Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Chapter 1961 - Chapter 1970

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 1961 - Chapter 1970

2505 Chapters

Kabanata 1961

Tumigil sandali si Ambrose bago siya nagpatuloy sa pagsasalita, “Ang totoo, kayong lahat ay mas malakas lang ng konti sa mga runner disciples. Sa loob ng ilang oras, kapag hindi tumaas ang lebel niyo o kaya naman ay maabot ang kinakailangan na kota para sa inyong contribution points, kaagad kayong ituturing na basura at gagawing mga runner disciple. Alam niyo ba kung ano ang ibig sabihin kapag naging mga runner disciple kayo? Bakit? Sila ay mga alipin lamang ng Dual Sovereign Pavilion. Sa mga oras na iyon, ang lugar na ito ay magiging masyado nang magarbo para sa inyo!” Nang matapos sabihin ni Ambrose ang bagay na to, bukod sa ilang mga disipulo na kampante sa kanilang abilidad, karamihan sa iba pang mga disipulo ay nagsimula nang mataranta. Alam nila na kakompitensya nila ang iba pa. Magiging malaking dagok sa kanilang mga ego kapag naging mga runner disciples sila. “Tanging si Fane lang ang nakakuha ng sarili niyang kwarto. Ang iba sa inyo ay magsasama sa iisang kwarto. Ayon sa p
Read more

Kabanata 1962

Nakalista sa jade identification card ang lahat ng patakaran sa Dual Sovereign Pavilion na may detalyadong paliwanag. Makikita din dito ang mga mahalagang bagay na dapat tandaan. Ang kahat ng kailangan ni fane na malaman ay nasa loob nito. Halimbawa, gusto niyang malaman kung paano maging isang formal disciple mula sa pagiging isang informal disciple at nalaman niya na kailangan lang niyang umangat sa initial stage ng acquired level para magawa iyon. Akala niya ay kailangan niyang dumaan sa isang mahirap at mahabang pagsubok para maging isang formal disciple.“Ang kailangan ko lang gawin ay makarating sa initial stage ng acquired level para lang maging isang formal disciple? Hindi ba’t masyado naman ata itong madali?” bulong ni Fane sa kanyang sarili. Lalo na, ang intial stage ng acquired level ay dalawang maliit na lebel lang ang layo mula sa initial stage ng innate level. Dalawang maliit na lebel sa loob ng isang malaking lebel, iyon lang ang naghihiwalay sa isang informal disciple
Read more

Kabanata 1963

Mukhang tamang umalis siya ng Cathysia World dahil mananatili siyang isang mahirap kung hindi siya nagpunta dito. Tumingin si Nash kay Fane at sinabi, “Sinasabi dito na maraming mga informal disciple na nasa initial stage ng intermediate level na naging formal disciple. Atsaka, pwede mong ipalit ang posisyon mo sa isang formal disciple na nasa initial stage ng acquired level kapag natalo mo ito sa isang laban. Ang matatalo ay makakakuha ng posisyon ng isang informal disciple at ang mananalo ang makakakuha ng posisyon ng isang formal disciple. Ah, kaya pala maraming labang nagaganap sa Dual Sovereign Pavilion.” Naranasan ito mismo ni Fane nang matuklasan niyang si Officer Briggs, Elder Lee, at ang iba ay nananahimik lamang pagdating sa mga alitan at labanang naganap sa pagsusulit. Pagdating sa laban, lagi silang bibigyan ng kalayaan ng mga nakatataas, nagpapatunay na ayos lang sa kanila ang magkaroon ng labanan sa pagitan ng mga Clan association. Para bang kapag mas mabagsik ang laban
Read more

Kabanata 1964

Sinabi niya habang nagsusulat, “Ang mundong ito ay iba sa dating pinuntahan natin. Nagbigay pa sila ng isang lugar upang mapabilis ang pagsasanay ng isang tao para mabilis nilang matapos ang isang martial skill. Ang mga nagsasanay ng mga martial skill na may wood attribute ay pwedeng magsanay sa Wooden Spirit Hall. Ang mga nagsasanay ng martial skill na may gold attribute ay pwedeng magsanay sa Golden Spirit Hall! Oo nga pala, ang martial skill nasinasanay mo ay may soul attribute. Ano kayang lugar ang itinayo ng pavilion para sa soul attribute?” Napangiti sa galak si Fane nang marinig niya ito. Ito ang lugar na kailangan niya sa ngayon. Higit sa lahat, hindi siya makausad pagkatapos niyang makabuo ng unang Soul Sword. Dahil dito kaya nagduda si Fane sa kanyang kakayahan at nagtataka siya kung nagkamali ba siya. Ngunit ang Dual Sovereign Pavilion ay may ganitong lugar. “Wala bang Soul Hall sa jade strips? Ang lugar na iyon ay kung saan pwedeng magsanay ng martial skill ang isang
Read more

Kabanata 1965

Dinampot ni Nash ang mga jade strip sa lamesa. Tiningnan niya ito nang maigi at hindi niya maitago ang kanyang pagkabigla habang nagsasalita. “Kahit sa pagkolekta ng mga spirited herb ay pwede kang makakuha ng pavilion contribution points. Hindi ba trabaho ito ng mga manggagawa at tagapagsilbi?” Maraming paraan upang kumita ng pavilion contribution point. Pwede silang mangaso ng monster beast sa ancient forest at kumuha ng mga spirited core mula sa mga ito. Pwede nilang ipalit ang mga spirited core at ibang bahagi ng mga monster beast na maibebenta para sa pera o contribution point sa parehong halaga.Pwede rin nilang tulungan ang mga elder ng pavilion na gumawa ng mga bagay na hindi magagawa ng karaniwang tao. Halimbawa, pwede silang tumulong sa paggawa ng gamot o mga sandata gamit ng kanilang aura. Mayroon ring mga gawaing magagamit nila upang makakuha ng pavilion contribution point.Maging ang pagkuha ng mga spirited grass at flower mula sa kabundukan ay magagamit upang kumita n
Read more

Kabanata 1966

Si Fane ay hindi isang taong sumusunod lang sa agos. Kapag hinayaan lang niya ang mga bagay kahit na nagsusumikap si Warren na kalabanin siya, anong kinaibahan niya sa isang walang kwentang tao?Kailangan niyang pagbayarin si Warren nang matindi dahil kinalaban siya nito sa ganitong paraan. Habang iniisip ni Fane kung paano siya gaganti kay Warren, biglang may kumatok sa pinto niya.Kaagad na sinabihan ni Fane si Nash na pumasok sa Mustard Seed bago ayusin ang kanyang damit at buksan ang pinto. Ang nakatayo sa labas ay walang iba kundi si Ambrose.Bilang Deacon ng Dual Sovereign Pavilion, madalas ay naaatasan si Ambrose sa mga kakaibang utas. Hindi siya lalapit kay Fane kung walang nangyari. Higit pa rito, nakangiti si Ambrose at mukhang maganda ang timpla.Bago pa magtanong si Fane, nagsalita na si Ambrose, “Hindi mo na ako kailangang imbitahin papasok; nandito lang ako para ipaalam sa’yo ang ilang bagay. Kanina lang, personal na inimbestigahan ni Elder Lee ang nangyari sa pagitan
Read more

Kabanata 1967

Pagtalikod ni Fane para isara ang pinto, narinig niyang may tumawag sa kanya nang parang nang-aasar, “Ikaw si Fane?” Kahit na isa itong tanong, mas parang pananakot ang dating nito. Dahan-dahang lumingon si Fane at nakita ang isang lalaking may maikling balbas at nakakatakot na tingin, nakatayo sa malapit. Kahit hindi nakikilala ni Fane ang lalaking ito, nakasuot ito ng damit na nagpapakitang isa siyang informal disciple. Siguro ang lalaking ito ay isang informal disciple na sumama sa pavilion sa pamamagitan ng karaniwang proseso ng pagkuha. Ayon sa katagalan nito doon, dapat nilang tawagin ito bilang kanilang senior brother. Gayunpaman, hindi ito matawag ni Fane nang ganito ngayong nakikita niyang malinaw na hindi maganda ang pakay nito. Sa katotohanan, hindi sana ito papansinin ni Fane ayon sa asal nito. Bago lang dito si Fane at ayaw niyang magmukhang bastos. Tumango lamang siya bilang pagsagot. Tiningnan ni Wesley Sayer si Fane bago tumingin sa bahay sa likuran ni Fane, hab
Read more

Kabanata 1968

Natahimik ang lahat nang marinig nila ang sinabi ni Wesley. Kahit na nasa 3,000 ang mga informal disciple, marami pa rin ang nasa top 300. Kumpara sa 3,000 disipulo, ang top 300 ay isa lamang bahagi ng kabuuang bilang ng tao, pero marami pa rin ito.Syempre sinabi ni Elder Lee na si Fane ay nasa top 300 sa mga informal disciple, pero may punto si Wesley—hula lamang ito ni Elder Lee. Para naman kay Wesley, napatunayan niyang nasa top 200 siya sa mga informal disciple gamit ang kanyang lakas. Hindi nakakagulat para kay Wesley na maging mayabang dahil talagang may mapapatunayan siya. Syempre, kaya niyang talunin ang bagong-saling informal disciple gamit ng kanyang lakas. Maraming tao ang hindi makakontra dahil totoong nasa top 200 siya. Ngunit mayroon pang mga taong hindi natatakot sa lakas niyo at sinigawan nang malakas si Wesley, "Hindi mo pwedeng sabihin 'yan. Matagal ka nang naging isang informal disciple. Makalipas ang matagal na pagsasanay, natural lang na maging mas malakas ka
Read more

Kabanata 1969

“Kahit kaming mga sumama sa Dual Sovereign Pavilion sa karaniwang paraan ay hindi nagsasabing magiging isa kami sa top 200 informal disciples sa loob ng anim na buwan.” Pagkatapos magsalita ng lalaking may matulis na mata, kaagad na sumabat ang dalawang tauhan nila, “Tama! Mga mangmang lang kayo at ang alam niyo lang ay magyabang. Hindi kayo makatotohanan sa sinasabi niyo. Ang kapal ng mukha niyong mga pambala ng kanyon na ikumpara ang sarili niyo sa aming senior brother Wesley? Sasabihin ko sa inyo: Ang laban sa pagitan ng dalawang pavilion ay mangyayari na, at hindi pa kami sigurado kung mabubuhay kami. Sino kayang nagbigay sa inyo ng tapang na magyabang nang ganyan?”Ngumisi ang lalaking may matulis na mata at tiningnan ang mga bagong disipulo nang mukhang nandidiri. “Bata, huwag na nating pag-usapan ang pakikipagpaligsahan kay senior brother Wesley. Bibigyan ko kayo ng anim na buwan bago niyo labanan ang aking junior brother sa wager battle arena. Baka hindi pa kayo tumagal sa l
Read more

Kabanata 1970

Kaagad na nagkaroon ng epekto ang sinabi ni Fane sa mga bagong disipulo. Ang mga nanahimik kanina ay kaagad na umasal na parang ang lakas nila.“Tama! Masaya ba kayong ipahiya kami nang walang dahilan? Kahit na malakas ka at isa ka sa top 200 informal disciple, kakasali lamang namin sa pavilion. Pinahiya ba kayo ng mga matagal na sa pavilion noong bago pa lang kayo?” “Tama! Ang alam niyo lang naman ay apihin kami!”Nagalit si Wesley nang marinig niya ito. Suminghal siya nang mayabang at tumingala, sinasabing, “Huwag niyo kaming ikumpara sa inyo. Tingin niyo ba karapat-dapat kayo? Mga pansamantalang produkto lamang kayo. Kung walang laban sa pagitan ng Muddled Origin Clan at Dual Sovereign Pavilion, tingin niyo ba magkakaroon kayo ng pagkakataong makasali sa Dual Sovereign Pavilion?!” Lumingon si Wesley kay Fane, at nakabaon kay Fane ang poot sa mata niya na para bang mga spadang may lason. Ngunit mukhang hindi apektado si Fane sa tingin ni Wesley sa kanya at nanatiling kalmado.
Read more
PREV
1
...
195196197198199
...
251
DMCA.com Protection Status