Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Chapter 2161 - Chapter 2170

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 2161 - Chapter 2170

2505 Chapters

Kabanata 2161

Nagulantang ang lahat sa martial art technique ni Fane. Kahit gaano nila gamitin ang divine sense nila, wala silang maramdamang enerhiya sa martial arts technique na ginamit ni Fane. Kahit anong mangyari, kung mas malakas ang isang powerful martial arts technique, mas malakas rin ang enerhiya nito, ngunit ang itim na spada sa kamay ni Fane ay parang mga black hole na walang enerhiya.   Sa sandaling ito, ang sampung liwanag ay sampung yarda na lamang ang layo kay Fane. Walang-bahala niyang tinulak paharap ang kanyang kamay, at ang sampung Soul Sword ay kaagad na bumangga sa sampung liwanag. Ang narinig lamang ng lahat ay malalakas na pagsabog, parang mga bala ng kanyon na nagbabanggaan. Isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa kanilang dalawa, at kasunod nito ay pinagdikit ni Fane ang kanyang palad. Pagkatapos humupa ng liwanag, isang tatlong talampakan ang haba na higanteng Soul Sword ang lumipad sa ere patungo kay Oliver. Maaaring hindi ito alam ng iba, ngunit alam niyang a
Read more

Kabanata 2162

Malinaw na kung sino ang nagtagumpay sa laban, ngunit hindi ito matanggap ng mga nandoon. Walang nag-akalang matatalo ni Fane si Oliver. Sa simula pa lamang, tingin ng lahat ay matatalo ni Oliver si Fane sa loob lamang ng isa o tatlong atake. Ngunit humaba ang labang ito. Wala pa ring laban si Oliver kay Fane kahit ginamit na niya ang pinakamalakas na atake niya. Natalo talaga siya at napuruhan nang malala. Sumisigaw pa rin siya at umiiyak sa sahig. Hindi kailangang isipin nang maigi kung gaano katindi ang sakit na nararamdaman niya, sa puntong iiyak ang isang martial artist sa harap ng iba? Hindi hahayaan ng dangal nila ang ganitong bagay. "Sadyang sobrang lakas ni Fane! Pwede bang may magsabi sa akin kung paano siya naging ganito kalakas?" sinabi ng isa sa gulat. "Gusto ko ring malaman! Hindi siya mahihirapan na mapasama sa top five ng mga formal disciple!" "Kaya pala ang lakas ng loob niya kanina! Wala pala talagang laban si Brother Oliver!" Nagbago na nang tuluyan ang t
Read more

Kabanata 2163

Isang buwan na ang nakalipas, kinailangan gamitin ni Fane ang lahat ng meron siya para lang matalo si Wesley, ngunit ngayon, natalo niya si Oliver ng walang kahirap-hirap. Kahit na magkapatid sila Wesley at Oliver, malaki ang pinagkaiba ng lakas ng mga ito. Lalo na, naunang sumali si Oliver ng Dual Sovereign Pavilion ng ilang taon kaysa kay Wesley. Nandoon din ang katunayan na pangwalo si Oliver sa hanay ng mga formal disciples habang si Wesley naman ay wala pa nga sa top fifty ng mga informal disciples. Aabutin ng ilang taon bago makahabol si Wesley sa kanyang kuya. Iyon ang dahilan kung bakit nakakagulat na nagawa ni Fane na tulayin ang malaking agwat ng kapangyarihan sa loob lamang ng isang buwan! “Tiyak na itinago ni Fane ang tunay niyang lakas mula sa atin! Imposible na nagawa niyang lumakas ng ganito sa loob lamang ng isang buwan!” sabi ng isang informal disciple.“Marahil ganun na nga! Lalo na, ang agwat ng lakas sa pagitan nila Oliver at Wesley ay masyadong malaki. Parang
Read more

Kabanata 2164

Dumilim ang mukha ng First at Second Elder pagkatapos nilang marinig ito. Ang Second Elder ay labis na nagalit na hindi tumigil sa panginginig ang kanyang mga labi habang naniningkit ang kanyang mga mata. Ang first Elder naman ay hindi itinago ang kanyang poot at pinanlisikan si Elder Godfrey ng masama. Mukhang malapit na niyang sugurin ito at bigyan si Elder Godfrey ng isang matinding sermon. Si Elder Sayer naman, na nakaupo sa likuran sa buong oras na ito, ay masama rin ang ekspresyon. Meron siyang pilipit na ekspresyon sa kanyang mukha habang kinukuyom ng mahigpit ang kanyang mga kamao. Si Fane ay ang kalaban ng Sayer family. Habang lalong lumalakas si Fane, lalong hindi nagiging pabor ang sitwasyon para sa kanya. Sa mga sandaling ito, muling napasigaw si Oliver dahil sa sakit. Ngayon naman, ang kanyang panaghoy ay mas malala habang ang nararamdaman niyang sakit ay mukhang gumapang na sa kanyang likuran. “Ah! Ang sakit! Tulungan niyo ko!” Natauhan si Elder Sayer nung narinig niy
Read more

Kabanata 2165

Ang sinabi ni Fane ang kaagad na nagpatahimik sa mga tao sa paligid. Matalas at malupit ang mga salita ni Fane. Suablit, iyon ang eksaktong ibig sabihin ni Elder Sayer. Hinayaan niya si Oliver na atakihin si Fane ngunit pinagbabawalan niya si Fane na gawin ang ganun!Ang lahat ng mga disipulong nakatayo ay galit na nakatingin kay Elder Sayer. Suminghal na mahina si Elder Sayer at naunawaan na nahulog siya sa patibong ni Fane. Kapag pinagpatuloy pa niga na usapan, madudungisan ang kanyang dangal. Baka mawala pa sa kanya ang kanyang posisyon bilang isang elder dahil dito. Malamig siyang suminghal at sinabi, "Walang hiya, huwag mong bigyan ng ibang kahulugan ang sinabi ko. Hindi iyon ang ibig kong sabihin…""Kung ganun, ano pala ang ibig mong sabihin? Bakit mo kokinukwestiyon ng galit na galit dahil sa ginawa ko? Wala naman akong nilabag na kahit na anong patakaran at hindi ko naman pinatay si Oliver. Hindi ko rin naman siya ginawang inbalido habang buhay. Dahil wala naman akong nilabag
Read more

Kabanata 2166

Galit na suminghal ang First elder at nagsalita, na halatang naiinis, “Huwag kang mag-alala. Bilang first elder, tutuparin ko ang aking pangako at ipapadala ang pavilion contribution points sayo mamaya!” Pagkatapos ay pinilantik niya ang kanyang manggas at lumingon para umalis.marahil pakiramdam niya ay ang kanyang presensya doon ay walang ibang ibig sabihin maliban sa pahiyain ang kanyang sarili. Dahil umalis na ang First Elder, ang iba pang mga elder ay hindi na rin nagtagal doon.Ganun pa rin ang itsura ng kwarto ni Fane. Isa itong kwarto na may isang kama na may kabinet, isang lamesa, isang upuan, at isang tokador. Pagkatapos niyang makabalik mula sa maingay na lugar ng pagtitipon, inaayos na ni Fane ang kanyang mga gamit. Sa katunayan, hindi naman ganun karami ang gamit na iniwan niya sa bahay na ito. Bukod sa kobre kama, may ilang sinaunang libro na hiniram lang niya.Sumunod din sila Brook at Noel kay Fane papunta sa kwarto nito, at nagkwentuhan sila sa buong paglalakad nila
Read more

Kabanata 2167

Nag-uusap sila habang naglalakad, habang may nakasalubong na iba pang mga disipulo sa daan. Ang laban sa may lugar ng pagtitipon ang nagpasikat kay Fane, at maraming tao ang iba na ang tingin sa kanya mula noon. Karamihan sa kanila ay nakatingin sa kanya ng may paghanga, pero ang iba naman ay matindi ang inggit kay Fane. gayunpaman, nanatiling walang imik ang ekspresyon ni Fane, kahit na ano pa ang opinyon ng mga tao sa kanya.Habang papalapit sila sa silangang bahagi, paunti ng paunti ang taong nakikita nila. Lalo na, ang mga taong aktibo sa silangang bahagi ay kadalasang mga miyembro ng management na may mataas na posisyon, o kaya mga elder disciples. Si Fane at ang iba pa ay hindi alam ang daan dahil ito ang unang beses nila sa lugar na ito. Nahirapan sila na mahanap ang daan at kailangan pa nilang magtanong ng direksyon sa ilang mga disipulo. Ang tanging daan papunta sa Mysterious Green Hall ay isang likuan na lang. Tumahimik sila ng konti dahil habang palapit sila ay unti-unt
Read more

Kabanata 2168

Ang mga sinabi ni Griffin ang paghihintay niya kay Fane sa lokasyon na ito ang lumito kay Fane ng husto. Kahit na si Griffin ay isang chosen disciple at bawat disipulo ay awtomatikong nanliliit sa kanila dahil sila ang kinabukasan ng buong pavilion, ang mga chosen disciple ay hindi ganun ang trato pagdating kay Fane. Bago pa man maunawaan ni Fane ang ibig sabihin ng sinabi ni Griffin at tono, mayabang na si Griffin sa kanya. Si Fane, na hindi na kayang tiisin pa ang ganitong klase ng ugali at ayaw nang mag-aksaya pa ng oras, ay marahan na tumawa at sinabi ng medyo malamig, “Hindi ko talaga maunawaan ang ibig mong sabihin, Senior Brother Griffin. Wala akong alam tungkol sa ‘posisyon’ na sinasabi mo.”Nagtaas ng kilay si Griffin, halatang hindi naniniwala sa sinasabi ni Fane. Galit na suminghal si Griffin at tiningnan si Fane na para bang pinili nito ang mahirap na paraan sa pagharap ng bagay na ito. “Sa tingin mo ba talaga ay walang akong gagawin sayo? Kahit na ikaw ang huling disipu
Read more

Kabanata 2169

Ang ekspresyon ni Griffin ay humina ta dumilim, sa labis na kahihiyan dahil nabigo siyang takutin si Fane. Subalit, pakiramdam niya ay baka may mas masakit pa na sabihin si Fane kapag nag-aksaya pa siya ng oras dito. Alam niya na ito lang ang tanging daan papuntang Mysterious Green Hall, at kapag may nangyari dito, tiyak na susuportahan ng mga miyembro ng Mysterious Green Hall si Fane, habang siya ay pwedeng malagay sa alanganin dahil dito. Pinigilan ni Griffin ang kanyang galit pagkatapos na suriin ang sitwasyon. “Hindi ako naparito para kwestyunin ka. Sa halip, umaasa ako na sana ay maging matalino ka na isuko ang pwesto mo para bisitahin ang Secret Place for Resources. Ikaw ay nasa intermediate stage ng innate level, at malalagay ka sa panganib kapag binisita mo ang lugar na iyon. Magiging mas mabuti kapag nanatili ka na lang dito sa pavilion at ituon ang iyong sarili sa pagsasanay. Saka mo na lang bisitahin ang lihim na lugar sa hinaharap kapag nagkaroon muli ng pagkakataon.”Ha
Read more

Kabanata 2170

Dahan-dahan na lumingon si Noel para maingat na tingnan si Griffin habang naglalakad, at saka lang niya tinawag si Fane nang makita niya si Griffin na lumiko sa isang kanto at umalis, “Hintayin niyo ko!”Huminto si Fane sa paglalakad at nilingon si Noel, na halatang namutla at nanginginig ang mga daliri. Natawa si Fane at alam niya na ito ang unang beses na humarap si Noel sa isang chosen disciple. Normal lang para sa kanya na matakot sa ilalim ng pananakot ng aura ng isang chosen disciple. Huminga ng malalim si Noel. “Ang tapang mo talaga, at talagang hanga ako sayo. Sa tingin ko ay wala akong lakas ng loob na harapin siya kung ako ikaw!”Tumango lang si Fane at walang sinabi. Tumingala si Brook at lakas loob na sinabi, “Iba si Senior Brother Fane sayo. Isa siyang disciple elder at suportado siya ng Eleventh Elder. Ano naman ngayon kung isa siyang chosen disciple? Bukod dun, halata naman na nanggugulo siya. Kahit na wala tayong alam kung ano ba ang pwesto para makapasok sa Secre
Read more
PREV
1
...
215216217218219
...
251
DMCA.com Protection Status