naming tatlo!”” Napangiti si Fane. Sa isang pitik ng kanyang pulso, ang itim na punyal ay muling lumutang sa ere. Ang itim nitong liwanag ay naging umiikot na kulay abong ha
last updateLast Updated : 2023-03-26
Read more

Kabanata 2095

Sa isang iglap, nagsalpukan sa ere ang dalawang mahabang espada, at ang lahat ay nakarinig ng malakas na ingay. Nung sumalpok ang itim na mahabang espada sa mahabang espada ni Derek, ang limampung kakaibang mga bungo na lumulutang kanina sa paligid sa ng mahabang espada ay kaagad na nagliyab na parang mga confetti, at nasunog sa ere. Subalit, sa loob ng isang hingahan, higit sa limampung bungo ang naupos, at ang liwanag mula sa mahabang espada ni Derek ay kaagad na dumilim. Gulat siyang napatingin dito, “Paano nangyari to? Bakit ang hina ng skill ko?”Hindi niya naisip na kaya niyang tapatan si Fane, gusto lang niyang makahanap ng pagkakataon, at pagkatapos ay iiwan niya ang kanyang espada at tatakbo. Hindi sumagi sa isipan niyab na ang kanyang skill ay sobrang hina at kaagad na mawawalan ng silbi. Suminghal si Fane. Ang galaw na kinultivate niya, ang Destroying the Void, ay halos isang heavenly level skill. Ito ay may soul attribute na nangangahulugan lang na may natural itong ka
last updateLast Updated : 2023-03-26
Read more

Kabanata 2096

May dalawang pares ng mga mata ang nagmamakaawang nakatingin kay Fane. Gulat na gulat sila sa kanilang nasaksihan. Ang kanilang kuya, na mas malakas sa kanilang dalawa, ay walang laban kay Fane. Tao ba si Fane? Paano siya nagkaroon ng mala-halimaw na lakas kung kailan nasa initial stage pa lang siya ng innate level?Ang ganitong pangyayari ang bumura sa kanilang nais na lumaban. Hindi sila nahiya na lumuhod sa harapan ni Fane. Lalo na, ano pa bang ang silbi ng kanilang dignidad kung malapit ka nang mamatay? Malakas na hinampas ni Dudley ang kanyang ulo sa lupa ng tatlong beses. Para bang si Fane ay ang ninuno ng kanyang ika-labing walong henerasyon. Kaagad na namaga ang kanyang noo. “Panginoon ko, pakiusap at mahabag ka sa amin. Wala talaga kaming intensyon na patayin kayo at sumusunod lang kami sa utos,” sabi ni Dudley na nagmamakaawa ng luhaan.Hinampas din ni Damian ang kanyang ulo sa lupa habang nagmamakaawa, “Ayoko pang mamatay! Pakiusap at isipin niyo na lang na dala lang ito
last updateLast Updated : 2023-03-26
Read more

Kabanata 2097

”Mas mabuti pang huwag kayong magsasalita, mga bastardo kayo! Tutugisin ko kayo hanggang sa dulo ng mundo kapag ginawa niyo yun!” Biglang sinigaw ni Robin.Parehong nanginig sila Dudley at Damian nung narinig nila ang pagbabanta na ito. Lalo na, mas mababa ang posisyon nila kung ikukumpara sa posisyon na meron siya at kailangan nilang magbigay galang sa kanya kapag nakikita nila ito. Maputla na ang kanilang mga mukha, at nung una pa lang, pero ang lahat ng natitirang dugo nila ay nawala na, na lalo pang nagpaputla sa kanila. Napasimangot si Fane at pagkatapos ay itinaas ang kanyang kanang kamay, at isang kulay itim na liwanag ang kaagad na tumusok muli kay Robin. “Ahh!” Sigaw ni Robin dahil sa sakit. Ngayon ay ang kanyang sigaw ay mas malakas pa kaysa nung una. Ang kanyang kaluluwa ay marami na ngang butas pagkatapos tamaan ng Destroying the Void ni Fane at ngayon ang kanyang kaluluwa ay lalo pang nalagay sa alanganin dahil sa atake na ito.Ngayon naman ay pakiramdam niya ay tulu
last updateLast Updated : 2023-03-27
Read more

Kabanata 2098

”Alam kong wala talaga silang balak na matino! Hindi ako makapaniwalang gumagawa sila ng mga transporter… Hindi kaya balak nilang magsimula ng digmaan laban sa Thousand Leaves Pavilion? Pero ayon sa alam ko, patas ang Thousand Leaves Pavilion at Corpse Pavilion. Walang-dudang malaki ang mawawala sa parehong panig kahit manalo sila, at mas malaki ang mawawala kumpara sa makukuha nila,” bulong ni Dwight.Tumango si Albion. “Tama ka, kahit talagang maglaban ang dalawang Clan association, hindi ito magiging madali. Bukod na lang kung may alas pa ang Corpse Pavilion…”Sa madaling salita, dalawang Clan association na magkasinlakas ay hindi maglalaban bukod na lang kung may malalim silang hinanakit sa isa’t isa o may malaking nakasalalay. Higit sa lahat, pareho silang talo kapag ginawa nila ito. Sa huli, kahit manalo ang isang panig, malamang mas malaki ang mawawala sa kanila kumpara sa mawawala, kaya hindi magkakaroon ng digmaan sa pagitan ng dalawang Clan association nang walang alas, ngu
last updateLast Updated : 2023-03-27
Read more

Kabanata 2099

”Hindi na kailangan ‘yan. Sabihin mo lang ang gusto mong sabihin.” Nagdilim ang mukha ni Dudley. Wala na siyang pakialam. “Nagmamakaawa ako sa’yo. Pakiusap maawa ka sa akin. Sisiguraduhin kong ilalabas ko kayo at mananahimik ako basta pakawalan mo kami.” Tumango si Fane. Ito ang pinakamagandang pagkakataon. Magiging ligtas sila Fane basta babantayan nila ang magkapatid para masigurong hindi ito makakapagdala ng mensahe sa ibang disipulo ng Corpse Pavilion.Ngunit nuunwaan nin Fane ang ibig-sabihin ng sinabi ni Dudley. Lumingon siya at tinitigan ito nang masama. “Kailan pa itinayo itong trap array?”Pagkatapos kwentahin sa kanyang isipan, napagtanto ni Fane na higit sampung araw na mula noong umapak siya sa bundok na ito. Hindi siya nakaramdam ng kahit anong kaguluhang pumapasok dito, sa madaling salita, hindi pa natatayo ang trap array sa mga oras na iyon.“Nasa siyam o sampung araw,” sinabi ni Dudley pagkatapos itong isipin.“At walang kahit isang tao ng Thousand Leaves Pavili
last updateLast Updated : 2023-03-27
Read more

Kabanata 2100

Patuloy na dumaldal si Jed habang kumikilos. Basta walang sinasabing masama si Fane, nilalait niya ito gamit ng masasamang salita. Si Fane ay hindi isang taong nagpapaapi. Ang katotohanang tiniis niya si Jed nang napakatagal ay malaking awa na.Tumingin si Jed sa malamig na mukha ni Fane. Kahit kalmado ang tono niya at walang galit sa mukha nito, alam niya rin na kapag hindi niya sinunod ang utos ni Fane,iiwan siya nito nang walang-alinlangan.May gustong sabihin si Albion para gumaan ang ihip ng hangin ngunit pinigilan siya ni Dwight. Malinaw na mas matalino si Dwight kumpara kay Jed. Alam niyang kapag hindi gumanti si Fane kay Jed ngayon, mas papahirapan niya ito mamaya.“Bakit ka naiinis sa akin?” tanong ni Jed habang namumula sa hiya.“Isipin mo lang ang lahat ng sinabi mo sa akin noon. Tulad ng sinabi ko sa’yo, bahala ka kung gusto mong gawin ang inuutos ko o maiiwan ka dito,” nakangiting sinabi ni Fane.Pagkatapos ay tinawag niya si Nash na para bang handa nang umalis sa lug
last updateLast Updated : 2023-03-28
Read more
PREV
1
...
208209210211212
...
251
DMCA.com Protection Status