”Alam kong wala talaga silang balak na matino! Hindi ako makapaniwalang gumagawa sila ng mga transporter… Hindi kaya balak nilang magsimula ng digmaan laban sa Thousand Leaves Pavilion? Pero ayon sa alam ko, patas ang Thousand Leaves Pavilion at Corpse Pavilion. Walang-dudang malaki ang mawawala sa parehong panig kahit manalo sila, at mas malaki ang mawawala kumpara sa makukuha nila,” bulong ni Dwight.Tumango si Albion. “Tama ka, kahit talagang maglaban ang dalawang Clan association, hindi ito magiging madali. Bukod na lang kung may alas pa ang Corpse Pavilion…”Sa madaling salita, dalawang Clan association na magkasinlakas ay hindi maglalaban bukod na lang kung may malalim silang hinanakit sa isa’t isa o may malaking nakasalalay. Higit sa lahat, pareho silang talo kapag ginawa nila ito. Sa huli, kahit manalo ang isang panig, malamang mas malaki ang mawawala sa kanila kumpara sa mawawala, kaya hindi magkakaroon ng digmaan sa pagitan ng dalawang Clan association nang walang alas, ngu
”Hindi na kailangan ‘yan. Sabihin mo lang ang gusto mong sabihin.” Nagdilim ang mukha ni Dudley. Wala na siyang pakialam. “Nagmamakaawa ako sa’yo. Pakiusap maawa ka sa akin. Sisiguraduhin kong ilalabas ko kayo at mananahimik ako basta pakawalan mo kami.” Tumango si Fane. Ito ang pinakamagandang pagkakataon. Magiging ligtas sila Fane basta babantayan nila ang magkapatid para masigurong hindi ito makakapagdala ng mensahe sa ibang disipulo ng Corpse Pavilion.Ngunit nuunwaan nin Fane ang ibig-sabihin ng sinabi ni Dudley. Lumingon siya at tinitigan ito nang masama. “Kailan pa itinayo itong trap array?”Pagkatapos kwentahin sa kanyang isipan, napagtanto ni Fane na higit sampung araw na mula noong umapak siya sa bundok na ito. Hindi siya nakaramdam ng kahit anong kaguluhang pumapasok dito, sa madaling salita, hindi pa natatayo ang trap array sa mga oras na iyon.“Nasa siyam o sampung araw,” sinabi ni Dudley pagkatapos itong isipin.“At walang kahit isang tao ng Thousand Leaves Pavili
Patuloy na dumaldal si Jed habang kumikilos. Basta walang sinasabing masama si Fane, nilalait niya ito gamit ng masasamang salita. Si Fane ay hindi isang taong nagpapaapi. Ang katotohanang tiniis niya si Jed nang napakatagal ay malaking awa na.Tumingin si Jed sa malamig na mukha ni Fane. Kahit kalmado ang tono niya at walang galit sa mukha nito, alam niya rin na kapag hindi niya sinunod ang utos ni Fane,iiwan siya nito nang walang-alinlangan.May gustong sabihin si Albion para gumaan ang ihip ng hangin ngunit pinigilan siya ni Dwight. Malinaw na mas matalino si Dwight kumpara kay Jed. Alam niyang kapag hindi gumanti si Fane kay Jed ngayon, mas papahirapan niya ito mamaya.“Bakit ka naiinis sa akin?” tanong ni Jed habang namumula sa hiya.“Isipin mo lang ang lahat ng sinabi mo sa akin noon. Tulad ng sinabi ko sa’yo, bahala ka kung gusto mong gawin ang inuutos ko o maiiwan ka dito,” nakangiting sinabi ni Fane.Pagkatapos ay tinawag niya si Nash na para bang handa nang umalis sa lug
Nanigas ang lahat sa tanong na ito. Hindi talaga ito isang maliit na hayop kundi isang tunay na tao, na sinadyang gumawa ng ingay para makuha ang atensyon nila. Mula sa boses nito, malinaw na nagmula ito sa isang matandang tao. Kung isa itong ligaw na cultivator, maaaring hindi ito masyadong malakas, ngunit kung ito ay isang cultivator ng Corpse Pavilion, siguradong malakas ito.Walang makakaligtas sa kanila bukod kay Fane. Sa madaling salita, hindi sila tatanungin nang ganito ng kalaban bukod na lang kung… masyadong marami ang oras nito. Ang dami niyang naisip, habang nananatiling alerto. Nagtinginan sila at pumunta sa kabila ng puno. Ilang hakbang lamang at nakita na nila ang tao sa likod ng puno.Sa gulat ni Fane, ang edad ng taong ito ay hindi tugma sa boses nito. Mukha itong nasa tatlumpung taong gulang pa lamang, ang sikmura nito ay may mantsa ng dugo, namumutla ang mukha, at nahihirapang huminga. Napuruhan ito nang malala.“Isa ka bang formal elder ng Dual Sovereign Pavilion?
Nagsalubong ang kilay ni Fane. Wala siyang pakialam sa gantimpala, sa halip ay nagtataka siya kung bakit nakatitig sa kanya si Elder Godfrey nang nagtataka. Kahit na subukan niya itong itago, hindi pa rin ito nakaiwas sa atensyon ni Fane. Kalmadong tumango si Fane at nakipag-usap, sinasabing hindi mahalaga sa kanya ang gantimpala at bilang isang disipulo ng Dual Sovereign Pavilion, natural na tungkulin niya ang protektahan ang mga elder ng respetadong pavilion. Tumango lamang si Elder Godfrey, at hindi na lumitaw ang kakaibang tingin nito. Lumingon ito para tumingin sa direksyon ng trap array. "Tigilan na natin ang bolahan at umalis na tayo dito. Napuruhan ako ng isang elder ng Corpse Pavilion. Kung hindi dahil sa kaalaman ko sa pagpapagaling, kanina pa ako namatay. Siguro gusto na niya akong mahuli ngayon at ikinalulungkot ko na hindi magiging maganda para sa atin kapag nagpatagal pa tayp dito." Nagsimulang mataranta ang grupo nang marinig nila ito, ngunit kagaad nilang pinakalm
Upang maiwasang may mangyaring hindi inaasahan, hindi nila kaagad pinakawalan si Dudley, ngunit dinala nila ito kasama ng kapatid nito sa siyudad, malayo sa labas ng Mount Beasts. Pagkatapos maglakbay ng lima o anim na milya, lumingon si Fane at tumingjn kay Dudley mukhang takot na takot. Kumakabog nang husto ang puso niya, sa takot na baka patayin siya ni Fane. Higit sa lahat, silang dalawa ay wala nang bisa. Kapag pinakawalan sila, malamang magbabalita sila sa Corpse Pavilion. Sa katotohanan, hindi niya pakakawalan ang sarili niya kung nasa posisyon siya ni Fane. Huminga nang malalim si Dudley at sinabi nang nanginginig ang bibig, "Huwag kang mag-alala, siguradong hindi kita ilalaglag. Higit sa lahat, ang mga taong iyon ay nasa loob pa rin ng trap array. Kailangan mo lang kaming iwan dito at mananatili muna kami dito bago bumalik." Medyo hindi maintindihan ang sinasabi niya dahil takot na takot siya, kaya parang masyado siyang magsalita.Natawa si Fane. "Hindi ako ang klaseng
Habang inaalala ang mga sugat ni Elder Godfrey, hindi sila nagmadali papuntang Dual Sovereign Pavilion. Umupa si Fane ng isang karwahe sa malapit ma baryo at ginamit ang pinakakilalang daan papuntang Dual Sovereign City. Sa loob ng karwahe, nagpahinga si Elder Godfrey nang nakapikit ang mara habang nananatiling tahimik si Fane at ang kanyang ama, dahil may ilang bagay na hindi nila pwedeng pag-usapan sa harap ng ibang tao. Walang problema kay Nash ngunit medyo nababahala si Fane. Nasugatan nang malubha si Elder Godfrey at hirap nang manatiling gising. Bilang isang elder, hindi siya kinukulang sa mga pill, ngunit kahit pagkatapos uminom ng pill, hindi pa rin nagpapakita ng senyales na gagaling ang kanyang mga sugat. Ito ang patunay kung gaano kalala ang sugat na natamo niya. Maraming tanong si Fane ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili dahil ito ang unang pagkikita nila. Lahat ng nangyari ay kakaiba para sa kanya; para bang nadamay si Fane sa isang malaking pakana mula noong um
"Elder, makakaisip ka ba ng dahilan kung bakit hindi kumilos ang Thousand Leaves Pavilion? Imposibleng hindi nila malalaman ang tungkol sa ginagawa ng Corpse Pavilion ngayong gumawa sila ng ganito kalaking gulo. Suminghal si Elder Godfrey. Nanghina siya dito at nanginginig ang kanyang balikat. Huminga siya nang malalim, upang pigilan ang galit sa loob niya. "Syempre, alam nila ang tungkol dito, at siguradong matagal na nila itong alam." Nang marinig ito, nagulat si Fane. Nakikita niya ang galit sa mukha ni Elder Godfrey. 'Anong nangyari sa kanya? Bakit galit na galit siya?' dahil mukhang sa Thousand Leaves Pavilion ito galit sa halip na sa Corpse Pavilion ang lalong nagpalito sa kanya. Syempre hindi sinabi nang malakas ni Fane ang mga tanong niya. Higit sa lahat, sila ni Elder Godfrey ay hindi pa masyadong magkakilala. Kahit na niligtas niya ang buhay nito, hindi naman niya binuwis ang buhay niya para gawin ito. Kaya hindi nakakagulat na nag-iingat si Elder Godfrey mula sa isang
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin