Share

Kabanata 2144

Author: Moneto
Suminghal ang Second Elder at ibinaling ang kanyang atensyon kay Fane. Muli itong suminghal nang makitang mukhang hindi interesado si Fane.

"Fane, tama?"

Kumirot ang sulok ng labi ni Fane. Nangyayari na ang kinatatakutan niya. Ayaw talaga niyang maipit sa gitna ng pagpapalakasan nila. Sia pa rin siyang disipulo ng Dual Sovereign Pavilion at pwedeng pahirapin ng mga elder na ito ang buhay niya kapag ginawa siyang tauhan.

Tumango siya at sinabi, “Oo, Second Elder, ito nga ang pangalan ko.”

“Hindi ka mukhang masaya na napili ka bilang huling disciple ng Eleventh Elder,” komento ng Second Elder.

Kumunot ang noo ni Fane. Miula sa sinabi ng Second Elder, alam niyang hindi magiging madali ang asikasuhin ito.sa totoo, maaaring balak na siyang ibagsak nito sa sandaling ito. Mabuti na lang naharap na siya sa mas malalang sitwasyon kumpara dito.

Yumuko nang kaunti si Fane at kalmadong sinabi, “Tinuruan ako ng aking ama na maging kalmado sa lahat ng pagkakataon.”

Si Oliver na nakatayo sa
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2145

    Lalong nainis si Fane sa suporta sa mata ni Elder Godfrey. ‘Anong tinitingin mo sa akin? Hinddi ko naman ginustong maging huling disipulo mo o makatanggap ng kahit ano mula sa’yo!’ Habang lalo niya itong iniisip, lalong sumama ang loob niya. Kapag umatras siya, siguradong bababa ang tingin sa kanya ng iba. Kaya, tumayo siya nang diretso, tumingin kay Oliver at sinabi, “Hindi mo ‘yan sasabihin kung wala kang galit sa akin! Tigilan mo na ang paninira sa akin! Atsaka, si Elder Godfrey ang pumipili ng huling disciple, hindi ikaw! Kaya dapat manahimik ka na lang!”Natahimik ang lahat nang marinig nila ito, ngunit kaagad na kumislap ang mga mata nila sa galak habang inaabangan ang susunod na mangyayari. Hindi nila inakalang may maglalakas-loob na magsalita nang ganito kay Oliver. Ito ang unang pagkakataong napahiya ng isang informal disciple si Oliver nangg ganito. Kumirto ang bibig niya at napuno ng galit ang kanyang mata. Si Wesley, na nakatayo sa harapan ng pila ng mga informal disci

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2146

    ”Nakalimutan mo bang uminom ng gamot ngayon? Hinuhukay mo ang sarili mong libingan dito! Ang kapal naman ng mukha mong sabihin ‘yan? Dapat may hangganan ang pagiging ignorante mo!”Sinarili na lamang ng ibang mga disipulo ang mga insulto nila dahil nandoon ang mga elder, ngunit hindi sila makakasigurong makakapagpigil sila kapag nagpatuloy pa si Fane. Sumosobra na si Fane! Paano niya nagagawang maliitin ang mga formal disciple? Si Oliver, na pangwalo sa kanilang lahat?!Gayunpaman, ang mga formal disciple ay hindi minaliit si Oliver, dahil halos lahat ng mga fomral disciple ay natalo na ni Oliver noon! Bakit ito nagawa ng mayabang na Fane na ito! Nagkiskisan ang kanilang ngipin, iniisip na nasa harapan nila ang katawan nito.Tumawa si Oliver. Nakatingin siya kay Fane ngayon na parang nakatingin siya sa isang payasong walang kwenta. “Masasabi kong ikaw ang pinakamayabang na taong nakatagpo ko.” Nagpanggap si Fane na hindi niya narinig ang sinabi nito at sa halip ay nagtanong, “Sabi

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2147

    Nanginginig ang labi ni Brook. “Ano sa tingin mo ang ginagawa ni Brother Fane? Tingin ba talaga niya mas malakas siya kay Oliver?”Umiling si Noel, hindi alam kung paano sasagot. Tinitigan niya si Fane at huminga nang malalim. “Malay natin kung anong iniisip niya. Lagi siyang kampante sa lahat ng bagay, pero pakiramdam ko nagpapanggap lang siya sa ngayon. Si Oliver ay pangwalo sa mga formal disciple na pwedeng maging chosen disciple. Hindi siya isang taong pwede nating banggain. Wala akong duda sa husay ni Fane, pero hindi pa siya matagal na nagsasanay at siya lamang ay…”Bigla siyang huminto. Pagkatapos ay bigla siyang may naisip. “Nakalagpas na siya!” sigaw niya. Tatapusin na sana niya ang sinasabi niya gamit ng salitang ‘initial stage ng innate level’ ngunit natuklasan niyang nakarating na si Fane sa intermediate stage ng innate level pagkatapos suriin ang kanyang cultivation level.Kaagad na tumingin si Brook kay Fane at sinabi, “Talagang nakalagpas na si Brother Fane! Pero paan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2148

    Lalong lumakas ang tawanan dito.“Nakalimutan mo na bang ipaayos ang utak mo? Mag-ingat ka, hindi mo gugustuhing malumpo ni Brother Oliver sa isang laban! Haha!”“Hello, earth to Fane! Oras na para gumising. Hindi mo ba alam na ang taong nakatayo sa tabi mo ay si Brother Oliver na ranked eighth sa lahat ng formal disciple? Maging kami ay walang laban sa kanya, kaya bakit tingin mo kaya mo siyang talunin? Nagtataka talaga ako kung saan mo nakukuha ang tapang mo!”Tahimik ang mga elder habang pinapanood nila ang nangyayari. Nagbago ang tingin ng Second Elder kay Fane. Mas sigurado na siyang mali si Elder Godfrey sa pagpili kay Fane.“Talagang kakaiba ang pinili mong huling disciple, Eleventh Elder. Mukhang talagang tingin niya mas malakas siya kay Oliver. Saan kaya niya nakukuha ang tapang na hamunin ang isang disciple na ranked eighth sa kanilang lahat,” nakangiting sinabi ng Second Elder.Hindi siya pinansin ni Elder Godfrey at nagpatuloy sa pagmamasid kay Fane. Talagang kabaliwan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2149

    Walang naniwala sa kanya. Imposibleng magkakilala lamang sila. Ang ugnayan nila ay siguradong mas malalim dito. Gayunpaman, hindi pa rin sila sigurado kung paanong nagkakilala ang dalawang ito.“Kung ganoon, kakaiba ka pumili ng huling disciple. Siguro ito ang magpapaliwanag kung bakit ang napili mo ay medyo… kakaiba rin. Kahit anong mangyari, kahit tingin mo tama ang napili mo, hindi ba masyado siyang kampante?”Kumurap lamang nang inosente si Elder Godfrey at hindi nagsalita. Natawa ang First Elder. Iba sana ang mga salitang ginamit niya kung walang nanonood sa kanila. Sa halip ay lumingon siya at sinabi kay Fane, “Sinasabi mong mas malakas ka kay Oliver, ha? Kung ganoon, bakit hindi mo patunayan ang sarili mo? Ang battle platform ay nasa harapan mo! Isang laban lang at malalaman na natin kung sinong mas malakas!”Nakita ang kagustuhang manakit sa mga mata ni Oliver. “Tama ang First Elder! Ikaw at ako, sa battle platform ngayon na!”Lalong nakita ang ngiti ni Oliver. Nakatuon k

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2150

    Tumawa nang malakas si Wesley. Pagkatapos ay huminga siya nang malalim at sinabi, “Dito niya malalaman na hindi niya dapat banggain ang kuya ko! Hindi lamang kami ang minaliit niyua kundi ang lahat ng mga formal disciple!”Hinila ni Brook ang manggas ni Noel at bumulong dito, “Bakit pumayag si Brother Fane na makipaglaban? Akala ko…”Hindi na siya hinintay ni Noel na makatapos. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Fane? Siya ang nagbigay ng ideyang ito. Hindi niya ito gagawin kung hindi siya sigurado,” nagmamadaling sinabi ni Noel.Walang masabi si Brook. Kumunot ang noo niya at tumingin siya kay Noel. “Akala ko ginagalit lang niya si Oliver. Baka hindi niya inakalang papayagan siya ng First Elder at Second Elder.” Suminghal si Noel sa pagsuko at bumulong siya sa kanyang sarili. “Mukhang hindi mo talaga kilala si Fane. Hindi ko na dapat sayangin ang hininga ko at manahimik na lang. Hindi naman sa sigurado ako sa nasa isip niya. Ang alam ko lang ay dapat hintayin natin ang resulta.”

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2151

    Namula ang mukha ni Oliver; nagsimulang manginig ng kanyang kamay ng kusa na para bang gusto niyang sakalin si Fane.Sa sobrang inis ni Wesley na halos mangisay ito. “Putang ina mo! Inaaksaya mo lang ang oras ng lahat sa pagsasalita mo tungkol sa pusta! Para naman kaya mong manalo laban sa kuya ko!”Nagtaas ng kilay si Fane. Gaano kayang nakakainis si Wesley?Tiniis ni Fane ang walang katuturan na ito ng matagal! Nilingon niya ito para harapin at sinabi, “Wala kang kinalaman dito, kaya pwede bang tumahimik ka? Naiinis ako sa boses mo!”Pagkatapos niyang sabihin ito, tumingala si Fane at tiningnan si Elder Godfrey; sinenyasan niya si Elder Godfrey gamit ng kanyang mga mata. Nagtaas ng kilay si Elder Godfrey. Natural niyang naunawan kung ano ang ibig sabihin ni Fane; ang pagbabanta sa kanyang mga mata ay halatang halata. Mukhang kapag hindi pa siya nagsalita ngayon, aalis na siya, kaya napabuntong hininga na lang siya.Lumapit siya at sinabi ni Wesley, “Tama si Fane. Ang bagay na ito

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2152

    Pitong daang contribution points?! Marami ang nagulantang nung narinig nila ito. Walang nakakaalam kung saan mapupunta ang tanong na ito.Napangiwi si Oliver. Syempre, meron siyang pitong daang contribution points. Syempre, isa siyang formal disciple. Samahan pa ng katotohanan na malakas siya, ang mag-ipon ng contributions points ay hindi mahirap para sa kanya. Nakalikom na siya ng malaking halaga sa panahon na ito.   Mayabang na tumango si Oliver. “Syempre naman, meron ako. Sinasabihan mo ba ako na itaya ang pitong daang contribution points ko? Meron ka bang ganun kalaking halaga? Sa pagkakaalam ko, kakasali mo lang kaya imposible na magkaroon ka ng ganun.”Sinadya niyang lakasan ang kanyang boses nung sinabi niya ang lahat ng iyon. Malinaw siyang narinig ng lahat, at ilan sa kanila ay tumatango bilang pagsang-ayon. Sa madaling salita, kailangan magpusta ang parehong partido ng magkaparehong halaga, at imposible para kay Fane na magkaroon ng ganun karaming contribution points. K

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status