Dahil gumawa ng malaking ingay ang bagay na ito, maraming mga formal disciple ang gustong subukan ito. Ngumiti nang naiinggit si Noel. “Kaming mga informal disciple ay walang magagawa kundi manood na lang; hindi kailanman dadating sa amin ang ganitong pagkakataon. Gayunpaman, pakiramdam ko kahit sino ay pwedeng maging huling disciple ni Elder Eleven, bukod kay Oliver.” Pagkatapos itong sabihin, tinitigan ni Noel nang matagal si Fane, at naunawaan ni Fane ang ibig-sabihin niya. Bilang kapatid ni Wesley, siguradong kamumuhian ni Oliver si Fane, nang makita ang malaking hidwaan nila ni Wesley. Baka si Fane ang unang taong puntahan nito sa sandaling magkamit ito ng malaking bagay.Natawa si Fane at sinabi, “Naniniwala akong matalinong tao si Elder Godfrey. Hindi siya magiging sunud-sunuran sa isang tao sa hindi alam na dahilan at ibibigay ang kanyang mga pag-aari sa mga tagalabas.”Kumunot ang noo ni Zayn dahil malinaw na hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Fane. Subalit, kumislap
Sino sa mga elder ang tingin mong tatanggap ng disipulong magaling mambola? Maraming mga disipulo ang mahilig mambola ng mga elder, kaya kailangan ba silang tanggapin bilang elder disciple? Kung gustong-gusto niyang nakakatanggap ng papuri, pwede kong isuko ang posisyon ko dito at hintayin siya sa kanyang pintuan araw-araw para bolahin siya nang maraming beses, iba-iba bawat oras.”Natawa dito si Zayn, at maging si Fane ay hindi mapigilang mapangiti. Ngunit walang pakialam si Noel sa reaksyon nila.Habang pabalik sa kanyang kwarto, iniisip pa rin ni Fane ang napag-usapan nila. Sigurado siyang may sariling plano si Elder Godfrey sa pag-aanunsyo niya ng pagbabalak niyang kumuha ng huling disipulo sa sandaling ito. Hindi siya naniniwalang malilimutan ni Elder Godfrey na muntik na siyang mamatay sa Mount Beasts.Galit na galit sa panlalamang ang mga taong nasa posisyon ni Elder Godfrey at hindi nila gagantihan ng kabutihan ang pang-aapi. Posibleng may iba rin siyang binabalak. Habang i
Huminto si Fane bago nagpatuloy sa pagsasalita, “Bukod dun, sa tingin ko ay hindi namin magagawa na itago ang mga bagay na ito, at hindi naman ito isang malaking bagay kahit na sabihin ko ito sa iba. Tutulungan ba ako ni Elder Godfrey kapag nasa panganib ako? Tutulungan ko ba siya at impluwensyahan ang sitwasyon sa pavilion? Bilang isang informal disciple, wala akong halaga sa mga mataas na tao. Kaya natural lang na hindi niola ako idadamay sa kanilang galit kay Elder Godfrey”Bahagyang tumango si Nash dito; may katwiran naman si Fane. Kahit na nag-aalala siya—na humupa na, kahit na paano—binago niya ang takbo ng usapan, dahil ayaw na niyang magtagal pa sa pinag-uusapan nila kanina. “Hindi ba’t sinabi mo sa akin na may nakita kang bangkay pagkatapos mong lumabas ng Ten Absolute Trap Array?” Kaagad na napaalalahanan si Fane sa bangkay na nakita niya. Dahil sa nakabalik na sila ng pavilion, maikokonsidera na nasa ligtas na silang lugar. Sinara niya ang pinto, at walang makakaalam kung
Napasimangot si Nash at tinuon din ang kanyang atensyon sa kanang kamay ng bangkay. Tinaas pa niya ang kanang kamay ng bangkay, at ang nakikita lang niya mula sa gilid ay ang hawak nito na kristal.Subalit, wala silang ideya kung ano ba ang kristal na ito. Ang mag-ama ay nagpalitan ng tingin at sabay na inabot ang kanang kamay ng yumao, sinusubukan na ibuka ang kamay nito. Nung una ay iniisip nila na mahihirapan sila na ibuka ang kamao nito, nang makita nila kung gaano kahigpit ang pagkakatikom nito, pero parehong nakarinig ng lumalagutok na tunog sila Fane at Nash. Ang tunog na ito ay kapareho sa isang mekanismo na pinagana nung sinubukan nila ito. Sa pagkabigla, sabay na binitawan ng mag-ama ang kanang kamay ng kalansay. Nalaglag ang kamay sa lamesa ng may kalabog, at ang mahigpit na nakatikom na kamao ay bumuka, sabay bumuka sa lamesa. Ang kristal na hawal nito ng mahigpit ay lumitaw din sa harapan nila Fane at Nash.Isa itong kristal na kasing laki ng palad, at nakapaloob dit
Habang iniisip ito, sinabi ni Fane, “Kapag nakahigop ng patak ng heavenly blood, magagawa kong palakasin ang aking Divine Void Heavenly Path!”Ang martial art technique na gamit ni Fane ay ang Divein Void Heavenly Path, at ito ay tungkol lahat sa pagkontrol sa laws of space. Ang patak ng dugo mula sa Ancient Eclipse Dragon ay taglay ang mga talento at kakayahan ng halimaw sa pagkontrol sa laws of space. Kapag nagawa niyang higupin ang patak ng dugo nito, ang kanyang kontrol sa laws of space ay lalakas!Sa kalagitnaan ng kasiyahan ni Fane, biglang sumingit si Nash, “Hindi mo ba naisip na parang may kakaiba?”Nagtaas ng kilay si Fane at tiningnan si Nash, na naguguluhan. Bumuntong hininga si Nash bago ipinaliwanag, “Ang unang bagay ay ang Scattered Soul Crystals, at ngayon naman ay ang dugo ng Ancient Eclipse Dragon na may taglay na laws of space. Pakiramdam ko ay sadyang hinanda ang mga bagay na ito para sayo, at nagkataon na kailangan mo ang mga ito. Hindi mo ba naiisip na masyado n
Nabigla na lang si Noel dahil hindi siya makapaniwala. “Kung mahalaga ito, sa tingin mo ba ay magagawa ko pang umupo lang dito, habang nagpapakasaya na uminom ng tsaa habang nakikipag-usap sayo?”Tauhan di Fane dahil dito; may katwiran si Noel. subalit, ano naman ang pwedeng gumulo sa lahat ng ito pwera dito?Hindi na naghintay si Noel na magtanong pa at kaagad na pinagpatuloy, “Hindi ba’t sinabi mo sa akin noon, na si Elder Eleven ay pipili na ng una at huli niyang disipulo? Ang mga formal disciples ay naglalaban dahil dito. Sumali pa nga si Oliver sa wager battle arena kasama ng iba pang mga formal disciples dahil dito. Ang wager battle arena ay punong puno ng tao na wala nang lugar na pwedeng tumayo lang, kapag nakita mo kung gaano karami ang tao na nandoon. Gusto mo bang pumunta at tingnan?”Napabuntong hininga na lang si Fane; hindi niya naisip na isa itong mahalagang bagay. Ang bagay lang naman na ito ay tungkol sa kung sino ang magiging final disciple, kaya ano naman ang espe
Ayaw lumahok ni Fane sa event. Tinikom sandali ni Noel ang kanyang labi at saka sinabi, “Si Elder Eleven ay isa sa mga formal elders, at ito lang ang nag-iisa niyang disipulo. Hindi ito maituturing na isang malaking bagay sa Dual Sovereign Pavilion. Nauunawaan ng mga disipulo natin kung ano ang nangyari sa mga formal disciples, kung kaya bakit binibigyan ng espesyal na atensyon ng lahat ang bagay na ito. Higit dun, ang lahat ng iba pang mga formal elders ay binigyan din ng mataas na pagpapahalaga ang bagay na ito. Kaya sampung araw simula ngayon, ang lahat ng mga informal elders ng inner gate ay nandoon rin sa lugar ng pagtitipon para sa roll call.”Napangiwi si Fane dahil dito. Dahil ang lahat ng mga formal elders ay dadalo, hindi siya pwedeng umasta na hindi siya apektado ng mga patakaran at ipagpaliban ang kanyang sarili mula sa event. Nagtaas siya ng kilay, at ang may dignidad na Elder Godfrey ay pumasok sa kanyang isipan. Labis siyang nagtataka kung sino ang pipiliin ni Elder God
Ang dugo ng mythical beast na nagwawala na parang isang mabangis na nakawala ng hawla ay lubhang maligalig. Mukhang gusto nitong sumugod palabas at tumakas sa ere. Paano naman hahayaan ni Fane na mangyari ang bagay na iyon? Naglabas siya ng isang itim na punyal mula sa Mustard Seed at hiniwa ang kanang palad niya. Kaagad na dumugo ang sugat, at nung patakas na sana ang patak ng dugo ng mythical beast, tinaas niya ang kamay niya na may sugat para hablutin ang dugo at ikulong ito sa kanyang palad. Pagkatapos ay mabilis niyang diininan ang patak ng dugo kung nasaan ang ginawa niyang sugat. Ang dugo ng mythical beast ay kaagad na humalo pagkatapos dumikit sa dugo ni Fane. Hiss!Ang tunog nito ay parang isang nagbabagang bakal na inilublob sa malamig na tubig. Napasimangot si Nash, at lalong umigting ang pag-aalala sa kanyang mga mata.Subalit, walang sinabi is Fane. kaagad niyang diniinan ang sugat pagkatapos maghalo ang kanyang dugo at ang dugo ng mythical beast. Ang dugo ng mythica
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin