Tumaas ang kilay ni Ambrose, naawa siya kay Fane dahil totoo ang sinabi ni Zeph. Kahit nandiyan pa o wala si Fane, walang magbabago sa Dual Sovereign Pavilion. Si Zeph rin ang may pinakamalaking kapangyarihang magdesisyon sa Dual Sovereign Pavilion. Si Fane ay isa lamang kandidato para sa pagsusulit at wala siyang kapangyarihan para kontrahin ang desisyon ni Zeph. Gustong magsalita ni Ambrose para kay Fane ngunit ayaw niyang sumugal dahil baka totoo ang sinasabi ni Zeph na espiya si Fane at ituturing siyang isang traydor dahil sa pagtulong niya kay Fane. Kaya, nanahimik siya at pinagmasdan ang pangyayari. Lalong naging seryoso ang mukha ni Fane sa sandaling iyon. Napagtanto na niyang hindi madaling maaayos ang bagay na ito. Lumapit sa kanya si Zeph nang nakataas ang kilay at bumulong sa taenga ni Fane, "Sumuko ka na, bata. Bilang isang officer ng Dual Sovereign Pavilion, kapag sinabi kong hindi ka pwedeng kumuha ng pagsusulit, hindi talaga pwede. Ito ang napapala mo sa pagbangga sa
Read more