Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Kabanata 1971 - Kabanata 1980

Lahat ng Kabanata ng Numero Unong Mandirigma: Kabanata 1971 - Kabanata 1980

2505 Kabanata

Kabanata 1971

Ang gayong halatang hamon na ginamit sa kasuklam-suklam na paraan. Hindi mapigilan ni Fane na matawa ng malamig pagkatapos niyang marinig ito. Ang hamon na ito ay epektibo para sa iba, ngunit hindi kay Fane.Ang iba pang mga bagong recruit na informal disciples ay nabuhayan ng loob matapos nilang marinig ito at tuwang tuwa na tiningnan si Fane, na inuudyok ito na tanggapin ang hamon. Para sa mga taong ito, si Fane ay may kakayahan na labanan si Wesley.Ng maisip na baka hindi sumang-ayon si Fane na tumaya sa kung paano katahimik si Fane bukod sa ngisi nito, natataranta na dagdag ni Wesley, “Ikaw ang numero-unong disipulo sa lahat ng mga bagong salta. Kung natatakot ka na ngayon, ano sa tingin mo ang iisipin ng iba tungkol sayo sa hinaharap?”Nagsalita si Fane ng may mahinang boses, “Wala akong pakialam kung ano ang isipin sa akin ng ibang tao. Hindi ba’t gusto mo kong labanan sa wager battle arena? Pwes pagbibigyan ko ang kahilingan mo, pero hindi ko ginagawa ang bagay na to dahil s
Magbasa pa

Kabanata 1972

Dahil wala silang lakas para taluninsi Wesley, ang tanging magagawa na lang nila ay ang asahan si Fane an maipaghihiganti sila nito. Ang balita ng pagkikita nila Fane at Wesley sa wager battle arena ay mabilis na kumalat na parang apoy. Lahat ng mga informal disciples ay nalaman ang balitang ito sa loob lamang ng isang oras.Kaya naman, ang lahat ay naghintay na lumipas ang oras, inaabangan ang kapanapanabik na laban. Muling hiniling ni Fane na lumabas si Nash pagkatapos nitong pumasok sa sarili niyang kwarto at binigyan ito ng maikling paliwanag tungkol sa nangyari. “Alam ko na malakas ang tiwala mo sa sarili mong lakas, pero hindi magiging madali na labanan si Wesley,” pag-aalala ni Nash. “Kahit na pinuri ka ni Elder Lee na isa ka dapat sa top three hundred informal disciples, si Wesley naman ay isa sa top two hundred. Ganun ba kalaki ang tiwala mo sa duwelo mo sa kanya?”Umiling si Fane. “Hindi ako isang daang porsyentong kampante sa ngayon.”Natural lang na kinabahan si Nash n
Magbasa pa

Kabanata 1973

Gulat na tiningnan ni Fane si Brook nung marinig niya ito. Ramdam niya na may ibang ibig sabihin si Brook mula sa pananalita nito, at ng medyo nakasimangot, nagtanong si Fane, “Magiging isa siyang elder disciple pagkatapos lang niyang maging isang formal disciple?”Ang hakbang para maging isang formal disciple ay nakalagay sa jade identification card, pero walang nakasulat sa jade strips tungkol sa kung paano maging isang elder disciple o chosen disciple. Alam ni Fane na ang isang elder disciple ay mas mataas kaysa sa pangkaraniwang na informal disciple, pero hindi sila ganun kataas.Ang pinakamahalagang disipulo sa buong pavilion ay ang mga chosen disciples dahil sila ay ang namumukod tangi sa lahat. Tanging ang mga napili lamang na maging chosen disciples ang pwedeng magsanay ng martial art technique at martial skills ng pinakamataas na lebel.Subalit, walang alam si Fane kung paano magiging isang chosen disciple.Magalang na ngumiti si Brook; napagtanto niya siguro na walang mas
Magbasa pa

Kabanata 1974

Pagkatapos higupin ang soul fragments ng great master, nakaranas si Fane ng isang mas malawak na mundo. Kahit na ang Hestia Continent ay mas malakas pagdating sa pagsasanay kung ikukumpara sa mundo ng Cathysia, hindi pa din sila maikukumpara sa Divine Void World.Ito lang naman ay posisyon bilang isang chosen disciple sa isang maliit na pavilion sa may West Cercei Island ng Hestia Continent. Hindi ito masyadong pinansin Fane. Tumingala si Brook at tiningnan si Fane bago palihim na umiling.Nakita niya kung gaano kadeterminado si Fane sa kagustuhan nito na maging isang chosen disciple. Sa buong taon, marami na siyang nakasalamuha na mga disipulo, at lahat sila ay nakitaan niya ng ganitong ekspresyon sa kanilang mga mukha. Subalit, ang determinasyon na manalo ay maglalaho din sa loob ng isa o dalawang taon. Talagang mahirap para makuha ang posisyon na iyon dahil ang mga chosen disciples ay ang sampung pinakamalakas na tao sa buong pavilion.Kahit na ang Dual Sovereign Pavilion ay wa
Magbasa pa

Kabanata 1975

Nung binuksan ni Fane ang pinto para pumasok sa bulwagan, hindi niya masabi kung pinaglalaruan lang ba siya ng kanyang isipan o talaga bang nararamdaman niya ito: Nararamdaman niya na para bang ay hangin na umiihip papunta sa kanya at dumiretso sa kanyang kaluluwa mula sa kanyang katawan. Kinilabutan siya dahil dito. Simple lang ang dekorasyon ng bulwagan, at may ilang mga maliit na pinto sa likuran ng bulwagan, na kasing taas ng tao. Iab’t ibang uri ng anting-anting at mga marka ang nakaukit sa mga pinto, at sa isang tingin lang, pakiramdam ni Fane ay sobrang sakit na ang kanyang mga mata na halos hindi na niya magawang tingnan ang mga ito. Isang lamesa ang nakalagay sa harapan ng mga pintong ito, at isang disipulo ang natutulog sa likod ng lamesa. Alam ni fane na isa din itong informal disciple mula sa damit pa lang nito, ngunit hindi siya makilala ni James. Alam din niya na ang gawain na ito ay hindi binibigay sa mga bagong informal disciples. Marahil ay isa itong informal disc
Magbasa pa

Kabanata 1976

”Hindi mo naman kailangan na kausapin ako ng ganyan; may dahilan ako para sabihin ang sinabi ko. Ang mga martial arts techniques o mga martial skills na may soul attribute ay maituturing na isa sa mga pinakamahirap na sanayin. Wala naman akong iba pang katanungan kung nagsasanay ka ng martial art techniques o kaya martial skills ng five element attributes. Isipin mo na lang na pinipilit lang kita. Kahit ang mga henyo sa pavilion na ito ay hindi lang basta-basta nagsasanay para sa kanilang martial art technique o kaya martial skills na may soul attribute, lalo na ang mga kagaya mo, na isang baguhang informal disciple.”Hindi naman ekseherado si Noel sa kanyang mga salita. Sa lahat ng mga martial art techniques o kaya martial skills, ang mga nasa five element attributes ang pinakamadaling sanayin. Kahit na ang kapangyarihang nakukuha nila pagkatapos makarating sa lebel ng pagkumpleto ay hindi kasing lakas ng martial art techniques at martial skills ng ibang attribute, madali lang iton
Magbasa pa

Kabanata 1977

“Tigilan mo na ang pag-iisip na malakas ka kaysa sa ibang tao. Maraming kagaya mo ang ganyang mag-isip, pero sila ay naging mga halimbawa para sa mga sumunod sa kanila na nangangarap ng gising.” Hindi pinaalalahanan ni Noel si Fane; hinahamak niya si Fane sa pagbubuhat nito ng bangko. Tulad ng sinabi niya, marami ang mga disipulo sa pavilion, pero maliit lang ang bilang ng mga tao na nagsasanay ng martial art technique o martial skill na may soul attribute.Lalo na, ang kaluluwa ay isang mahiwagang bagay, at hindi ito nahahawakan di kagaya ng limang elemento. Maraming mga seniors ang nagsasanay ng gold, wood, water, fire, at earth elements, at sila ay pwedeng gawing gabay.Tumango lang ng bahagya si fane at hindi nagsalita, na tinawanan lang ni Noel ng walang pakialam at nagpatuloy, “Dahil nagpupumilit ka na pumasok at aksayahin ang sampung contribution points, wala na akong iba pang sasabihin.”Ayaw maniwala ni Noel na may kakayahan si Fane na pabilisin ang kanyang mastery sa marti
Magbasa pa

Kabanata 1978

Nagalit lalo si Noel habang nagsasalita. Hindi niya mapigilang sumugod para sampalin si Fane nang malakas sa mukha para magising ito sa katotohanan. Hindi sana niya sasabihin ang lahat ng ito kung hindi siya madadamay kapag napuruhan ang kaluluwa ni Fane.“Alam mo ba ang sinasabi mo? Kapag ginawa mong level two ang difficulty, sigurado akong mas tatagal pa sa’yo ang isang taong umiinom ng tsaa. Tatakbo ka nang nakabahag ang buntot mo pagkatapos kong huminga nang ilang beses.” tiningnan ni Noel si Fane na parang nakatingin siya sa isang tanga. Suminghal si Fane dahil alam niyang magmumukha siyang tanga sa mata ng mga taong tulad ni Noel dahil sa ginagawa niya. Ngunit ginagawa niya ito dahil ayaw niyang magsayang ng oras. Higit sa lahat, hindi malaki ang ilalakas ng kanyang martial skill na Destroying the Void kapag nagsanay siya nang tulad ng kadalasan. Sa katotohanan, nakiusap siya kay Noel na lalo itong pahirapin dahil hindi niya maintindihan kung mabisa ba talaga ito sa ganitong l
Magbasa pa

Kabanata 1979

Isa itong madilim na mundo, at napapakabog nito ang dibdib ng isang tao. Ang lahat ng nasa paligid niya ay nababalot ng kadiliman. Inunat ni Fane ang kanyang kamay at kinapa ang paligid niya, ngunit walang kahit ano sa paligid niya. Ngunit pakiramdam niya parang nahihirapan siyang maglakad.Ang espasyo sa loob ay ibang-iba sa labas, at ang dilim ng lugar ay ibang-iba kumpara sa labas. Kapag kinumpara niya ang labas sa isang malinaw na sibol sa isang maliit na sapa, ang lugar na ito ay parang isang paso ng lugaw dahil may kakaibang lagkit ito.Tinikom niya ang kanyang kamao at parang hawak niya ang espasyo sa kanyang paligid. Ito ang tunay na gitna ng Soul Hall, at ito rin ang lugar na makakatulong sa kanyang paigihin ang pagsasanay niya sa kanyang martial skill. Sa katotohanan, napansin niya ang sinabi ni Noel na hindi madaling magsanay dito. Ngunit hindi siya umatras at nagpatuloy siya sa pag-usad. Nang maglalakad na siya ulit, narinig niya ang malalakas na tunog ng hangin mula sa
Magbasa pa

Kabanata 1980

Sumugod sa kaluluwa ni Fane ang mga alon na nabuo ng mga kaluluwa. Kahit na napigilan ng Destroying the Void ang sakit nito, naapektuhan pa rin siya nito. Patuloy na sumugod sa kanya ang mga alon at parang tinutusok ang kaluluwa ni Fane. Ngunit hindi nabahala dito si Fane—sa katotohanan, natuwa pa siya dito. Higit sa lahat, nakahanap na siya ng dahilan kung bakit hindi niya mabuo ang pangalawang soul sword. Noon, masyadong maayos ang kaluluwa ni Fane, at hindi siya nakakaramdam ng kakaiba kapag hindi siya siya nasusubukan.Tulad ng sinasabi ni Noel, ang kaluluwa ay isang kakaibang bagay. Kung hindi ito nahaharap sa kakaibang pagsubok, nararamdaman ni Fane ang kanyang kaluluwa ngunit hindi siya nakakaramdam ng ibang bagay. Ngunit ang mga bugso ng kaluluwang ito ay patuloy na humampas sa kaluluwa ni Fane at inatake ito. Ginamit ni Fane ang pagkakataong ito para sanayin ang galaw ng kanyang kaluluwa.Ang pagbuo ng isang soul sword ay nangangailangan ng paggalaw ng kaluluwa at magkakai
Magbasa pa
PREV
1
...
196197198199200
...
251
DMCA.com Protection Status