Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Kabanata 2141 - Kabanata 2150

Lahat ng Kabanata ng Numero Unong Mandirigma: Kabanata 2141 - Kabanata 2150

2505 Kabanata

Kabanata 2141

Huminga ng malalim si Wesley. Walang tigil ang pagkibot ng kanyang bibig.“Hindi ito totoo. Hindi! Bakit siya ang pinili ni Elder Godfrey?” garalgal niyang sinabi. Huminga siya muli ng malalim, at ng walang sabi-sabi, sinampal ang lalaking may tatsulok na mga mata ng malakas sa may mukha.Ang malutong na tunog ang humatak ng atensyon ng mga tao sa paligid nila. Habang hawak ang kanyang mukha, ang lalaki ng may tatsulok na mga mata ay nagulantang, pero hindi siya nangahas na ipakita ang kanyang galit. Alam niya na mapaparusahan siya dahil sa sinabi niya kanina lang. Sa mga sandaling ito, si Fane ay wala sa mood na harapin si Wesley. Nauunawaan niya ang benepisyo na kaakibat ng pagiging huling disipulo, lalo na, iyon ang dahilan kung bakit maraming mga disipulo ang naghahangad sa posisyon na ito, pero ang mga benepisyo na ito ay hindi mahalaga sa kanya. Hawak niya ang mga alaala ng magaling na abilidad ng kanyang predecessor, kaya naman, hindi niya kailangan ang isang elder para tu
last updateHuling Na-update : 2023-04-14
Magbasa pa

Kabanata 2142

Sumikip ang dibdib ng First Elder at nanginig ang mga daliri nito. Suminghal siya ng may bahid ng sama ng loob, at sinabi, “Akala ko ay gusto mong piliin ang pinakamagaling na formal disciple!”Binigyang diin niya ang salitang ‘formal disciple’ para ipaalala kay Elder Godfrey na sa kasaysayan ng Dual Sovereign Pavilion, ang lahat ng mga huling disipulo ay pinipili mula sa mga formal disciples.“Ako ang pipili kung sino ang makita ko na mas karapatdapat bilang maging huling disipulo ko,” sabi ni Elder Godfrey ng banayad ng nakangiti. Kasabay nito, kahit ang Second Elder ay medyo hindi komportable. Tumingin siya sa kaliwa’t kanan ni elder Godfrey, at sinabi, “Sige, haha nakakatawa. Nahuli mo kami dun. Oras na para tigilan ang pagbibiro mo at seryosohin natin ito.”Halata naman na hindi rin sang-ayon ang Second Elder sa desisyon ni Elder Godfrey mula sa kung paano nito itinuturing ang lahat ng ito bilang biro. Suminghal si Elder Godfrey sa loob-loob niya nung narinig niya ito. Kadala
last updateHuling Na-update : 2023-04-15
Magbasa pa

Kabanata 2143

Dahil dito, maraming disipulo ang ayaw na ituring ang mga bala sa kanyon bilang kapatid. Hindi madaling isipin ang kanilang galit nang malaman nilang si Fane ay hindi lamang isang informal disciple kundi kasama siya sa mga bala sa kanyon!Narinig ang mga pagpuna sa naging desisyon ng Eleventh Elder. Nagbibiro ba siya? Paano niya nagawang piliin ang basurang tulad ni Fane bilang huli niyang disipulo? Anong ibig-sabihin nito sa kanila? Marami ang hindi nakapagpigil ng galit nila at nagsalita nang malakas. "Anong nasa isip ng Eleventh Elder? Bakit siya pipili ng basurang gaya niyan kung pwede naman siyang pumili sa mga magagaling na formal disciple sa harapan niya?" "Siguro hindi naman niya talaga gustong magkaroon ng huling disciple kaya gusto lang niyang tumakas dito!" "Hindi maliit na bagay ang pagpili ng huling disciple. Kahit na hindi tayo kinausap ng Eleventh Elder ay hindi nangangahulugan na dapat niyang gawing kalokohan ang ganitong bagay. Maaaring may dahilan siya, pero
last updateHuling Na-update : 2023-04-15
Magbasa pa

Kabanata 2144

Suminghal ang Second Elder at ibinaling ang kanyang atensyon kay Fane. Muli itong suminghal nang makitang mukhang hindi interesado si Fane. "Fane, tama?" Kumirot ang sulok ng labi ni Fane. Nangyayari na ang kinatatakutan niya. Ayaw talaga niyang maipit sa gitna ng pagpapalakasan nila. Sia pa rin siyang disipulo ng Dual Sovereign Pavilion at pwedeng pahirapin ng mga elder na ito ang buhay niya kapag ginawa siyang tauhan. Tumango siya at sinabi, “Oo, Second Elder, ito nga ang pangalan ko.”“Hindi ka mukhang masaya na napili ka bilang huling disciple ng Eleventh Elder,” komento ng Second Elder.Kumunot ang noo ni Fane. Miula sa sinabi ng Second Elder, alam niyang hindi magiging madali ang asikasuhin ito.sa totoo, maaaring balak na siyang ibagsak nito sa sandaling ito. Mabuti na lang naharap na siya sa mas malalang sitwasyon kumpara dito.Yumuko nang kaunti si Fane at kalmadong sinabi, “Tinuruan ako ng aking ama na maging kalmado sa lahat ng pagkakataon.”Si Oliver na nakatayo sa
last updateHuling Na-update : 2023-04-16
Magbasa pa

Kabanata 2145

Lalong nainis si Fane sa suporta sa mata ni Elder Godfrey. ‘Anong tinitingin mo sa akin? Hinddi ko naman ginustong maging huling disipulo mo o makatanggap ng kahit ano mula sa’yo!’ Habang lalo niya itong iniisip, lalong sumama ang loob niya. Kapag umatras siya, siguradong bababa ang tingin sa kanya ng iba. Kaya, tumayo siya nang diretso, tumingin kay Oliver at sinabi, “Hindi mo ‘yan sasabihin kung wala kang galit sa akin! Tigilan mo na ang paninira sa akin! Atsaka, si Elder Godfrey ang pumipili ng huling disciple, hindi ikaw! Kaya dapat manahimik ka na lang!”Natahimik ang lahat nang marinig nila ito, ngunit kaagad na kumislap ang mga mata nila sa galak habang inaabangan ang susunod na mangyayari. Hindi nila inakalang may maglalakas-loob na magsalita nang ganito kay Oliver. Ito ang unang pagkakataong napahiya ng isang informal disciple si Oliver nangg ganito. Kumirto ang bibig niya at napuno ng galit ang kanyang mata. Si Wesley, na nakatayo sa harapan ng pila ng mga informal disci
last updateHuling Na-update : 2023-04-16
Magbasa pa

Kabanata 2146

”Nakalimutan mo bang uminom ng gamot ngayon? Hinuhukay mo ang sarili mong libingan dito! Ang kapal naman ng mukha mong sabihin ‘yan? Dapat may hangganan ang pagiging ignorante mo!”Sinarili na lamang ng ibang mga disipulo ang mga insulto nila dahil nandoon ang mga elder, ngunit hindi sila makakasigurong makakapagpigil sila kapag nagpatuloy pa si Fane. Sumosobra na si Fane! Paano niya nagagawang maliitin ang mga formal disciple? Si Oliver, na pangwalo sa kanilang lahat?!Gayunpaman, ang mga formal disciple ay hindi minaliit si Oliver, dahil halos lahat ng mga fomral disciple ay natalo na ni Oliver noon! Bakit ito nagawa ng mayabang na Fane na ito! Nagkiskisan ang kanilang ngipin, iniisip na nasa harapan nila ang katawan nito.Tumawa si Oliver. Nakatingin siya kay Fane ngayon na parang nakatingin siya sa isang payasong walang kwenta. “Masasabi kong ikaw ang pinakamayabang na taong nakatagpo ko.” Nagpanggap si Fane na hindi niya narinig ang sinabi nito at sa halip ay nagtanong, “Sabi
last updateHuling Na-update : 2023-04-17
Magbasa pa

Kabanata 2147

Nanginginig ang labi ni Brook. “Ano sa tingin mo ang ginagawa ni Brother Fane? Tingin ba talaga niya mas malakas siya kay Oliver?”Umiling si Noel, hindi alam kung paano sasagot. Tinitigan niya si Fane at huminga nang malalim. “Malay natin kung anong iniisip niya. Lagi siyang kampante sa lahat ng bagay, pero pakiramdam ko nagpapanggap lang siya sa ngayon. Si Oliver ay pangwalo sa mga formal disciple na pwedeng maging chosen disciple. Hindi siya isang taong pwede nating banggain. Wala akong duda sa husay ni Fane, pero hindi pa siya matagal na nagsasanay at siya lamang ay…”Bigla siyang huminto. Pagkatapos ay bigla siyang may naisip. “Nakalagpas na siya!” sigaw niya. Tatapusin na sana niya ang sinasabi niya gamit ng salitang ‘initial stage ng innate level’ ngunit natuklasan niyang nakarating na si Fane sa intermediate stage ng innate level pagkatapos suriin ang kanyang cultivation level.Kaagad na tumingin si Brook kay Fane at sinabi, “Talagang nakalagpas na si Brother Fane! Pero paan
last updateHuling Na-update : 2023-04-17
Magbasa pa

Kabanata 2148

Lalong lumakas ang tawanan dito.“Nakalimutan mo na bang ipaayos ang utak mo? Mag-ingat ka, hindi mo gugustuhing malumpo ni Brother Oliver sa isang laban! Haha!”“Hello, earth to Fane! Oras na para gumising. Hindi mo ba alam na ang taong nakatayo sa tabi mo ay si Brother Oliver na ranked eighth sa lahat ng formal disciple? Maging kami ay walang laban sa kanya, kaya bakit tingin mo kaya mo siyang talunin? Nagtataka talaga ako kung saan mo nakukuha ang tapang mo!”Tahimik ang mga elder habang pinapanood nila ang nangyayari. Nagbago ang tingin ng Second Elder kay Fane. Mas sigurado na siyang mali si Elder Godfrey sa pagpili kay Fane.“Talagang kakaiba ang pinili mong huling disciple, Eleventh Elder. Mukhang talagang tingin niya mas malakas siya kay Oliver. Saan kaya niya nakukuha ang tapang na hamunin ang isang disciple na ranked eighth sa kanilang lahat,” nakangiting sinabi ng Second Elder.Hindi siya pinansin ni Elder Godfrey at nagpatuloy sa pagmamasid kay Fane. Talagang kabaliwan
last updateHuling Na-update : 2023-04-18
Magbasa pa

Kabanata 2149

Walang naniwala sa kanya. Imposibleng magkakilala lamang sila. Ang ugnayan nila ay siguradong mas malalim dito. Gayunpaman, hindi pa rin sila sigurado kung paanong nagkakilala ang dalawang ito.“Kung ganoon, kakaiba ka pumili ng huling disciple. Siguro ito ang magpapaliwanag kung bakit ang napili mo ay medyo… kakaiba rin. Kahit anong mangyari, kahit tingin mo tama ang napili mo, hindi ba masyado siyang kampante?”Kumurap lamang nang inosente si Elder Godfrey at hindi nagsalita. Natawa ang First Elder. Iba sana ang mga salitang ginamit niya kung walang nanonood sa kanila. Sa halip ay lumingon siya at sinabi kay Fane, “Sinasabi mong mas malakas ka kay Oliver, ha? Kung ganoon, bakit hindi mo patunayan ang sarili mo? Ang battle platform ay nasa harapan mo! Isang laban lang at malalaman na natin kung sinong mas malakas!”Nakita ang kagustuhang manakit sa mga mata ni Oliver. “Tama ang First Elder! Ikaw at ako, sa battle platform ngayon na!”Lalong nakita ang ngiti ni Oliver. Nakatuon k
last updateHuling Na-update : 2023-04-18
Magbasa pa

Kabanata 2150

Tumawa nang malakas si Wesley. Pagkatapos ay huminga siya nang malalim at sinabi, “Dito niya malalaman na hindi niya dapat banggain ang kuya ko! Hindi lamang kami ang minaliit niyua kundi ang lahat ng mga formal disciple!”Hinila ni Brook ang manggas ni Noel at bumulong dito, “Bakit pumayag si Brother Fane na makipaglaban? Akala ko…”Hindi na siya hinintay ni Noel na makatapos. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Fane? Siya ang nagbigay ng ideyang ito. Hindi niya ito gagawin kung hindi siya sigurado,” nagmamadaling sinabi ni Noel.Walang masabi si Brook. Kumunot ang noo niya at tumingin siya kay Noel. “Akala ko ginagalit lang niya si Oliver. Baka hindi niya inakalang papayagan siya ng First Elder at Second Elder.” Suminghal si Noel sa pagsuko at bumulong siya sa kanyang sarili. “Mukhang hindi mo talaga kilala si Fane. Hindi ko na dapat sayangin ang hininga ko at manahimik na lang. Hindi naman sa sigurado ako sa nasa isip niya. Ang alam ko lang ay dapat hintayin natin ang resulta.”
last updateHuling Na-update : 2023-04-19
Magbasa pa
PREV
1
...
213214215216217
...
251
DMCA.com Protection Status