Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Kabanata 2181 - Kabanata 2190

Lahat ng Kabanata ng Numero Unong Mandirigma: Kabanata 2181 - Kabanata 2190

2505 Kabanata

Kabanata 2181

Dumilim ang ekspresyon ni Fane nung narinig niya ang paliwanag ni Edler Godfrey. “Ibig sabihin ba nito ay ang Secret Place for Resources ay malugod na tinatanggap ang pagpasok ng mga taga-labas? Posible kaya na ang lugar na ito ay iniwan ng isang sinaunang master, at ginawa niya ito para mahanap ang tagapagmana niya?”Tumango si Elder Godfrey. “Lubos kong irerekumenda sayo na pumunta ka sa lugar dahil sa aking hinuha na ang Secret Place for Resources ay isang pamana na iniwan ng isang sinaunang master.” Napahinga ng malalim si Fane. tinaas ni Elder Godfrey ang kanyang kamay at tinapik ang kanyang balikat. “Huwag mong pahirapan ang iyong sarili. Kapag nalagay ka sa panganib, tandaan mo na mas mahalaga ang iyong kaligtasan, at huwag kang mapangahas.”Matapos niya itong sabihin, hinawakan ni Elder Godfrey ang Tortoise Ring sa kaliwang kamay niya. Ang tanging nakita ni Fane ay isang itim na liwanag bago may lumitaw na isang token na kasing laki ng palad sa kamay ni Elder Godfrey. Kakai
last updateHuling Na-update : 2023-05-04
Magbasa pa

Kabanata 2182

”Isang malagim na labanan ang baka mangyari kapag ganun, at ang mga tao mula sa Corpse Pavilion ay sangkot rin. Ang kapaligiran ay magiging napakadelikado kapag nakapasok na tayo sa loob.” Lalong nag-alala si Nash nung narinig niya ito. Huminto siya sa paglalakad at inunat ang kanyang kamay para hilahin ang kamay ni Fane. “Kung ganun naman pala, bakit gusto mo pang pumasok sa loob? Baka malagay ka sa lahat ng klase ng panganib matapos mong makapasok. Hindi ka ba natatakot? Hindi ikaw ang pinakamalakas…” “Takot ako, oo, pero hindi naman ako pwedeng tumigil na lang dito dahil sa takot ko. Ang martial arts ay isang paglalakbay ng paglaban sa kalikasan para baguhin ang ating buhay. Kapag hindi tayo lumaban sa kalikasan at umusad, magiging mga hipokrito lang tayo.”Napabuntong hininga na lang si Nash nung narinig niya ito. Wala na siyang sinabi at nagpatuloy na lang na sumunod sa likuran ni Fane habang papunta sila sa Secret Place for Resources. Nilabas ni Fane ang mapa bilang referens
last updateHuling Na-update : 2023-05-05
Magbasa pa

Kabanata 2183

Gayunpaman, ngumisi lang si Fane, ng hindi man lang natakot o kinabahan.“B*stardo!” sigaw ni Griffin. “Ang lakas ng loob mo na bastusin ako! Papatayin kita!”At doon, ginamit ni Griffin ang kanyang true energy at susugurin na sana si Fane nung si Howard, na nakatayo sa likuran ni Griffin, ay hinawakan ang balikat ng kanyang kapatid nung napansin niya na aatake si Griffin. “Kapatid, hindi ito ang oras para lumaban! Kahit anong mangyari, tayo ay mga disipulo ng iisang pavilion, at napapalibutan tayo ng mga space caves. Kapag nagambala ang space sa paligid natin, bay lumitaw na isang tao sa harapan natin. Sa oras na iyon, baka kumalat ang balita tungkol sa nangyari sa lalaking ito. Sigurado ako na alam mo ang patakaran ng ating pavilion; paparusahan ka kapag namatay siya o kaya ay lubhang napinsala gamit ng iyong mga kamay.” Ipinagbabawal ng Dual Sovereign Pavilion ang pagpatay ng mga disipulo sa kapwa nila disipulo sa mga lugar na labas ng kanilang pavilion. Bahagyang namutla ang
last updateHuling Na-update : 2023-05-05
Magbasa pa

Kabanata 2184

Ang sinabi ni Howard ay nangangahulugan lang na nagbigay galang sila sa kanya nung pinakiusapan nila siya na isuko ang kanyang pwesto, ngunit nabigo si Fane na makita ang kanilang kabutihang loob ng tinanggihan niya ang mga ito.Hindi mapigilan ni Fane na umismid. Ilan sa mga taong ito ay nakakainis, at lagi silang may kakayahan na makaisip ng mapangahas na dahilan. Pakiramdam ni Fane ay sila ay mga katawa-tawa.Dumilim ang ekspresyon ni Nash. “Bakit ba ang lupit ng dalawang yun? Ano ba ang pinagsasabi nila? Bakit mo kailangan isuko ang pwesto mo sa kanya? At naging hindi ka makatwiran dahil lang sa hindi mo ginawa yun? Sino ba siya sa tingin niya?”“Ang iniisip niya ay isa siyang diyos at pwede niyang tapakan ang sinuman, pero hindi uubra ang balak niya sa akin,” sabi ni Fane ng may malamig na ekspresyon sa kanyang mukha. Napabuntong hininga na lang si Nash at pakiramdam niya ay hindi sumasang-ayon sa kanila ang lahat ng mga nangyayari. Ang simple lang ng lahat noong nasa Cathysia
last updateHuling Na-update : 2023-05-06
Magbasa pa

Kabanata 2185

Tiningnan ni Nash si Fane ng may nanlalaking mga mata.Napasimangot si Fane habang hinihinaan niya ang kanyang boses. “Dalian mo at bumalik ka na sa loob ng Mustard Seed. may nararamdaman akong papalapit.”Namutla si Nash nung narinig niya ito. Hindi siya nangahas na patagalin pa ito at kaagad na pumasok sa Mustard Seed, habang si Fane na lang ang nag-iisang nakatayo doon. Sumimangot si Fane habang nanlalaki ang kanyang mga mata habang sinusuri ang kanyang paligid. Ang hindi pantay na kabundukan pa rin ang nakikita niya at ang malawak na kalangitan. Makalipas ang tatlong hingahan, naging malinaw sa kanya ang malambot na mga yabag sa unahan.Napatingala si Fane at napahinga ng malalim. May mas mataas na bundok na nasa 40 hanggang 50 metro ang layo mula sa kanya, at isang lobo na may tatlong ulo ang nakatayo sa may bundok. Ang lobo na may tatlong ulo ay isang talampakan ang laki at nakatayo sa pinakamataas na tuktok ng bundok. Ang tatlong lobo ay lumilitaw na naghahati sa iisang k
last updateHuling Na-update : 2023-05-06
Magbasa pa

Kabanata 2186

Tumawa si Heath Vay. “Hindi mo kailangan matakot. Ang lobong may tatlong ulo na ito ay nasa initial stage pa lang ng innate level at hindi matalino. Iniisip ng lobo na ito na makapangyarihan ito sa burol na ito.”Nakahinga ng maluwag si Fane nung narinig niya kung ano ang sinabi ng taong ito. Sa simula, ang akala niya ay ang lobong may tatlong ulo ay nasa spring solidifying realm. Lalo na, hindi niya magawang suriin ang lakas nito ng mas malakas ito kaysa sa kanya. Subalit, hindi ito makatwiran para mabigo siya na malaman kung gaano kalakas ang lobong may tatlong ulo na ito kung ang lobo ay nasa initial stage pa lang ng innate level.Alam ni Heath kung ano ang iniisip ni Fane mula sa ekspresyon sa mukha nito. Isang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha habang nagpapaliwanag, “Ang batas ng langit at lupa ng mundong ito ay naiiba mula sa mundo sa labas. Hindi mo pwedeng gamitin ang nakagawian na para malaman ang tungkol sa lakas ng halimaw, pero sa halip, kailangan mong husgahan ito sa pa
last updateHuling Na-update : 2023-05-07
Magbasa pa

Kabanata 2187

bahagyang dumilim ang mukha ni Frank nung narinig niya kung gaano kapranka si Fane. “Ang kapal din naman ng mukha mo. Sino ang sinasabi mo na magiging pabigat lang? Ang lakas naman ng loob mo! Bakit hindi mo kaya imulat ang iyong mga mata at tumingin ng maigi! Tingnan mo ang iyong fighting prowess at ang aming fighting prowess. Kanina lang, kumilos lang kami dahil akala namin my kasama ka na nasa final stage ng innate level. Subalit, napagtanto namin na ikaw ay isang binata na nasa intermediate stage ng innate level pa lamang matapos namin makalapit.”Nagtaas ng kilay si Fane nung naging agresibo si Frank; patuloy niyang ginagawang isyu ang tungkol sa fighting prowess ni Fane para pigilan siya. Ayaw sana ni Fane na makipagtalo sa kanila kung hindi lang siya pinilit ng dalawang to. Subalit, hindi na niya kaya pang magtimpi dahil sa patuloy si Frank sa panggugulo sa kanya. “Ano naman ang problema tungkol sa intermediate stage at final stage ng innate level? Sa tingin niyo ba ay kaya niy
last updateHuling Na-update : 2023-05-07
Magbasa pa

Kabanata 2188

Humarap si Heath kay Fane. Tumawa siya para bawasan ang bigat ng paligid. “Huwag mo siyang intindihin, Brother Fane. Madaldal siya, pero wala siyang masamang intensyon.”Mukhang hindi masaya si Frank nang marinig niya ito, at gusto pa sana niyang magsalita ngunit pinigilan siya ni Edric na nakatayo sa tabi niya. Sumimangot si Edric at umiling kay Frank, pinapahiwatig na huwag siyang magsimula ng gulo sa oras na ito. Huminga nang malalim si Frank, pinipigilan ang kanyang galit. Inilayo niya ang kanyang tingin kay Fane.Tumango si Fane nang walang pakialam.Humakbang paharap si Heath at muling sinabi, “Isa ka na sa amin ngayong pumayag kang sumama sa amin.”Mabulaklak at mapagpanggap ang mga salita niya. Hindi ito seseryosohin ni Fane.Pagkatapos ay tinuro ni Heath ang patay na three-headed wolf sa sahig at sinabi, “Dahil magkakagrupo na tayo ngayon, kailangan mong malaman ang ilang patakaran. Ang lahat ng nandito ay dapat makakuha ng magagandang gamit. Kahit na kailan lang ay nagpu
last updateHuling Na-update : 2023-05-08
Magbasa pa

Kabanata 2189

Ang pagkakasabi ni Heath ay parang walang kaduda-duda sa sinabi niya, pero hindi mahirap na matukoy na may kakaiba dito. Maalinaw na may pakialam lamang si Heath sa kanyang mga kasama sa sect at hindi sa tinatawag nilang ‘brother’ na tulad ni Fane.“Hoy, bakit ka nakatingin nang ganyan sa three-headed wolf? Hindi mo ba nagustuhan ang ground rules? Huwag mong sabihing sa’yo dapat ang lahat ng ‘yan!” nanghahamon na sinabi ni Frank habang nananahimik si Fane.Kumunot ang noo ni Fane, at lumingon siya kay Frank na pinapanood siya habang nakatitig nang masama sa kanya. Natawa si Fane, iniisip na siguro tingin nila uto-uto siya. Sasabihin na sana niya ang lahat nang biglang sumingit si Heath, “Kalokohan. Bakit mo sinasabi ‘yan eh wala namang sinasabi si Brother Fane? Atsaka, mula sa unang tingin, natutukoy ko na siya ang tipong iniisip ang kabuuang sitwasyon. Sigurado akong wala siyang sama ng loob sa atin. Tama ba ako, Brother Fane?”‘Iniisip ang buong sitwasyon? Ibig-sabihin ba nito itu
last updateHuling Na-update : 2023-05-08
Magbasa pa

Kabanata 2190

Nagsalubong ang kilay ni Frank at walang bahalang sinabi, “Lahat tayong nandito sa Secret Place for Resources ay isang henyo.”Kumunot ang noo ni Heath, at magsasalita na sana siya ngunit pinigilan siya ni Edric. Lumingon ito at sinabi, “Brother Frank, pakiusap tumigil ka na lang. Huwag mong kalimutang grupo tayo at dapat kasangga natin ang isa’t isa. Minumungkahi ko na bantayan mo ang mga sasabihin mo mula ngayon dahil kung hindi… Hindi kita tutulungan sa bagay na gusto mo.”Maraming kahulugan ang huling sinabi ni Edric. Tinikom ni Frank ang kanyang bibig, yumuko at sinabi, “Okay, Brother Edric.” Nakahinga nang maluwag si Edric nang makita niya ang pagsuko ni Frank. “Alam kong malaki ang hinanakit mo sa Dual Sovereign Pavilion pero hindi mo dapat ito ibuntong sa bawat disciple ng Dual Sovereign Pavilion na makakasalubong mo.” ‘Ah, ang hidwaan sa pagitan ng Dual Sovereign Pavilion pala ang dahilan kung bakit galit na galit siya sa akin. Pero dapat sa pavilion niya ito ibuntong, h
last updateHuling Na-update : 2023-05-09
Magbasa pa
PREV
1
...
217218219220221
...
251
DMCA.com Protection Status